bc

Casanova's Guardian

book_age16+
183
FOLLOW
1.2K
READ
murder
revenge
family
playboy
others
independent
drama
serious
male lead
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Arthur has everything in life including the good looks and money kaya naman hinahabol siya ng mga kababaihan. Sa gabi-gabing nasa club ito ay iba-iba rin ang babaeng kasama niya. He doesn’t care kung maraming babae na ang napaiyak niya. He’s a happy-go-lucky type of a person. Gagawin niya at kukuhanin niya kung ano ang nagpapasaya sa kanya. 

Kahit ang mga babaeng may sarili nang pamilya ay lumalapit pa rin sa kanya just to flirt with him kaya naman hindi maiwasang magkaroon siya ng kaalitan. Nakatanggap siya ng isang katutak na death threats galing sa iba’t ibang tao, kaya naman napilitan ang magulang nyang maghired ng personal bodyguard nya at ito ay Ysabelle.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Arthur Jake Gamboa POV I heard the loud music as I entered the club. A playful smirk formed my lips. Parang kahapon lang ay kagagaling ko lang doon. Katulad noon, sumalubong sa akin ang iba’t ibang kulay ng ilaw at malakas na sigawan ng mga taong siguradong tinamaan na ng espiritu ng alak. People were obviously having fun, dancing, drinking and wasting their lives. That’s what most rich people do, enjoy life like there is no tomorrow. Bukod sa mga milyonaryo o anak ng mga kilalang politiko, marami ring nagpupuntang sikat na personalidad sa club. That made the club thrilling and exciting to visit. A staff immediately approached me to lead me to the VIP table. Kilalang kilala na ako ng mga staffs dahil halos gabi-gabi nila akong nakikita roon isa pa, si Marco ang may ari ng club. Isa sa mga kaibigan ko. Ngumisi agad ito sa akin nang makita ako. “What the heck, bro! It’s really not a surprise to see you here again tonight. Wala ka talagang ka-palya-palyang pumunta rito, ha?” Napangisi rin ako rito. “Of course hindi mo ba alam na ako ang nagpapalago ng negosyo mo?“ I asked jokingly. Tinawanan ako nito. He was actually one of my closest friends. Aside from that, kliyente ko rin ito sa negosyo ko. “Fine whatever,” natatawang saad nito. Itinaas nito ang kamay para magpakuha ng alak sa staff. Napatingin ako sa mga taong nagsasayawan sa dance floor. Sa dalas ko roon ay halos pamilyar na sa akin ang mukha ng mga customer ni Marco. Nakarinig ako ng tawanan ng mga babae malapit sa table namin. Naghahagikgikan ang mga ito habang nakatingin sa amin. Siguro ay kami ang pinag-uusapan ng mga ito. Well, ano pa bang bago? I’m used to it. Someone caught my attention. “Who’s that?” tanong ko kay Marco. Tiningnan naman nito ang tinitingnan ko. "It's Natalia. She's one of the famous models here in the Philippines.” Umangat ang sulok ng labi nito. “Type mo?” Abala ang babae na nakikipag-k’wentuhan sa mga kaibigan niya. Nang bumaling sa akin ay agad ko itong nginitian at kinindatan. Tila hindi naman nito inaasahan ang ginawa ko at agad siyang tinukso ng mga kaibigan. Kusang nabuo ang mapaglarong ngisi sa mga labi ko. Nagsigawan ang mga kaibigan nito nang tumayo siya mula sa pagkakaupo at humakbang palapit sa direksyon ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Marco. “Ibang klase talaga ang bilis mo.” “Hi, Marco… it’s been a while,” she said seductively nang makalapit sa akin. Hindi ko maiwasang titigan ito. Hindi na ako magtataka kung bakit modelling ang field nito. She has a beautiful face and a stunning body. Damn. Wala sa loob na nilagok ko ang hawak kong baso ng alak. Naramdaman ko agad ang pagguhit ng init sa lalamunan ko kasabay ng init na nararamdaman ko sa buong katawan ko habang nakatingin rito. “I already forgot the last time I saw you here. You’re becoming more and more beautiful,” saad ni Marco. Ang gago, mukhang uunahan pa yata ako. “I was busy the past few days kaya naman ngayon lang ulit ako nakapunta rito," maarteng sagot nito. Muli itong bumaling sa akin and gave me a playful smile bago muling bumaling kay Marco dahil nagsalita na naman ang tarantado. “Oh, yeah… I saw you on TV. I see that you’re the new ambassador of Chanel. That's a big time. I should really congratulate you for that.” "Thank you so much, Marco! I didn’t really expect them to choose me as their ambassador." Hindi maikakaila ang tuwa sa boses nito. She must be so proud of herself. Well, it's Chanel for goddamn sake. I cleared my throat just for them to notice that I still exist. Ayoko namang masyado nilang binabale-wala ang ka-guwapuhan ko. Bumaling sa akin si Marco na may nakakalokong ngisi sa mga labi. Kahit kailan talaga ay hindi ito nagpapatalo pagdating sa magagandang chicks. “Anyway, I would like to introduce you to my friend, Arthur.” Mahinang tumawa ang babae. “No worries, I know him. Sino ba ang hindi nakakakilala sa isang Arthur Jake Gamboa? Anyway, I’m Nathalia and I am pleased to meet you,” nakangiting sabi nito sa akin at nilahad ang kamay niya. Nakangising inabot ko naman ang palad nito. Kinuha ko ang siko niya para alalayan siyang umupo sa tabi ko. “Take a seat, Ms. Natalia,” sambit ko na mabilis naman nitong pinaunlakan at halos kumandong pa ito sa akin. Narinig ko ang muling pagtawa nang mahina ni Marco. Sinenyasan ko na itong umalis na. Mahirap na. Baka mamaya ay maagawan pa ako. Wala pa namang sina-santo ang isang iyon. “It's nice to see you again here, Natalia! Anyway, I have something else to do just enjoy the night and have fun," anito bago lumapit sa akin. He tapped my shoulder and whispered. “And enjoy the night, bro. Make sure to use a protection. Sigurado akong hindi mo gustong masira ang buhay mo.” Mabilis ko itong tinabig. Lumayo ito sa akin habang tumatawa. Kahit kailan talaga ay puro ito katarantaduhan. "Bye! Call me if you guys need anything," saad pa nito bago tuluyang umalis. Naramdaman ko naman agad ang pagtitig sa akin ni Nathalia. “So… Mr. Gamboa, Do you have a girlfriend?” malambing na tanong nito sa akin. Humarap naman ako sa kan'ya at ngumisi. “What do you think?” I asked playfully. She shook her head. “That's why I'm asking you because I don't have any idea,” natatawa namang sagot nito. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya na kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi nito. “Sorry, I wasn’t able to hear that.” Nagpakawala ito ng tawa pagkatapos ay kinagat ang ibabang labi niya para pigilan ang sarili sa paghagikgik. “I see, mukhang tama nga ang balita, you’re too fast, sir.” Simple lang akong napatawa at inalok ito ng alak. I was comfortable around her. Well, wala naman yatang magandang babaeng hindi ako komportableng makasama. She was a conversationalist kaya naman marami pa kaming napag-usapan. I enjoyed talking and flirting with her na hindi ko na namalayan ang oras at hindi ko na nabantayan pa ang dami ng alak na naiinom ko. Nakakaramdaman na ako nang bahagyang pagkahilo at mabigat na rin ang katawan ko nang mag-aya itong sumayaw. “Let’s dance.” She grabbed my hand at hinila ako papunta sa dance floor. I wasn’t surprised at all when she danced seductively in front of me. She was drunk and wild. Kusang nabuo ang ngisi sa mga labi ko. And damn… I liked it. Nagising na lang ako kinabukasan na tila binibiyak ang ulo ko. Hindi na iyon bago sa akin dahil madalas naman akong magpaka-lasing sa club ni Marco. It was part of my routine. Tumayo na rin ako mula sa ibabaw ng kama. After washing my face and brushing my teeth ay lumabas na rin ako ng silid ko. Naabutan ko si Manang na naghahanda ng almusal sa hapag. "Good morning, Manang Ising, " bati ko rito. Sa halip na batiin ako o ngitian man lang ay sinimangutan ako nito. Hinampas pa nito ang braso ko na agad kong ikinadaing. “Naku! Ikaw na bata ka. May hangover ka na naman, ano? Lampas alas-dose na nang makauwi ka kagabi at lasing na lasing ka na naman.” I don’t even know kung paano ako nakauwi kagabi. Akala ko nga ay sa club na naman ako nakatulog kagabi. Mahina akong tumawa. “C’mon, Manang… parang hindi ka naman sanay sa akin.” Inakbayan ko ito na noon ay naka-simangot pa rin. Noon pa man ay malapit na ako kay Manang Ising. Para ko na rin itong pangalawang magulang dahil siya na ang nag-alaga sa akin mula pa noong bata ako. Mom and dad were always busy at work kaya naman si Manang na ang parati kong kasama. Kung may higit na nakakakilala sa akin, siya iyon. “Siya, maupo ka na rito at kumain ka na. Ginawan kita ng soup dahil alam kong may hangover ka. Hindi ko alam kung nagrerebelde ka ba sa magulang mo o ano," aniya. Katulad noon, she scolded me na para bang unang beses niya akong nakitang umuwi ng lasing. Hindi naman ako nagsasawang makinig rito dahil gusto kong marinig how much she cared so much for me. Minsan naman ay tinatawanan ko na lang ito. "Kaya marami siguro ang naiinis sa’yo,"dagdag pa ni Manang habang naglalagay ng pinggan at ng mga kubyertos sa harapan ko. “Naiinggit dahil ikaw mismo ang nilalapitan ng mga babae.” Hinigop ko na lang ang sabaw na ginawa nito dahil pakiramdam ko ay lalong sumasakit ang ulo ko. “Hmm, taste good. You really know how to ease my hangover, Manang,” pag-iiba ko dahil sa tagal ko na itong kasama, alam kong hindi ito titigil sa panenermon sa akin. "Hay nako! Wag mong ibahin ang usapan. Tingnan mo nga at kung anong oras ka na nagising, ikaw talagang bata ka." Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa dingding. It was already 12 in the afternoon. "Manang umupo ka at sumabay ka na sa akin. Ayokong kumain mag-isa. Please…" Sinadya kong lambingan ang tinig ko at ikurap-kurap ang mga mata ko na siyang ikinatawa nito. Alam kong ibang iba talaga ang charm ko at pati si Manang ay kayang-kaya kong pakiligin. "Kakakain ko lang, anak. Sumabay na ako sa kuya Harold mo kanina,” saad niya. “ Siya, sasabayan pa rin kitang kumain ng prutas.” She was pertaining to Kuya Harold, my eldest half-brother. Anak siya ni Mommy sa una niyang asawa. He was distant kaya naman kahit kailan ay hindi kami naging magkasundo. Whatever his problem was, I don’t give a damn and it was none of my business. Bumalik din ako sa silid ko after brunch. Nakita ko isang unknown number sa screen ng cellphone ko. I opened the message. [Last night was fun. I’m hoping to see you again, babe.] I chuckled. Kahit numero lang, kilala ko kung sino ang nagpadala ng mensaheng iyon. No other than Nathalia. That was just a one-night stand. I had no plans of meeting her again. I admit that I enjoyed it and she was really one of the bests, pero hindi ako ang tipo ng lalaking bumabalik sa iisang babae. They were all the same for me, nothing special with them. Marami pang babae ang naghahabol sa akin and I wanted to taste all of them. I immediately blocked her number. Sigurado ako na maghahabol pa rin ito at katulad ng ibang mga babae, pupunta sa opisina ko nang umiiyak. Napatingin ako sa pinto nang marinig kong may kumatok doon. “Sir Arthur!” I opened the door at diretsong tumingin sa kasambahay. “May nagpapadala po sa inyo ng mga ito.” Tiningnan ko ang mga dala nitong kahon na kasing-laki ng mga kahon ng sapatos. Hindi na bago sa akin iyon. Maraming babae ang nagpapadala sa akin ng mga regalo. Well, I couldn’t blame them for liking me that much. I am handsome, attractive, rich, and famous businessman in the country. Wala na silang mahahanap pang ibang Arthur Jake Gamboa. Nakangisi kong kinuha ang kahon mula rito at dinala ang mga iyon sa loob ng silid ko. I wonder kung ano ang laman ng kahon dahil may kabigatan iyon. Masyado ring maraming ballot ng packaging tape. How cheap. Umupo ako sa couch pagkatapos kong kumuha ng cutter para buksan iyon. Nang tuluyan kong makita ang laman ay agad ko rin iyong nabitiwan. Napatakip agad ako sa ilong ko habang namimilog ang mga mata ko because it was… dead bird. “f**k…” I cursed. Napansin ko na may sulat sa gilid ng kahon. Mabilis ko iyong kinuha. “Prepare yourself, your time is near.” -K Kumunot ang noo ko. K? Who the f**k was that psycho? Pati ba naman walang kamuwang-muwang na ibon ay pinatay nito para lang ipadala sa akin? That was unbelievable! Lumipas pa ang mga ilang araw at naging sunod-sunod ang pagpapadala sa akin ng mensahe ng mga unknown numbers na punong puno ng death threats. Sunod-sunod din ang pagpapadala ng regalo sa opisina ko na naglalaman ng iba pang patay na hayop. Mayroon pang litrato ko na may nakatusok na kutsilyo. I thought someone was just playing with me pero hindi ko na iyon matiis. I ordered my staffs to review the CCTV footage sa opisina pati na rin sa bahay para malaman ko kung sino ang nagpapadala ng mga iyon. Sa bahay, nakita ang puting sasakyan na hindi makilala ang driver dahil naka-suot ito ng mask at ng cap. Basta na lang nitong iniwan ang kahon sa harap ng gate. Delivery boy naman ang nagpapadala sa opisina na natanggap lang daw nila sa opisina nila at ang trabaho lang nila ay i-deliver ang items na pinadala sa kanila. Kung sino man ang gumagawa no’n, sigurado akong may matinding galit sa akin o ‘di kaya ay kalaban ko sa negosyo. I didn’t expect na malalaman nina mom and dad ang tungkol sa nangyari. Siguradong sinabi na iyon sa kanila ng securities o kaya ay ni Manang. Kahit nasa out of town business trip ay agad akong tinawagan ng mga ito. "How are you son? Are you okay? What’s happening?” Nabakas ko agad ang pag-alala sa tinig ni mom. "I'm okay, mom, those were just death threats. I think someone is just tripping on me. You have nothing to worry about.” Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Let's be more careful, the threats are getting worse. What if hindi lang gan'yan ang gawin nila sa'yo? What if mas malala pa r'yan? Sinabi ko naman kasi sa’yo, Arthur… kilalanin mo ang mga babaeng nakakasama mo. Baka naman na-tiyempuhan mo na naman ang babaeng may asawa na pala! God, anak, be careful.” I knew she would overreact. “Mom, hindi ko naman kasalanan na nagsisinungaling sa akin ang mga asawa nila na single para lang mai-kama ko.” “I can be at peace, Arthur. It’s also possible that it’s about business. Maybe… maybe we should hire a personal bodyguard? What do you think, son? Kapag hindi tayo nag hire baka may mangyaring masama sa'yo. I can’t take that." “Mom, relax. It’s just nothing.” "No, we should hire a personal bodyguard. Hindi ko na paabutin na may mangyaring masama sa'yo bago pa tayo gumawa ng aksyon!” "Mom, I'm really okay. I can do this alone. I will try to fix this just trust me. " "No, son,I'm here beside your dad and he agreed with me. Ngayon din maghahanap na ako ng bodyguard mo,” ma-awtoridad na anito. I knew then na wala na akong magagawa. Sa edad ko, parang bata pa rin talaga ang tingin nila sa akin and they don’t trust me na kaya ko ang sarili ko. Napa-hugot na lang ako ng malalim na hininga. Damn it… Siguradong parati na lang ako nitong pababantayan at baka mabawasan pa ang pagpa-party ko gabi-gabi sa club. Argh! That would be a nightmare to me. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.4K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook