" Saan ka galing Master Dryx? " tinignan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.
" Saan ka ba galing Master Dryx? Alam mo bang nag-aalala ako sayo " umupo ako sa sofa at tinignan siya na para bang siya na ang pinakawalang kwentang bagay na nakita ko.
" Sa kanya" maikli kong sagot. Tumango na lang siya at binigay sakin ang isang kopitang dugo ng hayop.
" Kailangan mo nang makuha ang iyong puso Master Dryx " huminga ako ng malalim at tumingin sa kawalan " Kung hindi mo makukuha ang iyong puso ay manghihina ka Master "
Matapos ang labanan noon sa pagitan ng Pure Blood Vampire at ang Half Blood Vampire ay kinailangan tanggalin ang puso ko upang di ito manghina katulad ng katawan ko noon dahil bata pa ko noong naganap ang digmaan.
Nagpalakas ako sa pamamagitan ng pagtulog. Ilang libong taon ang ginugol ng katawan ko bago ito'y maging malakas. At sa muling pag-gising ko ay ibabalik ko ang puso ko pero di ko inaasahan na nasa iba na iyon.
Xyriel Sy
Mahirap at hindi madali ang makapasok sa kwarto ko pero isang mortal na katulad niya ang nakapasok ng walang hirap at nagawa pang nakawin ang puso ko.
At dahil nasa kanya ang puso ko, hindi na magiging tulad ng dati ang mga magagawa ko. Limitado na lang ito. Kailangan ko siya sa tabi ko para kahit papaano makakuha ako ng lakas mula sa puso ko.
" Master Dryx, may nakakita ba sa iyong Half Blood? " tumingin ako kay Grim. Nilapag ko ang kopitang hawak ko.
" Oo at balak niyang saktan ang may hawak ng puso ko " walang gana kong sagot.
Hindi pwedeng masaktan ang may hawak ng puso ko dahil masasaktan din ang puso ko at pati na rin ako. Kaya hanggang maaari ay dapat ligtas lang ang mortal na iyon.
" Grim, may ipaguutos ako sayo "
" Ano yun Master Dryx? " sinabi ko sa kanya ang mga kailangan ko.
Pagdating ko sa classroom ay tinignan ko ang upuan ni Zachiko at himalang wala siya.
' Asan kaya yun? '
Bumugtong hininga na lang ako at umupo sa upuan ko.
' Teka? Bakit ko ba siya hinahanap? Wala naman akong pakielam sa kanya hah. Tama tama wala kang pakielam dun Xy '
Nagpatuloy ang klase namin hanggang sa maglunch break. Lahat ng kaklase ko ay lumabas ng classroom para kumain. At habang ako naman ay nakaupo lang sa upuan ko. Tinatamad akong lumabas at wala akong ganang kumain.
Sumandal ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata. Di ko talaga malimutan yung nangyari kagabi. Kahit antok na antok na ko alam kong may yumakap sakin pero pag-gising ko naman ay walang tao. Kinikilibutan tuloy ako sa twing naiisip ko yun. Parang ayaw ko na tuloy umuwi sa condo pero mas ayokong umuwi sa bahay.
Matagal ako sa ganung posisyon nang magbell at hudyat na tapos na ang lunch break. Mabilis nag si datingan ang mga classmates ko at nagpatuloy ang klase.
Nang matapos ang dalawang subject ay hinintay namin ang pagdating ng instructor namin sa susunod na subject.
" Guys Absent daw si Mrs. Arciaga pero may iniwan siyang activity at kailanga yun ipasa ngayon sa table niya at ang walang gawa daw ay 0 sa recitation bukas " sabi ng Mayora namin sa classroom. Gustong mag-saya ng mga kaklase ko dahil vacant kami ng two hours pero marami-raming activity ang pinagawa niya.
" Shock, naiwan ko sa condo yung LM ko " lahat ba naman ng pwede kong iwan bakit yung importante pa. Lumabas ako ng classroom at pumunta sa library.
Pagpasok ko sa library ay may mga tao rin pero karamihan sa kanila, natutulog o di kaya naglalandian na magjowa. Ginawa ba namang dating spot to.
Pumunta ako sa pinakadulo kung saan medyo walang tao dahil dun nakatutok yung aircon kaya bibihira lang ang tumatagal dun.
Nilapag ko yung bag ko sa upuan at pumunta sa book shelf ng subject na kailangan ko. Matapos ko hanapin yung libro na kailangan ko, bumalik agad ako at sinimulan ang pagsasagot ng napakaraming activity.
Busy ako sa pagsasagot pero na pahinto ako. Ewan ko ba kung bakit ako napahinto tapos feeling ko pa merong nakatingin sakin. Tumingin ako sa kanan pero wala naman akong nakikitang tumitingin dahil busy sila sa mga ginagawa nila.
' Weird '
Binalik ko ang tingin ko sa libro at sa notebook ko at sinagutan ulit ito.
Inabot ata ako ng kalahating oras sa pagsasagot bago ako natapos.
Niligpit ko ang mga gamit ko at nilagay yun sa bag at yung libro na ginamit ko ay binalik ko na sa shelf dahil tapos na rin naman ako at di ko na kailangan yun. Sinakbit ko sa balikat ko yung bag ko at kinuha yung libro.
Binalik ko na sa shelf yung libro at aalis na sana ako pero napatigil ako. Dahan-dahan akong humarap sa likod ko at nakita ko sa may dulo ng shelf nito ang isang anino.
Takot ang unang tumatak sa isip ko. Gusto kong umalis pero nawalanan ng lakas ang mga binti ko para umalis sa pwesto ko. Nagsimula na rin manginig ang buong katawan ko.
' Sino ka ba at anong kailangan mo sakin!'
Gusto kong itanong yan pero pinangungunahan ako ng takot. Nawalan akong lakas para magsalita.
Onti-onting lumapit sakin yung anino at habang palapit siya ng palapit nagkakaroon siya ng mukha. Ang mukha niyang napakaputla, ang mga mata niyang namumula at ang labi niyang napakapula.
" Kamusta Xy? Humanda kana dahil papatayin ka nila " ang pula niyang mata ay mas lalong pumula at ang mga ipin niya ay naging matulis at nagkaroon siya ng pangil. Pumikit ako at inantay ang kamatayan ko. Sobrang sakit ng kinagat niya ako sa leeg kaya di ko napigilan ang sumigaw.
" Waaaaaaaaaahhhhh!! " napabalikwas ako sa pagkakasubsob at tumingin sa paligid ko. Kinapa ko yung leeg ko pero wala namang sugat. Nakahinga ako ng maluwag.
' Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip '
Tumingin ako sa paligid at lahat ng tao ay nakatingin sakin kaya dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas na dun.
Bumaba ako ng second floor pero wala pa ko sa baba ay napahawak ako sa pader. Diko na kayang maglakad, nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa mga nakita ko.
Siya yung babae na yun sa bahay na yun. Siya yung nagpapasok sakin sa loob ng pasilyo na yun. Pero bakit ganun ang itchura niya? Ano ba talaga siya? Bakit siya may pangil? At sinong sila na papatay sakin?
Nanghihina na rin ang mga tuhod ko kaya diko na pinigilan ang onti-onting pagbagsak ng tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa hagdan.
" Ano bang ginawa kong kasalanan? " hinawakan ko ang mukha ko nang maramdaman kong basa iyon. Di ko napansin na umiiyak na pala ako.
Yumuko ako at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko at dun umiyak ng umiyak.
' Ano ba sila? Sino sila? Bakit gusto nila akong patayin? '
Gusto kong masagot lahat ng katanungan ko pero san ako magsisimula?
' Kailangan ko malaman kung sino sila at anong kailangan nila sakin '