Arthur Jake Gamboa POV "Let's go for a vacation, masyado mo namang ini-stress ang sarili mo sa trabaho," saad ni Marco. As usual ay nandito na naman siya sa opisina ko. Kanina pa niya pinipilit na magbakasyon kami,hanapin daw namin si Alex at kung ano-ano pa para lang mapilit na sumama ko sa kaniya. " I have a lot of work to do." "Kailan ka pa naging workaholic?" Natatawang saad niya. "Dad and Mom are on vacation. Ano pang ine-expect mo?" "Nandiyan naman ang sekretarya mo! " "Ha?! Hindi ako kasama sa bakasyon?" Hirit pa ni John. "Bakit? Napapagod ka na ba sa trabaho mo? At gusto mo ng bakasyon?Pa-upo upo ka na nga lang diyan" "Ang hard mo naman sa akin," saad niya sa akin. "Kita mo ang bilis na rin uminit ng ulo mo, you need a vacation dude, besides napapabayaan mo n sarili mo

