Chapter 11

1928 Words
Marco Zumera POV Walanya Arthur yo'n, hindi man lamang ako pinakilala sa bago niyang chix,kahit kailan talaga ay madamot ang isang iyon. Pauwi na ako after ng meeting namin sa coffee shop ni Arthur. I call alex pero cannot be rich. "San na naman kayang lupalop napunta ang gagong 'to. I start my engine pero isang pamilyar na babae ang nakita ko sa harapan na pasakay ng sasakyan. This is interesting, hindi ko rin akalain na mabilis siyang mapapayag ni Arthur, well kahit sino ba naman ay talagang tatanggapin ang offer lalo na at isang successful na businessman si Arthur. Paalis na si Stephanie sinundan ko kung san siya pupunta, hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinundan,maybe because of my curiosity. I want to check kung doon pa rin siya nakatira. Lumiko ito sa isang subdivision. Hindi pamilyar sa akin ang subdivision na ito. Dito na kaya siya ngayon nakatira. Tumigil ito sa harap ng isang bahay, hindi naman ganoon kalaki ang bahay sakto lang. Bumaba ito at nag-doorbell, pamaya-maya ay may isang lalaki ang lumabas, humalik ito sa pisngi ni Stephanie, who's that f*****g guy. Hindi ito pamilyar sa akin, hindi ko rin ito nakikita noong kami pa, dahil madalas ko rin nakakasama ang mga kaibigan niya noon. Baka boyfriend niya. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas rin si Stephanie. Naglakad ito papunta sa kotse ng biglang lumingon ito sa gawi ng kotse. Agad akong yumuko dahil hindi ganoon ka-tinted ang salamin ng kotse ko. Bigla akong nagsisisi na sinundan ko pa siya. Baka mahuli pa ako, at akalaing stalker ako. Sumilip ako kung nakatingin pa ito, pero tumalikod lang ito at sumakay ng kotse. Ilang minuto rin nitong hindi pinaandar ang sasakyan, samantalang ako ay nakayuko pa rin, baka mamaya ay nakatingin ito sa sidemirror niya mahirap ng mahuli. Sinundan ko muli ang kotse nito. Napansin ko na sa ibang daan ito dumaan. Hindi ba siya papasok sa trabaho tsk. Nagulat ako ng bigla nitong itigil ang sasakyan sa gilid. At agad-agad na lumabas ng sasakyan. Kunot ang noo nito na palapit sa kotse ko. f**k mukhang mahuhuli ko. Agad kong pinaandar ang kotse at mabilis na niliko ang sasakyan. Mabilis ang naging biyahe ko pauwi dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko at grabe ang tambol ng dibdib ko. f**k! Alam ko nakita niya ako. Sinabunutan ko ang sarili. Ano ba'ng nasa isip mo Marco. Baka akalain no'n na stalker ka. Bakit hindi ba?. Nababaliw na yata ako at pati ang sarili ko ay kinakausap ko na. Halos mapalundag ako sa gulat ng biglang may magdoorbell sa condo ko. Lumabas ako sa kwarto at chi-neck sa monitor kung sino ang nag-doorbell. Napanga-nga ako sa gulat. Paano niya ako nasundan dito?. Pinindot muli nito ang doorbell as in sobrang dami at parang may kasamang gigil. Agad kong binuksan ang pinto dahil mukhang may balak siyang sirain iyon. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. "Bakit mo ko sinusundan?" Tanong rin niya. "H-hindi k-kita sinusundan, napadaan lang ako roon," kumunot ang noo nito, hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakaka-intimidate ang pag tingin niya sa akin. Ibang-iba noon. "Hanggang ngayon at hindi ka pa rin marunong magsinungaling," Nakangisi ito sa akin, " Simula ng umalis ako sa parking ng coffee shop ay nakasunod ka na sa akin. Hindi na ako kasing tanga noon Marco." "Fine sinundan kita,because I'm curious." "Curious? Para saan? Para makita mo kung masaya na ba ako? Please specify!" May diin sa sabi niya. "I'm just curious kung doon ka pa rin nakatira." Tumango ito at ngumisi. "Hindi na," saad niya, napatango lang ako dahil hindi ko mahagilap ang dila ko. "Nasagot ko na ba ang curiosity mo?" Gusto ko sanang itanong kung sino ang humalik sa kanya kanina, pero baka akalain niya ay may feelings pa ako. Tumalikod na ito at naglakad papalayo. "W-wait," pigil ko, huminto ito at tumingin akin, " Want some coffee?" Tumaas ang kilay nito. "Kakatapos ko lang mag-kape, kanina sa coffee shop" fck oo nga pala, ang bobo lang Marco. "A-ah,okay ingat" tumalikod na ito at naglakad muli, akala ko ay sasakay na ito sa elevator, pero dumiretso ito sa isang room. Nagtaka ako ng kinuha nito ang susi sa kanyang bag at binuksan iyon. "Dito ka nakatira?" Gulat na gulat na saad ko. Hindi ko napansin na napalakas ang tanong ko at nag-echo sa buong floor. "'Wag kang maingay, hindi lang ikaw ang nakatira rito" Gusto ko sanang lumapit, pero nagaaway ang isip konay katawan ko kung lalapit pa ba ko. nakakatapagtaka na hindi ko siya napapansin rito. "Nagulat rin ako ng makita kita rito," kumunot ang noo ko ng sabihin niya yon, so it means na dati pa niya alam na nakatira ko rito. "Are you expecting me na sinundan kita rito para itanong lang yon?" Napatawa ito, " Dumaan lang ako sa room mo para itanong 'yon, pero dito talaga ko nakatira noon pa man. Kahit no'ng bagong lipat ka rito." "Well yeah," napakamot ako sa ulo. "You always like that whenever you're nervous," nagtaka ako, "Like that, nagkakamot ng ulo" saad niya, napahawak ako sa kamay ko ng magkakamot na naman ako ng ulo. "See you around," sabi nito at pumasok na. Pumasok na rin ako at hindi makapaniwalang dito siya nkatira at nakikita na niya ako noon pa man, samantalang ako ay hindi siya napapansin. Fuck! Nakikita niya kaya ang mga babaeng dinadala ko rito. Speaking of babae. Hailey's calling. Isa sa mga paborito kong babae, pero wala ako sa mood na makipag-landian mas gusto kong… Anong gusto mo Marco?. Napasabunot ako sa sarili. Baliw ka na. Arthur Jake Gamboa POV "John!" tawag ko sa secretary ko na busy sa cellphone niya. It's Monday, kaya nandito ako office, pero imbis na magtrabaho ay eto ako at badtrip. "Yes, Sir?" "Binabayaran kita para magtrabaho hindi para mag cellphone," inis na saad ko. "Ang sungit mo naman, masama yata gising mo ah!" nakangising pang sabi nito. "tsk," maganda gising ko, hindi lang maganda ang bumungad sa akin kaninang maga. "Anong schedule ko ngayon?" "You have a meeting with Sir Gil mamayang 1 PM" saad nito, napatango ako. "I think, it's all about the factory in batangas" ika pa niya "Hays! hindi ko p'wedeng i-cancel" "Bakit? May pupuntahan ka ba?" Sinandal ko ang likod ko sa swivel chair. "Hindi ba halata na wala ako sa mood mag-trabaho?" sarcastic na sabi ko. "Halata nga, kanina ka pa nagsu-sungit. Ano bang nangyari?" hindi ko sinagot si John imbis ay humarap ako sa computer. Badtrip. Ang ganda ng gising ko kanina tapos pagbukas ko nang pinto ay bumungad sa'kin si Kuya Harold at Ysabelle na nag-uusap about sa sugat nito sa leeg. Hinawakan pa nito ang leeg ni Ysabelle na lalong nagpa-badtrip sakin. Tinanggal ko ang salamin sa mata ko, hindi rin ako makapag-focus sa trabaho. Ang epal kasi ng kapatid kong 'yon. tss. "John! Itimpla mo ko ng kape," agad namang sumunod si John, "Dalawa na pala." "Kakatapos ko lang mag-kape Sir," saad pa nito. "Sinabi ko bang sayo?" umismid lang ito at tumuloy na sa pantry. Tiningnan ko ang babaeng nakatayo sa labas ng opisina ko, may couch naman sa labas pero bakit hindi siya maupo. Nang dumating si John ay kinuha ko ang kape at lumabas. "Here," abot ko sa kanya. "Okay lang ako, Sir" saad nito. "Nakailang hikab ka na, kanina pa kita tinitingnan" kinuha ko ang malambot nitong kamay na tuwing hahawakan ko ay parang may kuryenteng dumadaloy roon. Inilagay ko ang tasa ng kape sa kamay niya. "P'wede kang pumasok sa loob kung ayaw mong maupo diyan" turo ko sa couch na nasa harapan. Ang design kasi ng office ko ay may couch sa labas ng office at pati na rin sa loob. May table rin si John dito sa labas at pati na rin sa loob pero mas madalas siyang nasa loob ng office ko para hindi na ako patawag-tawag sa kanya sa intercom,pero kapag may mga bisita ako specially babae ay pinapalayas ko siya. Ang buong floor na ito ay sa akin lang, kompleto sa lahat pantry, couch at may video games rin, minsan kasi ay bored ako kaya nagpalagay ako rito, well gifted talaga ko pagdating sa pag-handle ng business kaya no worries ang parents ko kahit maghapon akong mag-video games. Ang taas ng office ko ay sa CEO kay Daddy ang 44th floor, yo'n ang pinakataas nitong buong building. Pinapasok ko si Ysabelle, nilibot ng mata nito ang kabuuan ng opisina ko. Naupo ako sa swivel chair ko hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si John. "That's Ysabelle right? yung pina-background check mo?" agad kong binawal si John sa kadal-dalan nito at baka marinig siya ni Ysabelle. "Mas maganda siya sa personal," Siniko ko ito ng makita ang kakaibang ngiti nito. "Manahimik ka," parehas namin tinitingnan ang galaw nito. Inilapag nito ang tasa ng kape sa table na nasa harap ng couch,l. Agad nag-iwas ng tingin si John ng lumingon ito sa amin, samantalang ako ay tinitigan ang maamo niyang mukha. Napangiti pa ako ng magtitigan kami ng ilang segundo. "Okay mukhang wala na akong pag-asa," rinig ko pang saad ni John at bumalik sa table niya. Nag-iwas na ito ng tingin at pumunta sa bintana, kung san ay kitang kita ang ganda ng manila. Umangat ang sulok ng labi ko at nagstart ng magtrabaho, pinabayaan ko na si Ysabelle na namnamin ang ganda ng View sa labas. Hindi ko namalayan ang oras at 11 na pala ng tanghali, tiningnan ko si John na ngayon ay wala sa focus ang trabaho. Kung hindi nasa babaeng nakaupo sa couch. Mukhang inip na rin ito. Lumapit ako kay John at binatukan ito, "Natapos mo ba ang pinapagawa ko sa'yo?" "Of course Sir, ako pa ba" mayabang na saad nito. Akala ko ay hindi na ito nagtrabaho at tumitig nalang kay Ysabelle na busy sa panonood ng TV. Pagdating naman sa trabaho ay wala naman akong masasabi kay John, kaya nga kahit naiinis ako rito kuminsan ay hindi ko matanggal dahil wala na akong makitang kasing galing niya. Sinadya ko rin na lalaki ang secretary ko dahil baka iba ang atupagin ko imbis na trabaho. Pina-order ko na ito ng foods dahil tanghalian na. Nilapitan ko si Ysabelle at tumabi rito. Agad naman itong lumayo ng ilagay ko sa likod ng couch niya ang braso ko. Hindi na rin ako nagtaka na lumayo ito. Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at pumikit. "Anong pinaguusapan niyo ni Kuya Harold kanina?" tanong ko sa kanya. Akala ko ay hindi ito sasagot. "Tinanong lang ako kung napano ang sugat sa leeg ko,"saad niya sa malamig na tono. "Ganito ka rin ba makipag-usap sa kanya," hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakapikit ako, pero hindi ito sumagot. "So sa akin lang?" tanong ko pa.Hindi pa rin ito sumagot. Naramdaman ko ang pag galaw ng sofa, dinilat ko ang mata ko, tumayo nga ito at pumunta ulit sa malaking bintana ng opisina ko. "You really like the views huh," saad ko, tumayo ako muli at lumapit sa kanya. "Hindi mo pa sinasagot tanong ko Ysabelle." "Ano bang tanong mo?" saad niya. "Tinatanong ko kung ganito ka rin ba kalamig makipag-usap sa kanya?" nangunot ang noo nito. "Ganito talaga ko," saad nito at nag-iwas ng tingin. Ang tipid talaga nito sumagot. "Good, ayoko nakikipag-usap ka kay Kuya Harold, hindi magandang impluwensya ang isang yo'n," baka mahawa ka pa ng kahambugan at ka-epalan sa kupal kong kapatid. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD