Arthur Jake Gamboa POV
Halos mawalan ako ng hininga sa sobrang pagmamadali para mahabol lang si Ysabelle. Anong klaseng babae siya. Ang lakas ng tolerance niya sa pagtakbo. Mas binilisan ko pa ang takbo para makahabol dahil nawawala na sila sa paningin ko dahil sa dami ng tao sa mall.
Malapit na sa exit ang lalaki at pati ang mga guard ng mall ay naka-antabay sa paglabas ng magnanakaw. Nalagpasan ng snatcher ang guard na humarang dito. Tangina. Mas bumilis ang pagtakbo ni Ysabelle.
Nagulat ako ng biglang tumalon si Ysabelle at sinipa ang likuran ng lalaki. Bumagsak ang lalaki sa sahig at agad namang kinuha ni Ysabelle ang hawak nitong bag.
Hindi inasahan ni Ysabelle na may patalim ang lalaki at naiwaksi ng lakai ang patalim kay Ysabelle kaya nasugatan ang braso nito. Mas lalo akong kinabahan ng biglang hitakin niya si Ysabelle at tinutok ang patalim sa leeg nito.
“Ysabelle!” tawag ko lalapit sana ako nang tinutok niya ang patalim sa akin.
“‘Wag kang lalapit, kung hindi ay gigilitan ko ang leeg ng babaeng ‘to!” Nakaramdam ako ng takot para kay Ysabelle. s**t. Anong gagawin ko?
Pinagpawisan ako ng malamig, kinakabahan dahil sa nangyayari. Gusto ko sisihin si Ysabelle dahil napaka-careless niya. Imbis na ako lang ang protektahan niya ay siya pa ngayon itong nasa disgrasya.
Maraming tao ang naroon at nakapaligid sa amin, pati ang mga guard ng mall ay pinapahinahon ang lalaki.
“Tangina! ‘Wag kayo sabing lalapit!” sigaw niya ulit. Mas nilapit niya pa ang kutsilyo sa leeg ni Ysabelle. Kaya nasugatan ito at may tumulong dugo.
Gusto kong kuhanin ang patalim mula rito, pero natatakot ako na kapag humakbang ako ay tuluyan niyang saktan si Ysabelle.
Humakbang ako nang bahagya nang lumingon siya sa isang guard na lalapit sana sa kaniya, pero maagap ang lalaki at agad na nakita ang galaw ko. Nakita ko rin ang pag daing ni Ysabelle nang tinutok niya muli ang patalim rito.
“Please, let her go!” pangungusap ko, pero sinamaan lang ako ng tingin ng lalaki, hindi naman siya mukhang adik at mukhang nasa 20’s lang ito.
“Pag binitawan ko siya ay ikukulong niyo ko.” Mangiyak-ngiyak na saad niya.
“Dude! Please I know na hindi mo ‘to gusto, so please let her go,” mahinahon kong saad.
Tiningnan ko si Ysabelle na nakatingin lang sa akin, katulad ng dati ay gano’n pa rin ang tingin nito. No reaction. maliban nalang kapag nagagalaw ang sugat niya.
Bumunghalit ng iyak ang lalaki pero hindi pa rin binitawan si Ysabelle. May pagkakataon na sana si Ysabelle na makaalis sa hawak ng lalaki, pero hindi nito ginawa. I know na kaya niyang umalis sa kamay nito mula pa kanina.
“C’mon dude, kung ano man ang problema mo ay masu-solusyunan ya’n. ‘Wag kang gumawa nang alam mong pagsisihan mo,” tumingin ito sa akin ng masama pero may luha pa rin na umaagos sa pisngi niya.
“Palibhasa ay mayaman ka, hindi mo alam ang pakiramdam naming mga mahihirap. Kung pinanganak lang sana kaming mayaman ay hindi sana magkakasakit ang nanay ko.”
Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya, hindi dahil guilty ako na hindi ko naramdaman ang maging mahirap, kundi dahil sa nanggaling rin kami sa hirap noon. I know that feelings, hindi rin ako pinanganak na mayaman, salamat sa parents ko dahil ganito na ang buhay namin ngayon dahil sa pagsusumikap nila.
Gusto ko sanang sabihin yo’n sa kan’ya na alam ko ang pakiramdam no’n, pero agad ng nakawala si Ysabelle mula rito at kinuha ang patalim na hawak nito. Agad na naglapitan ang mga guard at agad na pinosasan siya. Nagmamakaawa ang lalaki at umiiyak habang kinakaladgad ito papalabas ng mall, dadalin nila ito sa police station para ikulong.
Napalingon agad ako kay Ysabelle at hinawakan ang braso nitong nasugatan pati na rin ang leeg nito. buti nalang at maliit lang ang sugat niya.
“Okay ka lang ba? masakit ba?” parang tanga ang tanong ko malamang ay masakit yo’n. Napakamot ako sa ulo.
“Miss! maraming salamat sa tulong mo, kamuntik ka pa tuloy mapahawak dahil ro’n,” saad ng matandang babae kanina na nanakawan. Inabutan rin siya ng maiinom nito at tinanong kung may masakit pa sa kan’ya.
Pamaya-maya ay dumating na rin ang mga police, agad na hinatak ako ni Ysabelle papa-alis ro’n. Nagtaka man ay nagpatianod nalang ako sa kan’ya.
“Hindi ka nila p’wedeng makita o ma-interview, kung hindi ay malalagot ako sa mom mo,” narinig ko pang saad niya. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.
Hanggang sa makarating kami sa parking ay hindi naalis ang ngiti ko. Lumingon siya sa akin.
Kunot ang noo nito,”Anong nakakatuwa?” saad niya.
Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Mas ngumisi ako ng babawiin niya sana yo’n, pero mas hinigpitan ko pa ang hawak ro’n.
“Holding hands while walking, nice move Ms. Ysabelle,” pang-aasar ko rito.
Mas nangunot ang noo nito at pilit na tinatanggal ang kamay niya. Napangiwi ako ng diinan niya ang kamay ko, kaya natanggal niya agad yo’n. Takte anong klaseng babae ‘to. Ngumisi ito sa akin bago ko pagbuksan ng pinto.
Tinitigan ko muna siya ng ilang segundo, wala lang nagagandahan lang ako sa kan’ya, kahit para siyang gangster sa sobrang lakas niya, pero nang makita ko ang sugat niya ay napabuntong-hininga ko.
“I know na kaya mong makawala sa lalaki kanina, bakit mas pinili mo pang masugatan ka?” hindi naman ito sumagot, tinuro lang nito ang upuan at pinapapasok na ko ro’n.
Hindi na rin ako naghintay ng panahon, dahil mukhang wala naman siyang balak na sagutin ako, naupo na ako at pinagsarhan ako ng pinto nito.Umikot siya at sumakay sa driver seat.
Bigla kong naalala ang mga in-order kong pagkain kanina. s**t ni hindi manlang namin napangalahati yo’n. Siguro ay tatawagan ko nalang ang restaurant na i-deliver sa bahay ang mga pagkain.
“Umuwi na tayo, hindi na muna ako papasok sa opisina,” saad ko, pero tumingin lang ito sa akin at parang naghihintay. Kumunot ang noo ko.
Magtatanong palang sana ko ng bigla itong lumapit, as in sobrang lapit. I was anxious for unknown reason. She's the first woman to make me nervous. Nagkatitigan kami at hinihintay ko ang kung ano mang gagawin niya. Napangisi ako rito, will she kiss me? Naexcite ako sa naisip ko ilalapit ko na sana ang sarili dito ng biglang umiwas ito ng tingin at inabot ang seatbelt ko.
"Safety first sir, you forgot to put on your seatbelt," saad nito at mabilis na bumalik sa pwesto nito pagkatapos ayusin ang seatbelt ko.
Tinignan ako muli nito at nagtataka dahil natulala ako literally. I thought.. arrg, kelan pa ko naging feeling-ero.
Nang makauwi sa bahay usual ay nakasalubong agad si manang, napansin agad ni manang ang punit sa braso ng damit ni Ysabelle. Agad rumehistro sa mukha nito ang pag-aalala.
“Anong nangyari iha? bakit may sugat ka sa braso? May nakaaway na naman ba ‘tong si Arthur?” tanong agad ni manang.
“May nangyari sa mall manang, at hindi ako ang dahilan kung bakit nagkasugat si Ysabelle,” pagtatangol ko sa sarili.
Hindi rin naman kumibo si Ysabelle. Nagpaalam lang ito na magpapalit ng damit at gagamutin ang sarili, nag-offer ako at si manang, pero kaya na daw niya ang sarili niya.
I don’t know hindi talaga ko mapalagay na gagamutin niya ang sarili. I feel guilty, pero hindi ko naman kasalanan na nasugatan siya. Hay bahala na.
Kinuha ko ang safety kit sa kwarto ko. bahala na, kung ayaw niyang magpagamot ay dadaanin ko siya sa dahas.
Agad na nagpunta ako sa kwarto niya, hindi naman yo’n kalayuan sa kwarto ko, dahil talagang sinadya nila mom na ilapit ang kwarto ko rito. Hindi ko na rin pinansin ang mga maid na bumati sa akin.
Kumatok ako sa pinto pero walang nagbubukas. Ano kayang ginagawa nito, kumatok ako muli pero hindi talaga ito sumasagot. Tinawag ko ang maid at sinabing kunin ang susi ng kwarto ni Ysabelle. Mga ilang minuto lang rin ay bumalik ang maid dala ang susi ng kwarto.
Pagka-bukas ko ay naamoy ko agad ang amoy ng pabango ni Ysabelle. Wala rin akong Ysabelle na nakita. Narinig ko ang tulo ng shower mula sa bathroom niya.
Hintayin ko nalang siguro siya rito. Binaba ko ang dala kong safety kit at naupo sa kama niya. Ang kwarto niya ay walang kagamit-gamit,kaya malinis at maaliwalas tingnan. Sobrang bango pa ng kwarto niya. Parang masarap matulog ng isang gabi rito. Agad na napangisi ako sa naisip.
Alam ko naman na masama ang pumapasok sa kwarto nang may kwarto, pero bahay ko naman 'to. Kaya walang babawal sa akin.
Mga ilang minuto rin ako naghintay. Nang tumigil ang tunog ng shower. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Ysabelle na nakatapis lang ng tuwalya.
Nanlaki ang mata nito sa akin. Samantalang ako ay hindi na nabigla, pero parang may nagalit na ibaba ko.
"Anong ginagawa mo rito?!" napalakas ang boses nito.
"What? bahay ko 'to, wala ba kong karapatan sa pamamahay ko?"
"I know na bahay mo' to, pero kwarto ko 'to, you forbidden my privacy!" nandidilim ang paningin nito na parang gusto kong sakmalin nalang.
"Okay! I'm sorry."
Sinamaan ako nito ng tingin, "What?" tanong niya sa akin, dahil nakangisi ako ngayon.
"Wala ang sarap mo lang pagmasdan," saad ko, Pumikit ito ng mariin at piling ko ay nanggigil na ito sa galit. Nang magmulat ito ng mata ay y'on na ang sign para ako ay lumabas.
“Fine. Hihintayin kita sa labas,” saad ko at tinitigan muli siya bago lumabas.
Ang init sa kwarto niya, wala ba ro’n aircon.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)