Arthur Jake Gamboa POV
Kahit ano talagang pag-iisip ko ay hindi ko maisip kung sino siya, sa dami ng nakakasama ko ay hindi ko na maalala kung sino ba siya, and besides pagkakita ko palang sa kanya ay hindi ko na siya type.
Napahawak ako sa sintido, pero mas nangirot iyon ng mahawakan ko ang hinead batt sakin ni Ysabelle, f**k mukhang may bukol na, sasabihan ko sana si John na kumuha ng ice pack dahil may bukol ang noo ko, pero busy ito sa kausap sa cellphone. Mamaya nalang siguro pag-uwi ko.
Pumikit muna ako, I need to take a nap before the meeting napagod bigla ang utak ko dahil sa narinig kanina.
Naramdaman ko na parang may malamig na lumapat sa noo ko, kaya naman dumilat ako at mukha ni Ysabelle ang bumungad sa akin.
"Thanks," kinuha ko ang icepack sa kanya, "wag mo munang banggitin kila Mom ang narinig mo kanina," Tumango lang ito at bumalik na sa pwesto kanina.
Hindi ko namalayan na nag-idlip nga ako, ginising nalang ako ni John ng paalis na kami papunta sa meeting room.
"Bukas nang umaga ko nalang ibibigay ang pinapahanap mo," saad ni John.
"Kailangan ko na John, today mo hanapin after my meeting dapat ay mayroon ka ng nasagap." Hindi na sa akin sumunod si John sa meeting dahil sa pinapagawa ko.
Hindi ko alam kung paano natapos ang meeting ng wala akong naiintindihan, dahil ang isip ko ay nasa babaeng nabuntis ko raw.
Paano na ang career ko at malaking disappointment iyon sa parents ko. At kapag nagkataon ay maaga akong magkakaasawa dahil for sure ay ipapakasal ako ni Mom, once na mapatunayang ako ang ama. Lahat ay mawawala sa akin, lalo na ang pagka-club ko. Tangina hindi dapat mangyari yon.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Ano?!" Narinig ko ang malakas na tawa ni Marco sa kabilang linya. Psh for sure ay naroon ngayon si John sa club nito.
"f**k bro, nakabuntis ka?"
"Hindi pa sigurado gago!" Mas lalong tumawa ito sa kabilang linya. Naririndi ang tainga ko sa pagtawa niya.
"Tangina! Pag nagkataon ay tapos na ang maliligayang araw mo."
"Argh! Bwiset kaya nga kailangan ko ang data mo, I need your CCTV footage para makita kung talaga bang inuwi ko ang babaeng yon."
"Yes! 9 weeks pregnant na siya, hindi ka ba excited na magkakaanak ka na?" Tumawa na naman ito ulit. Tangina kung nandito lang ang kupal na'to ay sinuntok ko na ang mukha nito.
"Ano ba tutulungan mo ba ako o pagtatawanan mo lang ako?" Inis na tanong ko.
"Fine! Dahil tinulungan mo ko kay Stephanie ay tutulungan din kita rito, I will give the data to John mamaya, after I review the CCTV" pinatay ko na ang tawag ng marinig ko 'yon.
Inayos ko na ang gamit ko, hindi ako mapanatag na nandito lang ako sa office, kailangan kong maita ang mismong cctv.
"Let's go to Marco Ysabelle."
Dahil 4 pm na ay sobrang traffic na sa edsa kaya hirap na hirap ang usad ng sasakyan, kung kailan nagmamadali ako ay saka naman na-traffic ng ganito.
Inis na binambo ko ang side ng sasakyan ko, napatingin naman si Ysabelle sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko, I texted Marco na papunta ako ron. Agad naman itong nagreply na aabutin ng oras ang pagri-review ng cctv nila.
Hind rin ako makakatulog mamayang gabi nang iniisip ko ang bagay nayon. Kaya ngayong araw o gabi dapat ay malaman ko na.
After an hour ay nakarating din kami sa club ni Marco. Iniwan ko muna si Ysabelle sa loob ng club ni Marco at pumunta sa Security office kung saan naroon ang CCTV monitor. Busy sila sa pagri-review ng cctv pagkapasok ko.
"Congrats magiging tatay ka na," pang-aasar ni Marco sa akin. Agad na binatukan ko ang gago!
"Alam kong hindi ako ang ama, pero kailangan kong patunayan 'yon," saad ko. Tumatawa naman si Marco sa tabi ko.
"Akala ko ba ay nagiingat ka?"
"Of course! Kaya nga alam kong hindi ako ang ama."tumango nama si Marco.
"Besides she's not my type, unang kita ko palang sa kanya sa picture ay hindi ko na siya gusto" Naniwala naman sa akin si Marco, dahil kilalang kilala niya ko.
"Tara iinom nalang natin yan habang naghihintay," saad ni Marco. Agad naman kaming pumunta sa loob ng club.
"Whoa" agad naman napasigaw si Marco ng makita si Ysabelle na nakaupo sa isang stool bar.
"Shut up Marco" pero hindi ito nakinig sa akin, at agad-agad na tumabi kay Ysabelle.
"Hi pretty lady! I'm Marco and you are?" Inabot pa nito ang kamay kay Ysabelle, alam ko naman na hindi nito tatanggapin ang kamay.
"I'm Ysabelle," nagulat ako ng tanggapin nito ang kamay ni Marco, napangiti naman si Marco kay Ysabelle.
Agad na tinanggal ko ang kamay na magkahawak ng dalawa. I cleared my throat.
"She's my bodyguard, so back off," matigas na saad ko.
"So? Nagpapakilala lang naman ako," saad nito sa akin at ngumiti ulit kay Ysabelle. Nakatingin naman si Ysabelle sa kanya.
"Akala ko ba ay iinom tayo? Busy ka di ba? Alis!" Tinulak ko ito paalis sa inuupuan, nang mapaalis ko si Marco ay ako naman ang umupo.
"f**k you" saad pa nito bago nagpunta sa counter para ipaglagay ako ng whiskey.
"So how come na naging bodyguard ka ng gago to? You look so beautiful and expensive dapat ay model or pageant ang bagay sayo," akala ko ay tapos na itong kausapin si Ysabelle.
"Ano bang paki mo? Mas gusto niyang bodyguard ko siya," inis na saad ko.
"Bakit ka ba naiinis sa akin?" Natatawang tanong nito sa akin. Bakit nga ba ako biglang nainis sa kanya.
"Magresign ka na Ms. Ysabelle, May kakilala akong manager na pwedeng kumuha sayong model," saad pa nito.
"Hoy Marco! Tigilan mo nga si Ysabelle," tawang-tawang bumalik sa ginagawa si Marco . Ang bwict makapang-asar lang.
" Wag kang nakikinig sa kupal na yan Ysabelle," bulong ko rito, pero nagulat ito at napalingon sa akin, napatingin ako sa mata nito pababa sa ilong at huli ay sa labi nito, napalunok ako ng makita ang mapula niyang labi, tumaas muli ang mata ko sa mata niyang nakatitig sa akin at nakakunot ang noo.
"Gusto mo ulit ng head batt?" Rinig kong saad niya, napalayo ako agad, ayokong maging dalawa ang bukol ko. Isa pa nga lang ay masakit na.
Hindi napansin ni Marco ang kaganapang kamuntik na kaming magkahalikan dahil busy ito sa ginagawa.
Naalala ko ay pangalawang beses ng nangyari sa amin na kamuntik na maglapat ang aming kabi pero hindi natutuloy, siguro sa susunod ay magkakatotoo na. Biglang may ngiting namutawi sa labi ko.
"Anong ngini-ngiti mo diyan?Para kang tanga," saad ni Marco at inabot ang ginawa nitong alak. Nagabot rin ito ng beer kay Ysabelle.
"No thanks, magda-drive pa ako," saad ni Ysabelle.
"Isang baso lang yan, hindi ka naman diyan malalasing Ysabelle," saad naman ni Marco na natatawa.
"Masyado ka namang nagaalala sa gagong to, dapat ay mag-alala ka para sa sarili mo dahil…." bigla itong lumapit kay Ysabelle at may binulong.
"Hoy!" agad kong nilayo si Marco.
"Tangina ang sakit non ah," dahil tinulak ko ang mukha nito papalayo sa mukha ni Ysabelle..
Napatingin naman si Ysabelle sa akin at kay Marco, "I know how to fight," saad nito kay Marco.
"Really? Good for you," at tumingin sa akin ng kakaiba. Tangina ano yon? Ano na naman kayang katarantaduhin ang sinabi ng gagong to..
Gusto ko mang tanungin kung ano man yon, pero nabago na ang usapan dahil binago ni Marco ang topic.
“Do you have any idea who she is?” tanong niya sa akin. Tinutukoy niya ay si Cindy.
“I don’t know, she’s giving me stress right now,” this is so frustrating,pinag-aalala ko ay baka ipinagkalat pa nito na ako ang ama ng dinadala niya. Tumawa ng malakas si Marco.
"Naniniwala akong hindi ikaw ang nakabuntis don, pero what if ipagpilitan niya, paano si tita?" si Mom din ang pinag-aalala ko, what if makarating sa kaniya 'to at lalo na kay dad for sure ay hindi nila palalagpasin ito, baka bigla akong ipakasal na kinakatakutan ko.
Naisip ko rin kapag nalaman ni Kuya Harold, sigurado ay patatawanan ako ng gagong yo'n, kaya dapat ay mapatunayan ko sa babaeng yo'n na hindi ako ang ama.
Napalingon kami parehas ni Marco ng biglang tumunog ang cellphone ko, Stephanie's calling.
Napalingon ako kay Marco at sinagot ang tawag.
"Hello Sir Arthur, this is Stephanie. I would like to ask if your available tomorrow, para sa sign contract," kamuntik ko na makalimutan si Stephanie. I already discussed this to my dad at in-approved naman niya agad. Medyo lumayo ako kay Marco dahil nakakaistorbo ang mukha niya.
"Of course, you can contact my secretary to schedule you for a meeting," saad ko.
"Okay Sir Arthur, thank you," agad naman pinatay nito ang tawag.
"Anong sabi?" Tanong ni Marco.
"Pwede raw ba akong makipagkita sa kaniya bukas."
"San kayo magkikita?" Naibaba ko ang iniinom kong alak dahil sa nakikita kong reaksyon ni Marco, natatawa ako dahil hindi ito mapakali ngayon dahil lang sa tumawa ang first love niya.
"Don't worry, it's all about the business," parang nakahinga ito ng maluwag ng sabihin ko 'yon.
"Bakit ka ba nagloko?" Napaangat naman ito ng tingin at nagtataka sa tanong ko.
"What are you talking about? Lasing ka na ba?"
"I mean, bakit mo niloko si Stephanie? Sa kwento ni Alex ay maayos ang relasyon niyo," dati naman kasi ay hindi siya babaero at palagi niyang sineseryoso ang mga babae, hindi ko rin siya noon kinwestyon kung bakit nagbago siya.
"There's no reason, babae ang lumalapit sa akin, sino ba naman ako para tanggihan sila," mayabang pang saad nito.
Napatawa nalang ako dahil nakaka-relate ako sa kanya.
"Naalala ko tuloy noong college pa tayo. Lagi kang huli sa balita, Akala ko nga ay wala ka ng pakialam sa amin ni Alex," napatango ako. We're friends since high school, nagkahiwalay nga lang kami ng course noong college.
That's why hindi ako updated sa mga nagaganap sa kanila. Sa aming tatlo ay si Marco na ang masasabi kong matino sa amin pagdating sa babae, pero simula ng magkahiwalay sila ni Stephanie ay doon na siya nagbago.
"Ano na nga palang balita sa gagong yon?" Tanong ko kay Marco.
"Hindi ko nga rin ma-contact eh, busy siguro sa business niya," no way, maniniwala pa ako kung babae ang inaatupag ng isang yon.
" Ba't ganyan mukha mo?" Natatawang tanong nito,"Hindi ka naniniwala na trabaho inaatupag non?"
Napa-pokerface ako, si alex ang pinakagago sa amin, kaya hindi ako naniniwalang trabaho ang inaatupag non.
"Anyway, single ba bodyguard mo?" Biglang tanong sa akin ni Marco, tiningnan ko ito ng masama at binatukan.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)