ATVK #7

1677 Words
" Ang gwapo nung bagong transfered no " " Oo nga, sobrang gwapo tapos hot pa " " Sinabi mo pa " " Tara punta tayo sa department ng HRM " napukaw ng atensyon ko yung huling sinabi nung dalawang babae. May bagong transferee samin? Gwapo tska hot? " Tss mga babae nga naman, makakita lang ng gwapo hangang-hanga mamaya panget naman ugali nun " umiling-iling ako. Nandito ako sa cafeteria, may 1 hour vacant kami kaya nandito ako. Onti lang naman ang tao dito dahil class hour pa nung iba. Wala akong kasama ngayon dahil may pasok pa ang mga barkada ko at may meeting pa sa club nila si Barbie kaya di ko siya kasama. Inubos ko yung inorder kong milkshake at tumingin sa wrist watch ko. May 10 minutes pa bago ang next subject ko. Kinuha ko yung bag ko at lumabas ng cafeteria. Pagdating ko sa building ng department ng HRM pansin ko na maraming tao sa second floor which is sa harapan ng classroom ko. " Ano naman kaya ginagawa ng mga 'yun? " hindi ko na lang pinansin at umakyat sa taas. " OMG! Ang gwapo nya talaga!! " " Magpapalipat na nga ako ng department para maging kaklase ko sya " " Ang seryoso nya bess pero ang gwapo " " Grave teh yung mata, itim na itim. Parang kapag tumingin ka ay hihigupin ka " Napailing na lang ako, mga kababaihan nga talaga. Mas inuuna pa nila ang lalaki kesa sa pag-aaral nila. Di ba nila alam na books before boys cu'z boys bring babies. Pagdating ko sa tapat ng classroom ko hindi ako makapasok dahil sa mga babae na nagkukumpulan sa may pinto. " Excuse me, makikiraan " sabi ko at pinipilit pumasok sa loob ng kumpulan " Excuse me, aray! Sabing dadaan eh! " napasigaw tuloy ako sa wala sa oras, pano ba naman kasi naiipit na ko tapos naaapakan yung paa ko ng mga takong nilang sapatos " Alam ko miss na gusto mo din sya makita pero mag-antay ka " aba! Aba sumasagot pa to. " Oo nga miss, wait for your turn " napairap na lang ako. Sarap hampasin ng bangko tong mga malalantod na to. " Akala mo kung sinong maganda " napantig ang tenga ko sa narinig ko. Lagot sakin tong babae na to. Susugod na sana ako ng may humawak sa braso ko, tumingin ako at nakita ko si Ms. Canlas, ang aking favorite professor. 25 pa lang si Ma'am at NBSB (No Boyfriend Since Break Up) Ate na rin ang turing ko sa kanya. " Ako na ang bahala sa kanila " kumindat sya sakin at pumunta sa mga kumpol ng estudyante. " Ehem! Ehem! " unang lumabas sa bibig nito. Pero hindi natinig yung mga babae kaya mas nilakasan pa ni ma'am yung pekeng pag-ubo nya. " Girls si Ms. Canlas " sabi nung isang babae kaya nagsitabihan yung mga babae. " Kayo talagang mga kabataan, mas inaatupag nyo pa yang lalaki kesa sa pag-aaral niyo. Gusto niyo bang isumbong ko kayo sa guidance? " umiling-iling si ma'am kaya nagsiyukuan sila. " Sorry po Miss Canlas " paumanhin nila. Marami ang umiidulo kay Miss Canlas at humahanga, matapang na babae kasi si Ma'am. Balita ko nga dati may naipadala na syang apat na estudyante sa clinic dahil sa pangbabastos sa kanya. Black belter si ma'am sa judo kaya maraming takot sa kanya. " 3 minutes na lang at mag-uumpisa na ang klase namin kaya kung maari ay magsibalikan na kayo sa inyong mga silid " tumango ang iba at umalis na sa may pintuan. " Buti naman at wala na sila, grabe sobrang sakit ng paa ko " sabi ko at naglakad palapit kay ma'am para kunin yung mga dala nya. " Oh napano yang paa mo? " tanong nya nang mapansin nyang paika ika ako maglakad. " Nako ma'am naapakan po ito ng mga di takong nilang sapatos " nilagay ko sa table nya yung mga gamit nya at naglakad papunta sa upuan ko. " Nako Xy, pumunta kana sa clinic para magamot yan " sabi ni ma'am pero umiling ako. Hindi naman masyadong masakit pero may hapdi at kirot akong nararamdaman. Huminto ako sa paglalakad ng mapansin ko na may nakaupo sa likod ng upuan ko. Tinignan ko yun at isang pares ng itim na mata ang bumungad sakin. Teka? Bakit sya nakatingin? Napakunot yung noo dahil nakatitig sya sakin. May dumi ba sa mukha ko? Teka sino ba to. Tska parang may kamukha sya. Aish ewan! " Oh Mr. Dryx, Nandito ka na pala. Kaya pala may mga kumpulan ng mga babae sa labas kasi may gwapo ditong estudyante " teka Dryx? Parang narinig ko na yung surname na yun. Pero saan ko ba narinig. Hindi ko na lang pinansin yun at umupo sa upuan ko. Nilagay ko sa mesa yung bag ko at sumandal. So sya pala yung gwapo at hot na sinasabi nila. Gwapo nga sya pero hindi naman hot. " Aish! " yumuko ako para tignan yung paa ko. Hinawakan ko ito at napangwi ako. Sobra namang sakit nito. Tinanggal ko yung medyas ko at nagulat ako dahil kulay violet ito at namamaga. " Nakakainis naman yung mga babae na yun, dahil sa takong ng sapatos nila namaga tong paa ko. " bwisit din tong lalaking nasa likod ko, kung di lang kasi sya gwapo edi sana walang mga babae na nakaharang jan sa pintuan at di mamamaga tong paa ko. Gusto ko sanang idagdag kaso ayoko ko baka abangan ako sa labas nito eh. Sinuot ko uli yung medyas dahil nagsidatingan na yung mga kaklase ko. Mukhang nastarstruck din sila sa lalaki na nasa likod dahil napahinto sila. " Class be sitted " sabi ni ma'am kaya nagsigalawan na sila. " So Guys I want to inform all of you na may mabago kayong classmate, so Mr. Dryx introduce yourself infront " naramdaman ko na tumayo sya at naglakad papunta sa harapan. Habang naglalakad sya lahat ata ng mata nakatingin sa kanya. " I'm Zachiko Dryx, 20 " walang kaemoemosyon na sabi nito. Para naman syang walking Ice, sobrang lamig ng boses nya tapos yung mga mata nya na walang pinapakitang emosyon. Hot daw pero cold naman. Tska parang may kamukha sya. Pamilyar kasi sakin yung mukha niya. San ko nga ba sya nakita? Matapos nitong magpakilala ay umupo ito at nagsimula na si Ma'am sa pagtuturo. " Class dismiss " nagsitayuan na lahat ng klase ko at lumabas ng classroom, habang ako eto nakaupo pa rin. Ayoko makipagsabayan sa kanila baka maapakan uli yung paa ko at mas lalo pa tong sumakit. Nang wala ng tao sa classroom tumayo ako at kinuha yung shoulder bag ko. Hinakbang ko yung isang paa ko na di masakit at humawak sa mga upuan bilang suporta. " Bwisit na mga babae na yun " naiinis kong sabi. Huminga ako ng malalim at hinakbang yung paa kong namamaga. " Arayyy!! " fvck! Sobrang sakit. Wala na kong kasama dito kaya wala akong pwedeng mahinggan ng tulong. Kinuha ko yung cellphone ko at lowbat na rin. Minamalas ata ako ngayon. Kinagat ko na lang yung labi ko at humakbang uli. " s**t! s**t! s**t! " magsusugat pa ata yung labi ko sa sobrang diin ng pagkakakagat ko. Sobrang sakit! Lagot talaga sakin yung mga umapak sa paa ko. Sisipain ko silang lahat! Hahakbang na sana ulit ako pero bigla akong lumutang mula sa sahig. " What the h---- " di ko na naituloy yung sasabihin ko ng makita ko kung sino yung bumuhat sakin. Tumingin lang sya sakin saglit at tumingin ulit sa daan. Lahat ng estudyante ay nakatingin samin, pano di titingin, isang gwapong nilalang na may buhat na dyosa keme lang yun. Tapos bridal style pa yung buhat nya sakin. " Barbs! Si Xy oh. Buhat nung bagong transfer " sinubsob ko yung mukha ko ng mapadaan kami sa classroom ni Barbie. " Saan? Wala naman ah " mas lalo kong sinubsob yung mukha ko sa dibdib ni Zachicko. Ang bango naman ng lalaki na to, ano kaya pabango nya. " Are you done smelling me? " bigla akong kinilabutan sa boses nya. Bakit ba napakalamig magsalita ng lalaking to. Nilayo ko yung mukha ko sa dibdib nya at tumungo " Sorry " yun na lang ang sinabi ko. Tahimik lang kami hanggang makarating kami ng clinic. " May ugat lang na naipit kaya namaga ang paa mo " tumango-tango ako. Pisti talaga yung mga babae na yun. Hinilot nung nurse yung paa ko, nung una medyo masakit pero habang tumatagal umookay na. " Masakit paba? " tanong nung nurse. Pinakiramdaman ko yung paa ko at ng okay na tumango ako. " kapag sumakit uli yung paa mo, uminom ka na lang ng pain reliever " tumango ako at lumabas, naabutan ko si Zachicko na nakatayo at nakasandal sa gilid ng pinto. " Teka, bakit nandito ka pa? Di ka pa umaalis? " sabi ko. Akala ko kasi umalis na siya, pagkalapag nya kasi sakin sa clinic bed bigla na lang sya lumabas. Kaya akala ko umalis na sya. Di sya sumagot at naglakad paalis. Aish! Ang bobo mo Xy! Dapat nagthankyou na lang ako. " Bakit umalis yun? May nasabi ba ko?" aish! Bobo self? Malamang na offend yun. Tinulungan kana nga. You're so ungrateful. " Oy! Wait! " lakad takbo ang ginawa ko para maabutan ko sya. Pero ang dalawang hakbang ko ata ay isa lang sa kanya. Ang laki ba naman ng bias niya eh! . " Mr. Dryx! Hintay! Uy! " Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan siya. Masakit pa kaya tong paa ko! Kahit gusto kong tumakbo hindi ko kaya. Pero kahit anong gawin kong paghabol di ko sya maabutan. " Ang bobo mo naman kasi Xy eh! Nag magandang loob na yung tao di ka man lang nagthank you " di umupo ako at sumandal sa pader. Kumikirot na naman kasi yung paa ko. Ipinikit ko muna ang mata ko para mag-isip at kalmahin ang katawang lupa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD