KILLIAN 10

1379 Words
KILLIAN POV: Ang opisina ng abogado ay amoy kape at lumang papel. Nakaupo kami ni Caliraya sa harap ng mesa, ang abogado ay nakangiti ng pormal habang inilalahad ang mga detalye ng divorce papers. "This is the paper you need to sign," the lawyer said, his voice calm and professional. "If you both have signed, we can now process the divorce.” Tumingin ako kay Caliraya. Ang mukha niya ay namumutla, ang mga mata niya ay puno ng takot at sakit. “K-killian, B-bigyan mo a-ako ng oras upang p-pag-isipan ko m-muna.” ang boses niya ay nanginginig at utal-utal. Tumingin ako sa kanya. Ang mga mata niya ay puno ng pagmamakaawa at pakiusap. "Sige," sabi ko, ang boses ko ay malamig at walang emosyon. "Bibigyan kita ng isang linggo para mag-isip." "Salamat," sabi niya, ang boses niya ay nanginginig sa pag-asa. Lumabas kami ng opisina. Tinitigan ko si Caliraya, parang wala siya sa kanyang sarili. Alam kong malaking epekto sa kanya ang desisyon ko, pero naawa ako kay Lorebel ang babaeng mahal ko. I want to end this marriage; I can't see Lorebel crying because our relationship is secret; I want her to feel that my love for her is real. I want to end this not because I don't like her but I want to end this for myself and my woman. Bago ako sumakay sa kotse ay biglang tumunog ang selpon ko. Pagtingin ko sa screen ay ang nobya ko pala. "Yes, babe?" "K-killian, where are you? I'm scared, nasa condo ako ngayon, at may biglang kumatok tapos pagbukas ko ay dalawang lalaki na hindi ko kilala. M-mabuti na lang at kaagad kung naisara ang pinto." natataranta na sambit ng nobya ko. Kaagad akong ginapangan ng kaba. Pagtingin ko sa loob ng kotse ay nakaupo si Caliraya doon habang tulala. "Alright, papunta na ako. Hintayin mo ako at huwag kang lalabas hangga't hindi pa ako dumating.” CALIRAYA POV: Nakatulala ako habang nakaupo sa front seat ng kotse ni Killian, hindi ko matanggap ang nangyari ngayon. “Caliraya, bumaba ka.” biglang saad ni Killian, seryoso ang kanyang mukha habang kinabit ang sariling seatbelt. Nangunot naman agad ang noo ko, “Huh? Why?” “Basta, bumaba ka na lang nagmamadali ako.” pasinghal na sabi niya. Napaigtad pa ako dahil sa kanyang inakto, pwede naman na mag dahan-dahan siya sa kanyang pagsasalita hindi yong bigla na lang siyang sumigaw. “Killian, teka lang. Bakit mo ba ako nagpapababa?" tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa kaba at pagtataka. Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya ay malamig at walang emosyon. "Wala kang pakialam. Bumaba ka na lang." "Pero—" wala akong dalang wallet dahil naiwan ko yon sa restaurant kahit ang selpon ko ay hindi ko man lang nabitbit sana lang talaga ay si Michael ang nakapulot non. "Wala nang pero-pero. Bumaba ka na!" sigaw niya, ang boses niya ay puno ng galit. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan. Ang sakit ay nagsimula ko ng maramdaman. "Killian, pakiusap," sabi ko, ang mga luha ko ay nagsimulang tumulo. "Sabihin mo naman sa akin kung ano ang nangyayari.” "Wala kang pakialam," sagot niya, ang boses niya ay malamig at walang emosyon. "Bumaba ka na lang at umuwi ka na." Bumaba ako ng kotse. “Killian, pakiusap," sabi ko, ang mga luha ko ay patuloy na tumulo. "Huwag mo naman akong iwan dito, wala akong dalang pera paano ako—” Hindi ko na ituloy ang sasabihin ng bigla na lang niyang hinagisan ng pera ang mukha ko. Hindi agad ako nakagalaw, nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya. “Ano pa ang hinihintay mo? Umalis ka na.” Malamig at walang emosyon na sabi niya. Tanaw ko ang kanyang kotse na papalayo habang naiwan akong mag-isa nakatayo sa harapan ng opisina ng abogado. Kusang tumulo ang luha ko, habang nakatingin sa kanyang kotse na papalayo. Tinulak ko ang mabibigat na pinto ng kahoy ng restaurant upang pumasok, sinalubong agad ako ng pamilyar na amoy ng inihaw na bawang at rosemary. Tumambol ang puso ko sa dibdib, isang mabilis na ritmo laban sa tahimik na bulungan ng mga usapan at kalansing ng mga kubyertos habang papalapit ako sa kaibigan ko. Nakaupo si Michael sa kung saan kami kanina kumain, nakakunot ang noo niya na mukhang malalim ang iniisip. Napatingin siya nang papalapit ako, nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. "Caliraya," pabulong na tawag niya sa akin, puno ng pag-aalala ang kanyang boses. "Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang niya hinila?” Biglang natuyo ang lalamunan ko. "Uhm, may pinuntahan lang kami saglit.” pabulong kong sagot, nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Pasensya na kung pinag-alala kita.” "Nag-alala talaga ako," sagot niya, nag-alala pa din ang kanyang boses. "Tatawagan na sana kita. At... well, may kailangan lang akong itanong sa'yo." Nag-alinlangan siya, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa akin. Nangunot agad ang noo ko, “Ano yon?” Huminga siya ng malalim, “Uhm, alam kong something private ito, pero ka ano-ano mo ang lalaking yon?” Gusto kong lamunin na lang ako sa simento upang iwasan ang kanyang tanong, pero sa inakto kasi ni Killian kanina ay hindi ko naman pwedeng sabihin na kaibigan ko yon or what. Pinagbawalan nila akong sabihin sa ibang tao ang tungkol sa kasal namin ni Killian ewan ko kung bakit. Wala sana akong balak na aminin kay Micheal ang tungkol sa amin ni Killian, pero sobrang halata kasi ang nangyari kanina. “Asawa ko siya,” halos pabulong kong sagot, halos hindi pa marinig ang boses ko sa sobrang hina. "Pero... Isang lihim lang ang kasal namin, dahil sa mga magulang kaya gano'n na lang ang pakikitungo niya sa akin.” Nanlaki ang mga mata ni Michael sa gulat. Sumandal siya sa upuan niya, ang tingin niya ay nakatuon sa akin. "Asawa mo?" ulit niya, ang boses niya ay tumunog sa katahimikan ng restaurant. "Pero... pero paanong ang pangit ng trato niya sa'yo?” Nalungkot ang puso ko, paano ko ba sasabihin sa kanya na ako lang ang may gusto sa kasal namin ni Killian, panigurado na sasabihin niyang sobra-sobra na ang katangahan ko. Hilaw akong ngumiti sa kanya, “May mga bagay o nararamdaman talaga na hindi natin makukuha tulad na lang sa sitwasyon ko ngayon.” “Kung hindi ka naman pala niya mahal bakit hindi mo siya iwan? I mean, ikaw lang ang masasaktan sa buong sitwasyon.” Pangalawang sampal sa realidad na naman ang natanggap ko, una sa kaibigan kong si Khala tapos ngayon itong si Michael. Ilang minuto pa ang pag-uusap namin ni Michael kung hindi lang tumunog ang kanyang selpon ay hindi mapuputol ang usapan namin. Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin, nasa kwarto ako ni Khala, pagkatapos kasi ng usapan namin ni Michael kanina ay tumawag ako sa kaibigan ko kung pwede bang mag nightover sa bahay niya at pumayag naman. Ramdam ko pa din ang bigat ng dibdib ko dahil sa nangyari kanina. Alam kong kasalanan ko ito. Ako lang ang nagmahal kay Killian ng lubos, habang siya ay nanatiling hindi naapektuhan sa akin. Ang malaman na hindi niya ako magawang mahalin ay isang mapait na gamot na dapat lunukin, ang bigat ng dibdib ko ay parang dinurog ang espiritu ko. "Caliraya," isang mahinang boses ang tumawag mula sa pintuan. Si Khala pala ang matalik kong kaibigan. Makikita sa kanyang mga mata ang puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba, may hindi ka sinasabi sa akin.” Pinilit akong ngumiti sa kanya, alam namin pareho kung bakit ako nagkaganito. "Ayos lang ako, Beb. Medyo...pagod lang." sabi ko na sinusubukan na magsinungaling. Palaging mapanuri si Khala, alam kong kahit magsinungaling ako ay alam kong alam niya. “Si Killian na naman ba ang problema mo?" Umiling ako, ang mga luha ay nagsimula ng tumulo sa patungo sa pisngi ko. "Hindi niya talaga ako kayang mahalin, beb.” pasinghot-singhot na sabi ko. “Pumunta kami kanina sa abogado.” “Tapos?” naintriga na tanong ng kaibigan ko. “G-gusto niya ng mag deborsyo kami, kukuha na siya ng divorce paper at binigyan niya ako ng isang Linggo upang pag-isipan ang lahat.” mahinang sagot ko at hindi na napigilan na napahagulgol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD