Arthur Jake Gamboa POV
After ng naganap na show sa pool area kanina. Medyo nakaramdam ako ng konting pagkapahiya. Pero ok lang hindi naman nakabawas sa kagwapuhan ko ang nangyari, mga katulong lang ang nakakita and Ysabelle.
Nagpalit na ako ng damit at pumasok na sa loob. Tiningnan lamang ako nang mga katulong pagpasok ko sa loob. Nag-iwas din ang mga ito ng tingin nang tingnan ko sila. Siguro ay iniisip nilang papansin ako dahil sa nangyari kanina.
Atleast ay mukhang artista naman ako. At hindi ko rin kailangan magpapansin dahil nangingibabaw naman ang kagwapuhan ko. Walang-wala sa kalingkingan ko ang pagmumukha ni kuya harold. Malamang ay tuwang-tuwa na ngayon ang isang yo’n. kupal siya tss.
Paakyat na sana ako nang mapansin ko ang pagpasok ni manang galing ito sa palengke. Sinabi ko na rito na iutos nalang ang pamamalengke sa ibang katulong. Pero may pagka-makulit talaga itong si manang. Alam na kung saan ako nagmana.
Gusto kong pagalitan ang mga guard sa labas.Hindi manlang tinulungan si Manang na buhatin ang mga pinamili nito. Agad kong nilapitan si manang at tinulungan buhatin ang mga dala niya.
“Manang di ba sinabi ko na sa inyo na sa iba niyo nalang iutos itong pamamalengke,” Natatawa itong tumingin sa akin.
“‘Nak, madali lang naman ang mamalengke bakit ko pa iuutos sa iba hindi ba.? Saka gusto ko na nakikita ang karne kung sariwa ba o double dead. Gusto mo bang kumain ng double dead na karne?,” Mapang-asar pang tanong ni manang. Napa-iling nalang ako. Sino ba namang tao ang gusto ng double dead na karne. Baka sakit pa ang makuha ko roon.
Pagdating sa pagkain ay maarte talaga si manang sobrang linis kasi nito. Pagdating sa kusina ay gusto niyang siya ang nakatoka. Hindi naman ako mapili sa pagkain. Pero syempre ay nag-iingat lang dahil minsan na din akong na-food poison at ayaw ko nang maulit pa yo’n.
“Pero Manang matanda na kayo. Dapat ay nandito na lang kayo sa bahay,” Katwiran ko.
“Wala naman akong mapagkakatiwalaan sa pagbili ng mga ito.” Saad niya habang isa-isang hinihiwalay ang mga pinamili niya. Tinulungan ko naman itong ilagay ang mga karne sa ref at mga gulay.
Sasagot palang sana ako nang mapansin ko si Ysabelle na pababa ng hagdan. Naalala ko na naman kung ano ang itsura niya kanina.
Ang perpektong katawan nito ay talaga namang nakakabighani. Ngayon na pababa ito ay nararamdaman ko na naman ang lakas ng epekto nito sa akin. Umiwas na ako ng tingin dahil masiyado ko na itong pinapantasya. Lumingon ako kay Manang. I smirk.
“Kung gusto mo manang ay sasama nalang ako sayong mamalengke para may katulong ka. What do you think?,” Seryoso kong saad but deep inside ay may kalokohan na naman akong binabalak. Kunot-noo nang tingnan ako ni manang.
Iniisip siguro ni manang na baliw ako. Well isang sikat na Businessman ba naman ang makita sa palengke. Siguradong trending ‘yon. Tapos ay ang g’wapo ko pa siguradong pagkaka-guluhan ako ro’n.
“Tigilan mo nga ako! Kasama ko naman iyong si berting, Kung ano-ano na namang napagiisip mong bata ka,” ang tinutukoy niya ay si Mang berting ang family driver namin.
“Manang, sige na,” Pamimilit ko rito. At nilambingan ang tinig ko.
“Wala ka bang trabaho at gustong-gusto mong sumama sa akin mamalengke?” Of course ay mayro’n. Makakapaghintay naman ang trabaho pero ako hindi.
“Sige na manang pagbigyan mo na ako. Dati naman ay isinasama mo ko ron. I’m sure na namimiss na din nila ang kagwapohan ko.” Tumingin muli ako kay ysabelle na papalabas na ng pintuan. Hindi ko napansin na nakatingin rin pala si manang sa tinitingnan ko.
Nanliliit ang mata ni manang nang tumingin sa akin. Tingin ko ay nabasa niya ang nasa isip ko, “Alam ko na ang balak mo.”
Magsasalita palang sana ako para i-depensa ang sarili nang ituloy nito ang sinasabi.
“Lumaki kayo sa akin. At ni minsan ay hindi ko kayong tinuruang maging matapobre at mamaliit ng ibang tao,” I was shocked ng sabihin iyon ni manang. Ang akala ko ay nabasa na nito ang nasa isip ko.
Halos mamatay ako sa kakatawa sa sinabi nito. kinurot ako sa tagiliran ni manang nang hindi ako tumigil sa kakatawa. Akala ko ay kilalang-kilala na ako ni manang. Pero mukhang nagkamali ako.
“I’m not like that. pft..” Pinilit kong pigilin ang tawa ko dahil mukhang napipikon na sa akin si Manang, “Gusto ko lang talagang samahan ka manang. that’s it.”
Seryoso itong tumingin sa akin, “Hay nako! Bahala ka! siguraduhin mo na wala kang gagawing masama kay ysabelle.”
Biglang may pumasok na tanong sa isip ko, “Ano ang first impression mo kay ysabelle manang?” I'm curious. Nakita ko na rin kasi na minsan ay nag-uusap sila.
“Bukod sa maganda ay mabait at magalang ang batang iyon. Minsan ko lamang itong makausap, pero magaan na ang loob ko sa kan’ya,” sa maikling panahon palang na’yon ay ganito na agad ang impression ni manang. Siguro nga ay may something talaga sa babaeng ‘yon.
“Naalala ko, tinanong na rin sa akin nang kuya harold mo ‘yan,” Nanliit ang tingin ko kay manang. At bakit naman niya tatanungin ‘yon kay manang? Napangisi ako mukhang may naamoy akong something fishy.
“Anong sagot mo sa kanya manang?”
“Katulad ng sagot ko sayo. Ang kuya harold mo ay mapag-oberba. Siguro ay nag-aalala ito sa iyo kaya niya tinanong ‘yon sa akin. Baka akala niya ay masamang tao iyong si ysabelle. ” Nag-aalala? Natawa ko sa sinabi ni manang. Kung alam lang ni manang ang ginawa ni kuya harold kanina. What if totoong nalunod ako kanina? Hahayaan niya nalang ako mamatay. Asan ang pag-aalala ro’n.
Pinilit ko si Manang na sasama ako sa palengke kapag mamalengke ito. Hanggang sa mapapayag ko siya. Natapos ang usapan namin dahil sa tumawag ang secretary ko.
Nakangisi ako habang naglalakad papunta sa office namin sa bahay. Maraming tumatakbo sa isip ko at sana ay isa sa mga ‘yon ang maging successful.
Namataan ko ang Kuya Harold sa library namin dahil nakabukas ang pinto may hawak itong libro at nakatingin sa bintana tingin ko ay may tinitingnan ito ro’n. Hindi ko na ito pinansin pa at tumuloy na sa office. Naba-badtrip lang ako kapag nakikita ang pagmumukha niya.
“Where’s the email?’ Tanong ko sa secretary ko. May pinapa-check kasi itong dokumento sa akin. kung kailangan pa daw ba i-revise.
“I sent it already sir,” I was busy checking the email. Nang magsalita ito muli.
“Regarding po pala sa pinapahanap niyo,” Nawala ang focus ko sa email. At napunta sa kanya.Kung hindi ako nagkakamali ang tinutukoy nito ay ang pagpapahanap ko ng lahat nang impormasyon ni Ysabelle.
“What is it! ” Halata sa boses ko ang excitement.
“Well…” pabitin pa nitong sagot.
“f**k you John! Sabihin mo na bago pa kita isisante.” saad ko rito. Narinig ko pa ang tawa nito sa kabilang linya.
“Nothing special. Hindi siya nakapag-aral sa college at nakatapos lang ito nang highschool. Nag-iisa lamang itong anak. Ang papa niya ay patay na at ang nanay nito ay nasa probinsya walang trabaho. Siya lang ang bumubuhay sa nanay niya. Ang sabi pa nang napagtanungan ko sa inuupahan nitong apartment dati ay wala siyang kamag-anak dito sa manila,” Bigla akong nakaramdam ng awa sa babae. Nag-iisa lamang ito at nakipagsapalaran dito sa manila. Biglang may pumasok na tanong sa isip ko.
“May boyfriend ba siya?” tanong ko muli.
“May asawa na siya sa probinsya,” Biglang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi nito. May asawa na siya? Tangina kaya ba ang cold niya sa akin at hindi manlang siya na-attract sa kagwapuhan ko dahil may asawa na ito. Sabagay ay hindi na ako magtataka dahil sa ganda ba naman nito ay siguradong may asawa na nga ito. Narinig ko ang malakas na tawa ni John sa kabilang linya. Anong problema nang isang to.
“I’m just kidding Sir! Bigla ka nanahimik, ” Gusto kong sapakin ang mukha ni John nang sabihin niya ‘yon. Kung hindi lang ito magaling sa trabaho ay matagal ko na itong sinisante.
“f**k you!”
Tumigil na ito sa pagtawa at nagsalita muli,”Ang sabi nang napagtanungan ko ay wala raw silang nakikitang nagpupunta at naghahatid rito. At ang sabi pa nang anak ni marites na nanligaw rito ay NBSB ang babae,” Bigla namang may nabuong ngiti sa labi ko. Sa lahat ng sinabi nito ay ito lang ang nagustuhan kong narinig.
Pinatay ko na ang tawag nang marinig ‘yon. Nakangiti akong naglakad papunta sa bintana at tumingin sa labas. Nakita ko si Ysabelle na busy sa pakikinig sa isang guard na nagsasalita. Tumingin ito sa paligid. Ngumisi ako nang magtagpo ang mata namin. I'm amazed dahil sa layo ko sa kanya ay mabilis niyang naramdaman na may nakatingin sa kanya. Napaka-observant ng babae.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)