"WHAT happened to her?" Kunot ang noo ni Uncle Hiro habang nakahalukipkip sa dulo ng kama. Nakatingin siya sa akin na para bang hinihiwa ng tingin ang buo kong pagkatao. Ang matalim niyang mga mata ay nagsisindi ng kaba sa dibdib ko. Kahit pa halos sampung taon lang ang tanda niya sa akin, ramdam ko na parang nasa harap ako ng isang estriktong guro na mahirap suwayin.
"Sabi niya, uuwi na siya." Hinagod ko ang sentido ko, pilit pinapawi ang sakit ng ulo at bigat ng konsensya. "Hindi ko naman alam na hindi pala niya kayang umuwi mag-isa."
"Of course hindi niya kaya!" Umikot ang mga mata ni Uncle Hiro sabay lakad pabalik-balik. Ang bawat yabag niya sa kahoy na sahig ay parang martilyong kumakatok sa utak ko. "Mayayari ako sa asawa ko kung may mangyaring masama sa kanya."
"I'm sorry," mahina kong sagot, halos hindi na tumatama sa pandinig ko ang sarili kong tinig.
"Sorry? May magagawa ba ang sorry mo kung napahamak ang bata? Really, Joaquinn?" Halos magkabuhol-buhol ang kilay niya habang bumubuga ng hangin. Parang konting kibot na lang ay sasabog na siya sa galit.
Napayuko ako, hindi makatingin nang diretso sa kanya. Kahit hindi ako nangongopo dahil masyado pa siyang bata para tawagin kong “tito,” takot pa rin ako sa kanya. May awtoridad kasi siyang dala sa bawat salita.
"I'm really sorry. Hindi ko talaga alam," bulong ko, halos pabulong na parang kinakausap ko lang ang sarili ko.
Hindi ko na idinetalye pa ang nangyari. Nang makita kong walang malay si Katrina sa labas ng kubo, hindi na ako nagdalawang-isip. Binuhat ko agad siya, dama ko pa ang gaan at lamig ng katawan niya sa mga bisig ko, at isinakay siya sa kotse ni Haidee. Pinauwi ko na rin si Haidee pagkatapos—kahit nag-away pa kami dahil nabitin daw siya. Jeez! Pati ba naman sa ganitong sitwasyon, iyon pa ang iniisip niya? Maski ako, hanggang ngayon, masakit pa rin ang puson. Wala na kami pero habol pa rin nang habol.
Pero kung tutuusin… hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ako inakit-akit ng babaeng iyon!
"s**t, Joaquinn!" Umikot si Uncle Hiro sa harapan ko, nakapamulsa, parang leon na naghahanap ng mabibiktima. "Mabuti na lang at wala si Kassandra ngayon, kung nagkataon baka mapaanak ng wala sa oras ang asawa ko! Alam mo namang mahal na mahal ng asawa ko ang kapatid niya."
Naglakad ako palapit sa kama kung saan nakahiga si Katrina, pilit pinapakalma ang sarili. "Calm down, will you? Okay lang naman siya, 'di ba?" Kahit ako, tensyonado rin. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito.
"Yeah," buntong-hininga niya. "Eh paano kung hindi mo siya nakita? Paano kung umalis na pala kayo ni Haidee sa kuwadra? Paano siya? Paano kung walang ibang nakakita sa kanya?"
Napakagat-labi ako. Totoo naman ang sinasabi niya. Pero sa isip ko, iniikot-ikot ko rin ang pangyayari. Hindi kaya mas safe pa nga sana si Katrina kung wala kami roon ni Haidee? Hindi kaya kami mismo ang dahilan ng lahat?
At iyon ang mas nakakahiya. Dahil alam ko kung bakit talaga hinimatay si Katrina. What a shame! Isang batang paslit ang nakakitang may ginagawa kaming kababuyan sa kamalig. Kung sakaling ma-trauma siya sa nakita, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Pero paano kung magising siya at ikwento ang lahat ng iyon? Lalong magagalit sina Mommy at Daddy. Baka ipatapon nila ako sa Amerika, at baka bugbugin pa ako ni Kuya Brandon.
"Is she still sick?" tanong ko, pilit binabaling ang isip ko sa kasalukuyan. Pinagmamasdan ko ang mahina pa ring katawan ni Katrina, maputla ang mukha, parang anghel na nahulog sa sakit.
"Yeah... Pero gagaling na siya," sagot ni Uncle Hiro. Bumuga siya ng hangin, parang pilit na inaalis ang bigat ng iniisip niya.
"Sana nga tuluyan na siyang gumaling," mahina kong sabi, halos wala sa sarili.
"She's so thin..." Hindi ko napigilang sambitin habang nakatitig sa kanya. Ang kutis niya ay maputi, makinis, parang hindi naapektuhan ng mga sakit na dinanas niya. Kahit payat, may angking ganda. Hindi mo aakalain na hindi siya anak-mayaman.
"Nakarecover na siya," sagot ni Uncle Hiro na para bang ipinagmamalaki ang sakripisyong ginawa ng pamilya. "Malaking tulong na naagapan siya nang dalhin namin agad sa Amerika. Mahina rin ang resistensya niya at may hika pa. Kaya mas okay na dito muna siya sa villa. Makakatulong sa kanya ang sariwang hangin para tuluyan siyang lumakas."
Tumango ako. May kung ano akong naramdaman habang nakatitig sa maamo niyang mukha—awa siguro. Bata pa siya, pero ang dami nang pinagdaanan. Hindi siya nakakapag-aral sa normal na paaralan. Simula’t sapul, sakitin na siya. Preemie, may butas pa sa puso. Sana nga, tuluyan na siyang gumaling.
"Kayo na ulit ni Haidee?" tanong bigla ni Uncle Hiro, nakatitig sa akin na may halong pagdududa.
"Hindi," mabilis kong sagot, sabay talikod at lakad patungo sa bintana. "Wala na kami. Nagpunta lang siya rito para alamin kung pwede pa kaming magkabalikan."
Kilala naman si Haidee dito—taga-kabilang rancho lang. Sa lahat ng naging girlfriends ko, siya lang ang nakatuntong dito sa amin. At hindi rin lingid sa pamilya ko na hindi seryoso ang relasyon naming dalawa.
"Mukhang kailangan mo ng pagkaka-busy-han para hindi ka na niya kulitin," komento ni Uncle Hiro.
"Mukha nga," mapakla kong tugon.
"Can you do me a favor, kiddo?"
"What is it?" Tumalikod ako at tinitigan siya, medyo nakuryente ang atensyon ko sa tono ng boses niya.
"Tutal narito ka rin naman sa Hacienda..." Tumingin siya kay Katrina, saka muling ibinalik ang tingin sa akin. "Can you look after her?"
"You want me to babysit her?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kinda."
Napailing ako. "No... Hindi ako marunong mag-alaga ng bata."
"At least sa kauna-unahang pagkakataon, may babae kang aalagaan na hindi mo kayang kataluhin."
Napakunot ang noo ko. ‘Kataluhin’? Para namang sinabi niya na kahit poste basta may palda, papatulan ko! Ganito na ba kababa ang tingin nila sa akin? A perv? Kung tutuusin, mas babaero pa nga si Kuya Brandon noon bago siya nag-asawa.
"Mukha kasing nakapalagayan ka na agad niya ng loob," paliwanag ni Uncle Hiro. "Alam mo bang mahirap kasunduin si Katrina? Mabait siya, pero hindi siya basta sumasama sa hindi niya kakilala. Kahit kina Manang, ilag siya."
"Pero sa'yo..." Tumigil siya at tumitig sa akin nang matiim. "Sumama siya agad sa'yo."
"Pero tingnan mo ang nangyari sa pagsama niya sa akin," mapait kong sabi. "Baka mamaya, hindi lang ganito ang abutin niya kapag ako ang tagabantay niya. Ayoko namang mas lalo siyang mapahamak dahil lang sa kapabayaan ko."
"Kaya nga this time, hindi mo na siya dapat iiwang mag-isa," madiin niyang sagot.
"And?" Pero kahit ako ay nagtataka, may bahid ng excitement sa loob ko. Ano nga kaya kung ako ang mag-alaga kay Katrina? Baka magbago ang pananaw ko sa buhay. Baka mawala ang boredom ko dito sa Hacienda. Hindi naman ako naiinip noong magkasama kami kanina. Baka ma-enjoy ko rin ang company niya.
"Kakausapin ko ang Daddy mo na ibalik sa'yo ang kotse mo," dagdag ni Uncle Hiro.
Napataas ang kilay ko. "Ano pa?"
"Ang pag-aaral mo sa Manila..." bitin niyang sabi.
Pero kahit hindi pa niya ituloy, nakapagdesisyon na ako. "Deal."
"Bantayan mo si Katrina."
"Fine..."
Tumango siya at tumalikod palabas ng silid. Naiwan kaming dalawa ni Katrina. Tinitigan ko siya, nagdadalawang-isip pa rin kung tama bang tanggapin ko ang responsibilidad.
Pero nang marahang umuga ang kama at unti-unti siyang nagmulat ng mata, natigilan ako.
"Hi, princess..." mahina kong bati.
"Kuya Joaquinn..." Mahinang sambit niya, parang musika sa pandinig ko. Hindi siya galit, hindi niya ako tinaboy.
"I'm sorry..." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon.
"B-Bakit ka nagso-sorry?" mahina niyang tanong, namamalat pa ang boses.
Umiwas siya ng tingin. "Di ko po matandaan ang pauwi... Ako ang dapat magsorry sa'yo..."
Nagulat ako. Hindi niya ba talaga natatandaan ang nangyari sa kubo?
"Pagbalik ko sa kuwadra... sa pagod ko... hinimatay ako," sabi niya, kumurap-kurap.
Napatulala ako. Hindi niya talaga kami nakita ni Haidee?
"Mula po ngayon... hindi na ako aalis ng mag-isa," dagdag niya. "Promise po iyan."
"Katrina..."
"Wag ka pong magalit sa’kin, kuya Joaquinn."
"Of course not," napangiti ako. "Hinding-hindi ako magagalit sa’yo, princess."
Ngumiti rin siya, at sa saglit na iyon, nagkaroon ng kulay ang maputla niyang pisngi.
Inayos ko ang kumot niya. "Rest now, princess... Magmula ngayon, palagi mo na akong makakasama."
At habang muling pumipikit ang mga mata niya, hindi ko mapigilang ngumiti nang malapad.
I will have my car back. I will study in Manila. All because of this one, simple deal—
To babysit this princess… Katrina.