Arthur Jake Gamboa POV
Ysabelle was there and we are both shocked. halos magkadikit kami ng labi dahil sa sobrang lapit ko rito. Napagtanto ko na papasok dapat siya dahil nakaabang ang kamay niya sa doorknob. I liked this position. Magkaharap kami at halos magkadikit ang labi. Kitang-kita ko ang pagka-gulat sa mukha nito.
Agad namang lumayo si Ysabelle sa akin nang ma-realize ang position namin. Napasimangot ako. Ang bilis naman niyang maka-recover sa pagkakagulat. Tss.
Pero nang maisip ko na kamuntik ng maglapat ang labi namin ay hindi ko mapigilan ang sarili na ngumisi. Napalunok pa ako dahil sa naisip. Ang lakas talaga nang dating ng babaeng to sa akin. s**t. I cleared my throat.
“A-Akala ko ay umalis ka na," What the f**k is wrong with me? Bakit ba ko nauutal sa babae.
"I'm sorry sir. Papasok palang sana ko ay bigla ka namang lumabas," saad niya. But her eyes were on the floor.
"Tumingin ka sa akin ng diretso.Nasa sahig ba ko?," Pinigilan kong ngumiti kahit sa loob-loob ko ay natutuwa ako sa reaksyon niya. Ni hindi man lang ito makatingin sa akin ng diretso.
"Hindi po ba kayo muna magdadamit?," saad nito at diretsong tumingin sa mga mata ko.
Cmon’ Ysabelle wag ka ng mahiyang tingnan ang katawan ko. Maraming babae ang gustong makita at matikman ‘yan. Sayo ay libre ko ng pinapakita ayaw mo pa. Nagpoker face ako nang hindi manlang niya binaba ang tingin sa katawan ko at diretso lang talaga ang tingin nito sa mukha ko.
"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng Topless na lalaki?," I tease her. Nakatingin lang ito sa mukha ko at wala yata talagang balak na tingnan ang abs ko. Kung gayon ako nalang ang gagawa ng paraan. Nilapitan ko ito. Napa-atras naman ito ng bahagya. I smirk.
"No sir," She said. Hindi naman pala inosente ang babae. Diretso ang tingin nito sa akin na para akong malulusaw. Napalunok ako. I realize na she’s the only woman na nakakatitig sa akin nang ganoon katagal. Syempre ay hindi ako magpapatalo. Nagkatitigan kami pareho mga ilang segundo rin ang lumipas ng pagtitigan namin. Walang gustong umiwas ng tingin.
"Excuse me," Nagulat kami pareho ng biglang may magsalita, "Magtitigan nalang ba kayong dalawa diyan? you're blocking the way."
Mabilis namang lumayo si Ysabelle sa akin. Naglakad si kuya Harold sa harap ko at kunot ang noong tiningnan ako. Napasimangot ako at bored na tiningnan siya. Kahit kailan talaga ay kontrabida to.
"Your Bodyguard is a woman. Of course ay mahihiya siya. Ganyan mo pinapakita ang katawan mo, " Halata sa boses nito ang inis. Pinasadahan pa niya ng tingin ang katawan ko. tss. Baka naman inggit ka lang. sa isip-isip ko.
"So what?," I smirk. Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko.
"You are not ashamed of yourself."
"Why not? Maganda naman ang katawan ko, at kahit sinong babae ay talagang maglalaway sakin," Mayabang na sagot ko. well may ipagmamayabang naman talaga ko. I’m gifted. Biniyayaan ako ng g’wapong mukha at magandang katawan. I’m almost perfect. Nagkaroon nga lang ako ng kontrabidang kapatid. Pasalamat pa nga si Ysabelle at nakita niya ang perpekto kong katawan.
Umiwas ako ng tingin kay Kuya Harold at tiningnan si Ysabelle, "Come to my Room, Ysabelle."
"And what will you do to her? Unang araw palang ng bodyguard mo ay gusto mo na siyang ikama," Nahimigan ko ang irita sa boses nito. Hindi na ako nabigla kung bakit ganito ang reaksyon niya. Simula’t sapol ay kontrabida na talaga siya.
Tiningnan ko siya ng masama, "You’re always been like this. Look, I have no intention na ikama ang Bodyguard ko, I still have respect for women," Nilagpasan ko siya at kinuha ang kamay ni Ysabelle. pero bigla ding hinitak ni Kuya Harold ang kamay nito. Napabaling ako sa kanya. Inis ang namutawi sa akin. Ang galing-galing talaga mang-inis ng gagong to.
Aalma palang sana ko pero inunahan na niya ako, "If you have respect, don't let her into your room."
Nagkatitigan kaming parehas. Bwisit talaga sa buhay ko ang isang to. Masyadong pakialamero. Bigla namang tinaggal ni Ysabelle ang kamay niya sa akin at pati na rin kay Kuya Harold.
Bumaling ito kay Kuya Harold, "It's okay Sir, you don't have to worry," Gulat ang reaksyon ni Kuya Harold dahil sa sinabi ni Ysabelle. Buti nga sayo masyado ka kasing pa-bida. Ngumisi ako sa kanya.
Masama ang tingin nito sa akin, “Fine! Bahala kayo,” saad nito at tahimik na naglakad papalayo sa amin.
Hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko dahil mas pinili ako ni Ysabelle. Well ako pa rin naman ang boss niya.
Pumasok na kami ni Ysabelle sa kwarto. Kumuha muna ako ng damit at nagbihis sa bathroom. Tsk. Ang brilliant idea ko ay nawala na. Badtrip kasi ‘yong si Kuya Harold.
Nang lumabas ako sa bathroom ay hinahanap ng mata ko si Ysabelle. Nakaupo ito sa kama ko and She’s checking my room.
Tumabi ako sa kanya at kumuha ng bulak at alcohol. Agad kong kinuha ang kamay niya nang malagyan ko ng alcohol ang bulak. Papalag pa sana ito pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
“Stay still,” ma-awtoridad kong sabi. Kunot man ang noo nito ay hindi na din ito pumalag. That’s my girl dapat alam mo kung kanino ka susunod. Dahan-dahan kong pinunas ang bulak sa sugat nito. Napahitak siya dahil sa hapdi.
Agad kong hinipan ang kamay niyang pinapahidan ko ng alcohol. Tss sayang ang kamay niya kung masusugatan lang. Patuloy ako sa pagpunas at paghipan sa kamay niya para mawala ang hapdi dulot ng alcohol.
Nakikita ko sa peripheral vission ko ang tingin nito sa akin. Napangiti ako. Sige lang Ysabelle titigan mo lang ang guwapong mukha na ‘yan. Wag ka lang mai-inlove or else you will regret.
Agad niyang binawi ang kamay niya ng malagyan ko ng bandaid ‘yon. Ngumisi ako nang nakakaloko rito.
Lumapit ako rito at binigay ang safety kit, "Here."
Nagtaka itong inabot ang safety kit. I smirk. Tinuro ko ang gilid ng labi ko na may sugat din. Pero agad siyang tumayo at naglakad papunta sa pintuan. Agad kong hinatak ang kaliwang kamay niya.
“C’mon Ysabelle. Do me a favor. Medyo nahihilo pa kasi ako,” Malambing na saad ko, At ngumiti ng ubod ng tamis. Walang nakaka-hindi sa taglay kong charms. Kanina nga ay kung maka-titig ito sa akin ay halos malusaw ako. Wala ka ding pinagkaiba sa mga babaeng nagkakagusto sa akin ysabelle.
"Don't worry wala akong gagawing masama sayo. Baka nga hinahawakan palang kita ay naitumba mo na ko, " natatawang saad ko rito. Alam kong hindi ako uubra sa babae sa pakikipag-laban. Kung ang malaking lalaki nga kanina ay napatumba nya. Pano pa kaya ako?.
Nagulat ako nang agawin niya ang kamay niya sa akin, “Mauna na po ako. Salamat rito,”saad nito, at agad na tumalikod.
Naiwan akong nakanga-nga at hindi makapaniwalang hindi umubra ang ka-gwapuhan ko sa kanya. What the f**k is wrong with this woman? Wala pang babae ang nakaka-hindi sa akin kung hindi siya palang.
Agad akong kumuha ng can ng beer sa mini-ref ko. Agad kong binuksan yun at nilagok. Tss that girl! Walang babae ang tumatanggi sa akin. I feel challenge to that woman . Tingnan natin Ysabelle kung hanggang saan ang pagpapakipot mo. Walang bagay ang hindi ko nakukuha ysabelle. Itaga mo sa bato.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)