Chapter 2

1204 Words
Umalis na ako sa kuwadra at nagsimulang maglakad pabalik sa villa. Kailangan ko nang umuwi bago pa tuluyang magdilim. Ramdam ko na ang unti-unting paglamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Habang naglalakad ako, napansin ko na parang iba ang dinaanan ko ngayon kaysa kanina. Paakyat ako sa malaking tipak ng bato, at doon ko lang naramdaman na hindi ito ang parehong daan na kasama kong tinahak kanina kasama si Ate. Magkakamukha kasi ang mga pader at pasikot-sikot ng paligid. Para akong nasa maze na gawa sa parehong kulay ng bato at kahoy. Napakunot ang noo ko habang palinga-linga. Hindi ko makita ang mansyon mula sa kinatatayuan ko. Sa halip, puro iba’t ibang kuwadra ang nakikita ko. Parang napalayo ako nang hindi ko namamalayan. “Saan pala ang daan pabalik?” mahina kong bulong sa sarili ko habang pilit hinahanap ang pamilyar na landmark. Nalilito na ako. Lalo pa akong kinabahan dahil nagsisimula nang dumilim ang paligid. Unti-unti nang nilalamon ng asul at kahel na anino ang kalangitan, at ang mga ibon ay pabalik na sa kanilang mga pugad. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Hindi pa naman ako sanay na maiwan mag-isa sa isang lugar na hindi ko kabisado. Lalo na’t nasa probinsya pa kami at walang gaanong dumadaang tao. Naisipan ko na lang na bumalik sa kuwadra kung saan ko iniwan sina Kuya Joaquinn. Sana lang ay naroon pa rin sila. Mabilis ang hakbang ko—halos lakad-takbo. Natataranta na ako sa ideya na baka mas lalo lang akong maligaw. Ilang beses din akong napahinto para siguraduhing tama ang direksyon ko. Sa awa ng Diyos, natunton ko rin ang kuwadra. Kung hindi ko lang natanaw ang kotse ni Haidee, baka tuluyan na akong nagpanic. “Kuya Joaquinn…” Humihingal akong pumasok sa loob ng kuwadra ng mga kabayo, umaasang nandoon pa sila. Pero pagpasok ko, wala na roon sina Kuya Joaquinn. “Ha? Wala sila?” napabulong ako. Agad kong sinilip ang kulungan ni Brandon, pati na rin ang iba pang kulungan ng mga kabayo, pero wala rin. Tahimik lang ang buong kuwadra. Ang dating maingay na paghampas ng buntot at pag-ihip ng mga kabayo ay parang biglang nawala. “Nasaan sila?” ramdam kong lumalamig ang batok ko sa kaba. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kuwadra. Ang simoy ng hangin ay mas malamig na ngayon, at naramdaman kong papalapit na ang gabi. Sa katahimikan ng paligid, rinig ko ang sariling paghinga ko na mabilis at mababaw. “Hmn…” Napalingon ako bigla. Sa gilid ng kuwadra, may maliit na kubo. Sa unang tingin, parang ordinaryong tambakan lang ito ng mga dayami o tuyong dahon. Pero may kakaiba—may ilaw sa loob. Kita ko mula sa maliliit na siwang ng dingding na gawa sa kawayan, ang mahina ngunit malinaw na sindi ng gasera. At higit sa lahat, may naririnig akong ungol. Ungol iyon ng isang babae. Napahinto ako. Naramdaman kong bahagyang nabuhayan ang loob ko dahil ibig sabihin, may tao roon. Pero bakit siya umuungol? May nangyayari ba sa kanya? Kailangan ba niyang tulong? Naglakad ako palapit, dahan-dahan, halos pigil ang hininga. Habang papalapit ako, mas malinaw ang bawat tunog. Hindi iyon ordinaryong ungol ng taong nasasaktan. May kakaibang tono. Parang pinaghalong pagdaing at paghingal. Dumikit ako sa dingding ng kubo at sinilip ang loob sa pamamagitan ng maliliit na siwang ng kawayan. Ang malamlam na liwanag ng gasera ay sapat para makita ko ang loob. At doon, natutop ko ang aking bibig. Nandoon sina Kuya Joaquinn at ang babaeng kanina lang ay nakita kong galit na galit—si Haidee. Nanlaki ang mga mata ko sa eksenang bumungad. Si Kuya Joaquinn, wala na ang suot niyang T-shirt. Ang hubad niyang dibdib ay kumikintab sa pawis habang mahigpit na nakayakap sa katawan ni Haidee. At si Haidee naman, nakapulupot na parang sawa sa kanya, mga kamay niya ay nakabaon sa likod ni Kuya Joaquinn habang magkahinang ang kanilang mga labi sa isang halik na punong-puno ng init. Parang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko magawang kumilos. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko, pati ang malamig na pawis na bumalot sa palad ko. Nakita ko pa kung paano pumasok ang isang kamay ni Kuya Joaquinn sa ilalim ng palda ni Haidee. Mabilis niyang hinila pababa ang suot nitong panty, na kumapit pa saglit sa binti bago tuluyang nalaglag sa sahig. Marahan niyang inihiga si Haidee sa sahig na natatakpan ng mga tuyong dayami, bago siya lumuhod sa pagitan ng mga hita nito. Narinig ko ang sunod na ungol ni Haidee, mas malakas at mas malinaw. “Joaquinn…” halos hibang na banggit niya ng pangalan nito. Ang kaninang galit na babae, ngayon ay ibang-iba. Malambing, mapagbigay, at tila ba nasa ibang mundo. “Faster, babe!” hingal na utos ni Haidee. Habang sinasabi niya iyon, itinataas niya ang kanyang blusa, at tumambad ang kanyang dibdib—malaki, bilugan, halos humahalo sa hangin ang bawat galaw nito. Para akong kinuryente sa nakita ko. Hindi ko alam kung bakit may biglang kirot sa dibdib ko, parang pait na hindi ko maipaliwanag. At kahit ayaw ko naman, hindi ko rin magawang alisin ang paningin ko. “Easy…” nakangising sagot ni Kuya Joaquinn. Dinakma niya ang dibdib ni Haidee, piniga-piga ito na parang bagay lang na hawakan niya. At imbes na masaktan, lalo pang napahalinghing si Haidee, tila ba mas ginaganahan sa bawat haplos. Sunod kong nakita ang pagbagsak ng pantalon ni Kuya Joaquinn, kasabay ng kanyang itim na briefs. Napalunok ako ng laway. Ang tuhod kong kanina pa nanginginig ay tuluyan nang nanlambot. Nanlalaki ang mga mata ko. He was fully naked. Ito ang unang beses sa buong buhay ko na nakakita ako ng hubad na lalaki. Hindi ko alam kung matatakot ako, mahihiya, o—hindi ko na masabi. Napapikit ako ng mariin, umaasang baka pagdilat ko ay mawawala ang lahat ng iyon. Pero hindi. Pagdilat ko, naroon pa rin. Ang bagay na iyon sa ilalim ng kanyang tiyan—mahaba, malaki, matigas at tayong-tayo. Halos hindi ako makahinga nang makita kong hawakan iyon ni Haidee. “s**t! Haidee!” Napasabunot si Kuya Joaquinn sa kulot na buhok niya habang patuloy ang ginagawa nito. “Ipasok mo na…” ungol ni Haidee, sabay hilang palapit sa kanya. Parang sumabog ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko na kaya. Dahan-dahan akong umatras, pilit na inaalis ang sarili ko sa eksenang iyon. Ang mga kamay ko ay nanginginig, at ang mga mata ko ay namumuo na ng luha—hindi ko alam kung dahil sa gulat, sa takot, o sa kakaibang sakit na nararamdaman ko. Pero sa pag-atras ko, hindi ko namalayang natapakan ko ang isang basang plastik na nakakalat sa sahig. Madulas iyon. “Aaah!” Sumemplang ako at napaupo sa malamig na lupa. Kumalabog iyon nang malakas, sapat para lumikha ng ingay na kumawala sa nakapigil na katahimikan. Bigla akong napatigil. Nang lingunin ko ulit ang loob ng kubo, nakita kong parehong napalingon sina Kuya Joaquinn at Haidee. Gulat na gulat ang mga mata ni Kuya Joaquinn, at halos sabay kaming nakarinig ng boses niyang punong-puno ng pag-aalala. “Katrina!” At bago tuluyang manlabo ang paningin ko, iyon ang huling salitang narinig ko mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD