Chapter 3

1732 Words
Arthur Jake Gamboa POV Wala sa loob na pinunasan ko ang gilid ng labi ko dahil baka mamaya ay tumulo na pala ang laway ko roon habang nakatingin sa kanya. “Son, “ Rinig kong saad ni Mom sa kabilang linya. “Let’s talk later mom. My new bodyguard is here, “ Narinig ko ang hagikgik nito. Hindi ko na nahintay ang sagot niya at pinatay na ang tawag. Napalunok ako nang muli akong tumingin sa direksyon ng babae. Hindi ako nagkakamali. Mother’s knows best talaga. Napaka-galing talagang pumili ng Mommy ko, pang world class. “L-Let’s take a seat?” I groaned in my head. At talagang nakuha ko pang mautal? Kailan pa ako nautal sa harap ng isang babae? Naupo ako sa couch at naupo naman ito sa tapat ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ito. She’s a mestiza na gustong gusto ko sa isang babae. Bumagay sa kulay niya ang buhok niyang maalon-alon na noon ay nakatali. Hindi ko alam kung anong mayroon sa magagandang mga mata nito at tila kanina pa nanunuyot ang lalamunan ko. Her thin nose complimented her small face. And her lips… damn. Those were red and looked so perfect. Damn it. Kung alam ko lang na ganito ka-ganda ang bodyguard ko ay baka noon ko pa ginustong makilala ito. “Sir?” Bahagya kong pinilig ang ulo ko dahil masyado na akong napatitig rito. I tried to smirk at her para naman hindi masyadong halata na interesado akong titigan siya nang matagal. “I am pleased to meet you, Ysabelle.” Inabot ko pa ang kamay ko rito na inabot niya rin. Argh! Her hand was so soft. Para bang hindi ko na iyon gustong bitiwan. But then… I am Arthur Jake Gamboa. Hindi dapat ako nagpapahalata ng sobrang interes sa isang babae. “So, how long have you been working as a bodyguard?” “5 years,” tipid na sagot nito. I remained looking at her. I could see so her personality. I could see confidence and sophistication. Sa tingin ko ay hindi talaga ito basta-basta. “Why did you apply to be my bodyguard?” I hate asking people so many questions, but… she made me feel so interested in her. I felt the need to ask her more dahil gusto kong marinig ang tinig niya at makita kung paano niya sagutin ang mga tanong ko. “The offer is big. Aside from that, this is the only job I am good at. High school lang ang natapos ko, but I can assure you na magagawa kong protektahan ka and… you’ll never get disappointed simply because… I don't disappoint.” Napangisi ako. And that’s what I call confidence. I liked it. "How old are you?" I asked. “27” Lalo akong napangisi. “Oh… you don’t look 27. You look younger. Are you sure, kaya mo kong protektahan?" I doubted her capabilities. She has the confidence pero sa katawan niya, I don’t think so. She’s tall but slim. Mukhang mas bagay pa siya sa modelling. She smirked. “Try me then.” Wala sa loob na tumungo ako habang nakangisi pa rin dito. “Let’s see then.” She said mom told her na sa bahay din siya tutuloy kaya naman inikot ko siya sa buong bahay habang binabasa ang contract na pinirmahan niya. Part of her job was to look after me 24/7. Malaki ang offer sa kanya kaya naman malaki rin ang sakop ng trabaho niya. Kasama na roon ang sumama sa kahit saang lugar ako magpunta at sundin ang mga pinag-uutos ko. Nakasalubong pa namin si Kuya Harold. Nakita ko kung paano niya tingnan ang babaeng kasama ko. Napatitig din naman ito sa kanya. Kung hindi pa ako tumikhim ay baka hindi pa tinanggal ng mga ito ang tingin sa isa’t isa. “Who is she?” tanong nito sa akin. “Girlfriend ko, angal ka?” Nginisihan ko lang ito bago kami nagpatuloy sa paghakbang. Hinatid ko na rin ito sa magiging silid niya. Inikot niya agad ang tingin sa paligid. Kahit nagpaalam na ako sa kanya ay hindi na niya ako nabigyan pa ng atensyon. Pagpasok sa silid ko, agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan iyon. Out of curiosity, hinanap ko agad sa social media ang pangalan niya. Wala akong nakitang kahit anong social media account nito. Psh, wala ba siyang cellphone o wala man lang ba siyang social life? Sa bagay, mukhang may pagka-seryoso siya sa buhay. She looks intimidating as well. Tinawagan ko ang secretary ko at pinakuha ito ng impormasyon tungkol sa babae. Unang beses ko iyong pinagawa. I don’t know… I was just really interested in her. Naisipan kong lumabas para mag party-party dahil nami-miss na agad ng katawan ko ang alak at ang malakas na tugtugin sa club. I dressed up at halos ipaligo ko na ang pabango sa buong katawan ko. Binuksan ko ang pinto ng silid ko at halos mapatalon ako nang makita kong nandoon ang babaeng iyon. “W-What the heck are you doing there?” Damn. She would be the death of me. “You don’t have to stand there. Nothing will harm me here. Go back to your room. Bukas pa magsisimula ang trabaho mo, not tonight,” ma-awtoridad na sambit ko. Nilagpasan ko na rin ito at nagpatuloy ako sa paghakbang pababa ng hagdan. Napatigil ako sa harap ng main door nang maramdaman kong nakasunod ito sa akin. “I told you… bukas pa magsisimula ang trabaho mo. You don’t have to follow me. Stay here and that’s an order.” Muli ko itong tinalikuran at nakakailang hakbang pa lang ako nang muli akong mapatigil dahil narinig ko itong nagsalita. “Hello, Mrs. Gamboa…” Hindi ako makapaniwalang bumaling rito. Nakita kong nakatutok sa tainga nito ang cellphone. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? “This is Ysabelle.” Agad akong humakbang palapit sa kanya. “Arthur is leaving tonight and he doesn’t want me to go with—“ Hindi nito natapos ang sasabihin dahil hinablot ko mula sa kanya ang cellphone niya. Papatayin ko sana ang tawag pero nakita ko na… wala naman talagang tawag. Muli akong tumingin rito na hindi pa rin makapaniwala. “You fooled me?” Ngumisi ito sa akin and I couldn’t believe na nagawa ko iyong tingnan at mas lalong hindi ako makapaniwala na nagustuhan ko ang nakikita kong ngisi sa mga labi nito. What the hell is wrong with me? Wala na akong nagawa pa kung hindi ang isama siya. Hinayaan ko nang siya na ang magmaneho ng sports car ko. “Did my mom tell you to report everything to her?” “Not everything,” sagot nito habang diretso pa ring nakatingin sa daan. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan nang makarating kami sa harap ng club. “Stay here inside. ‘Wag ka nang sumunod pa sa loob,” sambit ko bago ito pasadahan ng tingin. She was wearing a black suit and trousers. She looked so formal. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at dumiretso na ako sa pagbaba ng sasakyan. As usual, staff immediately approached and assisted me. Kinuhanan agad nila ako ng maiinom nang makaupo ako sa couch. Tinanong ko agad sa crew kung nasaan si Marco and he told me na may importante itong pinuntahan. Mukhang walang magpapainit ng ulo ko ngayong gabi. "Hey, handsome… are you alone tonight?" she asked seductively habang nakatayo sa harapan ko obviously showing off her t**s. I liked her dress. Halos wala na itong itago. There… New girl, new baby. I smirked. “Do you mind accompanying me?” Napangisi rin ito at hindi na nagdalawang isip na umupo sa tabi ko na halos idikit sa braso ko ang boobs niya. “I’m Elaisa…” she said with a husky voice. She was not familiar to me. Marahil bago lang ito sa club. Kinuha ko ang kamay nitong nilahad sa akin. “I’m Arthur Jake.” “You're Arthur Jake.” Sabay naming bigkas. We both chuckled. Nag-ipit ito ng buhok sa likod ng tainga. Hindi naman nawala ang ngisi sa mga labi ko. Alam na alam ko na ang mga ganoong tingin at gestures. Alam kong gusto nitong matikman ang specialty ko. "So, why are you alone?" she asked. Pinatong ko ang braso ko sa backrest ng sofa kaya naman mas lalo nitong nagawang lumapit sa akin. Nagawa agad nitong hawakan ang dibdib ko. “You’re here, I’m not alone now.” She giggled na mukhang nagustuhan ang sinabi ko. “Don’t smile like that, you’re making me fall in love,” pambobola ko rito. Hinaplos ko pa ang pisngi nitong namula. “You’re blushing, babe.” “Blushing because of you. May I know why you are here?” “I just want to relax and see beautiful women like you. I feel better now,” Nakangising sambit ko. Sumimsim ito ng alak at mapaklang ngumiti sa akin. “If you’ll ask me… I have reasons of going here. Aside from meeting new people… I’m trying to forget everything about my ex.” "Well, I can make you forget him tonight if that’s what you want.” We stared at each other for a moment bago ako nito bigyan nang mabilis na halik sa mga labi. “Woah…” Nakangsing sambit ko. Bago pa ako muling makapagsalita ay kinuha na nito ang batok ko at tuluyan na akong siniil ng halik. She kissed me so wild na hindi ko inatrasan. Kinuha ko pa ang likuran ng ulo nito to kiss her deeper pero napatigil din ako nang bigla na lang may humatak sa akin. Hindi ko agad nakita ang mukha nito dahil bigla na lang niya akong sinalubong ng suntok sa pisngi. Napahawak agad ako sa ibabang labi ko na agad dumugo. Akmang susugurin muli ako ng suntok pero hindi niya nagawa dahil… may bigla na lang dumating para sipain siya nang malakas. I was kinda dizzy sa pagsuntok sa akin ng lalaki kanina kaya hindi ko agad namukhaan ang taong sumipa rito. Mulign tumalsik ang lalaki at nang subukan kong tiningnang mabuti ang taong sumipa rito… I saw… Ysabelle. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD