Arthur Jake Gamboa POV
Sunday, 5 am ng magising ako, medyo madilim pa sa labas, pinakamagandang oras para magjogging ako. Agad na nagbihis ako ng tracksuit.
Bago ako lumabas ng bahay ay pumunta muna ako kay Ysabelle, nagdadalawang isip ako kung isasama ko pa ba siya. Hindi naman siguro magpapakita ang gagong yon.
Tumalikod na ako at tumuloy na sa labas. Nag-stretch muna ako ng binti at nagsaksak ng airpods bago tumakbo.
Marami rin akong kasabayan na nagjogging, nginitian ako ng mga ito, karamihan sa kanila ay mga may edad na, kaya nandidiri akong tumangin sa isang matandang ngumiti sa akin at kumindat.
"Hi," saad ng babaeng sumabay sa akin. Nanlagkit naman ang tingin ko rito. She's have a nice body, kahit naka-tracksuit din ito ay makikita mo pa rin ang ganda ng katawan nito. She's my type. Ngumiti ako nang ubid ng tamis.
"Hi," bati ko rin, medyo binagalan ko ang pagtakbo,para makasabay ito.
"Ngayon nalang kita ulit nakitang mag-jogging rito," saad nito. Hindi talaga nakakaligtas ang kagwapuhan ko sa mga babae.
"Yeah! I have been busy these past few days, ngayon lang kita nakita rito, bagong lipat ka?" Tanong ko.
Natatawa naman itong lumingon sa akin, tumigil ito sa pagtakbo, kaya tumigil rin ako.
"No way Mr. Gamboa! Kapitbahay mo lang ako at mas nauna pa ako sayo rito."
"Really! I'm so stupid para hindi ka mapansin, Your beauty is breathtaking and I can't take my eyes off you'," saad ko sa malanding tono. I miss flirting ilang araw na nga ba ng huli akong magclub.
She chuckled again, "Kanta ba yon? Ang OA ng breathtaking," saad pa nito na nagpatawa sakin.
"I'm serious," sabi ko, naglahad ako ng palad,"Anyway, I'm Arthur and you are?"
"I'm Maggie," saad nito at inabot ang palad ko, piniga ko iyon nang bahagya na kinagulat niya. Agad na may rumehistrong ngisi sa labi nito.
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo dahil kinakausap mo ko?"
"Wala akong boyfriend, duh! I'm single and ready to mingle," malanding saad pa nito. Mapaglarong ngisi ang namutawi sa labi ko. Lumapit ako rito at bumulong.
"Are you available later?" Saad ko agad. Mas lalong lumaki ang ngisi nito at kahit medyo madilim ay napansin kong namula ito. Pinalo nito ang braso ko, hinuli ko iyon at hinawakan.
"Of course! What's your number? I'll call you later," agad naman akong umiling.
"No! Ako ang kokontak sayo."
"Oh! okay, so here's my number," napakagat pa ito ng labi ng ibigay yon. Pagkaabot ay hinawakan pa nito ang isang daliri ko na parang nagpapahiwatig. Binitawan ko ang isang kamay nito. Napangisi ako sa isip-isip mukhang may iiyak na naman bukas.
"Later," saad ko at nagsimula ng tumakbo. Alright mukhang may pagkaka-abalahan ako mamaya.
Hindi naman mawala ang ngisi ko, hanggang sa makabalik sa bahay, inabutan ko si Manang na nagluluto ng umagahan.
"Good Morning Manang!" Masiglang bati ko.
"Good Morning Anak! Ang aga mo yata nagjogging," lumapit ako kay manang at yumakap sa likod nito.
"Ano ba anak! Pawis na pawis ka, lumayo ka nga!" Tinulak ako nito ng bahagya.
"Mabango pa rin naman ako kahit pawis, Manang," nakangusong saad ko. Napatawa naman ito dahil sa reaction ko.
"Oo na! Mabango at gwapong-gwapo," saad pa ni Manang at pinisil ang pisngi ko.
"That's why I love you, Manang." Napangiti naman ito at tinuloy na ang ginagawa.
"Magbihis ka na roon sa kwarto mo at pawisan ka, tatawagin nalang kita kapag kakain na," tumango lang ako at naglakad na patungo sa kwarto.
Inilapag ko ang cellphone at airpods ko, napangisi naman ako ng makita ang calling card na binigay ng babae kanina. Hindi ko na maalala ang pangalan niya, sabagay magkikita naman kami mamaya, mas lumaki ang ngisi ko.
Nag-shower na ako, after non ay lumabas na ako kahit di pa ako tinatawag ni Manang.
"Good Morning Sir!" Saad ng katulong.
"Good Morning!" Bati ko rin.
Pagbaba ay naabutan ko si Manang at kasama nito si Ysabelle na nagaayos ng pagkain.
"Ysabelle!" Gulat naman itong napalingon sa akin, pati rin si Manang ay nagulat dahil sa biglang pag tawag ko.
"A-ah! Nagtaka lang ako, bakit ikaw ang tumutulong kay Manang. May iba namang katulong diyan."
"I insist," saad nito.
"Maaga nga pala yan nagising kanina para magjogging iha," saad ni manang kay Ysabelle, "hindi mo manlang sinama itong si Ysabelle kanina nang mag-jogging ka."
"Masyadong maaga pa Manang kaya hindi ko na siya ginising kanina,"saad ko naman. Nginitian ko ito.
Naalala ko paano nga pala si Ysabelle. s**t! oo nga pala bantay sarado ko.
" Ysabelle! Mag-off ka muna ngayon, tutal naman ay nandito lang naman ako sa bahay, " matamis ang ngiti na binigay ko para pumayag ito.
"Oo nga Ysabelle. Simula ng magumpisa ka magtrabaho rito ay hindi ka pa nag-restday."
"I'm good! limited lang ang restday ko, kaya sa importanteng bagay ko nalang po gagamitin," napakamot naman ako sa ulo. Haist. paano ba to! Paano ko makikipagkita sa babaeng yon.
"Oh siya! puntahan ko muna ang Kuya Harold mo, para maaya ko nang kumain dito," tumango lang ako, pagka-alis ni meaning ay siya namang paglapit ko kay Ysabelle.
"Ysabelle! May pupuntahan ako mamayang gabi, but please wag mong sasabihin kay Mom," tumingin lang ito at parang binabasa ang nasa isip ko. Medyo na-concious naman ako sa pagtitig niya. Alam ko namang gwapo ko kaya kahit anong itsura ko ay gwapo pa rin.
"Okay!" agad na saad nito at napangiti naman ako, samantalang siya ay tuloy lang sa paghahanda ng pagkain.
Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Manang at kasama na si Kuya Harold. Hindi ko na pinansin pa si Kuya Harold dahil ayaw kong mabadtrip lang sa kanya. Baka masira pa ang araw ko.
"Sumabay ka na, Ysabelle" saad ni Manang, pero umiling ito.
"Maupo ka na Ysabelle," sabi ko. Sumunod naman rin ito at naupo sa harap ko.
Kumain kami ng tahimik, mukhang wala rin sa mood si Kuya Harold na makipag-asaran dahil tahimik lang ito habang kumakain, mukhang malalim rin ang iniisip dahil bigla itong natutulala.
Hanggang sa mapansin ni Manang ang pagiging tahimik nito, "May problema ka ba anak?" tanong ni Manang.
Napalingon naman ito kay Manang, "Pagod lang Manang, medyo mahirap kasi ang hawak kong kaso."
"Ganoon ba, eh bilisan mo na diyang kumain para makapagpahinga ka na sa taas," tugon naman ni Manang, napalingon sa akin si Kuya Harold, naramdaman siguro nito ang pakikinig ko, tumaas ang kaliwang kilay nito ng magtagpo ang mata namin.
Hindi naman ito nagsalita pero parang may laser ang mata nito nang tumingin sa akin.
"Pasalamat ka maganda gising ko," bulong ko.
Napalingon naman sa akin si Ysabelle. Narinig niya yata ang sinabi ko, pero si Kuya Harold mukhang walang narinig, kasi kung meron malamang sa mag-start natong mag-hesterical. Kidding, hindi siya ganon, pero bwisit siyang sumagot.
Ngumiti lang ako kay Ysabelle, napansin ko rin na kaunti lang ang kinakain nito. Kumuha ko ng omelette ay inilagay sa plato niya.
"Kumain ka nang kumain Ysabelle, you need to be healthy kailangan kita, dapat ay hindi ka magkasakit," saad ko.
"I'm good!" binalik nito sa plato ko ang omelette.
"Para sayo yan," sinoli ko ulit sa plato niya ang ulam, pero binalik niya sa akin nang walang kibo.
Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Kuya Harold.
"What?" kunot noo na tanong ko.
"So I guest, hindi lahat ng babae ay kaya mong paikutin," nakangising saad nito.
"Hay nako! Ayan na naman kayong dalawa ha," pigil agad ni Manang.
"Hindi pa nga ako nakakasagot Manang," parang batang saad ko.
Pinatahimik ako ni Manang at sinabing ituloy ko nalang ang pagkain ko, mala-demonyo naman ang ngisi ni Kuya Harold. Bwisit talaga ang kupal nato, sarap tusukin sa mata.
Tinuloy ko nalang ang pagkain kahit na masama ang loob ko, bakit palagi ako ang naga-adjust sa kupal nato.
"May pupuntahan ba kayo mga anak?"
"Yes Manang, pupunta ko nang gym," unang nagsalita si Kuya Harold. Hindi naman ako nagsalita.
Tumango lang si Manang at tumingin sa akin, hinihintay nito na magsalita ako.
"Ganoon ba, aayain ko sana kayong magsimba dahil linggo ngayon," kailan na nga ba nung huli kaming magsimba nila Manang, hindi ko na maalala.
"Ok lang naman, sasama ako,mamayang gabi pa naman ang lakad ko Manang," saad ko at ngumiti sa kanya.
"Ikaw Anak?" tanong ni Manang kay Kuya Harold.
"Of course Manang, mamayang hapon nalang ako pupunta sa gym," saad din nito.
"Mabuti naman kung gayon, Oh siya! pagkayari niyong kumain ay gumayak na kayo, dahil 8:30 ang dating na pari."
Tumango lang kami ni Kuya Harold, after nga non ay gumayak na ko dahil baka malate pa kami sa misa.
Nagsuot lang ako nang V-neck army green na shirt at binagayan ko ng ripped jeans at white sneaker.
Bumaba na ako habang hinihintay si Manang, si Ysabelle ay kinuha ang sasakyan.
Bumaba na si Kuya Harold, nakasuot lang ito ng simpleng white shirt at black na pants saka sneakers. Hindi talaga maipagkakaila na magkapatid kami, gwapo rin kasi ito pero mas gwapo pa rin ako.
"Hay nako! mukhang hindi na naman misa ang atensyon ng kababaihan sa simbahan," pangiti ngiting saad ni Manang, tumawa ako at magthumds up.
"Let’s go na Manang, baka malate pa tayo," saad ni Kuya Harold.
Naghihintay na si Ysabelle sa labas, agad na binuksan ko ang shotgun seat, ngumiti ako kay Ysabelle, pero tiningnan lang ako nito. Tumingin ako sa rearview mirror para makita sila Manang, ngumiti sa akin si Manang.
"Ang ga-gwapo talaga ng mga Anak ko," saad ni Manang at pinisil ang pisngi, pipisilin sana ni Manang si Kuya Harold pero agad namang umiwas ito.
"Let's go," saad ni Kuya Harold kay Ysabelle.
Malapit lang naman ang simbahan kaya wala pang 10 minutes ang byahe naman, sinuot ko ang sun glasses ko at ganon rin si Muya Harold, pinagbuksan ko si Manang ng pinto.
Agad na nakuha namin ang atensyon ng mga taong naroon, mapa-babae, matanda at lalaki ay nakatingin sa amin.
"OMG! Ang hot nila."
"Oo nga, sa akin yung naka-white," narinig ko pa ang tawa ng dalawang babae.
"Let's go." si Kuya Harold.
Ngumiti ako sa mga babaeng nag uusap at agad namang nagtilian ang mga yon. Napangisi lang ako, samantalang si Kuya Harold ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Naupo kami sa pinakaunang upuan ng simbahan, si Manang ay nasa pinaka dulo ng upuan, mas gusto niya talagang pumupwesto ro'n para malapit sa daanan, samantalang si Ysabelle ay nakatabi sa akin, nakatabi naman sa kanya si Kuya Harold.
Hanggang sa loob ay naririnig ko pa rin ang bulungan ng mga kababaihan, tinanggal ko na ang sunglasses ko, baka sabihin pa nila ay bulag ako.
Hindi rin nagtagal ay nag start na ang misa, hanggang sa umabot na kung saan ay kailangan maghawak ng kamay ang magkakatabi sa upuan. Agad ko namang kinuha ang kamay ni Ysabelle.
Magkahawak rin ang kamay nila ni Kuya Harold sa kabila, nakangisi naman ito nang makitang nakatingin ako sa kanya habang hawak ang kamay ni Ysabelle, mas hinigpitan pa niya ang hawak roon, kaya napalingon sa kanya si Ysabelle pero ngumiti lang ito.
Kung wala lang ako sa simbahan ay kanina ko pa siya binara.
After nang kantahan ng Ama namin ay hindi ko parin pinakawalan ang kamay ni Ysabelle, pilit niyang tinanggal iyon.
"Magagalit si Pader, Ysabelle," mahinang bulong ko rito, pilit niyang hinihila ang kamay nito sa akin.
"Shhh," bawal ni Manang sa amin, pamaya-maya ay hindi ko na nararamdaman na binabawi niya ang kamay sa akin, pero narinig ko ang malakas na buntong hininga nito, pikon na pikon na siguro to, natatawa ko sa isip ko.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)