KILLIAN 11

1324 Words
CALIRAYA POV: "Beb, hindi mo kailangan pigilan ang sarili mo. Kasi kahit siya ay walang pakialam sa'yo. Mahalin mo muna ang sarili mo bago siya," salubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Tatlong araw na ang nakalipas, at sa tatlong araw na iyon ay palaging nagpapadala ng mensahe si Killian sa akin kung ano ang magiging desisyon ko. Hindi halata na atat na siyang makawala sa akin. “I-i can’t—” "Dahil mahal mo siya? Talaga, Cali? Saan mo ba talaga naiwan ang utak mo at parang wala ka ng utak ngayon?” Suminghap ako upang makalanghap ng hangin, dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga ng maayos para akong sinakal. "Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang mali sa akin," halos pabulong na sagot ko. Natampal na lang ni Khala ang kanyang sariling noo dahil sa stress sa akin. Dumapa ako sa malambot niyang kama. Tatlong araw na ako dito sa kanila, nahihiya na nga ako pero natatakot ako baka kapag makita ako ni Killian ay magtanong na naman sa akin tungkol sa diborsyo. "Beb, alam mo naman ang sagot pero ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan," mahinang usal ni Khala at tumabi sa akin. Ibinaling ko ang ulo ko sa kabilang side upang hindi niya makitang lumandas na naman ang luha ko. Alam ko, alam ko ang totoo at alam ko sa sarili ko na hindi ko lang matanggap na sa ilang taong magkakilala kami ni Killian ay hindi man lang niya magawang tumingin sa akin, hindi man lang niya ako kayang mahalin. Hinaplos ni Khala ang balikat ko, at sa mga oras na ito ay mas lalo akong napahagulgol. “Makipaghiwalay na ba talaga ako sa kanya? Ganun na lang ba? Ganun ko na lang siya bibitawan matapos ang ilang taong sinayang ko para sa kanya? Bibitawan ko ba siya para sa ibang babae?" Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay ilang sandali ay lalabas ito. “Wait, what do you mean?” naguguluhan na tanong ni Khala. Kahit hindi ko nakikita ang kaibigan ko dahil sa luha ko ay tinitigan ko siya bago sinabi ang gustong gawin. Ang lamig ng hangin sa sementeryo ay parang tumatagos sa mga buto ko. Dala-dala ang bigat ng problema ko at ang sakit ng puso ko, tila mas bumibigat ang bawat hakbang ko. Parang gusto ko na lang maglaho sa gitna ng mga puno at lapida rito. Nakarating ako sa puntod ng aking mga magulang. Inilapag ko ang puting rosas na dala ko, simbolo ng aking pagmamahal at pagdadalamhati. Hinaplos ko ang malamig na bato kung saan nakaukit ang kanilang mga pangalan. "Mama, Papa," bulong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pagpigil ng luha. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang gumuho ang mundo ko." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nagsimula na akong umiyak at ikinuwento ko sa kanila ang lahat: ang mga away namin ni Killian, ang kawalan ng pagkakaunawaan, ang sakit na nararamdaman ko. "Hindi ko na alam kung kaya ko pang ipaglaban ang aming relasyon, Mama, Papa. Parang wala na akong lakas. Nauubos na po ako," mahinang paghagulgol ko. Sa gitna ng pag-iyak ko ay biglang umiihip ang malakas na hangin. At alam ko kung ano ang magiging sagot nila sa mga katanungan ko at hinanakit ko. Panigurado na sasabihin nilang nirerespeto nila ang magiging desisyon ko, palagi silang sumusuporta sa akin, at mahal na mahal nila ako. Humiga ako sa harap ng kanilang puntod, may dala naman akong picnic mat kaya ayos lang na humiga. Habang nakahiga ako, patuloy na umaagos ang luha ko. Hinaplos-haplos ko ang kanilang lapida habang nakahiga, "Mama, Papa," bulong ko, ang boses ko ay halos hindi na marinig sa ingay ng aking hikbi. "Ano ba ang dapat kong gawin? Parang hindi ko na alam ang tama. Parang wala na akong lakas para lumaban pa." Naalala ko na naman ang mga payo ng ama ko, ang kanyang matatag na mga salita na nagbibigay ng lakas ng loob. Naalala ko ang pagmamahal ng aking ina, ang kanyang mga yakap na nagpagaan ng kalooban ko. "Gusto ko lang pong makasama ulit kayo, Mama, Papa," patuloy kong iyak. "Gusto ko lang pong marinig ang inyong mga payo. At maramdaman ang init ng mga yakap ninyo." Iyak lang ako ng iyak habang nakahiga at hinaplos ang kanilang lapida. Kung may makakita sa akin na ibang tao ay iisipin talaga nilang nababaliw na ako. Dahil sa ginawa ko ngayon, kung hindi pa kumulog ang kalangitan, wala akong balak na tumayo at umalis sa sementeryo. Tumayo ako mula sa paghiga, ang mga mata ko namamaga na dahil sa pag-iyak. Ngunit may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman ngayon. Parang may bagong lakas na dumadaloy sa buong katawan ko, isang lakas na nagmumula sa pagmamahal ng aking mga magulang. Siguro dahil sinabi ko sa kanila ang aking mga paghihirap, kahit na hindi naman nila naririnig. "Mama, Papa," bulong ko, habang nakatingin sa langit, na parang iiyak na muli. "Salamat po sa inyong lakas. Haharapin ko si Killian. Ipaglalaban ko ang aking karapatan. Kung gusto niyang makipaghiwalay, dapat maisip muna niya ang aking paghihirap." Naglakad ako palayo sa sementeryo, ang aking mga hakbang ay masigla at puno ng determinasyon. Hindi ko na nararamdaman ang bigat ng aking problema. Alam kong hindi madali ang lahat, pero alam ko rin na kaya kong harapin ang anumang hamon. Nang makarating ako sa bahay, nakita ko si Killian na nakaupo sa sala. Malamig ang kanyang mukha, at halatang galit siya. "Killian," sabi ko, ang aking boses ay matatag at malinaw. "Kailangan nating mag-usap.” "Killian," tawag ko ulit sa kanya, ang boses ko ay nanginginig sa galit at sakit. "Hindi ako papayag na mag-diborsyo tayo. Legal tayong kasal, at wala akong ginawa para maghiwalay tayo. Hindi mo ako pwedeng pilitin na gawin ang ayaw ko." "Sinabi ko na sa'yo na ayoko sa'yo! Bakit ba ayaw mong maintindihan iyan?!" Sigaw ni Killian sa akin. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Hindi madali ang maghintay na mahalin mo ako pabalik. Alam kong matagal na ang panahon, pero naniniwala ako sa'yo. Nagtiwala ako na darating ang araw na mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo. At ngayon, gusto mo nang makipaghiwalay dahil lang may ibang babae ka?" Ang luha ko ay nag-uumpisa ng tumulo sa aking mga pisngi. "Hindi siya ibang babae lang! Mahal ko siya noon pa man! Kaya huwag kang magsalita diyan na parang alam mo ang lahat—" Tumayo ako at hinarap siya. "Oo nga pala," tumango-tangong saad ko. "Mahal mo siya noon pa man, dahil ex mo naman siya. Ako ang narito noong wala siya, Killian. Hindi kita iniwan kahit gaano kasakit ang pinaparamdam mo sa akin. Kaya hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mo. Hindi ako isang laruan na pwedeng itapon kapag nakahanap ka na ng iba. Kung gusto mong makipag-diborsyo, maghintay ka kung kailan ko gusto." Mariin kong sabi. "Caliraya, ano ba ang pinagsasabi mo?!" sigaw ni Killian, namumula ang mukha sa galit. "Hindi mo ba naiintindihan? May mahal akong iba! At wala kang magagawa tungkol doon!" Hindi niya mapigilang lumapit sa akin, naglalagablab ang kanyang mga mata. "Hindi ko gusto ang kasal na ito. Ikaw lang ang may gusto sa set-up na ito kaya huwag kang umangal. At huwag mo nang hintayin na mahalin kita pabalik dahil hindi yan mangyayari. Gusto ko ng makipaghiwalay, at wala kang magagawa para pigilan ako!" Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. "Killian, tama na," sabi ko, nanginginig ang aking boses. "Magpahinga ka muna. Bukas na tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing," ani ko nang malanghap ko ang amoy ng alak sa kanyang katawan. "Hindi ako magpapahinga!" sigaw niya. "Kailangan kong sabihin sa'yo ang totoo!" Ngumisi ako kahit durog na durog ang puso ko. "Alam ko ang totoo, Killian. Alam kong iba ang mahal—" Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang lumapat ang kanyang malamig at malambot niyang labi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD