Arthur Jake Gamboa POV
Hapon na nang maisipan kong mag-jogging sa labas. Nilibot ko ang village habang nakikinig ng music sa airpods ko.
Hindi naman sinasadyang dumapo ang tingin ko sa isang puting kotse na naka-park sa isang tabi malapit sa akin.
Pamilyar sa akin ang sasakyan na walang plate number. Nagtangis agad ang bagang ko. Sigurado ako na iyon ang sasakyang nagpapadala sa akin ng patay na hayop sa bahay.
Malaman ko lang talaga kung sino iyon ay babasagin ko ang pagmumukha niya. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan ang sasakyan. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit nang bigla na lang nitong pinaharurot ang sasakyan palayo.
“Damn,” I whimpered.
Naaninag ko pa iyon na sigurado akong isa lang ang sakay ng sasakyan. Kusang kumuyom ang mga palad ko.
At talagang minamanmanan ako ng tarantadong ‘yon?
Ni-report ko agad sa guard ng village ang sasakyan. From what I know, na-report ko na iyon pero bakit hanggang ngayon ay nakakapasok pa rin ang sasakyan?
“Pasensya na, sir, bago lang po kasi ako rito… nangangapa pa po ako…”
Ayokong mawala rin agad ito ng trabaho kaya naman sinabihan ko na lang ito na i-track ang sasakyan sa buong village at i-hold ang sasakyan once na makita nila ito.
Hindi lumipas ang isang oras, nahanap agad nila ang sasakyan. Nakita raw nila ito sa isang bakanteng lote pero wala na roon ang driver at hindi nila ito nakita sa footage dahil tila alam na alam daw nito ang area kung saan walang CCTV at alam nito kung saan siya daraan.
Damn it.
Humanda talaga siya sa akin kapag nahuli ko siya. Nobody should f*****g play with me! Hindi ako ang tipo na gugustuhin niyang makalaban dahil hindi ako titigil hanggang sa hindi ko nabibigwasan ang pagmumukha niya.
Nagising ako kinabukasan dahil sa tunog ng alarm clock. Lagpas alas-sais na nang tingnan ko ang orasan. I hated waking up early pero kailangan kong pumasok sa opisina to have a meeting with our investors.
I took a bath and dressed up bago ako lumabas ng silid. Nginitian ko ang katulong na nadaan ko na abala sa paglalampaso ng sahig.
“Good morning, sir,” kinikilig na anito.
Naabutan ko si Kuya Harold na abala at nakatutok sa laptop niya nang makapasok ako sa kusina.
“Good morning, nak. Papasok ka ba ngayon?” Nag-alalang tanong ni Manang na agad akong sinalubong.
Mukhang malamlam ang mga mata nito dahil sa puyat. Hindi siguro ito nakatulog dahil sa pag-aaalala sa akin. I wasn’t even bothered about that dahil puro threat lang naman ang kaya nitong gawin.
“Unfortunately, yes, Manang. I really need to go to the office. You know, it’s Monday. I have a lot of work to do.” Marahan kong hinaplos ang braso nito. “Please don’t worry about me. I can handle this.”
Even I assured her ay halata pa rin ang pangamba sa mga mata nito. Hinampas pa nito ang braso ko.
“Ikaw kasing bata ka. Sobrang pasaway mo! Madami tuloy ang nagagalit sa iyo.”
Napatawa na lang ako. “Let them hate me, Manang. Ganoon talaga ang mga g’wapo ngayon. Maraming kaaway.”
Hahampasin sana ako ulit nito mabuti na lang at nakailag ako.
Ganoon talaga ito. Kung hindi bungagera ay masyadong mapanakit.
“Hay nako, kumain ka na muna bago ka pumasok. Iaayos ko lang ang pagkain, magsabay na kayo ng Kuya Harold mo.”
Tinulungan ko itong maghain sa hapag. Tahimik lang na tiniklop ni Kuya Harold ang laptop niya nang matapos kami ni Mang.
“Kumusta naman anak ang hawak mong kaso?” tanong ni Manang dito.
Kuya Harold looked at her. “Good. Actually ay nag-positibo ang mga ito sa drugs.”
Ang kasong hawak niya ngayon ay ang mga taong sangkot sa isang gang r**e. Ang biktima ay anak ng isang street vendor. Kung hindi ako nagkakamali ay 3-4 na suspect ang mga sangkot.
"Kawawa naman ang batang iyon. Hindi ba at graduating na sa college ang batang 'yon?"
"Yeah, but unfortunately she can’t continue to study. She’s suffering from a mental health issue. She needs to cope up.”
Naawa rin ako rito nitong mapanuod ko sa news ang nangyari. Marami na talaga ang adik sa mundong ‘to.
Napatingin sa akin si Kuya Harold ng makita niyang nakikinig ako sa usapan nila.
“How about you? Kumusta naman ang death threat na nari-receive mo?”
Tinaasan ko ito ng kilay nang makita ko ang ngisi sa mga labi nito.
“Getting well,” I answered sarcastically. “I like receiving love letters. I also like the idea na maraming naiinggit sa akin. Mas lalo kong napapatunayan ang kaguwapuhan ko at ang umaapaw kong s*x appeal.”
Ayoko na siyang patulan pa dahil alam kong sinasadya niya lang talagang mang-inis.
Sarkastiko itong napatawa. “I don’t like mom and dad to beg to me na depensahan ka sa korte dahil sa pagiging bastos mo at sa kawalan mo ng respeto. Nothing in the right state of mind ang papatol sa mga babaeng may asawa na.”
Sasagot pa sana ako para i-depensa ang sarili kong hindi ko alam at ang mga babaeng iyon ang nagsinungaling sa akin kaya lang ay nagsalita na si Manang.
“Kayo talagang dalawa… kahit kailan. Tigilan niyo na iyang pagtatalo niyo. Nasa harap kayo nang hapag-kainan."
Hindi ako sumagot pa at ganoon rin ito. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na tingnan ito nang masama. Kahit kailan talaga ay masyado siyang pabida. Akala mo naman sa lahat ng oras ay siya ang magaling. Kahit pa dumating ang araw na kailanganin kong humarap sa korte, hinding hindi siya ang pipiliin kong maging abogado!
"Nalulungkot ako kapag nakikita ko kayong gan'yan. Noon naman ay sobrang close ninyo ngayon ay para na kayong aso at pusa." Nakita ko ang pagtutubig ng mata ni Manang.
Nasaksihan niya ang paglaki naming dalawa kaya siguro hindi nito maiwasang maging emosyonal. Kahit ngayon ay ito pa rin ang naging hands on sa amin ni Kuya Harold. Ito ang palaging nasa tabi naming dalawa simula noong nag-aaral pa lang kami at hanggang ngayon na parehas na kaming nagta-trabaho.
I am the Chief Operating Officer of our own company. Dad was the President and CEO and mom was the VP.
Kuya Harold on the other hand had no any intention of working in the company. Mas gusto nitong maging successful on his own. Well, marami namang nagsasabing magaling siyang lawyer kaya nga masyadong malaki ang ulo niya. Isa rin sa dahilan ang hindi niya pagta-trabaho sa sarili naming kompanya kaya galit na galit sa kanya si dad.
Mas matigas pa nga ang ulo niya sa akin dahil hindi siya sumusunod kay dad. Sa tuwing mag-aaway sila ay kailangan pang pumagitna ni mom para lang pigilan silang dalawa.
Dumiretso na ako sa garage after breakfast. Naka-sakay na ako sa loob ng Aventador Lamborghini nang tumunog ang cellphone ko. Marco was calling.
I pressed the answer button at tinutok iyon sa tainga ko. "Bro, Sophia is here at the club. She's looking for you at hinihingi niya ang address mo!" Pasigaw pero mahinang sambit nito sa kabilang linya na para bang excited pero hindi gustong iparinig sa iba ang sinasabi.
"Who the hell is Sophia?"
"The girl you slept with last week!" He shouted.
“Psh…” Inismidan ko lang ito at hindi na ako nag-abala pang isipin iyon. Sa dinami-rami kong bahay na natulugan noong isang linggo, hindi ko na alam kung sino ang tinutukoy niya. “You know the drill. Don’t give my address. Hindi na ako interesado.”
Umismid din ito. “Tarantado talaga. Expect that she will go to your company.”
“Is that Arthur?” Narinig kong tinig ng babae sa kabilang linya.
“Hindi, lola ko ko ‘to—“ Hindi na natapos ni Marco ang sasabihin dahil mukhang nahablot na ng babae ang cellphone mula sa kanya at kusa ko nang nailayo ang cellphone sa tainga ko dahil narinig ko agad ang tinig nito sa kabilang linya.
“What the f**k, Arthur? Why aren’t you answering my calls, huh?”
Napa-hugot na lang ako ng malalim na hininga sa tinig nitong halatang mainit pa sa tumbong ko ang ulo.
"Listen, woman…” I started. “I wouldn’t call you because I don’t even know you.”
"What? Hindi mo na ako kilala after what happened to us?!" sigaw na naman nito.
"That was just a one-night stand. I thought I made it clear? Stop looking for me and forget that night. I didn’t even enjoy it.”
“You’re an assh—“ Hindi ko na ito pinatapos pa at pinatay ko na ang tawag.
Tss mga babae talaga ay nababaliw sa'kin. Hindi ko naman sila masisisi isang Arthur jake Gamboa ba naman ang makasama nila sa kama.
Nakangisi kong inayos ang necktie ko habang nakatingin ako sa rear-view mirror. How handsome. I finally realized na kailangan ko talaga ng bodyguard. Hindi p’wedeng may mangyari sa aking masama dahil ayokong mabawasan ng magandang nilalang ang mundo.
Kararating ko lang sa building, nakarinig na agad ako ng sigaw sa lobby. Nakita ko ang babaeng nagwawala habang hawak-hawak ng mga guard.
"Bitawan niyo ako! Gusto kong makausap ang asshole niyong amo na pagkatapos gamitin ang katawan ko ay iniwan na lang ako basta-basta!”
Hindi pa rin ito tumigil sa pagpalag sa mga guard at nagpatuloy pa rin sa pagsigaw.
“Let go of me and don’t touch me with those filthy hands! Hindi niyo ba ako kilala, huh? I am the daughther of Mayor Leviste!”
Humugot ako ng malalim na hininga. “Let her go.”
Agad silang napatingin sa akin. Binitiwan siya ng guard at agad akong tiningnan nang matalim nito.
"You asshole!" Without hesitation ay lumapit ito sa akin at binigyan nang malakas na sampal ang pisngi ko.
Napahawak ako sa pisngi ko. Sa daming babae nang naka-sampal sa akin hindi ko na ma-distinguish kung alin sa mga iyon ang pinaka-malakas.
"F*ck you, Gamboa! Sana ay makahanap ka ng babaeng katapat mo at iparamdam sa'yo ang lahat ng sakit na pinaramdaman mo sa mga babaeng niloko mo!"
Nagawa ko pang ngumisi rito. Hindi iyon mangyayari dahil hindi pa pinapanganak ang babaeng katapat ko at kahit kalian hindi ako maghahabol sa babae dahil babae mismo ang hahabol sa akin.
Agad akong inabutan ng cold compress ng sekretarya ko. Hindi ako mapaniwala na nagawa pa nitong ngumiti sa akin. “Baka kailangan niyo, sir.”
Tss, talagang handa na ito at alam na alam niyang masasampal na naman ang pagmumukha ko.
"Go to hell, John,” saad ko rito.
Tinawanan lang ako ng gago. Inis kong kinuha ang cold compress mula rito.
Nasira ang buong araw ko sa opisina dahil sa babaeng iyon. Mabuti na lang at natapos ko pa ang ilang documents na kailangan kong i-review at pirmahan.
Madilim na rin nang makauwi ako ng bahay. Mom was calling.
“Hey, son!,” bati nito sa akin. “How’s your day?.”
“Well, I’m good.”
Hindi ko na binanggit pa na sinira ng babaeng iyon ang araw ko because for sure she would just overreact again.
“I have good news,” magalak na saad nito. “Ngayon ang dating ng bodyguard mo. Be good to her, okay?”
Agad kumunot ang noo ko. “Her?”
“Yes, her. She’s a woman.”
“What?” I answer her in disbelief. “Bakit babae ang kinuha mo, mom? What the heck?”
I really couldn’t believe her. Baka mamaya ay maging sakit lang iyon ng ulo ko at baka ako pa ang magprotekta sa babaeng iyon.
"Don't underestimate that woman, son.” Mom said. “Her abilities will surely surprise you. Meet her and you’ll know.”
Hindi na ako nagmaktol pa dahil alam kong wala rin naman akong magagawa. I just better see what that woman could do. Kung hindi ko siya magugustuhan, magiging madali na lang sa akin na itapon siya. Arthur Jake Gamboa could always make a way.
Marami pa kaming napag-usapan ni Mom mostly sa Company. I was busy talking to Mom. Nang magsalita ang katulong.
“Sir… nandito na po ang bisita niyo.” Saad ng katulong.
“Let her in,” I ordered.
“Good evening…” Narinig kong tinig nito.
Wala sa loob na bumaling ako sa likuran ko. Hays, nakakainis talaga sila ni dad kahit kailan. Hindi man lang ba—
Napatigil ako sa pag-iisip nang tuluyan ko itong makita. Literal ding napatigil ang buong katawan ko na para akong isang sirang robot.
What the f*****g f**k?
"Hi…” Nabuo ang bahagyang ngiti sa mga labi nito na halos ikatunaw ng puso ko. “I'm Ysabelle Amor, your personal bodyguard.”
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)