Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa hagdan at pag-gising ko ay gabi na. Niwala man lang gumising sakin dito. Ano kayang iniisip ng mga taong dumaan dito. Bakit ko pa ba iniisip yun. ' For sure magang-maga na ang mata ko ' Kinuha ko yung pocket mirror ko at tinignan yung sarili ko. " Ang panget panget ko na " binalik ko nasa bag yung salamin at tumayo na. Bumaba ako ng first floor at pumunta sa CR. Walang tao sa CR nang pumasok ako. Hindi naman masyadong nakakatakot kaya hindi ako nagdalawang isip na pumasok. Kinuha ko ang make-up kit ko sa bag at sinumulan na magretouch. Hindi na rin ako nagtagal sa CR at tinapos na ang pagreretouch. Inayos ko ang buhok at damit ko na medyo nagusot at lumabas na ko. May mga estudyante pa kong nakikita kaya kampante ako sa paglalakad papunta

