Chapter 26

1066 Words
Arthur Jake Gamboa POV "Sigurado ka hindi ka marunong magluto?" paguulit ko. "Hindi nga," saad nito, marunong naman kasi itong humawak ng kutsilyo at maghiwa. "San mo natutunan ang paghihiwa ng sangkap." "May kakilala ko na nagturo sa akin sa paghihiwa." "Sino? Boyfriend mo?" mapang-asar na tanong ko. "Kakilala ko,tapos na," saad niya, at binalik sa akin ang kutsilyo. "Nice! Come here, panuorin mo ako kung paano ang gagawin ko," tumalima naman ito at sumunod sa akin. Napapangiti ako dahil nakikilala ko na ng kaunti si Ysabelle, at nakikita ko na rin ang ibang side niya. Lagi lang kasi itong seryoso at hindi manlang ngumingiti, minsan ay tipid pa at peke. Nilagay na ko na ang butter sa kawali, Nang medyo malusaw yon ay nilagay ko na rin kaagad ang onion, then yung sibuyas. Napatingin naman ako kay Ysabelle, "Ysabelle pakiabot ng minced pork please," tumalima naman ito at inabot kaagad ang pork. "Hintayin lang natin siyang magbrown then ilagay na natin yung hiniwa mong ham and hotdog," tumango naman ito at seryosong nakatingin sa paghalo ko ng pork sa kawali. "You want to try it?" saad ko. Napailing naman ito kaagad,"Dali na! Try mo lang para atleast naka-experience ka di ba?" saad ko sabay kindat, nagaalangan pa itong kuhanin. "Masusunog na yung pork," sabi ko kinuha niya kaagad ang sandok sa akin at tinuloy ang ginagawa ko. Inilagay ko ang ham at hotdog at ang bell pepper, " Mag-add ka ng paminta." Kinuha naman niya ang paminta at tumingin muna sa akin, " Maglagay ka na sasabihin ko kapag tama na, " saad ko at nakatingin sa mata niya. Iniwas naman nito ang paningin at naglagay ng paminta, samantalang ako ay hindi inalis ang paningin sa kaniya, may kaunting pawis na kaagad sa gilid ng sintido nito. Lumingon ito sa akin kaya napaiwas ako nang tingin sa kanya, napalingo naman ako sa nilagay niyang paminta, "s**t! Tama na," pigil ko sa kamay niya. Nagpanic ako at kinuha ang kutsara, kinuha ko yung ibang paminta na nilagay niya, napasobra ang lagay tsk. "Sabi mo kasi ay magsasabi ka kung tama na," saad niya. "Yeah! I'm sorry masyado ka kasing nakaagaw pansin," bulong ko. Tumaas naman ang kilay nito, mukhang narinig niya ang bulong ko. "Here," bigay ko sa kanya ng oyster sauce, nilagay naman niya iyon, Kasabay ng ibang ingredients. Kumuha ko ng towel dahil pinagpapawisan na ito, nagdadalawang isip ako kung pupunasan ko ang pawis niya or ibibigay nalang sa kaniya. "Haluin mo lang mabuti yung sauce, then takpan mo na," sabi ko. Pinunasan nito ang pawis gamit ang kamay niya. "Here," abot ko ng towel. "Bakit mag-isa ka lang rito sa Manila?" tanong ko. Napahinto naman ito sa ginagawa at tumingin sa akin. Nagtaka ako dahil nag-iba ang mata nito naging malamlam at hindi katulad ng dati na makikita mo talaga ang lamig ng aura nito pagtingin palang. "Nasa probinsya," tipid na saad lang nito at tinakpan ang kawali. "Well, bakit nandito ka? I mean wala ka bang ibang kapatid or kamag-anak rito?" "Wala." Alam ko naman na ang lahat sa kaniya, pina-private investigate ko na siya noon. I just want to open a conversation pero eto siya ngayon at tipid na tipid na sumagot. "How about boyfriend? mayroon ba?" "That's not my priority," saad nito at tiningnan na ulit ang niluluto. "Nbsb ka?" nakangising saad ko. "Yes, may problema ba don?" walang alangan na saad niya. Mas lumawak ang ngisi ko, "So ako nga ang first kiss mo?" Napabuntong hininga naman ito, "Oo," tipid na sagot niya. "Ako rin ang second mo," bulong ko. "Ano?" takang tanong niya. "Nothing, swerte mo at ako ang first kiss mo," saad ko at inasar ko pa na nagflying kiss. Masama at kunot ang noo nitong napalingon sa akin, "Narinig ko yon, second?!" "What? Amoy sunog na!," saad ko, nagulat naman siya at hinawakan ang takip. "Wag!" Pigl ko pero huli na nahawakan na niya ang takip non. "Ouch." "Clumsy, patingin nga," saad ko at hinawakan ang daliri niyang namula. "Yung niluluto," saad niya at nilayo ang daliri at pumunta sa sink para hugasan ang napaso niyang daliri. kinuha ko agad ang pot holder at binuksan ang kawali, medyo hininaan ko na rin ang apoy. Sayang naman ang effort ni Ysabelle kung masusunog lang. Habang hinuhugasan nito ang kamay ay nagpaalam akong pupunta ng kwarto. Kinuha ko agad ang ointment, buti nalang at mayroon kaming stocks ng ganito, dahil nga madalas ako dati na napapaso dahil sa pagluluto. "May I see your finger," pinakita naman niya kaagad, namumula iyon, nilagyan ko ng ointment ang paso nito. "Next time, gumamit ka ng pot holder, masasayang lang ang ganda ng kamay mo kung ipapapaso mo lang," saad ko, hindi naman ito sumagot, napansin ko ang titig niya sa akin. "Bakit? Nagwa-gwapuhan ka na ba sakin?" mapangasar na sabi ko. Inagaw naman nito ang kamay niya,"Anong susunod na ilalagay rito?" pagbabago niya ng usapan. Lumapit naman ako rito, "Gwapo ko hano? kaya titig na titig ka," pagpapatuloy ko sa pangaasar. She cleared her throat. "Yes! of course your Gamboa," walang preno niyang saad. "I know, pero ang sarap marinig sayo,"saad ko, nanahimik na ito. Tinapos na namin ang pagluluto ng baked macaroni. "Tikman mo ang niluto mong baked macaroni. This is special dahil first time mo 'to ginawa," kindat ko. Kumuha siya ng platito na para sa aming dalawa. Tinikman naman niya ang luto niya. "Anong lasa?" Hindi ito kumibo kaya na-curious ako inagaw ko ang hawak niyang kutsara. "Hey! Kutsara ko yan!" Pigil niya sa akin. "Ano naman? hindi naman ako maarte," kumuha ako ng baked macaroni, isusubo ko na sana yon ng pigilan niya ko. "May sarili kang kutsara, saka may laway ko na yan," napatawa naman ako sa itsura niya. Of course maganda pa rin naman siya at the same ay cute siya. "Ngayon kapa nahiya? Hindi ba at hinalikan mo na ako?" Nakangising saad ko, kumunot naman ang noo nito at padabog na tinulak ang kamay ko. I chuckled at tinikman ang luto niya, medyo may pagkamaanghang ang luto niya dahil nga dinamihan niya ng paminta, pero overall ay okay na para sa first time na magluluto. Nakatingin lang ito sa akin habang kumakain ako, "Masarap, maybe because of this," saad ko at turo sa kutsara. "Sweet just like your lips." *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD