8 YEARS LATER...
"Katrina! Ang payat! Ang putlain!"
"Inis naman, Tyron!" Hinampas ko ng bag ko si Tyron, pero imbes na masaktan siya ay lalo pa siyang ngumisi.
Siya si Tyron Ruiz-Montenegro. Oo, alam ko—parang walking scandal na ang buong pangalan niya. Mayaman ang pamilya nila, at hindi lang basta mayaman, kundi makapangyarihan din sa politika. Ang lolo niya ay gobernador ng bayan, at ang daddy niya naman ay kasalukuyang mayor ng Dalisay. Sa totoo lang, kahit anong gawin ng pamilya nila para linisin ang pangalan, hindi pa rin sapat.
Montenegro ang tunay na apelyido nila, pero mas ginagamit nila ang Ruiz. Bakit? Dahil hindi maganda ang imahe ng mga Montenegro. Hindi lang dito sa bayan namin kundi pati na rin sa buong bansa. Sikat kasi ang half-brother ng lolo ni Tyron—si Don Yvvo Montenegro, the infamous blue-eyed mafia lord na may sariling pribadong lupain sa dulo ng bayan ng Dalisay. Walang humahawak sa kanya dahil napakalakas ng kapit at impluwensya niya.
At kahit wala namang direktang koneksyon si Tyron at ang immediate family niya sa mafia lord na iyon—maliban sa pareho silang Montenegro—dala pa rin nila ang kasiraan ng apelyido.
"Ano na, Katrina?" nakangising tanong ni Tyron. Laging gano’n ang itsura niya, parang laging may alam na hindi ko alam. Laging may kapilyuhan sa mga mata.
Napakaloko niya, kaya hindi mo maiisip na galing siya sa isang angkan ng mga pulitiko at may dugong mafia lord.
Tiningnan ko siya nang masama. Guwapo naman si Tyron, hindi ko itatanggi iyon. Sa totoo lang, pinagkakaguluhan siya ng halos lahat ng babae sa school namin. Lahat ng mga "it girls" ay nagkakandarapa para lang mapansin siya. Pero bakit kaya ako ang paborito niyang asarin? Ang dami namang iba riyan na willing maging punching bag niya, pero ako lagi ang target.
Ngumisi siya at bigla na lang akong inakbayan. Ito pa ang isa—akala mo close kami!
"Wag mo nga akong akbayan, Tyron! Amoy putok ka!" Malakas kong sabi. Hindi naman totoo iyon—sa totoo lang, lagi siyang mabango, parang bagong paligo. Pero nasabi ko iyon dahil nabu-buwiset ako sa kanya.
Nagkunwari siyang nasaktan. "Grabe ka naman! Binibiro ka lang, eh!"
"Pwes, hindi ako natutuwa sa biro mo!" Sinimangutan ko siya. Hindi ako mahilig makihalubilo kaya wala akong masyadong kaibigan. Dahil doon, minsan ay tinitiis ko na lang si Tyron, pero madalas talaga—nakakapikon siya.
"Huy! Galit ka na niyan?" pinisil niya bigla ang ilong ko.
"Obvious ba?" Tumalikod ako at lumayo sa kanya. Hindi kasi ako komportable kapag may nakakakita sa aming magkasama. Lalo na kung mga fangirls niya—baka kung anong sabihin nila sa akin.
Ngumuso siya at sumunod sa akin. "Ito naman… nagpapapansin lang naman ako sa’yo."
Hindi ko siya pinansin, pero sumunod pa rin siya sa bawat hakbang ko palabas ng school gate.
Palagi siyang ganyan tuwing uwian—nakabike lang siya, tapos ako ay hinihintay ng service. Pero hangga’t wala pa ang service ko, hindi niya ako iniiwan. Sweet sana, kung hindi lang siya barumbado.
"Wala pala iyong bike ko," bigla niyang sabi, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko na kung saan papunta.
Napabuntong-hininga ako. This is a replay!
Malamang makikisabay na naman siya sa service ko hanggang Kapitolyo.
"Wala akong service ngayon," nakasimangot kong sagot. "Susunduin ako ni Kuya Joaquinn." Pinakita ko pa ang cellphone ko para ipaalala sa kanya na ngayon ang uwi ni Kuya.
"‘Yong kuya-kuyahan mo?" Biglang sumama ang hilatsa ng mukha niya.
Hindi ako sumagot. Lagi namang gano’n—hindi ko alam kung bakit laging inis si Tyron kay Kuya Joaquinn, at ganoon din si Kuya kay Tyron. Ang hirap intindihin ng mga lalaki, promise.
"Bantay-sarado ka no’n, noh? Saka ang sama makatingin, akala mo naman kakainin kita," nakabusangot si Tyron. "Ayaw ka yatang paligawan, eh."
"Syempre, bata pa ako," sagot ko.
"Bata? Eh makakagawa ka na nga ng bata!"
"Tyron!" Pinandilatan ko siya. Isa pa ito—bastos ang bunganga!
"Totoo naman, ‘di ba?" ngumisi siya at humalukipkip. "Kapag babae nagka-regla na, pwede na."
"Hindi na talaga ako natutuwa sa’yo!" Buti na lang nasa gilid kami ng daan, at walang ibang nakakarinig.
"Bakit namumula ka?" Umusod siya palapit sa akin, pilit inaasar pa rin ako. "Siguro totoo ang chismis na—"
"Ano ba!" Itinulak ko siya, pero biglang nagseryoso ang mukha niya.
"Iyong totoo, Katrina… kuya mo ba talaga iyon o siyota mo?"
Halos mamilipit ako sa inis. "Buwiset ka talaga!" Tinakbuhan ko siya.
Bakit ba lahat sila iniisip na boyfriend ko si Kuya Joaquinn? Oo na, aaminin ko, crush ko siya noon. Pero matagal ko nang tinanggap na kuya ko siya. As in, kuya lang.
Isang Joaquinn Montemayor ang magkakagusto sa payat at patpating katulad ko? Malabong mangyari iyon. At kung sakaling magkataon man, gulo iyon. Maraming babaeng mangangarap na kalbuhin ako.
"Katrina! Sandali!" Humabol si Tyron hanggang sa parking lot ng school.
"Pwede ba, tantanan mo na ako!" Hinarap ko siya at dinuro. "Kung wala kang gagawin kundi asarin ako, umalis ka sa harapan ko!"
"Ito naman… hindi naman kita kakainin!"
Bigla niya akong niyakap mula sa likod. "Katrina! Saglit lang—"
Pero hindi pa niya natatapos ang biro niya nang biglang…
Pak!
Pagdilat ko, nakabulagta na siya sa semento.
"Katrina!"
Isang malamig, matigas, at nakakapanginig na boses.
Umangat ang tingin ko. "Kuya Joaquinn?!"
Nanlilisik ang mga mata niya. Ang guwapo-guwapo niya pa rin, pero ngayon, parang isang anghel na handang maging demonyo. Namumula ang makinis niyang mukha, at nagliliyab ang mga mata niya sa galit.
Nakakatakot. Mukhang papatayin niya si Tyron.
Pero sa loob-loob ko: kung magiging killer man si Kuya Joaquinn, malamang siya ang pinaka-hot na serial killer sa balat ng lupa.
Bumalik ang tingin ko kay Tyron, na hawak-hawak ang nguso niyang namamaga.
"What did you say?" galit na tanong ni Kuya Joaquinn, handa nang muling sumuntok.
"Kuya! Tama na!" Awat ko agad.
Pero hindi na siya nakinig—isang malakas na suntok ulit, at bagsak na naman si Tyron.
"Kuya! Tyron!" Umiyak na ako. Alam kong kapag nakita ni Kuya na umiiyak ako, matatauhan siya.
"Gago ka!" dinuro ni Kuya si Tyron. "Mamili ka ng babaeng babastusin mo. Wag ka nang magpapakita sa akin—babagsakin ko iyang mukha mo!"
"Kuya! Tama na!" Nanginginig ako. Ngayon ko lang nakita si Kuya ng ganito ka-galit.
Hinila niya ako papunta sa parking. Ramdam ko ang galit niya kahit hindi siya tumitingin sa akin. "Bakit ka ginaganon ng hayop na iyon?"
"‘Yong bibig mo," mahina kong saway. Ayoko siyang nagmumura.
Kumalma siya at lumingon. "I’m sorry, Princess." Pinunasan niya ang luha ko. "Wag ka nang umiyak, please?"
Matipid akong ngumiti. "Okay lang ako. Mabait naman si Ty… nagbibiro lang—"
"Mabait? Biro?" Nag-init ulit ang mukha niya. "f**k!"
"Kuya! Bibig mo!" Hinampas ko siya sa dibdib.
Umupo kami sa owner jeep niya. Habang nagmamaneho siya, iniakbay niya ang braso niya sa akin. "Pwede ba? Ayoko nang makikita kitang kasama ang gagong iyon."
"Liwasan ko na siya, Kuya," bulong ko.
Tumango siya. "Good. Saka isa pa pala… may sasabihin ako sa’yo."
"Ano iyon? Dito ka na ulit sa Dalisay maglalagi?"
Umiling siya. "No."
"Nakakainis ka. Ang bihira mo na ngang umuwi, hindi ka pa nagtatagal!"
"Princess…"
"Ayoko! Siguro kaya ayaw mo nang umuwi kasi ang dami mong girls sa Manila!"
"That’s not true."
"That is true! Nakikita ko sa Friendster account mo! Ang dami mong photos with girls—mga sexy pa!"
Ngumiti lang siya. "Whoa. Hindi ko alam stalker ka na pala."
"Natural! Number one fan mo ako!"
"Sorry na… kailangan ko kasing magtrabaho."
"Monkey business," irap ko.
Tahimik siya sandali. "Katrina…"
Tumuwid ako ng upo. "Sa Manila na ako mag-aaral after high school."
"What?"
"You heard me. Sa Manila ako magka-college."
"Pinayagan ka nina Uncle Hiro?"
"Oo. Alam naman nila mapupunta ako sa mabuting kamay."
"Saan ka titira sa Manila?"
Ngumisi ako. "Saan pa? Eh di, sa condo mo!"