Chapter 5

1011 Words
"ANG ibig niyang sabihin, magkaibigan na kami." Nakangiwi ang ngiti ni Kuya Joaquinn nang tingnan niya ako. Buo ang ngisi, parang gusto niyang ipakita na wala talagang malisya, na simple lang ang lahat. Pero para sa akin, ibang-iba ang dating noon. Ang bawat salita niya, bawat ngiti niya, parang may kakaibang kuryenteng dumadaan sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng gano’n o talagang may espesyal na paraan si Kuya Joaquinn ng pagbitaw ng salita. "Right, Katrina?" dagdag pa niya, sabay kindat na parang nanunukso lang pero sapat para mamula ang pisngi ko. Parang biglang natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung paano ako sasagot nang normal. Sa sobrang kaba, halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko na nakalapat sa sahig. Napatingin ako kay ate Kassandra, na tila nakikiramdam din sa sagot ko. Ngumiti lang si ate, parang nag-aabang ng reaksyon ko. "Ah..." iyon lang ang nailabas niya, na tila hindi rin alam kung paano i-handle ang sitwasyon. Tatango-tango naman si kuya Hiro, seryoso ang ekspresyon niya pero halata ang pagsang-ayon. "Sige, bumaba na kayo. Nagpaluto ng merienda si grandma D." "Opo..." mahina at halos pabulong kong sagot, na parang nahihiya pa rin akong tumingin kay Kuya Joaquinn. Napayuko na lang ako, pilit itinatago ang pamumula ng pisngi ko. Hay, Katrina... ito ang napapala mo sa kakakulong sa bahay. Wala kang ibang nakakasama kundi ang TV, kaya ayan, naniniwala ka sa lahat ng nakikita mo. Hindi lahat ng napapanood sa mga teleserye at pelikula ay totoo. At higit sa lahat, hindi lahat ng mga ngiti ng isang lalaki ay nangangahulugang espesyal. Isa pa, bata ka pa. Masyado pang maaga para magustuhan ka niya. Una, wala ka pang boobs. Pangalawa, wala ka pang boobs. Pangatlo... well, guess what? Wala ka pa ring boobs! Ang unfair! Hindi mo kayang tapatan si Haidee! Oo, si Haidee na taong-boobs. Para siyang walking commercial ng pagiging dalaga, at ako? Parang stick figure lang sa tabi niya. Argh! Ang sakit isipin. Mukhang kailangan ko talagang kumain ng maraming candies para kahit papaano mawala ang pait sa panlasa ko at mapalitan ng tamis ang nararamdaman kong pagkadismaya. Bakit ba kasi ang bata ko pa? Kung pwede lang sana, sana bukas paggising ko, bigla na lang akong nag-transform into someone kagaya ni Haidee. Pero hindi, eh. Stuck ako sa pagiging Katrina—at sa pagiging "bata." Nakalabas na ng kuwarto sina ate at kuya Hiro nang biglang may maramdaman akong kalabit mula sa gilid. "Katrina." Halos matuyo ang dugo ko sa bigat ng boses na iyon. Malalim, buo, at diretso. Hindi mo akalain na galing iyon sa isang taong biro-biro lang kanina. Nakakapanigas ng laman ang tono, at mas lalong pinagtibok ang puso ko nang mabilis kaysa sa normal. Walang duda—crush ko na talaga si Kuya Joaquinn. Napatingin ako sa kanya, at sa loob ng ilang segundo, napatulala ako. Hindi ko alam kung anong expression ang dapat kong ipakita. Siguro natatawa siya sa inasal ko, kasi mukha na akong desperadang bata. Halata siguro sa kilos ko ang kakulangan ko ng karanasan—walang friends, bihira makakita ng tao, at madalas ay nasa bahay lang. Para bang ang liit-liit ng mundo ko kumpara sa kanya na halatang sanay sa mas malalaking espasyo at mas maraming tao. "Po?" halos pabulong kong sagot, pilit sinusubukang gawing kaswal ang boses ko kahit halatang nanginginig. Ngumiti siya, ‘yong tipong simple pero may epekto na parang tinutunaw ang loob ko. "Magkaibigan tayo." "Opo..." mahina kong tugon. At doon nagsimula ang lahat. Mula nga noon ay naging magkaibigan kami ni Kuya Joaquinn. Sa una, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang bagay na iyon. Pero habang tumatagal, nasanay na ako. Siya ang madalas kong kasama—sa pamamasyal sa hacienda, sa pag-ikot sa malalawak na taniman, sa pagtambay sa ilalim ng puno habang nagkukuwento siya ng mga nakakatawang bagay. Minsan din, sabay kaming nanonood ng TV. Siya ang naging kalaro, kachika, at kakampi ko. Ang mga araw na dati ay parang walang kulay, unti-unting napuno ng halakhak. Matiyaga siya sa akin kahit minsan ay nagiging moody ako. Hindi siya sumusuko kahit paminsan-minsan ay supladita ako o tahimik lang. Lagi siyang may baon na jokes, at kahit corny ang iba, tawang-tawa pa rin ako. Hindi kasi ako mahirap patawanin. Mababaw lang naman talaga ang kaligayahan ko. Sa sobrang babaw, makasama ko lang siya ay masayang-masaya na ako. Kahit wala kaming ginagawa, basta nandiyan siya, sapat na. Para akong batang nakakakita ng laruan tuwing nandiyan si Kuya Joaquinn. At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, nagkaroon ako ng tunay na kaibigan. Kaibigan... at kuya na rin. Pero teka lang... "kuya"? Napahinto ako minsan sa pag-iisip. Oo, malinaw na malinaw na si Kuya Joaquinn ay ang aking bagong kuya. May respeto, may distansya, at may pagkalinga. Pero bakit parang ayaw ko rin minsan sa salitang "kuya"? Hindi ko iyon pinapansin nang husto. Basta ang alam ko, masaya akong kasama siya. Pero gaya ng lahat ng bagay, walang permanenteng nananatili. Dumating din ang araw na kinailangan niyang umalis sa hacienda. Bumalik siya sa Maynila. Nung mga panahong iyon, ayos na ako. Mas kaya ko nang makisalamuha sa ibang tao at magsimulang pumasok sa school. Kaya kahit masakit, hindi ko na gaanong ininda ang paglayo niya. Ang sabi nila, pinauwi na raw siya ng Daddy niya. Ibinalik na rin sa kanya ang kanyang kotse, kaya balik siya sa siyudad para doon mag-aral at magtapos. Nalungkot ako. Siyempre, nami-miss ko siya agad. Parang biglang lumiit ulit ang mundo ko. Pero kahit gano’n, hindi ko rin talaga kayang magreklamo. Buti na lang, hindi niya ako nakalimutan. Palagi niya akong tinatawagan. Hindi man kami laging magkasama, ramdam ko pa rin na nandiyan siya. Madalas din siyang bumalik sa hacienda para makita ako. At sa tuwing bumabalik siya, dala niya ang parehong ngiti, parehong halakhak, parehong presensya na hinahanap-hanap ko. Nakakatuwa lang isipin na nami-miss din niya ako. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng gano’n. Namimiss ako ng kuya ko. At kahit simpleng bagay lang iyon, para sa akin, parang jackpot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD