Arthur Jake Gamboa POV Sa bwisit ko kay Marco ay naisipan ko munang maglakad sa loob ng hotel.Hindi ko na tinawag pa si Ysabelle dahil alam kong pagod ito. “Hi!” Bati sa akin ng babaeng nakasalubong ko. Ngumiti lang ako rito, hindi ko siya type. Nakapamulsa akong naglakad sa gilid ng pool dito sa hotel, napapangiti naman ako habang tinitingnan ang mga taong nag-swimming roon. Maraming babae ang bumati sa akin, pero hindi ko sila type, naupo ako sa isang bakanteng lounger. Umihip ang malakas na hangin kaya napangiti ako at ninamnam ang fresh air. Pamaya-maya ay naramdaman kong may tumabi sa akin. “Bakit nag-iisa ka?” sabi ng babae sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang babae, at mukha itong may lahi dahil sa kulay ng mata nito, pero nagtatagalog naman siya, maganda rin ang katawan nito. “Ma

