ATVK #9

1399 Words
" Sigurado ba kayong okay lang si Xy? " " Malamang nahinga nga eh " " Batukan kaya kita Josh? Gusto mo? " " Wag naman Babe " " Tumahimik nga kayo! Nakita nyo naman na natutulog si Xy! " " Ikaw nga tong maingay jan eh! " " Wow! Ako pa hah! " " Bakit sino ba yung nasigaw?! Diba ikaw?! " " Guys tahimik naman kayo oh, baka magising si Xy " " Eto kasing lalaki na to eh! Napakaingay! " " A-anong--- Hoy! Ako pa talaga hah " " Will you all just shut up! " tumigil sila sa pagtatalo nang sumigaw ako. Rinding rindi na ko sa kanila. " Omy gosh Xy, okay kana ba? " nag-aalalang tanong ni Barbie. " Ano bang nangyari sayo girl? " tanong ni Donna. " Oo nga girl. Bakit ka nahimatay? " tanong ni Angel. " Wait? What? Me? Nahimatay? " tumingin ako sa kanila. At himala kumpleto sila ngayon. " Duh! Natagpuan kana lang na sa sahig ng elevator buti na lang talaga at kalapit unit mo lang yung nakakita sayo. Ano bang nangyari? " Ano nga ba talaga ang nangyari? Wala naman akong maalala kundi ang paghatid sakin ni Mr. Dryx papunta dito and nothing more. Arrggghh! " I don't know. I don't remember " " Hala! May amnesia ka " masama naming tinignan si Mark kaya nagpeace sign sya. " Anyway gutom kana ba Xy? Gusto mo bang kumain? " tanong ni Barbie. " Ako Barbie. Gutom na ko, kainin kita" sabat ni Jennie gurl. " Tigilan mo kong babae ka. Di ako napatol sa tilapia" nangdidiring sabi ni Barbie kaya natawa kami. " Dali na Barbs. Kung ayaw mo kong kain ka. Ako na lang kainin mo" humawak pa si Jennie sa braso ni Bakla kaya etong si bakla tumakbo palabas habang sumisigaw. " Layuan mo ko Jennie!!! Help! r**e!" sumunod naman kagad si Jennie palabas ng kwarto. " Mga siraulo talaga. Nood na lang kaya tayo ng movie. Magmovie marathon tayo! " suggest ni Josh. " Tama! Tama! Magmovie marathon tayo. Kami na sagot sa pizza " masayang sabi ni Jhay-ar. " At kami naman bahala sa drinks and movie " sabi ni Marjorie. " Mauna na kayo sa baba maliligo muna ko " sabi ko at nagsilabasan na sila. Tumayo ako at kumuha ng Pajama. Pagtapos ko maligo kagad akong bumaba at naabutan ko ang mga boys na nagaayos ng pagkain habang ang mga girls naman ay nagtatalo tungkol sa kung ano papanuorin. Si Barbie at Jennie naman ay busy sa pag-aasaran. " Etong Hello, love goodbye na lang " suggest ni Donna at pinakita yung CD na hawak niya. " Eww! Wag yan! Etong Wrong turn na lang. Maganda pa " pinakita ni January yung apat na CD ng Wrong turn. " Nako January ! Yung bastos lang yung gusto mong panoudin dun eh " kantyaw ni Joyce. Kaya nakikantyaw din yung ibang girls. ' Mga siraulo talaga sila ' Iling-iling akong pumunta sa kusina at kumuha ng beer in can at binuksan iyon. Sumandal ako sa may lababo habang iniinom yung beer. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin sa elevator. I mean literally wala akong maalala. Pero feeling ko may nangyari dun or something na ginamit sakin para mawalan ako ng alaala. Tinignan ko ang kabuohan ng katawan ko pero wala naman akong makitang galos sa katawan ko. Kaya hindi pwedeng may ginawa saking di kanais-nais. Wala rin naman pwedeng manakaw sakin kundi yung cellphone ko at nakita ko naman yung cellphone kong nakacharge sa kwarto. Tumingin ako sa may ref at nakita ko ang reflection ko. " Wala namang sugat tong mukha ko " kaya napaka-imposible na may nangyari saking kakaiba sa elevator. " Siguro pagod lang talaga ako kaya ako hinimatay " tumingin ako sa leeg ko at nakita ko yung kwintas na itinago ko sa loob ng damit ko. " Pero bakit wala akong maalala " Hinawakan ko yung heart pendant na medyo malaki pero di sya mabigat sa leeg, para lang talaga siyang ordinaryong kwintas. ' Ordinaryo lang ba talaga ito? ' Nagtataka talaga ako sa kwintas na to eh. Ayaw talagang matangal sakin. Feeling ko sa t'wing tatanggalin ko to ay sumisikip na ewan. Hindi ko talaga maexplain. Tinago ko ulit yun at lumabas sa kusina. Tapos na mag-ayos yung mga lalaki habang ang mga babae naman ay tapos na mag-away sa kung ano ang papanuorin. At ang kanilang napili ay Twilight Saga, namimiss na daw kasi nila si Edward Cullen. Nakapatay na rin ang ilaw at mukhang ako na lang ang inaantay nila. Nakaupo sa sofa ang mga couple habang si Barbie na nasa sahig atkatabi si Jennie na nakasiksik sa kanya at ako naman ay nakaupo sa single sofa at tahimik na pinanuod yung palabas. Tahimik lang silang nanunuod pero habang tumatagal ay nag-iingay na sila. Gusto ko silang batukan, hindi ako makapagconcentrate sa pinapanuod ko. " Ilipat nyo na nga " " Ang panget naman ni Edward eh. Mas gwapo pa ko jan " " Shut up Mark " " Nanunuod pa ba kayo? Inaantok na ko guys. Maaga pa ko papasok bukas " tanong ni Donna. " Oo nga. Past 12 na " tumingin ako sa digital walk clock at malapit na pala mag-ala una. " Xy, uuwi na kami hah " tumingin ako sa kanila. " Sige. Ingat kayo " Lumapit sakin si Barbie kaya nagtaka ako. " Okay ka lang ba talaga Xy? " ngumiti ako sa kanya para ipakita sa kanya na okay lang talaga " Sige. Mauuna na kami. Magpahinga kana " " Mag-ingat kayo. Bye " humalik muna sila sa pisngi ko bago sila umalis. Huminga ako ng malalim at kinuha yung remote ng DVD para ipause yung palabas. Nagsimula na rin ako maglinis ng mga kalat nila. Kahit kailan talaga hindi sila marunong maglinis. Tsss. Kinuha ko sa storage room yung vacuum at sinimulan ng gamitin yun para sa mga tira-tirang popcorn. Yumuko ako para linisin yung ilalim ng coffee table pero napatigil ako sa paglilinis. Tinitigan ko ng maigi yung TV at dun nakapause si Edward na namumula ang mata at nakalabas ang mga pangil niya. Mapupulang mata at pangil Ang weird pero parang nakita ko na yan somewhere pero di ko maalala. Pero impossible din dahil wala namang bampira sa mundo, lahat sila ay gawa lang ng imahinasyon ng tao. There is no such thing as vampires. Pagtapos ko maglinis ay pumunta na ko sa kama ko. Tumitig ako sa kisame at iniisip ang mga nangyari kanina. " Bakit ba kasi wala akong maalala? " tanong ko sa kawalan at nagbabakasali na may sumagot but in second thought sana wala na lang sumagot. Tumagilid ako paharap sa veranda ng kwarto at agad napabagon ng makakita ako ng anino dun. Di ko makita pero alam ko na sakin siya nakatingin kahit na madilim pero Imbis na matakot ako wala akong maramdaman na iba. Wala akong maramdaman na takot sa katawan ko at mas kinatatakot yun ng utak ko. Wala akong maramdaman na emosyon kundi kalmado. Tumayo ako sa kama at hahakbang na sana ako palapit sa veranda ng biglang mawala yung anino. Yung kaninang pagiging kalmado ko ay biglang nawala. Tumakbo na sa buong katawan ko ang takot. Takot sa nakita ko at takot na baka balikan ako nun kaya habang sapo ko ang dibdib ko ay mabilis akong pumunta sa veranda at nilock yung sliding door doon. Tinakpan ko na rin ito ng kurtina at kagad akong tumakbo sa kama ko at nagtalukbong. Nanginginig ang buo kong katawan, dali dali kong kinuha ang cellphone ko at sinubukan mag-dial pero hindi ko magawang magtype dahil sa panginginig ng kamay ko. Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko at parang gripo iyon sa sobrang dami at hindi ko mapigilan. Napapitlag ako ng makaramdam ako ng sobrang lakas na hangin kaya inalis ko ang pagkakatalukbong ko. Wala naman akong ibang makitang kakaiba. Sarado ang veranda. Ang takot na nararamdaman ko ay biglang nawala. Ganto din yung naramdaman ko kanina. Gantong-ganto din. Luminga ako sa paligid pero wala akong makitang kakaiba. " Naprapraning na ko " humiga ako ng maayos at hinayaan ang sarili kong matulog. Pero bago pa man ako lamunin ng dilim ay nakaramdam ako ng braso na nakayakap sakin. Gusto kong manglaban pero hinahatak na talaga ako. " Sleep tight Xy. Sleep "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD