Chapter 22

1295 Words
ArthurJake Gamboa POV "Anong nangyari?" Agad na tanong ni Manang, naabutan niya kasi si Ysabelle na ginagamot ang sarili. Lumapit ito sa amin, nag-aalala ito nang tingnan si Ysabelle. "Jusmiyo! Anlaki ng pasa mo Ysabelle," saad ni Manang. "Okay lang ho ako," mapait na saad ni Ysabelle, labas sa ilong ang sabi nito. "Sinong katawan ang magsasabing okay siya kung ganyan kalaki ang pasa ha!" napakamot ako sa ulo dahil sa mga sinasabi ni Manang. Para itong nanay na pinapagalitan kami. "Ano ba kasing nangyari ha? Wala bang masakit sayo?" tanong ni Manang sa akin. "Okay lang ho ako, thanks to Ysabelle," saad ko. Ayoko talagang sabihin kay Manang na may kamuntik ng mambugbog sa akin, dahil ayoko siyang mag-alala, noon pa nga lang na nalaman niyang may nagpapadala ng death threat sa akin ay hindi na siya makatulog. What if pa ngayon. " Nako iha! kukuhanan kita ng mefenamic diyan sa pasa mo, para hindi na kumirot yan, jusko kayong mga bata kayo," saad ni Manang at umalis para kumuha ng gamot. "Wag na kayong magsabi kay Manang," saad ni Kuya Harold, pati siya ay kilala si Manang. Hindi pa naman ganoon katanda si Manang, pero may mga iniinda na rin itong sakit. Pamaya-maya ay tumunog ang telepono ko, sinagot ko ng makitang si John yon. "Ano nang balita?" saad ko. "Sir! Nakatakas sila. Nailigaw nila ang mga guard natin." "What?" f**k! Napahawak ako sa sintido ng biglang may gumuhit na sakit roon. "pero pinapadouble check ko na ang mga CCTV footage natin," saad nito. "f**k! paano pa nakatakas sa kanila yun andami nilang guard na humabol!" galit na saad ko. "Nailigaw daw sila, bigla nalang daw nawala sa paningin nila yung van." "Fire all those guards na nakaduty sa parking area!" gigil na sabi ko. Kinalma ko ang sarili ng makitang padating si Manang. "And investigate all those area na may cctv na dinaanan ng mga hayop na yo'n," saad ko. "Okay sir, copy" saad nito at pinatay ko na ang tawag. "Inumin mo ito iha, para mawala ang kirot," saad agad ni Manang pagdating niya. "Aalis lang ako," saad ko. Balak kong puntahan si John dahil may sasabihin ako personally. Pagtayo ko ay siyang pagtayo rin ni Ysabelle. "Babalikan ko lang si John " saad ko kay Ysabelle. Tumaas ang kilay nito. "Sasama ko," saad niya. Oo nga pala dapat ay kasama siya sa lahat ng pupuntahan ko. "Anak, dito ka nalang muna, alam mo namang trabaho ni Ysabelle ang samahan at protektahan ka." pigil sa akin ni Manang. Ano pa nga bang magagawa ko? Naupo nalang ulit ako at pinanood si Manang na gamutin ang ilang gasgas ni Ysabelle. Umalis na rin si Kuya Harold na kanina ay nakikinig pa rito. " Pupunta lang po ako sa kwarto, " paalam nito kay Manang. Tumango naman si Manang," Are you sure na ok ka lang?" tanong ko, sumabay na kasi ako paakyat rito, alam ko kasi na masakit ang katawan nito dahil binalibag siya kanina ng lalaki. " Okay na ako, magbibihis lang ako, bababa rin ako agad, " tumango lang ako at pumasok na siya sa kwarto niya. Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Diretso ako sa bathroom dahil piling ko ay lagkit na lagkit ako. Nagbabad ako sa bathub. Pumikit ako ng mariin at iniisip ang mukha ng lalaki kanina, hindi ko makakalimutan ang pagmumukhang yon. Balak nilang basagin ang mukha ko, it means ay ang nagpapatay sa akin ay may malaking inggit sa akin. Maraming naiinggit sa akin kaya hindi ko alam kung sino sa kanila. This is mind blowing, maari ring ang mga boyfriend o asawa ng mga nakakasiping ko. Pwede rin naman na competitors ko sa business. Tangina! hindi ko na alam, pero bakit ako lang? Hindi naman sa gusto ko na pati ang magulang ko. Kung sa Competitors ay dapat si Dad, but why me? Malay ko ba kung may nagpapadala rin kay Dad. Dalawa lang ang option ko na pwedeng gumawa sa akin nito , inggit sa akin or Asawa ng mga nakasama ko. "Hayys! Kainis," saad ko, at ginulo ang basa kong buhok, tinapos ko na ang paliligo ko. Tinuyo ko muna ang buhok ko, tumingin ako sa labas kung saan madalas pumepwesto si Ysabelle kapag nasa bahay ako. Bakit kaya wala siya ngayon don. Agad na tinuyo ko ang buhok at lumabas, "Nakita niyo ba si Ysabelle?" tanong ko sa dalawang maid na nadaanan ko. "Hindi ko po siya nakita, S-sir." tumango ako. "Simula po ng pumasok siya kanina sa kwarto ay hindi pa rin naman po siya nalabas," saad ng isa pa. Tumango ako at nagpasalamat sa kanila. Pinuntahan ko ang kwarto nito, kumatok ako ng dalawang beses pero hindi nagbubukas ng pinto si Ysabelle. Napagdesisyonan ko na buksan nalang ang pinto nito. Buti na lang at hindi nakalock ang pinto niya. Pagpasok ay agad na napaatras ako dahil naka-tube lang ito na suot at may nakagay na bimpo sa likod nito. Napansin ko ang namumula nitong likod. "Ysabelle?" Tawag ko pero hindi ito kumibo, lumapit pa ako para makita ang mukha niya. Nakatulog pala siya. Kinuha ko ang bimpo na basa na nasa likod nito, baka naman pulmonya ang naabutin niya kapag nagtagal pa sa likod niya ang basang bimpo, kapansin-pansin talaga ang sobrang pula ng likod niya. Tumingin muna ako sa mukha nya kung magigising ito, at dahan-dahan naupo ako sa kama niya. She's so peaceful kapag natutulog, ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang mukha niya, medyo nakanga-nga ang labi nito. She's cute and beautiful at the same time. Perfect kung papaikliin. May kaunting pawis sa noo nito. Pinunasan ko ang pawis niya gamit ang kamay ko. Nilakasan ko ang aircon sa kwarto niya, "You look so peaceful at hindi cold kapag tulog," natatawang saad ko. Pinagmasdan ko muna ang likod nitong pulang pula, Kinumutan ko ito dahil malalamigan ang likod niya sa aircon Buumalik ulit ang paningin ko mukha niya, at pinagmasdan nang mabuti. hindi ko napansin na napapatagal na pala ang titig ko at naaakit ako tingnan ang labi niya. Hindi ko alam sa sarili pero parang may humahatak sa akin na halikan yon. Dahan-dahan ay nilapit ko ang mukha ko sa kanya, nakatitig lang ako sa labi nito paangat sa nakasarado nitong mata. Hindi na ako nagdalawang isip agad ay hinalikan ko ito, smacked kiss lang yon para hindi siya magising at mabilisan lang. Sobrang himbing naman ng tulog niya at hindi manlang siya nagising sa halik ko. Hindi naman niya malalaman na hinalikan ko siya eh. Kaya dapat ay sulitin ko na. lalapit na sana ko ng bigla itong gumalaw. Agad ay napatayo ako at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto niya. Tangina para kong aatakihin sa sobrang lakas ng t***k ng dibdib ko. Sigurado ay hindi lang sapak ang aabutin ko kay Ysabelle kapag nalaman niyang minaltrato ko ang labi niya. Bumalik ako sa kwarto ng may ngiti sa labi, pero hindi rin nagtagal ay may kumakatok sa akin. "Anak!" si Manang. "Manang bakit po?" hindi mapakali ang mata ni Manang. "Anak! yoong napainom kong gamot kay Ysabelle, hindi pala mefenamic iyon," nagtaka ko sa sinabi ni Manang. "Ha? eh ano po ba yon?" tanong ko. "Gamot pala sa insomnia ni erica ang nakuha ko, malabo na kasi ang mata ko kaya hindi ko nabasa ng mabuti," saad ni Manang. Sleeping pills? Bigla akong natawa. Kaya naman pala hindi siya magigising at masarap ang tulog niya. Kaya rin pala ganoon ang ayos niya kanina sa kwarto, nakatulugan nito ang paggagamot sa sarili. Sugurado nga ay bukas ay walang alam ito sa ginawa ko sa kanya. "Sige Manang,ok lang ho yon. Masarap ang tulog ni Ysabelle, pati na rin ako. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD