Pumanhik agad ako sa second floor ng blue mansion—ang bahay nina Uncle Hiro kung saan nakatira si Katrina. Alam kong magbibihis lang siya dahil may group project daw sila ng ilang classmates niya. Dahil mahigpit si Auntie Kassandra pagdating sa pag-alis niya, madalas na rito na lang sila nagmi-meeting sa hacienda. Tahimik ang hallway habang paakyat ako. Naka-polish ang sahig na parang salamin at bawat hakbang ko ay may tunog ng sapatos kong dumadampi sa marmol. Amoy pa rin ang paboritong jasmine air freshener ni Auntie. Mula sa bintana sa dulo ng pasilyo ay sumasayaw ang mga kurtinang puti, pinapasok ang ilaw ng hapon na may halong kulay-kahel. Dumiretso ako sa dulo ng hallway—kuwarto ni Katrina. Pagpihit ko sa seradura, bumukas agad ang pinto. Hindi na ako nagtaka. Alam kong hindi siya

