Chapter 6

1948 Words
Chapter 6 Arthur Jake Gamboa POV Inayos ko ang laptop at tinanggal ang salamin sa mata ko. Kakatapos ko lang makipag-usap sa isang Investors namin. Nakakatamad kasing pumasok sa opisina kaya nandito ako ngayon sa bahay. Hindi ko feel ang pumasok ngayon. Pinadala ko nalang dito sa bahay ang mga dapat kong pirmahan na dokumento. Sa ngayon kasi ay ako ang nangangasiwa ng lahat sa kompanya. Dahil nasa out of town pa sila Dad at mukhang matatagalan pa sila roon. Tumayo ako at nag-inat. I’m hungry. Tiningnan ko ang orasan. It’s 12 in the afternoon kaya naman pala ang mga alaga ko sa tiyan ay nagwawala na. Ni hindi manlang ako sinabihan ni manang na tanghali na. Hindi ko na pinagka-abalahan pang mag-ayos. Alam ko naman na guwapo ako kahit walang ligo. “Where’s Manang?” tanong ko sa katulong na nadaanan kong naglilinis. Gulat naman itong lumingon sa akin at halos himatayin sa kilig. “A-Ano p-po s-sir. Namalengke po.” “Kanina pa?” Tanong ko muli rito. “O-opo eh. Siguro po ay na-traffic iyon,” saad nito. Tumango ako rito at sinabing ituloy na ang ginagawa niya. Napa-iling nalang ako dahil sa sobrang pula nang katulong kanina. Narinig ko pa ang ipit na sigaw nito. Tss. Sinabi ko na din kay Manang na huwag na siya ang namamalengke. Dahil may mga katulong naman kaming iba na p’wedeng gumawa no’n. Makulit talaga si manang kung minsan, mamaya ay pagagalitan ko ‘yon. Dumiretso ako sa kusina. Nang makita ako nang isa pang katulong ay binati ako nito. Agad niyang inayos ang lamesa na pagkaka-inan ko. Napansin ko naman ang pagka-balisa ng babae at nangiginig pa. Napailing ulit ako. Ano ba tong mga katulong na ito. Every makikita ako ay ganito ang reaksyon nila. Naalala ko si Ysabelle lalo na ang nangyari kagabi, “Where’s my bodyguard?.” “A-ano p-po...Nasa labas po y-yata nagbabantay sa gate,” Utal-utal na saad nito. Tumango lang ako at nag-umpisa nang kumain. Habang kumakain ay may pumasok na naman sa utak ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko nang maisip ang plano ko. Humanda ka Ysabelle. After brunch ay lumabas ako ng bahay . Hinanap ko agad si Ysabelle. Nakita ko ito na nakikipag-usap sa isang guard doon at ang guard naman ay hindi maalis ang ngiti kay ysabelle. I know that smile. Napa-iling ako. Nang makita ako ng guard ay agad na bumati ito sa akin. Napalingon naman si ysabelle sa akin. As usual ay poker face ito. “Anong pinag-uusapan niyo?,” agad na taong ko kay ysabelle. “About sa mga nagpapadala ng death threat sayo sir,” sagot nito. Oo nga pala ay hiindi pa muli nagpaparamdam ang nagpapadala sa akin ng Death Threat. Mas ok pa nga na hindi na lang ito magparamdam,pero hindi ibig sabihin ay dapat akong makampante. Baka sa susunod ay mas malala pa ang gawin nito sa akin. “Wala na bang nagpapadala nang kung ano-anong patay na hayop dito?” tanong ko sa guard. “Wala na po sir, nakabantay na po kami rito 24/7 dahil pinahigpitan ni madam ang security rito sa bahay.” “Any other report by the security of this subdivision?” “Wala po sir. Magre-report naman ho ang head ng security rito kung makita nila iyong puting kotse.” Nakakapagtaka ang pananahimik nang mga nagpapadala sa akin ng Death threat. Noong nakalipas na araw ay walang araw na hindi ito nagpadala ng mga patay na hayop. Ano kayang nasa isip nang tarantadong gumagawa no’n ngayon. “Report everything to me,” Ma-awtoridad kong saad. “Yes sir,” saad nito. at sumaludo pa. Tinanguan ko lang siya at tiningnan si Ysabelle. “Come with me,” bulong ko sa kanya in seductive tone. Tumalikod na ako at naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin. Diretso akong pumunta sa pool area. Humarap ako kay Ysabelle at agad na hinubad ang suot kong damit, at hinagis sa kanya. This is the first day na aakitin kita ysabelle. Hindi ko nakalimutan ang nangyari kagabi. No one can refuse my charm. Agad naman nagiwas ito ng tingin sa akin. I smirk. Tumalon ako sa pool at lumangoy papunta sa kabilang side. Bumalik ako papunta sa paanan ni Ysabelle. She just stared at me. Walang emosyon ang mata nito. Ngumiti ako at kumindat dito. Pero ganon pa rin ang reaksyon niya. No emotion at all kahit kilig. I feel disappointed again pero syempre hindi lang ‘yon ang gagawin ko. Hinawi ko ang buhok kong basa at mapang-akit na tiningnan siya, “Kuhanan mo ko nang Juice, Ysabelle.” Tumango lang ito at nilapag ang damit ko sa bench. As expected ay wala pa rin talaga itong reaksyon. Tumalikod na ito para kumuha ng inutos ko. Mukhang mahihirapan ako sa babaeng to. Habang hinihintay ang pagbabalik niya. I swam to the other side again. Habang iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. Nang makita ko si ysabelle na dala ang juice na inutos ko ay agad akong lumangoy sa kabilang side. Pero habang nasa kalagitnaan ako ay biglang sumakit ang binti ko. “f**k! My leg is cramping!,” Sigaw ko kay ysabelle. pero hindi niya ata narinig ang sigaw ko. for f*****g sake ysabelle ngayon ka pa nabingi. Patuloy akong lumangoy at pilit inaangat ang sarili. f*****g s**t, lumulubog talaga ko dahil 7 ft ang swimming pool na ito.Hindi din ako makalangoy ng maayos dahil sobrang sakit ng binti ko. I was about to passed out nang biglang may kamay ang humatak sa akin. Dinala ako nito sa gilid ng pool. “Sir,” tawag nito sa akin. pero hindi ko dinilat ang mata ko. I know it’s ysabelle dahil sa boses palang nito. “Sir, Can you hear me?,” tawag muli nito sa akin at tinapik ng bahagya ang mukha ko. Hindi pa rin ako dumilat. C’mon ysabelle do something. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa leeg ko. She’s checking my pulse. kinilabutan ako. Hindi dahil sa lamig dulot ng basa ako, kung hindi dahil sa paghawak niya sa akin. She's giving me chest compressions. Pero nang hindi pa rin ako dumilat ay hinawakan niya ang ilong ko at binuka ang bibig ko. Napangisi ako sa isip ko. This is what I want. Naramdaman ako ang hininga niya sa mukha ko. That’s it ysabelle. Closer.. I expected na lalapat na ang labi nito sa akin para bigyan ako ng hangin. Pero agad ding nawala ‘yon nang may marinig akong yabag at ingay papunta sa amin. Wrong timing s**t. Kung sino man ang bwisit na dumating. I fired her. Naramdaman ko na may tumabi sa akin, “Bumangon ka diyan,” saad ng baritonong tinig. Damned it. Akala ko ba ay pumasok ang kupal na to. “Bumangon ka na diyan at huwag ka nang magkunwari,”saad muli nito. Hindi pa rin ako dumilat. Kailangan kong panindigan ang pag-iinarte ko. Mapapahiya ako once na idilat ko ang mata ko at si kuya harold na naman ang magaling. Bwisit talaga malaking hadlang talaga ang magaling kong kapatid sa lahat ng plano ko. “Sir harold parang totoo na po at namumulta na siya,” saad nang isang katulong. That's it. Kung sino ka man ay malaki ang bonus mo sa pasko. “Ganoon ba? sige matilda give him a mouth to mouth CPR,” Narinig ko pa ang ilang bulungan. f**k ano bang nasa isip ni Kuya Harold. Nanggigil man ako kay kuya harold ay hindi pa rin ako dumilat. Hanggang kailan ba ako magkukunwari. s**t. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ng babae. I realize na she will definitely do that. What now Arthur? Kapag dumilat ka ay mapapahiya ka pero kapag hindi ka dumilat ay… Damn it.. I imagine na baka yung matandang mataba na katulong namin ang tinutukoy ni Kuya Harold . Naiisip ko palang ay nasusuka na ako. Naramdaman ko ang hininga ng babaeng papalapit sa akin. Bahala na kesa naman lumapat ang labi nito sa akin. So gross!. Agad akong dumilat at tumayo. Tiningnan ko ang matildang sinasabi ni Kuya Harold. She’s one of our maid na pinag-tanungan ko kanina at hindi ang babaeng mataba na tinutukoy ko. Gulat siyang nakatingin sa akin at namumula ang mukha, dahil siguro sa pagka-hiya sa akin. Sinamaan ko ito nang tingin. Pasalamat ka at mabait ako. Kung hindi ay agad-agad tinanggal kita sa trabaho. Masyadong sunod-sunuran sa bwisit kong kapatid. Tumayo ako at tiningnan si Kuya Harold ng masama. Kahit kailan talaga ay kontrabida ang kupal na to. Nakangisi itong tumingin sa akin. “f**k you,” saad ko rito at tiningnan ang mga taong naroon na nakikiisyoso sa nangyari most of them ay maids namin. Hindi naman ako nakaramdam ng hiya dahil sa pagkukunwari ko kanina. Tumingin ako sa babaeng sumagip sa akin kanina. Tumayo ang basang-basa na si Ysabelle. I literally drop my jaw. Dahil sa basa ang puting long sleeve polo shirt nito ay napakita ang angking ganda ng katawan nito. She’s f*****g hot on that wet look and her body was…perfect. Bakat ang itim na bra nito and her incredible sexy body. I’m busy checking her body ng harangan ito ni Kuya Harold at ibigay ang suot nitong suit. Sinamaan ako nito ng tingin, sumipol ako at nag-iwas ng tingin. Nakaramdam ako nang kakaibang init sa katawan dahil sa nakita ko. Piling ko ay natutuyot ang lalamunan ko kahit madami naman akong nainom na tubig kanina sa pool. Fuck.... “Sa susunod ay galing-galingan mo umarte,” mayabang na saad nito at ngumisi. Napairap ako sa kanya. Makakaganti din ako sayo kupal ka. Kinuha ko ang tuwalya na nakasampay at tumingin sa mga maids na kanina pa naglalaway na nakatitig sa maganda kong katawan. Tiningnan ko sila ng masama. “Back to your work!” mabilis namang nag-sialisan ang mga ito. mga tsismosa kayo. Tiningnan ko si kuya harold na naroon pa rin at wala yatang balak umalis. Lumapit ako kay ysabelle at inabot ang tuwalya. “Magbihis ka ysabelle at baka magkasakit ka pa,” saad ko rito. Kinuha niya ang t’walyang binigay ko. Bigla namang nalaglag ang suit na binigay ni kuya harold sa kanya na nakapatong lang sa balikat niya. Hindi ko alam pero piling ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at nakaramdam na naman ako nang kakaibang init lalo na nang pulutin nya ‘yon at tumambad ang cleavage nito. Napatulala ako. Ibinalik nito ang suit kay kuya harold at nagpa-salamat. Umalis ito para magpalit ng damit tiningnan ko ang likod nitong papalayo. Napa-iling ako. Hinawakan ko ang gilid ng labi ko para i-check kung may tumulo bang laway. Mas madami pang babae ang mas sexy ang katawan sa kanya na na-meet at nai-kama ko. Pero siya lang ang bukod tangin babae ang nakakapagpatulala sa akin. “Tingin mo palang ay manyakis na,” sinamaan ko nang tingin ang magaling kong kapatid. Hindi manlang ako hinayaang makasagot at tinalikuran ako. Akala mo naman kung sinong painosente alam ko naman na tumingin din siya. “Damn you!” sigaw ko rito. Kung hindi dahil dumating ang magaling kong kapatid sana ay lumapat na ang labi ni ysabelle sa akin. Actually ay part naman talaga ng plano ko ang magkunwaring nalulunod. Pero iba ang nangyari nagkatotoo ang lahat. Balak ko talaga na magkunwari na nalunod and then she’s giving me a breath. and then I kiss her. I’m sure mababago ang lahat at mawawala ang pagpapakipot niya kapag nalasap niya ang tamis ng halik ko. Pero dahil sa nagma-magaling kong kapatid ay hindi natuloy. Damn him!. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD