I'm done applying a light make-up, This night I need to chill and relax kaya pupunta ako sa bar. I know some of you didn't agree on what I said. You only knew bar is a crowd place, noisy, and etc. But I want to chill. Lately I've been stress out so I need to get back what Xyriel Sy really is.
One last glance and I'm out. Sumakay kagad ako ng elavator and press parking lot P. Pagdating ko sa parking lot pumunta ako sa area kung san usually pinapark ng valet yung sasakyan ko at kagad pumasok sa loob and start the engine and drive to the Androme Bar. Androme Bar is a totally awesome bar. May live band na laging natugtog at di masyadong crowded and place. Wala ding mga addict o some goons. Mahigpit ang security ng lugar na iyo. Iyon ang sabi ni Barbs dahil lagi syang nandito and this is my first time na pupunta sa bar.
Speaking of Barbs. Dinial ko yung cellphone number niya para ayain siya magbar.
" Yes gurl? How can I help you?" bati nito.
" Papunta akong Androme ngayon sama ka?" yaya ko sa kanya.
" Androme? As in sa Androme Bar?" paninigurado neto.
" Yup, iisa lang naman ang Androme bar barbs"
" Gaga ka dapat sinabi mo nang maaga nang nakapag-ayos ako at paalam kay Dadeh" napairap ako.
" biglaan lang din sis, ano sasama kaba?" tanong ko.
" Try ko tumakas gurl ha. Alam mo naman mahigpit si Dadeh, payag nga siya sa pagiging unicorn ko pero ayaw niyang lumandi ako"
" sige kung makatakas ka punta kana lang sa Androme, tawagan mo kong gaga ka kung di ka makakatakas ha! Ayokong pinapaasa ako"
" Sige gurl. Enjoy! Mwaaahh"
Hindi rin ako nagtagal sa pagdridrive dahil malapit lang pala ito. Pinark ko yung kotse ko at naglakad papasok sa loob ng bar, nginitian lang ako ng dalawang bouncer and I'm in.
The loud music welcome me, medyo nahilo din ako dahil sa mga patay sindi na ilaw.
Buti na lang at nasa dance floor yung ibang tao kaya hindi siksikan dito sa hallway. Pumunta kagad ako sa bar counter para mag-order ng maiinom.
" One Margarita please " sabi ko at tumingin sa mga nagsasayaw. Rock ang pinapatugtog ng DJ kaya pati yung mga tao nagiging rock. May nagheheadbang, tumatalon at may nagsesexy dance. Yung totoo?
" Here's your order miss " tumingin ako sa likod at tumango. Kinuha ko yung baso at uminom ng kaunti, I don't want to get tipsy yet, siguro mamaya na. Inaantay ko din si Barbie. Sana naman makarating siya para di ako loner dito.
May lalaking umupo sa katabi kong high chair. Di ko naman dapat to papansinin pero nagsalita to.
" Are you alone? " tumingin ako dito at binalik ang tingin sa mga nagsasayaw.
" No, I'm with someone " maikli kong sagot at uminom uli.
" Where? " Akala ko sa f*******: lang may FC, yun pala pati sa bar meron.
" I'm with my shadow " pangbabara ko.
" Ohh " di ko sya pinansin kahit nagsasalita sya.
Hindi nya ba nararamdaman na I'm not interested.
" By the way I'm Zion " sabi nya, tumingin ako sa kanya at nilahad nya yung kamay nya.
" I'm I don't care " Iniwan ko na yung bayad sa table at pumunta sa dance floor. Pumunta ako sa may gitna at nagsayaw. Medyo nahihilo ako hindi dahil sa alak kundi sa ilaw at sa mga malilikot na tao dito. May mga lumalapit at humahawak sa bewang ko pero inaalis ko iyon.
Sayaw lang ako ng sayaw hanggang mapagod ako kaya lumabas ako ng bar at pumunta sa kotse ko. It almost midnight kaya padami ng padami ang mga tao sa bar so before na may mangyaring masama sakin lumabas na ko. Sumandal ako sa tabi ng pintuan ng kotse ko.
Tinignan ko yung cellphone ko at may text si Barbie.
From: Barbie
Gurl, hindi ako makatakas. Nasa labas si dadeh kasama mga tropapits niya. Pasensya na gurl. Bawi na lang ako. Ily, ingat gurl. Mwaahh
Ano ba yan, masaya sana kung nandito siya para magboy hunting kami. Nahihiya kasi ako kapag ako lang mag-isa. Kaasar naman.
Ayoko pang umuwi pero ayaw ko na rin sa loob ng bar. Saan naman ako pupunta nito? Binuksan ko yung pintuan ng kotse ko at may kinuha sa loob. Isa itong gold case, parang wallet lang ang lang ang laki nito. Cigarette ang laman nito, kinumpiska ko to dati kay Ivan nung nahuli ko syang nagyoyosi dati nung kami pa. Hindi ko na naibalik to sa kanya dahil nakalimutan ko na rin naman. Galit na galit ako sa kanya nung nakita ko syang nagyoyosi.
Binuksan ko ito at may ilang stick na mamahaling yosi ang nasa loob at mamahaling lighter. Di ko alam kung paano nakabili ng ganito si Ivan, hindi naman mayaman si Ivan at di rin naman sya mahirap. Bakit ba puro Ivan ako?
Kinuha ko yung lighter at isang stick ng yosi, naka-gamit na ko nito one time at si Ivan ang nagpumilit nun at di naman masama kong Itrtry ko diba?
Nilagay ko sa bibig ko yung yosi at sinindihan ito, hinithit ko ito at ibinuga yung usok #WagTularanSiXy
Medyo inubo ako dahil nabigla ata yung baga ko pero hindi rin nagtagal ay nasanay na din ako.
" Hindi ko alam na nagyoyosi kana " napadiretsyo ako sa pagkakasandal at tumingin sa likod. Yung lalaking bukang-bibig ko kanina ay nandito.
" Now you know " walang gana kong sabi at sumandal ulit. Gumana nga talaga yung black magic nung babae na yun at wala na kong ibang nararamdaman sa kanya kundi galit.
Nang maubos yung yosi ay kumuha uli ako at sisindihan ko sana ng mga kumuha nito at tinapon kung saan.
" Hey! why did you do that? " inis kong sabi sa kanya.
" Mababawasan ng 5 minutes ang buhay mo kada stick ng sigarilyo ang hinihithit mo " tinignan ko sya at tinaasan ng kilay. Coming from him?
" Now you care? " mapakla kong sabi.
" Of course Xy, I care about you " I laugh sarcastically. He? Care about me? What a Liar.
" You care about me? " tumatawa pa rin ako habang nakaturo sa sarili ko.
" Yes " seryoso nyang sabi.
Tumigil ako sa pagtawa at hinarap sya kung dati to nangyari baka lumuhod na ko sa harap nya at nagmakaawa na balikan nya pero dati yun at hindi na ngayon. Di ko na uulitin ang katangahan na 'yun. I've learned my lesson.
" You don't care about me Ivan, and you'll never be, so drop the act and leave me alone " hindi ako bitter pero totoo naman ang sinabi ko, hindi nya ko pinahalagahan at iningatan kaya wag siyang umakto na mahalaga ako sa kanya. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang tawag ng laman.
" No Xy, I care about you. Sorry for what I have done. I know hindi mo ko mapapatawad pero nagsisisi na ko Xy. Please comeback to me " hahawakan nya sana yung kamay ko pero lumayo ako. Ayoko magpadala sa mga awa effect nya. Hindi nya na ko madadala sa mga ganyan nya.
" No Ivan hinding hindi na ko babalik sayo. Tama na yung isang beses, at napatawad na kita pero hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin. Kaya wag kana humingi ng tawad at sana eto na ang huli nating pagkikita " pumasok ako sa loob ng kotse at nagdrive. Medyo magaan na din ang kalooban ko at nasabi ko ito sa kanya.
Sana lang talaga at maging masaya na sya at pati na rin ako.