Episode 5

1803 Words
Nakarating ang buong pamilya sa bahay bakasyonan nila sa Aurora hill ang Antonio Ville. Napagpasyahan ni Elisabeth na mamalingke kasama ang dalawang kasamabahay nila ng malaman ni Raymond ang Plano ng ina ay nagpasya itong sumama at isinama na rin pati ang dalawa pang bodyguard para may taga bitbit. "Honey are you sure? Baka mapagod ka Lang wala ka pang pahinga galing sa byahe natin" malambing na sabi ng Don sabay him as sa likod ng asawa. "I'm fine Hon mas mabuti ito para mapakag exercise din ako at makapamasyal at mamaya ipagluluto ko kayo ng mga paborito nyo okay" konbensi nito sa kanyang asawa sabay halik sa pisngi nito. "don't worry dad ako ng bahala kay mommy"sabi sa ama sabay kindat. "okay keepsafe wag kang hihiwalay sa mommy mo Mond" nakangiting bilin nito sa anak sabay tapik sa likod nito at halik naman ang iginawa sa kanyang asawa. Sa kanilang banda naglalakad na ang magkaibigan papunta ng town para ideliver ang mga ube at ibenta ng mga pastillas na ginawa ni Ysay kahapon hindi na sila nakauwi sa kanilang dahil ipinagpaalam sila ng kanilang tiya lollit na kung pwede umextra Pa sila ng mga ilang araw habang hindi Pa nabalik ang tindera nito pumayag naman ang mga magulang nila buti at laging dala dala ni Ysay ang Susi ng kanilang boarding house na tinutuluyan nilang dalwa ng bestfriend nya. "Hoy best buti nalang at pumayag ang tiya na manghiram tayo ng mga gamit para sa pastillas mo" tuwang sabi nito sa kaibigan niya. "oo nga best ang bait ng tiya lollit mo buti nga at nakagawa ako ng 15 box ng pastillas halos kalahati ng pagbebentahan ko nito tobo ko na yun"masaya pahayag nito. "makakabili na ako kahit pakonti konti ng gamit. Tyka ko nalang tatahiin yung notebook na hinihingi ko sayo kapag nakauwi tayo doon sa lunes".masayang dagdag Pa nito. Nasa town na sila patuloy Lang ang paglalakad nila papuntang wet market kung saan sila magbabalat ng para ng manok.Nang biglang nanlaki ang Mata ni Ysay sa kanyang nakikita malalaki ang hakbang nito palapit sa kanyang tinititigan ng bigla nyang iabot sa kaibigan ang hawak niyang Echobag na naglalaman ng pastillas sabay karipas ng takbo. "bestfriend hawakan mo to sandali lang ako"sabi nito sabay abot ng bag at takbo. "best. ...best...Hoy sandali Lang wag mo akong iwan dito" .sigaw nito kay Ysay sabay padyak ng kanyang mga para. Walang kaalam alam si Elisabeth na napapaligiran siya ng bata at pagtatangkaang hablotin ang kanyang bag habang siya ay abala na namimili ng mga gulay at ang mga kasama nya ay may kanya kanyang bitbit na rin. Bigla na Lang siyang napasigaw at muntik na humabol sa humablot ng bag niya kasyo may mabilis na dumaan sa gilid niya para habulin ang batang holdaper. Bigla ring nagsidatingan ang mga chismosa at usyusiro. "Mommy what's happening? ".napatakbo si Raymond sa kinaroroonang ng ina na may bakas ng pag aalala sa narinig na sigaw nito. "Na-nahablot yung bag ko Mond" hindi makapaniwalang sagot nito sa anak. "stay here mom-"hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng hawakan ng kanyang ina ang bag niya at pigilan. "Ma'am, heto na po ang bag niyo".humihingal na inabot ni Ysay ang bag ng ginang."kuya kayo na pong bahala sa batang yan hindi na natuto".sabi nya sa pulis na may hawak sa bata at pinitik niya ng tenga nito kaya napangisi ang bata. "Sa-salamat" nakatulalang sabi ng ginang kay Ysay."anung pangalan mo hija? "dagdag tanong nito. "Ysay...Ysay. Hoy bestfriend tama na Yang pagka super hero mo. Kanina Pa naghihintay ang tiya lollit at yung mga paa ng manok" humihingal na sabi ni pia sa kaibigan. "Ay naku, oo nga pala. Ma'am pasensya na po kailangan na po naming umalis may trabaho Pa po kasi kami. Mag iingat nalang po kayo palagi".nakangiting paalam nito sa ginang. tulala parin ang ginang sa mga pangyayari at nakatitig sa mga mukha ni Ysay bago nagsalita. "ah si-sige salamat ulit".nauutal sa sabi nito kay Ysay. "mommy are you okay. Ysay ang name nya mommy yun ang tawag sa kanya nung kasama nya".alalang sabi nito sa kanyang ina. "Yeah I know Mond".sabi nito sabay hawak sa kanyang puso dahil sa sobrang bilis nito."Andres sundan mo sila alamin mo kung saan sila nagtratrabaho at anong oras sila matatapos".utos nito sa isang bodygaurd. Tumango naman ito agad at tumalima. "But mom-".naputol ang sasabihin ni mond sa ina ng magsalita ulit ito. "I want to talk to her Mond. Gusto ko lang makapagpa salamat ng maayos sa bata".patuloy ng ina nya kaya wala na siyang nagawa. "Alright".sabi nya sabay taas ng dalawang kayan na nagsasabing suko na siya sa ina. "Naku ma'am sobrang bait ng batang yun si Ysay at matulungin pa working student din po iyon".sabat ng tindira na ikinalingon nya. "alam mo ba kung saan siya nakatira? ".tanong niya sa tindera. "kapitbahay ko po si diyan lang po sa taas sa Camp Allen ma'am nangungupahan sila nung kaibigan nya dahil dito sila nag-aaral.Taga Trinidad po sila"mahabang paliwanag niya sa Donya. "Ma'am mamayang 10 daw po sila matatapos sa wet market po sila ng tratrabaho naabotan ko po sila na nagbabalat ng paa ng manok".tuwang balita nito sa donya sabay kamot sa batok.Tumango nalang ang donya at pinagpatuloy ang pamimili. "Sir pwede po bang magpaalam".nahihiyang tanong ni Andres kay Raymond. "Ano yun? ".kunot noon balik tanong nito kay Andres. "ah eh. Sir magpapaalam lang po sana ako kung pwede po kaming mag inom mamaya pang tanggal lamig lang nauto kasi ako nong magkaibigan na bumili ng paa ng manok pangpulutan at ang sabi Pa ni Ysay siya ang magluluto."kamot batok na nakangiti si Andres kay Raymond na nagpapaalam. "Sige Andres basta sisiguradohin mong sasama si Ysay para ipagluto kayo ng pulutan nyo. Tyaka pupunta din naman tayo doon para mamili ng isda at karne na pang ihaw para sa welcome party mamaya kay Ysay".si donya na nag sumagot kay Andres at pumayag ito sa kahilingan niya kaya bilang napangiti nga mga kasama nito pwera kay Raymond na busangot na ng mukha ngayon "Welcome party? but mommy hindi Pa natin siya kilala tapos isasama natin sila sa resthouse." pagmamaktol nya sa ina. "Shut up Mond tatawagan ko na ang daddy mo para sa desisyon ko at wala kang magagawa doon".inis na sabi nito sa anak niya. Nang matapos sila mamili ng mga prutas at gulay tinawagan nya ang kanya asawa at nagpaalam dito na mag paparty sila mamaya sa resthouse pumayag naman kaagad ang Don para mapasaya ang kanyang asawa ngayon lang kasi nangplano ito ng biglaan pero ayos na din iyon para maenjoy nila ang bakasyon dito. Nagtungo na sila sa wet market nakita ni donya doon si Ysay na nakikipagtawanan sa mga kasamahan sa trabaho masaya siyang pinagmamasdat ito ngunit biglang kumirot ang kanyang puso ng maalala niya ang kanyang anak na si Elisha Rhiane naisip nya na kong sana kasama niya ang anak niya ay magkasing edad lang sila na Ysay. "ah Ysay, kasya na ba ang limang kilo ng para ng manok sa 12 katao? ".tanong ni andres sa dalaga. "nako kuya kulang Pa yung kung ako ang magluluto hehhe" natatawang sagot nito kay andres. "ah eh ilan naman kaya? " kamot batok nitong tanong. "naku kuya baka kulang Pa sa inyo ang 10 kilo eh kasama Pa tong kaibigan kong matakaw. Pero okay na kuya bigyan nlng namin kayo ng discount".natatawang sabi nito kay Andres sabay up prove. "best wag mo naman akong ilaglag".naiinis na sabi ni pia kay Ysay sabay irap. "okay lang yun kasi to too naman eh. Diba kuya hahaha" .tawa ng tawa na inaasar ang kaibigan. "Ysay, iha. Ready na ba kayo? ".nakangiting tanong ng donya kay Ysay. "hindi Pa po ma'am ihahatid ko po muna kasi ito sa suki ko". sabi ni Ysay sabay taas ng ecobag na bitbit niya. "ano ba iyan ija? " curious na tanong nito sa dalaga. "ah. eh... pa-pastillas po ma'am".nahihiyang sagot nito sa donya. "my free taste ba pwedeng matikaman? ikaw ba ang gumagawa niyan? ".sunod sunod na tanong ng donya sa dalaga. huminga ito ng malamim bago sinagot ang donya. "opo ma'am bagong gawa ko po ito kagabi".nakangiting sagot nito sabay about sa donya ang isang box. "oh...nice packaging at same size lahat assorted flavors. milk, ube, and strawberry.. uhmmm nice taste ang sarap naman Ysay hindi nakakaumay. No need to go there okay. bibilhin ko na lahat yan. Magkano lahat yan? ".tuwang tuwang puri ng donya sa kanya. "salamat po ma'am. Bali 15 box po lahat 100pesos po per box. Kaya 1500 po lahat".masayang masayang paliwanag nya sa donya sabay about kay Andres ng eco bag para mailagay na sa sasakyan. "ito ija keep the change para may pang allowance ka o pang dagdag puhunan mo sa pastillas mo"wika ng donya sabay about ng 2k kay Ysay. "naku ma'am sobra sobra po ito"sabay about ng 500 sa donya pero hindi nito kinuha. "ija, para sayo talaga iyan tulong ko nalang sayo yan. Tara na para makapagprepare Pa tayo ng lunch".yaya ng donya sa kanya at sa kaibigan nya at tyaka sumonod na silang dalawa at sumakay na din sila sa van. "Ysay taga saan kayo ni Pia?".tanong ng donya sa dalaga. "Taga Trinidad po ma'am sa Km5 po".nakangiting sagot nito sa donya "ilang taon kanya at anong ginagawa niyo dito sa Magsaysay Kong taga Km5 kayo? ".sunod sunod na tanong ng donya sa dalaga. "16 yrs old po ma'am. dito po kasi kami nakakuha ng scholarship sa aming pag aaral ni pia kaya dito po kami nagbobording para malapit nalang po di kami mahirapan sa malayong byahe. mahabang sagot ni Ysay na may pagtataka sa mga katanungan ng donya. "minor ka pala bakit nagtratrabaho ka hindi ba bawal yun? "nakakunot noong tanong ng donya sa dalaga."kelan ang birthday mo? ".dugtong tanong ng donya sa dalaga habang titig na titig siya dito. "de-december 24 po".nauutal na sagot niya sa donya. Bigla naman natulala ang donya ng maalala niya ang kwento ni allan tungkol sa pagkawala ni Elisha sa bahay nya. "de-de-december 24".nauutal na ulit nito sabay hapo sa kanyang puso na parang naninikip ito.. "Ma'am okay lang po ba kayo. Heto po tubig inom po muna kayo".inalalayan nya ang donya at inabot ang mineral water at ipaninom nya ito. "Okay na ako anak El-ysay baka pagod lang to sa paglilibot kanina".nauutal na sabi nito sa dalaga. "Were here".masaya sigaw ni Raymond ng huminto ang van sa tapat ng Antonio Ville. inalalayan ni Ysay ang donya na bumaba sa sasakyan at agad namang sumalubong sina Don, Ramuel at Ricco.Mahigipit na niyakap ng donya ang Don na napamaang na nakatitig kay Ysay. kaya laking pagtataka ng magkaibigan.Parang kasing nakakita ng multo si don dahil sa panlalaki ng mata at pagkabigla.ipinakilala siya ng donya kay don hanggang sa masaya ang pamilya na e-welcome ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD