Arthur Jake Gamboa POV
"Ano bang ginagawa mo ditong kupal ka?" saad ko sa lalaking nakaupo sa couch ko.
"Good Morning Bro! Ganyan ka na ba bumati ngayon?" natatawang saad pa nito.
"C'mon Marco! Ang aga-aga," tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at tinuon ang pansin sa computer ko. Napapadalas ang pasok ko ngayon sa opisina dahil sa dami ng meetings ko.
Wala pa rin kasi si Dad at ako lang mag-isa ang nagaasikaso ng lahat, wala naman kasing kwenta ang magaling kong kapatid. Tuloy ay nababawasan na ang pagka-club ko.
"Dinadalaw ko lang si Ysabelle," saad nito at napansin ko pa ang pagkindat nito kay Ysabelle," Hi! Ysabelle."
"Kung manggugulo ka lang dito ay umalis ka na," seryosong saad ko. Hindi ako makapagconcentrate dahil nandito ang kupal nato.
"Why so serious bro!" tumatawa pang saad nito papunta sa table ko, naupo siya sa tapat ng table ko.
"Ano ba kasing kailangan mo?"
"Wala nga! Hindi ba pwedeng dumalaw sayo?"
"Wala akong sakit, Bakit ka dadalaw," napamaang naman ito sa akin.
"May sakit lang ba ang dinadalaw ngayon? hindi ba pwedeng na-miss lang kita" nakangising saad nito. Bigla akong kinilabutan sa huling sinabi nito.
"Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo?" diring-diring saad ko, narinig ko naman ang tawa ni John.
"Ang arte mo, dinadalaw kita dahil ang dalang mo nang pumunta sa club ko."
"Wala na akong time," saad ko at tinuro ang mga documents na kailangan ko pang i-review.
"I see," maikling saad nito. Napatingin naman ako rito ng bigla itong manahimik na akala mo ay may iniisip.
"Kaya ka siguro masungit," out of nowhere ay bigla itong nagsalita, patango-tango pa ito habang sinasabi yon.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Kaya ka masungit kasi……"
"Ano?" takang tanong ko.
"Kasi tigang ka na," Narinig ko ang malakas na tawanan ng dalawang lalaking kasama ko. Napapikit ako ng mariin sa sobrang inis.
"Tangina mo," at binatukal ang folder na malapit sa akin, mabilis naman itong nakalayo sa akin.
Akala ko ay kung ano na ang iniisip nito. Katarantaduhan lang pala. Napatingin ako kay Ysabelle na nakikinig lang sa amin, pero nakita ko ang medyo pag-angat ng labi nito. Napairap ako kay Marco sa sobrang inis.
Natahimik lang kami ng biglang may kumatok sa pintuan ng office ko. Sa boses palang nito ay agad na nag-panic si Marco.
Naalala ko na ngayon pala ang contract signing niya sa company namin. Napangisi naman ako ng makita ang pamumutla ni Marco.
Agad na tumakbo ito sa pantry nang buksan ni Stephanie ang pinto.
Tumayo ako agad at sinalubong siya, "Good Morning Ms. Del Vera, it's really good to finally see you here." saad ko.
"Good Morning Mr. Gamboa, it's my pleasure to be in here" Nakangiting saad nito. Inaya ko ito sa aking couch. Nagulat pa ito ng makita si Ysabelle.
"Oh? Ikaw yung natapunan ko ng Iced cofee ko, right?" Nakangiti nitong tanong kay Ysabelle. Tumango naman si Ysabelle.
"I told you, tawagan mo ko, para mapalitan ko ang damit mo," saad pa nito.
"It's okay Ma'am," saad ni Ysabelle.
"She's Ysabelle. She's working with me," saad ko naman.
"Yeah, I think so. I forgot to ask her name noon," sabi niya.
"Yeah! Anyway here's your contract Ms. Del Vera," saad ko at sabay na inabot ang papeles na naglalaman ng kontrata niya sa amin.
Maingat niyang binasa ang nakalaman roon at nagtanong lang siya ng ibang hindi niya naintindihan sa contract, pagkatapos noon ay pinagusapan namin ang about sa business niyang bar na itatayo, tama nga si Marco na may balak itong magtayo sa ibang bansa. Malaking benefits ito sa aming kumpanya mas makilala pa ang brand namin.
"Can I use the restroom?" Agad na namawis ang kamay ko at tumingin sa pantry,pero maluwang naman iyon kaya hindi naman siguro sila magkikita ni Marco.
"Yeah sure," tinuro ko ang restroom kung saan madadaanan ang pantry.
Napatingin ako kay John na nakasunod ang mata kay Stephanie, agad namang nagiwas ng tingin ito ng maramdamang nakatingin ako.
"Wala akong sinasabi," defensive agad na saad niya.
Napatawa nalang ako. She's attractive, lalo na sa suot nitong dress na pinatungan ng blazer, hapit na hapit sa katawan nito ang suot, nakikita ang kagandahan ng katawan nito at nangingibabaw ang kaputian niya dahil sa pulang dress na suot nito. Kaya naman pala baliw na baliw ang kaibigan ko. Kung hindi lang ex ni Marco ito ay malamang sa nilandi ko siya.
Ilang minuto ang lumipas ng matapos mag-restroom si Stephanie, napansin ko ang medyo pamumutla nito.
"Are you okay Ms. Del Vera?" hindi kasi mapakali ang kamay nito, at parang takot ito.
"I would like to ask, pero wag sana kayong ma-offend. May multo ba dito sa opisina niyo?"
Pinigilan kong tumawa, "Wala naman akong nararamdaman sa tinagal ko ng nagta-trabaho rito, How about you John?"
"Wala rin naman Ma'am akong nakikita o nararamdaman dito." nagkatinginan kami ni John.
"Why? may nakita ka bang multo or something?" maang-maangan kong tanong.
Tumingin muna ito sa pantry bago magsalita,"Well, parang may tao kasi sa pantry nyo, pero pag silip ko wala naman."
"Naku Ma'am, guni-guni mo lang yon," medyo awkward ang ngiti ni John ng sabihin yon.
Lumingon pa ito muli sa pantry at nagsalita, "Baka nga, pero parang pamilyar ang pabango," bulong na saad nito pero maliwanag na narinig ko iyon. Nagkunwari nalang ako na hindi ko narinig yon. Tangina talaga ni Marco, magtatago nalang hindi pa ayusin.
"Ah! So… Mr. Gamboa, thank you for your warm welcome, So I expect na aattend ka sa Grand opening ng bar ko," excited na saad nito.
"Of course! Expect me to be there," Inilahad ko ang palad sa kanya.
"Congratulations," saad ko, nakangiti nitong kinuha ang kamay ko.
"I gotta go now, thank you again Mr. Gamboa," saad nito at nag-wave lang sa amin.
"Tangina, that was intense," natatawang sabi ni John. Nakahalukipkip akong tumingin kay Marco at nagtataka naman ito dahil sa tingin ko.
"Alam mong pupunta siya rito, kaya ka nandito?" agad na tanong ko.
"No way! nagkataon lang na nagsabay kaming magpunta rito," sabagay halata naman sa expression niya kanina na nagulat nga ito at nagpanic. Hindi ko na kinwestyon pa yon.
"Pero nagpunta ako rito para itanong kung anong napagusapan niyo," sabi ko na nga ba ay may kailangan ang gago, kaya nagpunta rito.
"Narinig mo na di ba?"
"Yeah!" saad nito at naupo sa couch.
"Hindi ka pa aalis? narinig mo na, umalis ka na."
"Hoy! Gamboa, masyado ka ng nagtataray ha, tigang na tigang ka na ba at ang sungit-sungit mo," here we go again, sa tigang na yan.
"I'm not! nakakaabala ka lang rito, kaya pinapaalis na kita," saad ko.
"Mamaya na, wala naman ako gagawin sa bahay eh," napahawak ako sa sintido ko at sumasakit ang ulo ko kay Marco.
"Bakit hindi mo tawagan yong si Alicia at ng may pinagkakaabalahan ka," nakangising saad ko.
"Ayoko, magtrabaho ka nalang diyan, don't mind me," tumaas ang kilay ko ng sabihin niyang ayaw niya. That's was new, pero hindi nalang ako kumibo at nag-focus sa trabaho.
Pamaya-maya ay naririnig ko na ang usapan ni Marco at ni Ysabelle, hindi naman nakakaabala dahil mahina lang ang usapan nila pero naiirita ko kapag tumatawa si Marco.
Pinigilan ko ang sarili na bawalin si Marco, baka mamaya ay pagdiskitahan na naman ako at kung ano-ano na naman ang sabihin.
"Sir, reminder lang, may meeting po kayo ng 11 am," I check my watch 10 palang naman, so may time pa ako para magready.
"How come na ikaw ang napili nila na maging bodyguard ni Arthur?" rinig kong saad ni Marco.
"Ako lang ang naatasan na maging bodyguard niya," saad naman ni Ysabelle. Hindi naman malamig ang pananalita nito peri hindi rin mahinhin, katamtaman lang.
"Ilan taon ka ng nag-aaral mag-martial arts? that was cool," excited pang tanong nito. Napapansin ko nga ang galing niya sa pakikipaglaban.
"Since I was high school, hobbies ko na," napatingin naman ako may Ysabelle, kailan pa siya naging open sa buhay niya? o baka naman hindi lang ako nagtatanong.
"How about sa firing," umacting pa si Marco na bumabaril, akala mo action star. Parang tanga ang gago.
"That was part of our training," napatango ako, actually ay parehas namin gustonv matutunan ni Marco ang firing, kaso ay busy ako sa trabaho at siya naman ay busy sa babae niya.
Mas maraming time sa babae si Marco, pero mas maraming babae ang lumalapit sa akin. Hamak naman kasi na mas gwapo ako sa gago.
"Pwede mo ba akong turuan? Gustong-gusto ko talagang matutong bumaril."
"Ah! It depends on my client, limited lang rin ang off ko."
"Aw! sayang," napangisi naman ako ng marinig ang panghihinayang nito. Napalingon naman ako kay John na nakikinig din pala sa usapan ng dalawa, nilakihan ko ito ng mata na magtrabaho siya.
Agad naman nitong naintindihan ang ibig kong sabihin, hindi ko na pinakinggan pa ang iba nilang napagusapan at nagfocus nalang ako sa trabaho, pero paminsan-minsan ay naririnig ko ang tawa ni Marco kaya napapalingon ako.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)