Arthur Jake Gamboa POV "Here," abot ko nang milktea sa kaniya. Nandito kami ngayon sa park na nadaanan namin. "Sayang hindi ako nakapagdala ng mat," sabi ko. "Maglakad nalag tayo," sabi naman niya. "I like the idea," agdna kinuha ko ang kamay niya,"Holding hands while walking," nakangising saad ko. Binawi naman kaagad nito ang kamay niya, "Tara." Nakasimangot akong sumunod sa kaniya, habang naglalakad ay maraming lalaki ang napansin kong nakatingin kay Ysabelle, pero mukhang wala lang rin naman sa kaniya. Sumabay ako ng paglalakad dito, dahan-dahan kong pinatong ang kamay ko sa balikat niya para umakbay, pero lumayo ito nang maramdaman niya ang kamay ko. May napansin akong mga kabataang nagbubulungan at nagtutulakan, pinandilatan ko ang mga bata bago pa man sila makalapit kay Ys

