Chapter 8

2763 Words
Arthur Jake Gamboa POV Hindi maipinta ang mukha ko nang tingnan ko ang kasama ko. Kunot-noo naman akong tiningnan ng tarantado.  “Ano ba magtitigan nalang ba tayo dito,” Inis na tiningnan ko siya, gustong-gusto ko na talaga siyang suntukin sa mukha. Akala ba niya ay hindi ako busy na tao.  “Para kang babae manahimik ka muna.” “I’m a busy person.Imbis na nagta-trabaho ko ay pinatawag mo ko para lang magkape at makipagtitigan sayo,” Napaismid naman si Marco. Tumingin na naman ito sa pinto ng coffee shop. Sino ba ang tinitingnan nang gago na ‘to. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at tumayo na.  “Bahala ka sa buhay mo,” bwisit pinatawag lang ako para sa walang kwentang bagay. Palibhasa ay wala siyang trabaho. Kahit naman boss ako ay hindi naman ako pala-asa sa mga empleyado ko. Kailangan ko rin magtrabaho. at ang bwisit na Marco ay talagang dine-demonyo ko.  “Dude c’mon. Kung nandito lang si Alex ay siya ang isasama ko rito,” Pigil nito sakin. Alex is also one of my friends. Well hindi naman alam kung saan nagsuot ang tarantadong yo’n. “Ano ba kasing ginagawa natin dito?”  “Well.May gusto lang kasi akong i-confirm. At dito sila magmi-meet,” saad nito. Ano bang sinasabi nito? “Kung curious ka maupo ka at maghintay," naupo ako muli at tiningnan din ang pintuan.Hindi ako tsismoso. Curious lang.  Hindi naman nagtagal ay may pumasok na chics. s**t eto ba hinihintay ni Marco? Pamilyar ang mukha niya sa akin, pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.  "I knew it!"  Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Marco, "Who's that?".  "Seriously?Akala ko ay lahat ng magagandang babae ay kilala mo."  "Gago! pamilyar siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Ano bang meron sa kanya at hinihintay mo?"  "Tingnan mo yung lalaking kasama niya." Tiningnan ko naman ang lalaking sinasabi nito.  "Si Xian? yo'ng may-ari ng The Bar? Anong meron sa kanya?"  "Tanga mo bro! He's my competitor. At yo'ng babaeng kasama niya si Stephanie," Napatingin ako agad kay Marco. Hindi kaya….  "s**t. I forgot about her. Stephanie Del Vera." Mapaglaro akong tumingin kay Marco.  "'Wag mo' kong tingnan ng ganyan. Mali ka ng iniisip," pero hindi ko pa din tinigil ang mapaglarong ngiti at tingin ko sa kanya.  "Eh ano palang ginagawa natin dito?" Mas lumawak ang ngiti ko ng sumimangot ang mukha niya.  "Magtatayo siya ng bar niya and I need your help para sulutin siya kay Xian. Alam mo naman na pareho nating competitor si Xian," may point siya. His business is second to us.  May sarili siyang bar at factory ng alak, but I'm not afraid of him. Dahil alam ko na kami ang may pinakamasarap na alak sa buong Pilipinas, pero hindi ko lang alam kay Marco. His business is successful, pero hindi kasing successful ng kay Xian. "Ang alam ko ay mag-invest siya kay Xian at kukunin niyang distributor ng alak at ang pagkakaalam ko rin ay i-expand niya ang business niya sa ibang bansa. Marami ring business partner ang dad niya to promote her business in other country. At eto pa ang best friends niya ay isang influencer hindi lang rito sa Pilipinas kung hindi rin sa ibang bansa. Mas mabilis niyang makukuha ang atensyon ng tao. Kung hindi ako nagkakamali ay foreign market ang target niya, kaya kung makukuha mo siyang client ay malaki ang magiging impact nito sa company niyo and me as well. Exporting your brand in foreign market is a big achievement,"oo nga at malaking impact sa amin, kapag nakuha ko ang loob ni Stephanie. Mas makikilala ang brand namin sa ibang bansa,but still I have my own plan. At hindi ako naniniwalang yo'n ang dahilan ni Marco.  "Bakit ang dami mong alam sa kanya?" I smirk, " Are you really sure na yan talaga ang dahilan?" sinamaan ako ng tingin ni Marco.  "Past is past. My business is now important and that Xian gusto ko siyang pabagsakin," Nagliliyab ang mata nito. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit niya kay Xian, maybe because his a competitor. “So! What’s your plan?” He discussed his idea. Madali lang naman ang pinapagawa niya, I bumped into her. Then magpapakilala ko, tapos I invite her to invest her money to my company. That’s it. As easy as that.. “Bakit hindi ikaw ang gumawa niyan? Akala ko ba ay past is past?”  “Tingin mo ay magugustuhan niyang makita ang ex niyang niloko siya?” sabagay may point naman siya, but still nagdadalawang isip ako.  After 30 minutes na pag-uusap nila ay tumayo na si Xian. Nakipag-kamay ito kay Stephanie. Hindi namin marinig mas’yado ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo kami sa table nila, pero tama lang ang kaunting narinig ko na pag-iisipan pa raw ni Stephanie ang offer nito.  Hindi naman mawala ang ngisi ni Marco, halatang tuwang-tuwa ito sa narinig. Nang umalis ang lalaki ay nag-stay pa si Stephanie. Halos atakihin kami sa puso ni Marco dahil sa biglaang pagtingin nito sa amin. Mabilis nagtago si Marco sa ilalim ng table at ako naman ay tumalikod at kunwari ay umiinom ng kape.  Tangina ano bang pinasok ko na ‘to, natatawa naman ako sa itsura ni Marco na kunwari ay nagsisintas ng sapatos. Sumilip ako muli sa babae at tumayo na pala ito. Sinenyasan ako ni Marco na gawin ang plano niyang walang kwenta. Bumuntong hininga ko at naglakad papunta sa babae. Tangina pag ito hindi umepekto, kakaltukan ko talaga yong si Marco. Naglakad na ako papalapit sa babae at binunggo ang balikat nito kahit na maluwag naman ang daanan, dala ang iced coffee nito ay agad natapon sa...kay Ysabelle.  Anong ginagawa ni Ysabelle rito? ang sabi ko ay hintayin niya lang ako sa kotse.  “I’m sorry miss,” agad na nag-panic si Stephanie at kumuha ng tissue, hindi naman kumibo si Ysabelle. Nakatingin lang ito sa babae, dahil busy si Stephanie sa pagkalkal nito sa bag ay kinuha ko agad ang atensyon ni Ysabelle. Sinenyasan ko ito na umalis at kunwari ay okay lang sa kaniya. “What?” tanong nito sa akin. Napatigil naman si Stephanie sa ginagawa at napatingin sa kanya. “A-ah I’m really sorry miss.” “It’s okay.” I cough para kunin ang atensyon nila, “Actually, it’s my fault. Hindi kasi ako tumingin sa daan.” Napalingon naman sa akin si Stephanie, medyo nanlaki ang mata nito ng makita ko. I know! guwapo talaga ko. “You’re Arthur Jake Gamboa! oh my god,” napahawak pa ito sa bibig dahil sa sobrang shocked. Napatingin ito sa table namin kanina at nanlaki muli ang singkit niyang mata ng makita si Marco. Ang gago nag-panic pa at nauntog sa lamesa dahil sa biglaang pagtingin ni Stephanie sa kanya. Agad napalitan ng ngisi ang kaninang mukha ni Stephanie. “I knew it, akala ko ay namamalikmata lang ako.” narinig kong bulong nito, tumingin ito sa akin nang nakasimangot at ngumiti rin kaagad ng tumingin kay Ysabelle. “I’m really sorry, miss. Here’s my calling card, babayaran ko nalang kahit magkano ang damit mo, kontakin mo nalang ako diyan. Wala kasi akong cash,” inabot naman ni Ysabelle ang calling card.  Hindi ko alam kung paano ko sisingit. Akala ko ay aalis na si Stephanie after iabot ang calling card kay Ysabelle, pero tumingin ito sa akin at may nakikita kong amusement sa mata niya. I know that look. “It’s nice to finally meet you, Sir Arthur! I’m Stephanie Del Vera,” inabot nito ang kamay sa akin. I don’t know what to say, hindi ito kasama sa plano. Ako dapat ang magpapakilala sa kanya. pero tingin ko naman ay mabilis kong makukuha ang loob nito.  “I’m really sorry for what happened,” tukoy ko sa pagbangga ko sa kanya. Tumingin ako kay Ysabelle na nasa harap pa rin namin. Sinenyasan ko ito ulit na umalis. Mukhang na-gets naman nito at lumayo na sa amin. “Miss! call me okay,I’m sorry ulit” habol pa ni Stephanie sa kanya, tumango lang si Ysabelle at lumabas na ng coffee shop. “Anyway! It’s okay, I know na hindi mo naman po sinadya s-sir,” medyo nahiya pa ito sa huling sinabi. Nilagay nito ang nalaglag nitong buhok sa tainga. She’s attractive. Hindi na ako magtataka kung bakit natipuhan ito ni Marco.  “A-ah yeah. Anyway palitan ko nalang yo’ng naitapon mo na iced coffee. wait me here,” nag-agree naman siya pagtalikod ko ay napatingin ako kay Marco. Nasa ilalim pa rin ito ng table. Pinagtitinginan na rin siya nang mga katabi nitong table. Nakakahiya ang gago.  Pumunta ako sa counter, s**t nakalimutan kong tanungin ang flavor ng iced coffee niya. Lilingon palang ako nang magsalita na siya. “Caramel Mocha latte,” saad niya at ngumiti sa akin. Lumingon ako sa cashier. “Caramel Mocha latte and Mocha cake please thanks,” inabot ko agad ang bayad at lumingon kay Stephanie. “I guess your favorite is Mocha huh,” napangiti naman ito at tumango.  Inaya ko siyang maupo habang hinihintay ang coffee niya. “So…”umpisa ko.Hindi na ako nag dalawang-isip at agad na in-open ang about sa negosyo. “I saw your calling card kanina. And your business is a retail business establishment that serves alcoholic beverages huh. Interesting!” tumango naman siya. “Yeah, you have a hawk-eye,” natatawa itong tumingin sa akin, “I’m looking for a distributor for my upcoming bar business.”  Agad namang may lumitaw na ngiti sa labi ko. “I know that your company is a famous and successful business, it’s my pleasure to meet you here, tingin ko nga ay we destined to meet,” dugtong pa nya. “Really? I think so too,” tumawa kami pareho. Napalingon naman ako kay Marco na ngayon ay kunot na ang noo. Gustong ko pa itong asarin. Natigil ang usap namin ng dumating ang cake at iced coffee nito. “If you don’t mind, would you like to invest in our company? We can also be one of your distributor,” Agad namang nasamid ito dahil sa sinabi ko. Inabot ko ang tissue rito. Nabigla ko yata siya. “R-Realy? I-I mean… How am I supposed to respond? Oh my god,” natawa ako dahil sa reaksyon niya. Hindi ba niya alam kung gaano rin ka-successful ang dad niya I giggle, “So?...” “Who am I to say no?” She chuckled.  “So I consider that as a yes,” I smiled genuinely. Nakakapagtaka kung bakit hindi agad siya nag-agree kay Xian. Malaking kompanya rin ang meron si Xian. Gusto ko sana itanong pero baka isipin niya tsismoso ko.  After nang pag-uusap namin, binigay ko sa kanya ang calling card ko. Agad din lumapit sa akin si Marco after umalis ni Stephanie. “Anong pagmu-mukha ya’n? Hindi ka ba masaya at nakuha ko loob ng ex mo?” mapang-asar kong tanong rito. Sinamaan ako nito ng tingin. “You’re flirting with her!”  “What?” I laugh evil, “Kasalanan ko ba kung guwapo ako at type ako.” “Let’s go, bago ko pa mabigwasan yang mukha mo. Habang papatagal ay pa-hangin ka nang pa-hangin.” “Wait,” pumunta ako sa counter ako nag-order ng isang frappe. “Para sa akin ba ya’n?” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa parking. Hindi ako kumibo at hinayaan siyang magsalita.  Bumaba si Ysabelle sa kotse ng makita ako. Naramdaman ko ang hampas ni Marco sa braso ko. “Tangina, sino ‘tong chix na kasama mo,” Hindi nga pala kilala ni Marco si Ysabelle. Ang alam lang niya ay may personal bodyguard ako.  Hindi ko na hinayaan na magpakilala pa si Marco kay Ysabelle. Tangina baka mamaya ay maunahan pa ko nang gago. Agad akong pumasok sa kotse at gano’n din si Ysabelle. Naririnig ko pang nagsasalita si Marco sa labas. “Here, for you.” bigay ko sa frappe.  “No thanks,” maikling tugon niya. Napasimangot ako at inabot muli ang frappe. “For you, kunin mo o hahalikan kita?” tumaas naman ang kaliwang kilay nito sa sinabi ko. Kinuha rin naman niya ang frappe, takot lang siguro niyang mahalikan ko siya.  “Bakit ka bumaba kanina? Ang sabi ko hintayin mo lang ako rito, kasama ko naman si Marco.” “Tumawag ang Mommy mo kanina, hinahanap ka po sa akin,” s**t oo nga pala, kabilin-bilinan pa naman nito kay Ysabelle na huwag akong hahayaan na mag-isa at mawala sa paningin niya. For sure ay napagalitan siya nito. “I’m sorry, napagalitan ka?”  “No,” buti naman pala at hindi siya napagalitan.  She’s busy driving at ang tahimik ng kotse. Well ano pa bang aasahan ko kay Ysabelle. Sobrang tahimik niya. Parang ayaw ako kausap palagi. Kung sasagot man ay palaging tinutuldukan ang sentence niya.  Napatingin ako sa dinaraanan namin, nang may marinig akong kakaiba. “Ano yo’n?” tanong ko kay Ysabelle, dalawa lang kami rito sa kotse at imposibleng ako yo’n. Hindi naman ako nito sinagot at nakatingin pa rin sa daan.  Pinabayaan ko na ang tunog na narinig ko, pero pamaya-maya ay narinig ko ulit yo’n. Napatingin ako kay Ysabelle. Nakakagat siya sa labi at kunot ang noo. Why is she so freaking hot? Hindi ako nagkakamali ay tunog ng tiyan na yo’n, “Are you hungry?”  I check my watch. 10 am na. Maaga kasi kaming umalis kanina kaya for sure ay hindi pa siya kumakain ng breakfast. Ako naman ay kumain na sa coffee shop kanina. Bakit hindi ko naisip yo’n. Dahil mas inisip ko na iiwas siya kay Marco. At alam kong matitipuhan siya no’n.  “ No,” tipid ulit na sagot niya. “I know gutom ka. Ihinto mo sa makikita mong mall or restaurant,” ayokong makitang nagugutom ang magandang katulad niya. Baka sabihin niya ay napaka-iresponsable ko para hindi isipin ang mga trabahador ko.  “I’m okay, Sir. Ihahatid ko muna kayo sa office,” saad niya. Naningkit ang mata ko na tingnan siya. “Ihihinto mo sa malapit na mall o hahalikan kita?” Napabuntong-hininga ito at walang ano-ano’y biglang niliko ang kotse. “May nadaanan tayong mall kanina, balik nalang tayo ro’n,” napangisi ako. Bakitt ba takot na takot siyang mahalikan siya. Ang ibang babae nga ay gustong-gusto na mahalikan ko.  Hindi nga siya nagka-mali at ilang minuto lang ay nakarating kami sa mall. Hinintay ko siyang i-park ang kotse at sabay na pumunta sa loob.  She suggest na sa Jollibee or sa Mcdo nalang siya kakain, pero s’yempre ay hindi ako papayag. Ang mga katulad niya ay dapat sa mamahalin na restau. I smirk. I consider this as our first date. Dinala ko siya sa nakita kong korean restaurant. Wala na rin siyang nagawa nang makapasok ako sa loob. Ang alam ko ay mga ganitong restaurant ang gusto ng mga babae ngayon. Pinaupo ko siya at umorder na ako.  Kailangan kong magpa-impressed kay Ysabelle. I order lahat nang nasa menu nila, at halos mapuno ang table namin. Nakanga-nga si Ysabelle nang tingnan ang lahat ng nasa mesa.  Kumuha ko ng kimchi at sinubo sa bibig niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko at tiningnan ako ng masama. Nginuya niya yo’n, hindi na rin siya nagdalawang isip at kumuha ng chopstick.  “Buti at marunong ka niyan,” sabi ko dahil marunong siyang gumamit ng chopstick. Tumango lang ito at tuloy na kumain.  Mga ilan minuto rin ako na tinititigan siya sa pagkain, ginutom ko talaga siya dahil sunod-sunod ang subo niya. Napapangiti pa ako dahil naku-cute-an ko siya kapag napupuno ang bibig niya. Ganito rin kaya ang pakiramdam ng mga nakakakita sa akin kapag kumakain ako.  Mga ilang minuto ay may narinig kaming nagkakagulo sa tapat ng restau. “MAGNANAKAW! TULONG!” rinig ko na galing sa labas. Agad naman akong napatingin at may napansin akong lalaking mabilis na tumakbo papalayo sa babaeng matanda. Nabigla ako ng biglang tayo ni Ysabelle at takbo sa labas. f**k… “Ysabelleee!” tawag ko rito, pero parang wala itong napakinggan. What the f**k is wrong with you Ysabelle, Dapat ay hindi na siya nakikialam sa problema ng iba. Dapat ay sa akin lang siya mag-focus. What if may mangyari sa kanyang masama?  Nang maisip ko yun ay bigla akong napatakbo ng mabilis na humabol sa kaniya. f**k Ysabelle…  *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD