Chapter 24

1032 Words
Marco Zumera POV "Stephanie" tawag ko at binuksan ang pinto ng kotse niya pero nakalock yon. Kinalampag ko ang bintana nito, "Stephanie," tawag ko. Inangat naman nito ang ulo at tinanaw ako, she looked wasted, "Marco?" "Open the door," saad ko. Nagtaka naman ito na binuksan ang pinto ng kotse, "What the hell are you doing, sabi ko ay dahan-dahan lang sa paginom, looked at you right now," inis na saad ko. Napansin ko ang mugtong mata nito, "Okay ka lang ba?" tanong ko. "I'm not! Ambigat, sobra!" Bigla nalang itong umiyak. Agad akong napalingon sa mga dumadaan na sasakyan, baka akalain nila ay pinapaiyak ko siya. "Ambigat ang sakit! Bakit lahat nalang ng mahal ko ay iniiwan ako!" saad niya. Hindi ko naman alam ang sinasabi niya, lasing na nga siya dahil kung ano-ano ng sinasabi niya, hindi ko rin naman mahanap ang sasabihin ko. Tuloy-tuloy lang ang iyak nito,"Tahan na, everything will be alright." saad ko at tinapik ang balikat niya, para patahanin ito, pero mas lalo lang itong umiyak. Hindi naman ako marunong magpatahan ng umiiyak. Damn! "I love him so much!" Nagulat ako sa sinabi nito, him?. Napatigil ako sa pagtap ng balikat niya. May iba siyang mahal yan ang nasa isip ko, ibig sabihin ay may minahal pa pala ito nang magkahiwalay sila. Bakit Marco tingin mo ba ay ikaw lang mamahalin niya pagkatapos ng ginawa mo sa kaniya. Nalungkot ako sa isipin na ganito rin siya noong iniwan ko "Simula ng niloko mo ko ay wala nang nagseryoso sa akin." Umiwas ako ng tingin dahil sa guilt na nararamdaman ko, nakailang sorry ako sa kanya bago ako makipaghiwalay. Alam ko ang pagkakamali ko. Mugtong-mugto na ang mata nito nang tingnan ko. Pati ang eyeliner niya ay kumalat na. " I'm really sorry, " saad ko. Pinahid nito ang luhang nasa pisngi nito, "Napatawad naman na kita eh, bumabalik lang yung sakit kasi paulit-ulit na nangyayari sakin, parang sumpa." saad nito at mapaklang tumawa. "You're so beautiful, marami ka pang makakatagpo na hindi katulad ko o nang ex mo," saad ko, sinceridad ang pagkakasabi ko. Tumawa pa ito, "He's my fiancee, ex fiancee I mean" pinahid muli nito ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi. Inabot ko ang panyo ko sa kaniya, nagpasalamat naman ito. "Akalain mo nga naman no, ikaw pa pala itong magko-comfort sa akin at mapagsasabihan ko nang sama ng loob. Nakita mo pa tuloy akong ganito." "Why not? I'm here kung kailangan mo nang labasan ng sama ng loob, handa akong makinig sa sasabihin mo." Napangiti naman ito sa sinabi ko. "Noon pa man ay ikaw na ang diary ko, human diary" Napangiti ako ng ngumiti itong muli. "My god! I looked wasted, kaya ako iniiwan dahil ampangit ko lalo na kapag umiiyak." "Hindi ako agree, maganda ka pa rin kahit anong itsura mo. You're always beautiful inside and out." "Bolero! Baka main-love na naman ako sayo, tigilan mo ko sa mabulaklak mong bibig." Biro niya. "Ihahatid na kita sa condo mo, let's go." "Really? How about my car?" "Ipapadrive ko nalang sa tao ko." "A-ah sige," tinulungan ko itong tumayo ng kamuntik na siyang matumba. "My god! Bakit nagiging dalawa ka na?" turo pa niya sa akin. Ang kulit talaga niya kapag nalalasing. Tinulungan ko itong isakay sa kotse, Nagkakatitigan pa kami nang ilang segundo bago ko nilagay ang seatbelt niya. Pagkaupo ay nagsalita ito, "Ang kapal ng mukha kong magsabi na malakas akong uminom kanina sayo, pero tingnan mo ako ngayon! Nakakatawa." Napangisi lang ako, "Matulog ka muna, gigisingin nalang kita kapag nasa condo na tayo." Tumango lang ito at pinikit na ang mata. Nakakunot ang noo ko hanggang sa makarating sa condo. Kanina ko pa iniisip kung sino ang fiancee niyang tinutukoy nito. Ilang taon palang na wala kami pero nagka-fiancee na agad siya. Kanina pa ako rito sa parking ng condo namin, pero nakatitig lang ako sa kaniya, hindi kaya si Xian ang fiancee niya. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ng kotse ko. "Kung sana hindi ako nagkamali ng desisyon noon, sana ay pag-aari pa rin kita at hindi ka nasasaktan ng ganito," bulong ko, kahit alam kong hindi niya naman ako naririnig. Binuhat ko na siya hanggang sa pinto ng condo niya. Inupo at sinandal ko muna itosa dingding para kuhanin ang susi ng room nya, hinanap ko ang susi nito sa pouch na dala niya. pero wala. Tinapik ko ang braso nito para magising siya," Stephanie? " "Stephanie," gawag ko ulit. No response pa rin ito. Kinuha ko muli ang pouch nito at chineck ng maigi. "s**t! Wala talaga rito," wala naman siyang bulsa kaya wala siyang paglalagyan na iba, maliban nalang kung nasa kotse niya ito. Nagsinungaling ako sa kaniya na ipapakuha ko sa tao ko ang kotse. Ang totoo ay bukas ko talaga ng umaga kukuhanin yon pagkagising ko. Damn! No choice ako kung hindi dalin siya sa kwarto ko. Kaysa iwan ko siya dito sa harap ng pinto niya. "Stephanie, doon ka muna matulog sa room ko." Atleast magsabi ako sa kaniya kahit tulog siya. nagpaalam pa rin ako. Binuhat ko muli ito at dinala sa room ko. "Ambigat mo!" reklamo ko. Agad kasing nangalay ang braso ko dahil sa bigat nito. Dahan-dahan ko siyang nilapag sa kama ko, tinanggal ko ang suot nitong sandals. Kumuha na rin ako ng tubig at palanggana para linisin ang mukha nito. Nagkalat kasi sa mukha ang make-up niya. Habang nililinis ko ang mukha niya ay bigla itong dumilat. "Hmm! Lucas?" nananaginip pa yata siya. Kung ano-ano nang tinatawag sa akin. "Nagha-halucinate ka na Stephanie, matulog ka na" saad ko at tumayo, pero agad pinigil nito ang kamay ko. "Wag! Wag mo akong iwan please!" saad niya. Umiiyak na naman ito habang nakatingin sa akin. "Fine! I'm staying here matulog ka na ulit," saad ko. Hawak pa rin nito ang kamay ko at nakakatitig sa akin. "I Love You," saad niya na nakapagpatigil ng mundo ko, at pagwawala ng puso ko. Alam kong hindi para sa akin yon, pero hindi magkamayaw ngayon ang puso ko dahil sa narinig. "You're making me crazy again,Stephanie." *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD