Sa b****a pa lang ng kuwadra, agad na sumalubong sa ilong ko ang amoy na tila kombinasyon ng gamot at dumi ng hayop. Medyo matapang siya, pero hindi naman gano’n kasangsang kung ikukumpara sa masangsang na kanal sa Cypress—‘yung lugar na iniwan namin ni Ate Kassandra nang pakasalan niya si Kuya Hiro. At least dito, kahit may halong dumi, ramdam mo pa rin ang preskong simoy ng probinsiya, parang nababalanse ng sariwang hangin at damo ang lahat.
“Kuya Joaquinn,” tawag ko, sabay lakad papasok sa loob ng kuwadra. Agad akong napahinto sa nakita ko: siya, nakatungo, abala sa paghimas sa isang nakaupong kabayo na kulay itim. Para bang may sariling mundo sila—isang mundo ng tiwala at pagkakaunawaan na tanging sila lang ang may access.
Ngumiti siya nang mapansin ako. “Paano ka nakapunta dito? Sinong kasama mo?”
“Si Ate, nando’n po sila sa labas kasama si Kuya Hiro.” Lumapit ako ng dahan-dahan, parang nahihila ng sariling interes. Hindi ko mapigilan ang paghanga habang tinitingnan si Kuya Joaquinn—ang paraan ng pagkilos niya, kung paano siya magaan pero sigurado sa bawat galaw habang kinakausap ang kabayo.
“Ah gano’n ba?” sagot niya, saka muling bumaling sa kabayo.
“Siya ba ang kabayo mo, Kuya?” tanong ko, halos hindi mapigilan ang excitement.
“Yeah,” proud niyang tugon, at tinapik pa ang kabayo na para bang ipinakikilala ito. “His name is Brandon.”
“Wow!” Napasinghap ako nang tumayo bigla si Brandon. Ang laki pala niya! Akala ko kasi mas maliit siya dahil nakaupo lang kanina. Ngayon, kitang-kita ko ang buong tikas niya—parang nililok ng mga diyos, bawat kalamnan ay nakahulma.
Ngumiti si Kuya Joaquinn, kita ang pride sa mukha niya. “Ito ang pinakamabilis tumakbo sa buong Hacienda. Kaya Brandon ang ipinangalan ko—parang dignified at malakas pakinggan.”
“Pwede ko ba siyang hawakan, Kuya?” Hindi ko napigilang itanong. Ang puso ko biglang bumilis, parang may sariling kabayong tumatakbo sa dibdib ko. Ang totoo, hindi ko inaasahang magiging ganito ako ka-excited. Dati, takot akong lumapit kahit sa maliit na aso, pero ngayon, ang tapang ko lang! Siguro kasi kasama ko si Kuya Joaquinn—magaan kasi ang loob ko sa kanya, parang safe ako.
“Sure,” sagot niya, sabay alalay sa’kin papasok sa kulungan.
Huminga ako nang malalim, saka dahan-dahang inilapat ang palad ko sa makintab na balat ni Brandon. Ang kinis! Halos napapapikit ako sa tuwa habang hinahaplos siya. “Ang kinis niya,” bulong ko na parang bata.
“Just like you,” bigla niyang sabi.
“Po?” Agad kong nilingon si Kuya Joaquinn. Nakita ko siyang nakatitig sa akin, seryoso pero may halong ngiti.
“Sabi ko, makinis ka,” ulit niya, mas malinaw. “Kapag lumaki ka, siguradong maraming boys ang manliligaw sa’yo.”
Napayuko ako at napangiti, pilit na itinatago ang pamumula ng pisngi ko. Hay naku, mali pala si Ate Kassandra. Akala niya kay Kuya Hunter ako magkaka-crush, pero ngayon, parang mas kay Kuya Joaquinn talaga ako nahuhulog. Hindi naman iyon ‘yung tipong romantic love—paghanga lang, ‘yung nakakakilig na hindi mo alam kung bakit. At masarap din sa pakiramdam na pansinin at kausapin niya ako ng gano’n.
“Gusto mo bang sumakay ng kabayo, Katrina?” tanong bigla ni Kuya Joaquinn, parang casual lang, pero ramdam ko ang excitement sa tono niya.
“Baka po hindi ako payagan ni Ate,” sagot ko, medyo nag-aalangan.
“Akong bahala sa’yo. Babagalan lang naman natin, promise.” Kinuha niya ang renda ni Brandon at dinala palabas ng kulungan. “Hooo!”
“Wow! Mukhang excited din si Brandon gumala!” Tuwang-tuwa ako nang tulungan akong isakay ni Kuya Joaquinn sa kabayo.
Nang makaupo na ako, bigla kong naramdaman ang kilig at kaba nang sabay. Ang taas! Parang isang maling galaw, pwede akong mahulog.
“Humawak ka lang nang mahigpit sa tali,” bilin niya.
Nang makalabas kami, agad siyang kumaway kina Ate Kassandra at Kuya Hiro na may kausap pang mga trabahador. Kita ko ang ngiti ni Ate, at parang pumayag naman siya kaya’t lalo akong natuwa. Umakyat din si Kuya Joaquinn sa kabayo—sa likuran ko siya umupo. Isang kamay niya nasa renda, ang isa nama’y nakasuporta sa bewang ko. Ang init ng palad niya, at ang dami kong nararamdamang kung anu-anong kaba sa tiyan ko.
“Whoo! Hooo!” Marahan lang ang galaw ni Brandon, kontrolado ni Kuya Joaquinn.
Habang tumatakbo si Brandon, dinala niya kami sa pinaka-gitna ng lupain. Doon, kitang-kita ko ang malawak na tanawin: mga baka, kabayo, at iba pang hayop na nakakalat sa mga bukas na kulungan. Sa malayo, may mga taniman ng prutas at gulay, ang mga dahon ay kumikislap pa sa huling sikat ng araw. Luntian ang lahat—parang isang painting na buhay.
“Ang lawak at ang ganda!” halos mapasigaw ako, sabay ng paghinga ng malalim. Sariwa ang hangin, malamig, parang nililinis pati kaluluwa mo. Kung ikukumpara sa lungsod, walang-wala. Parang fairyland talaga!
Nakailang ikot kami at hindi ako nagsasawa. Paulit-ulit lang akong namamangha sa paligid, at sa bawat kaway ng mga manggagawang nakakasalubong namin. Lahat sila nakangiti, lahat magaan ang aura. At siyempre, dagdag kilig na naroon si Kuya Joaquinn sa tabi ko, na para bang siya ang prinsipe at ako ang prinsesa.
Nang makarating kami sa dulo ng Hacienda, pinahinto na niya si Brandon. “Pupunta sana tayo sa burol,” sabi niya, “kaya lang, papagabi na.” Hinila niya pakaliwa ang renda.
“Uuwi na tayo?” tanong ko, medyo nanghihinayang. Gusto ko pa sanang makita ang sinasabi niyang burol.
“Yes, princess,” tugon niya, sabay kindat. “Hiyaaa! Brandon!”
Para akong kiniliti sa pagtawag niya ng “princess.” Ang cheesy, pero nakakakilig sobra. Para nga kaming nasa fairytale—siya ang prinsipe, ako ang prinsesa, at si Brandon ang mahiwagang kabayo.
Pagbalik namin sa kuwadra, dapit-hapon na. Namumula ang langit, parang nagsusunog ng mga ulap ang araw bago tuluyang lumubog.
“Salamat, Kuya!” Ngiting-ngiti ako kahit nakababa na ako kay Brandon.
“Nag-enjoy ka ba?”
“Opo!” sagot ko agad. “Parang nasa fairytale ako. Ako ang prinsesa, tapos ikaw ang prince. Ang saya, Kuya!”
Napatawa siya, pero bago pa siya makasagot, bigla na lang may humintong pulang kotse sa di kalayuan. Pareho kaming napatingin.
Bumaba mula roon ang isang magandang babae. Singkit ang mga mata, naka-puting blusa at pulang palda na sobrang iksi. Sexy siya, pero halatang malaki ang dibdib niya—at hindi ko maiwasang maisip kung mabigat kaya iyon?
“Joaquinn! Nandito ka lang pala!” Galit ang tono niya, matalim ang tingin sa amin.
“Haidee?” Kumunot ang noo ni Kuya Joaquinn.
Kilala pala niya.
“Sabi ko na nga ba nandito ka.” Namewang pa si Haidee, halatang inis.
Nagtinginan kami ni Kuya Joaquinn. “Ah, Katrina,” aniya, medyo nag-aalala. “Okay lang ba na mauna ka nang umuwi sa villa? Ipapahatid kita kay Mang Naldo.”
Umiling ako. “Kaya ko na pong mag-isa, Kuya. Tanda ko naman ang daan pabalik sa villa.” At bago pa lumala ang tensyon, nagmamadali akong tumalikod.
Habang papalayo ako, narinig ko pa ang boses ni Haidee, malutong at puno ng galit: “Hindi na lang pala kabayo ang bine-babysit mo ngayon, ano? Pati batang paslit?”
“Stop it, Haidee! Ano bang ginagawa mo rito?” iritableng sagot ni Kuya Joaquinn, pero kahit galit, ramdam kong mabait pa rin ang tono niya.
“Nandito ako kasi nami-miss ko ang boyfriend ko,” sagot ni Haidee na parang nagmamaktol. “Wala ka nang time sa’kin! Kung anu-ano na lang ang inaatupag mo!”
“Stop!” sigaw ni Kuya Joaquinn.
“Anong stop? Really, Joaquinn? Baka balang araw, mabalitaan ko na lang, wala ka na dito sa probinsiya at bumalik ka na sa Manila! Paano na ako, ha? Paano na ako?”
At doon ko na naramdaman ang lalim ng problema ni Kuya Joaquinn—at ang lungkot na parang nakatago sa mga mata niya kanina.