Arthur Jake Gamboa POV
Hinila ko ang braso niya papalapit sa akin, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at konting galaw lang ay magtatama na ang labi namin, tumingin ako sa mapulang labi nito at napalunok, ano kayang pakiramdam na halikan ang isang katulad niya.
Marami na akong nahalikan na babae, minsan pa nga ay sila pa ang unang humahalik sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili at hahalikan ko na sana ito ng bigla niya akong itulak. Kaya naman parehas ma-out of balance kami, kaya hinigit ko ang baywang niya papalit sa akin, pumikit nalang ako at hinihintay na bumagsak kami sa sahig, pero imbis na sakit ng likod ang maramdaman ko, isang malambot na bagay ang naramdaman ko sa labi ko.
Dumilat ako at napatitig sa babaeng nakapatong sa akin ngayon, nanlalaki ang mata nito na nakapaibabaw sa akin. Ang labi nito ay sinakop ang labi ko, parang kanina lang ay iniisip ko kung anong pakiramdam, ngayon ay pinaparamdam na sa akin ni Ysabelle.
Tatayo na sana ito, pero wala sa sariling hinigit ko ang batok nito, at pinisil siya ng halik.
Gulat na gulat si Ysabelle sa ginawa ko, parehas pa rin kaming nakahiga sa sahig, gumalaw ang labi ko at sinakop ang kanyang labi, pero imbis na tumugon ito ay agad na tinulak ako, at naupo ito sa tyan ko at agad-agad ay binigyan ako ng isang malutong na sapak.
"Ouch! f**k" nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa akin. Sasapak pa ito muli kaya napapikit nalang ako at hinintay ang kamao niya, pero wala akong naramdaman na kamao.
Pagdilat ko ay nasa ere ang kamao nito at malapit na malapit sa mukha ko, ang paghinga nito ay mabigat at nanlilisik ang mata.
Nakakatakot ang mata niya. I swear pero maganda pa rin naman ito, kahit na nagagalit. Agad na tumayo ito at lumayo sa akin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, tiningnan ko si Ysabelle na nakatalikod sa akin, nanginginig ang kamay nito. Tumayon ako at nagpag-pag nang damit. Napakagat naman ako sa labi, kahit ang sarili ko ay hindi napigilan ang sarili na angkinin ang labi niya.
Napahilamos ako sa mukha, f**k! Anong ginawa ko!
Damn
Hindi ko alam kung lalapit ba ako, urong-sulong ang ginawa ko. Lalapit na sana ako ng bigla itong humarap.
"A-ah." hindi ko mahanap ang dila ko. f**k! Bat hindi ako makapagsalita.
Pero nang mahanap ang dila ay imbis na magsorry ang nasabi ko, " You're lips are the sweetest lips I've ever had."
Napabuka ng bahagya ang labi nito, samantalang ako ay nakangisi, tutal ay ginawa ko na kaya dapat ay panindigan ko na kahit ang sakit ng sapak niya.
Napairap ito at nagsalita, hindi ko naman marinig ang sinabi nito dahil pabulong, naglakad na ito kaya sumunod na ako.
Nakangisi akong sumunod sa kanya, hindi man niya ako pinapansin, pero wala siyang magawa dahil inuutusan ko siyang kumuha ng mga bibilin ko.
Hanggang makauwi kami ay wala talaga itong kibo, mas dumoble ang lamig na nararamdaman ko kapag kasama siya. Tuloy-tuloy lang itong umakyat sa kwarto, at ako naman ay dumiretso sa kusina.
Kahit alam kong galit si Ysabelle sa akin, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili, walang pagsisisi sa katawan ko na nahalikan siya. So that's what the tastes huh!
Nakangisi akong nag-start na magluto. Napansin din ni Manang ang pagka-good mood ko tinanong rin niya kung bakit may maliit na sugat ako sa labi. sinabi ko nalang na nabangga.
Hindi kaya ako ang first kiss niya? malamang ay hindi na ako makakalimutan ni Ysabelle.
Napatawa naman ako dahil sa naisip.
Nagstart na akong magluto ng Special na Carbonara, hindi rin naman nagtagal ay bumaba na si Ysabelle.
“Ysabelle! Come here,” bumuntong hininga muna ito bago lumapit sa akin.
“Tikman mo,” saad ko at inabot ang plate sa kaniya. Nakakunot naman ang noo nitong nakatingin sa akin.
“Ganito ka ba mag-sorry Mr. Gamboa,” ramdam ko ang lamig ng pananalita nito.
Lumapit ako ng bahagya rito at nagsalita, “Bakit ako magso-sorry? Ako ba ang unang humalik?”
Tumaas ang kilay nito at nakipagtitigan sa akin,” Ang pagkakaalam ko ay ikaw ang nakaibabaw sa akin,” nakangising saad ko.
Bumuntong hininga ito at lumayo sa akin, tatalikod na sana ito ng hilahin ko ang kamay niya.
“Gutong-gusto mo talaga ng hinihila ka hano, para ano? para…” tumingin ako sa labi niya.
Napangisi ako ng bawiin niya ang kamay sa akin, itinulak ko ang plato sa kaniya,” Taste it.”
“No thanks, Sir,” diin ang pananalita nito sa huling sinabi at tumalikod, That was rude.
Napatawa ako,” You’re so sweet as always baby,” pang-aasar ko pa.
Napansin ko si Kuya Harold na pababa ng hagdan, may dala itong bag, pupunta na siguro ng gym.
Nakatingin ito kay Ysabelle na papalabas ng pintuan, tumingin muna ito sa akin at umirap bago lumabas. Anong problema ng ungas na yon.
Tinikman ko ang niluto kong special na carbonara, kung hindi niyo kasi tatanungin ay magaling rin ako magluto. Ito na kasi ang bonding namin ni Mom at Manang. Speaking of Mom, sobrang tagal na nilang hindi umuuwi ah.
Masyado ng nababawasan ang kagwapuhan ko dahil ako lang ang nagma-manage ng kumpanya, samantalang ang kapatid ko ay walang pakinabang.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Mommy, mabilis lang rin ang pagsagot nito.
"Oh! my son! How are you?" bungad niya agad.
"I'm good but a little bit stressed."
"Why? marami bang trabaho?"
"Of course, Mom. Wala naman akong maasahan kay Kuya Harold," I sigh.
"Ilang beses ko nang pinakiusapan ang Kuya Harold, but he always refused."
"When are you coming back?"
"Actually ay nagbabakasyon nalang talaga kami ng dad mo rito, nai-close na namin ang deal."
"That's good to hear! So kailan nga kayo babalik?"
"My son, ngayon nalang kami ulit makakapag-relax ng Dad mo, bigay mo na sa amin to okay! Malay mo ay masundan ka pa," Tumatawang saad nito, medyo kinilabutan ako ron ah, " And besides ikaw na rin naman ang magmamana niyan dahil ayaw ng Kuya Harold mo, mas maigi na rin na ngayon palang ay aralin mo na ang paligoy-ligoy sa company"
"Whatever, ano pa nga bang magagawa ko."
"Anyway, Nakapagsabi na ba sa'yo si Manang?" Nagtaka naman ako kung anong ibig sabihin nito.
"Nope! What is it Mom?"
"Nagpaalam siya sa akin kahapon na uuwi muna siya sa probinsiya, dahil ikakasal ang anak niya."
"Really? Walang sinasabi sa akin si Manang."
"Sinabi ko na rin sa kanya na mag-stay muna siya ro'n ng ilang linggo. Alam ko naman na miss na miss na niya ang probinsiya niya," Ilang taon na rin kasi si Manang na hindi umuuwi, sabi nga ay may apo na siya pero hindi pa niya nakikita, dahil nga ilang taon na siyang hindi nauwi.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting lungkot, ibig sabihin ay ilang linggo ko ring hindi makakasama si Manang, pero syempre ay kailangan rin ni Manang ng bakasyon at makasama ang tunay niyang pamilya.
"Kamusta naman si Ysabelle? Are you good to her?"
"Of course!"
"Good, buti naman at hindi siya nahihirapan i-handle ka, How about the death threats? Mayroon pa rin ba?"
"Nung nakaraan ay nagpadala ng pictures. He's creepy Mom, sinusundan niya ang bawat galaw ko."
"Mabuti nalang talaga at nag-hired ako ng bodyguard mo." yes napakagandang bodyguard at napaka-cold din.
"Son? I gotta go, tinatawag na ko ng Dad mo. Take care, I love you."
"Okay, bye. Love you too"
Pinatay na nito ang tawag, umakyat na ako sa kwarto pagkatapos kong kumain. Napansin ko ang card ng babae kaninang maga. Napangisi ako.
Agad na dinampot ko yun at dinial.
"Hello?" saad ng babae.
"I'm Arthur natatandaan mo pa ba ko?" malambing na saad ko.
"Of course! simula nga kaninang maga ay hindi ka na maalis sa isip ko," saad rin nito sa malanding boses. Lumawak ang ngisi sa labi ko.
"Are you available at 9PM?" tanong ko.
"Yes!" Excited na saad nito.
"Okay I'll text you the address,puntahan mo nalang ako ron."
"Okay, see you later."
Tinext ko ang address ng condo ko sa QC, napangisi ako at excited na gumayak.
8:30 PM ay nasa isang restaurant ako, hindi lang ito basta restaurant isang itong resto bar, nagpatrserve ako ng room para sa aming dalawa ng makakasama ko.
Hindi ko kasama si Ysabelle dahil kinuntyaba ko ang isang maid namin para makatakas ako. Dahil napaaga ako ng dating ay nag-start na akong uminom ng alak.
"Hi," saad ng babae, pagdating nito.
"Hindi mo manlang ako hinintay at nauna ka ng uminom," saad nito, lumapit ito agad sa akin at kumuha ng maiinom.
"So bakit dito mo ko dinala? akala ko ay sa condo."
"Don't be too excited, magpupunta rin tayo don," masyado namang atat na atat ang babaeng to na matikaman ako.
"So kaya ka ba nandito ay para magpainit?"
"Is that obvious?" natatawang tanong ko, at lumagok ng alak. Hindi ako sanay na walang maraming tao akong nakikita, dahil nga sanay ako sa club. Dito kasi ay banda lang ang naririnig at kaming dalawa lang ang magkasalo sa silid nato.
Napangisi ako ng mag-start na itong kumandong sa akin, I like it huh! pinasadahan niya ang suot kong polo at unti-unti ay binuksan niya ang tatlong bitones.
"You know what Arthur ? I don't like it here!, we should go to your condo," nilapit nito ang bibig sa tenga ko at kinagat yon.
Ngayon ay naramdaman ko na ang init ng katawan ko.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)