Keana POV "Ayos na ba ang mga gamit mo?" tanong niya, tumango at kinasa ang baril na hawak ko, sinipat ko at inalala ang mukha ni Guillermo. Nangigigil at nanginginig ang kamay ko sa sobrang galit. Hinawakan naman niya kaagad ang kamay ko at kinuha ang baril at nilagay sa side table. "Kumain na muna tayo," sabi niya. Inakay niya ako papuntang kusina, malayo palang ay amoy ko na ang niluto nitong fried rice. "Mukhang masarap ah," nakangising sabi ko. "Of course! Gawa sa pagmamahal yan," natatawang saad naman nito. Inalalayan niya akong maupo, pero bago yon ay nagulat ako sa biglaan nitong paghalik ng mabilis sa labi ko. "What the." inirapan ko ito at tumatawang lumayo ito sa akin. "Subukan mo pa kong halikan, babaon sa bunbunan mo tong tinidor." "Ang aga ang init ng ulo m

