“KUYA?!” Napataas talaga ang boses ko nang makita ko ang itsura ng kuwarto pagpasok ko. Parang dinaanan ng bagyo! Ang gulo ng kama, may mga unan na nakahandusay sa carpeted na sahig, at may mga damit pang nagkalat. Ang nakakaloka, parang wala siyang pakialam kahit ganito ang surroundings niya. Kakarating lang namin kagabi dito sa Maynila. Dito na kasi ako mag-aaral pagkatapos ng pasukan, kaya isinama na ako ni kuya Joaquinn ngayon para mag-take ng entrance exam sa school na papasukan ko rito. Tatlong buwan ko rin iyong hinintay. Akala ko nga hindi na matutuloy dahil parang iniiwasan na niya ako nitong mga huling buwan. Bihira na siyang dumalaw sa Hacienda Montemayor at kapag nandun naman siya, halos hindi kami nagkakausap. Hindi ko alam kung may tinataguan ba siya o kung ako mismo ang i

