Arthur Jake Gamboa POV
Tinitigan kong mabuti ang nangyayari. I was kinda dizzy dahil sa biglang pagsuntok sa mukha ko ng lalaki. Hinawakan ko ang pisngi kong sinapak nito.
"f**k…" I cursed.
Ang guwapo kong mukha ay nagagasgasan na. Tumayo ako at handa ng sugurin ang tarantadong sumuntok sa’kin. pero pinigilan ako ni Ysabelle bago pa man ako makalapit.
"Miss hindi ako pumapatol sa Babae, if I were you wag ka ng makialam," banta nito kay Ysabelle. Hindi ko makita ang reaksyon ni Ysabelle dahil nakatalikod ito sa’kin. Nag Iinit talaga ang dalawang kamao ko at gustong-gusto ko itong sapakin.
Tiningnan ko ang lalaki. Ang katawan nito ay parang sa bouncer, pero hindi ako natatakot. Pagkatapos niyang suntukin ang guwapo kong mukha. Nanggigil akong humarap sa lalaki.
“Tarantado! Bakit mo ko sinuntok?” Humarap ito sa’kin. Ngumisi ito na parang aso. Akala mo ang guwapo mo pag ngumisi! Mukha namang adik.
“Dapat lang sayo ‘yan!” Galit na sagot nito . Aba! Napa-atras ako ng susugod na ulit ang lalaki.
Agad-agad itong nakalapit sa amin ni Ysabelle at akmang susuntukin ulit ako. Pero nasalag ‘yon ni Ysabelle at tinulak siya. Nag-igting ang panga ng lalaki dahil sa ginawa ni Ysabelle. Itinaas kasi nito ang kamay na parang naghahamon ng away.
“Ang yabang mong babae ka!”
Mabilis na sumugod ang lalaki, at agad din namang nakaiwas si Ysabelle sa suntok nito. Napanganga ako dahil sa bilis at liksi ni Ysabelle. Nangigigil na tumingin ang lalaki sa amin ni Ysabelle.
“Sino ka ba?! Bakit ka ba nakiki-alam dito!,”
“I’m nobody,” saad ni Ysabelle.
Galit at Nagngingitngit sa galit ang lalaki,”Pagsisihan mong nakialam ka pa dito! Ang yabang mo!,” Sumugod muli ito kay Ysabelle pero inilagan lang ito nang babae.
Gigil na gigil ang lalaki dahil hindi man lamang siya sa makatama. Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa nakikita ko. Ang yabang sumugod sa akin pero hindi naman pala kaya ang babae lang. Gusto ko sana silang awatin pero nag-enjoy na ako sa panonood.
Sinalag ni Ysabelle gamit ang braso ang suntok nito. Sinipa ni Ysabelle ang tiyan ng lalaki at napa-aray ito sa sakit.
“Woah!” I reacted. Masama ang tingin ng lalaki sa akin nang marinig niya ang pag-cheer ko kay Ysabelle.
Dahil nakatingin sa akin ang lalaki, hindi niya nailagan ang pagsipa ni Ysabelle sa tiyan nito. Hindi pa ito nakuntento ay sinapak niya sa mukha ng lalaki. Bagsak ang lalaki sa sahig.
Ang yabang maghamok ng away. Weak naman pala. Sa isip-isip ko.
Hindi kaagad nakatayo ang lalaki dahil sa tingin ko ay nahilo ito.That’s what you deserve!.
Humarap sa akin si Ysabelle. Nakangisi ‘kong tumingin sa kanya. That’s my girl!. Lalapit na sana ito sa akin ng mapansin ko na tumayo ang lalaki kanina at kumuha ng bote ng alak.
"Ysabelleeeeee" sigaw ko. Kukunin ko sana ang kamay niya dahil ihahampas ng lalaki ang bote ng alak sa kan’ya. Pero tumalikod lang sa akin si Ysabelle at mabilis na humarap sa lalaki.
Damned this girl. Why does she look so hot?.
Mabilis ang naging galaw ni Ysabelle at sinipa itong muli sa tiyan at pagkatapos ay binigyan niya ng uppercut ang lalaki.
Bumagsak ulit ang lalaki. sakto naman ang dating ng mga guards sa club. Kahit kailan talaga ay laging huli ang mga responder.
"Are you okay sir?" tanong sa akin ni Ysabelle. Napa-titig na lang ako rito. hindi ako makapaniwala na sa payat niya ay napabagsak niya ‘yong maskuladong lalaki.
“You’re amazing...”
"Sir anong gagawin namin dito?" Napaharap ako sa guard nang tanungin ako. Ngayon lang ulit nagsink-in sa akin na sinuntok ng tarantadong lalaki ang mukha ko.
Nag-igting ang panga ko at naramdaman ko na naman ang sakit ng sapak nito sa akin. Tanginang lalaki sa dami ng susuntukin ay sa mukha ko pa.
Pinuntahan ko ang lalaki at sa inis ko ay kinwelyuhan ko ito. tiningnan naman ako ng masama nito.
Tanginang mukha ‘yan! Ang lakas ng loob sapakin ako. Hindi yata ako nakilala ng gunggong!.
"Who the hell are you?!Why did you punch me?!” Inis na inis talaga ko. Gusto ko talaga siyang sapakin sa sobrang inis ko. Who the f**k ordered him to punch my handsome face!.
Nagulat naman ako nang biglang pumagitna sa amin ang babaeng kahalikan ko kanina.
What’s her name again? Elisa? Elsa?. Whatever! Hindi ko inisip pa kung ano pang pangalan niya. She’s not important!.
"I'm really sorry Arthur. Are you alright?" worried na tanong nito sa akin.
Ikaw kaya sapakin maging okay ka kaya?. Mgsasalita na sana ako nang sumingit ang lalaki.
"Why are you sorry to him?! Hindi ba dapat ay sa akin ka nag so-sorry because you cheated on me!" saad ng maskuladong lalaki.
"Anong sabi mo? cheater ako?! FYI ikaw ang unang nagloko sa ating dalawa! ang kapal ng mukha mo!" She's mad at hindi na mapigilan ang sarili at pinaghahampas ng Babae ang Lalaki. mabilis namang umawat ang mga guard sa Club at pinaglayo sila.
I get it now. So he’s the ex boyfriend she’s referring to huh. Napailing nalang ako.I feel disappointed dahil akala ko ay walang sisira ng gabi ko. tss.
After noon ay na-settle din naman agad. Nag sorry ang lalaki sa akin at pati na din kay Ysabelle. Ayoko naman patawarin agad at gusto ko ngang ipakulong ang lalaki. Pero nagmaka-awa ang babae kanina na madudungisan daw ang pangalan niya once na lumabas ito sa media. well she’s running for congresswoman. That’s why...
I’m not really sure kung magkakabalikan pa ang dalawang ‘yon. basta ang alam ko ang sakit ng sapak sa akin at hindi man lang ako nakaganti!.
"Are you alright?" tanong ko kay Ysabelle ng makalabas kami sa club. Gusto ko pa sanang mag-inom pero wala na ko sa mood and besides kasama ko pa si Ysabelle.
Hinawakan ko ang kamay nitong namumula. Her hand was so soft. pinisil -pisil ko ‘yon. Agad namang inagaw niya ang kamay. psh.
"I'm okay Sir,"malamig na sabi niya.
Tiningnan ko nalang kamay nitong namumula at may kaunting sugat. kahit sandali ko lang nahawakan ang kamay niya ay nakuryente na ako. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din ang nangyari kanina. She’s really amazing. Wala akong masabi.
"Let's go," aniya.
Sumunod naman ako sa kanya papunta sa kotse. I insist na ako na ang mag-drive. pero hindi niya ako pinayagan. Napanguso nalang ako. Ako ang boss niya, pero mas bossy siya. tss.
Nang makauwi kami ay nagulat si manang dahil maaga akong nakauwi at bigla itong nagaalala ng makitang may sugat ako sa labi.
"Anong nangyari sayo ‘nak? sinong gumawa niyan sayo? halika at gamutin natin," saad nito, mabilis akong umiling. well I have a brilliant idea.
"Ako na Manang, ok lang ho ako salamat po kay Ysabelle," saad ko. pero ang totoo ay may naisip ako.
"Hay nako Bata ka! Salamat Ysabelle ha. Pagpasensyahan mo na ang batang to. Unang araw mo palang ay mukhang binigyan ka na agad nang sakit ng ulo," here we go again. She scolded me.
"That's my job to protect him,” hindi ko na napigilan ang ngiti ko. It feels good na may pumu-protekta sa akin. At the same time ay nakakababa din ng pagka-lalaki dahil babae ang protector ko.
Hinatak ko na ang kamay ni Ysabelle para tumaas, dahil hindi na naman titigil si Manang na pag-sabihan ako.Nakakahiya na marinig ni Ysabelle ‘yon. Nakakabawas ng kaguwapuhan.
“Wait me here,” utos ko sa kanya at pumasok ng kwarto.
I immediately went to the Bathroom. Habang naliligo ay hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin. Napa-iling ako nang may bahid ng sugat ang gilid ng labi ko. Sana ay hindi ito magtagal at mawala na agad. Baka mabawasan ang babaeng lalapit sa akin dahil sa lintik na sugat na’to. But well g’wapo ka pa din naman Arthur kahit may pasa ka o black eye ka pa. I smirk nang maisip ang brilliant plan ko.
'Humanda ka Ysabelle ngayon mo makikita ang alindog ng Isang Arthur Jake Gamboa' sa isip isip ko.
After maligo ay lumabas ako ng topless tiningnan kong muli ang sarili sa salamin. Guwapo kahit may pasa. Napangisi ako, pero agad ko ding binawi dahil kumirot ang sugat ko. argg bwisit talaga!
"Ysabelle! Pumasok ka na!," hinintay ko ang pagbukas ng pinto habang nagpe-flex ng muscle ko sa braso.Pero nagtaka ako nang walang Ysabelle ang pumapasok. I wondered kung bakit hindi pa ito pumapasok sa kwarto ko.
Tinawag ko ulit ito pero walang respond galing dito. Takte bingi ba ang babaeng ‘yon. Tumayo ako at agad binuksan ang pinto at halos atakihin ako sa puso sa sobrang gulat.
When I opened the door. Ysabelle was there and were both shocked. halos magkadikit ang labi dahil sa sobrang lapit ko rito.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)