Episode 4

1207 Words
"Ysay... Ysay... bestfriend. yoohhooo... " tawag ni Pia sa harap ng bahay nila Ysay. "ano ba yun Pia? ang aga aga naman kung mangbulahaw ka dito, nakakaistorbo ka sa kapitbahay." pagmamaktol nito sa bestfriend nya habang nagkakamot ng ulo. "ano kaba Ysay nakalimutan mo na ba yung usapan natin na sasamahan mo ako magdeliver ng ube sa town ayaw mo bang magkarakit huh!" paalala sa kanya ng bestfriend niya."para may pangdagdag tayo sa pambili natin ng school supply best 1yrs nalang matatapos na natin ang senior high" dagdag Pa nito habang napapalakpak. "ano nanamang raket yan sinasabi kakagising ko nga Lang Hindi Pa ako nakakaligo at almusal ee"muling maktol nito sa kaibigan. napabuntong hininga naman si Pia. "Ysay tumawag kasi ang tiya Lollet wala daw siyang taga balat ng para ng manok kaya eextra tayo sayang ang 150 pesos no 3oras Lang naman yun bilisan nalang natin magdeliver ng ube at pastillas mo. Ano pang say mo impakta ka talaga."padabog na umupo ito sa upuang kawayan sa harapan nila. "maligo ka ako"doon na tayo kumain ng almusal bilisan mo" dagdag Pa nito sabay irap sa kaibigan. "okay sige maliligo na ako. opps wait Lang may nakalimutan ka ata? " naiinis na tanong nito sa kaibigan. "nasaan na yung mga notebook na pinaglumaan mo at Hindi mo nasulat dahil sa katamaram mo. " asar na sabi nito sa kaibigan sabay israp pabalik. "Hoy Ysay di ako tamad no. Tyka mamaya nalang pagdating natin masyado kang nagtitipid Jan di mo ikakayaman yan best." sabi nito sabay tapik sa balikat ng kaibigan at tulak para makaligo na ito. "aray ko naman kung makatulak naman to kala mo talaga. ..bruhang to. tsk." pataray na tinungo nito ang palikuran nila para maligo at makaalis na dahil nagmamadali ang bruhilda niyang bestfriend. Sobrang bilis ng panahon 16 yrs na ang lumipas hanggang ngayon Hindi parin natatagpuan ng Pamilya Antonio ang kanilang unica hija halos nagalugad na nila ang pilipinas ngunit walang makapagturo kung nasaan ang kanilang anak. Sa Mansion ng Antonio. "Sir may naghahanap po sa iyo Allan daw po ang pangalan papapasukin ko po ba?" pagpapaalam ng kasambahay kay Don Raymundo "sige papasukin niyo pakisabi nasa library ako" pagpayad ng Don sabay tango ng kasambahay bilang tugon dito. Habang nagiisip ang Don kung anong sadya ni Allan sa kanya ay di niya maiwasang makaramdam ng galit at kaba. Sa dami ng mga katanungan na tumatakbo sa isip nya bigla nya narinig ang katok at pagbukas ng Pinto. "Magandang umaga po Sir " Lumapit ito na may panginginig sa katawan at takot sa kung ano kahihinatnan ng kanilang pag uusap. "magandang umaga din sayo",anong maipaglilingkod at sinadya mo ako dito" malamig na boses na bati at tanong nito. "maupo ka iho"dagdag Pa nito. mabilis naman itong sumunod. " Sir kasi po-"naputol ang sasabihin nito ng nagsalita ulit ang Don. "Siguradohin mo Lang na important ang saya mo dito dahil madami Pa akong aasikasohin"malamig na sabi ng Don kay Allan "ma-may ipagtatapat po ako sainyo Sir alam ko pong magagalit po kayo pero andito po ako para magsabi ng totoo sa inyo" nanginginig na wika nito sa Don. tumango Lang ang Don na nagsasabing ituloy niya ang kanyang sasabihin. "Hindi ko po alam na sa inyo pala nagtrabaho si ate Marie labis po siyang nasaktan sa pagkamatay ng itay at ang sinisisi po niya ay ang inyong pamilya kaya po siya namasukan para maghiganti sa inyo huli na nung malaman ko lahat ng balak nya kasi nung sinundo ko po siya sa may kanto may dala po siyang bata na mag iisa-" Hindi na nya natapos ang sasabihin ng naramdaman nyang bumagsak na siya sa sahig sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ng Don at sumisigaw ito. "hayop nasaan ang anak ko"galit na galit na sigaw ng Don. "16yrs tapos ngayon ka Lang magpapakita para sabihin sakin yan as an ang anak ko p***** ina mo."halos paputulan na ng litid ang Don sa galit at iyak binugbog niya si Allan dahil sa pag amin nito nagtatakbo namang dumating ang kanyang kamay niyang si Rostom at ang 3 anak nito na si Ramuel, Ricco at Raymond. "Dad what happening here bakit mo binugbog si kuya Allan? " nagtatakang tanong ni Ramuel sa ama at gulat naman ang dalawang kapatidd niya at si Rostom na kanyang kamay ng Don. "Siya ang dahilan kung bakit nawala ang kapatid niyo dahil kapatid niya si Lilibeth at Marie ang tunay na panagalan nito kaya Hindi natin mahanap hanap ang record ng walang hiyang babaeng yun" mahabang paliwanag ng Don at natigilan ang dapat na gulat na gulat sa narinig. "Nasaan ang kapatid ko" sugod na kwenilyuhan ni Ricco si Allan at yugyog dito habang umiiyak. "hin-hindi ko din alam haya-hayaan niyo a-ako na i-ipal-liwa-nag ang-ang la-lahat" nanghihina at umiiyak na sagot ni allan sa lahat. binitawan ito ni ricco at inalalayan naman siya ni rostom para makaupo ng maayos at makapagpaliwanag. "Nang makauwi kami sa apartment na tinutuluyan ko .Gustong gusto ko ng kunin ang bata para ibalik dito. Ngunit laging pinapadlock ni ate ang Pinto .Kaya Hindi ko magbuksan pero inaalagaan naman niya ang bata. Pinapapainom ng gatas at inehehele makalipas ang dalawang buwan na paulit ulit Kong pagkonbensi sa kanya na ibalik na ang bata ayaw nya. Dahil pag ginawa ko daw yun papatayin niya ang bata at ipapadala sa iyo na balibali ang katawa kaya natakot ako halos .Hindi rin ako makapagtrabaho dahil binabantayan ko ang kilos ni ate kasi pakiramdam ko may sakit na siya sa pag iisip .kasi Hindi naman ganon ang ate ko noon pero mula ng namatay ang itay namin Hindi na namin maintindihan ang kinikilos nya .Mag uusap kami ng ate ko ng bigla nalang nanlabo ang paningin ko at nagdilim tapos pag gising ko wala nag ate ko at ang bata. Hinanap ko sila kaso makalipas ng tatlong araw uwi si ate akala ko bata ang henehele niya pero isa na itong manika. Pinipilit ko tinatanong kung saan nya dinala ang bata pero wala siyang ibang sinasabi kundi. Mababaliw na ang mga Antonio. iyon Lang at paulit ulit. Pinilit kong hanapin ang anak niyo pero Hindi ko alam kung nasaan siya makalipas ang limang buwan lumala si ate kaya napilitan na akong ipasok siya sa mental kaso tumakas ito at nasagasaan ng bus. Hindi ako tumigil na hanapin ang anak niyo nakikipagtulungan din ako sa mga pulis sa lugar namin kaya tumagal ng ganito kasi gusto ko ibalik sa inyo ang anak niyo pero bigo ako namatay na din ang inay dahil sa depresyon sa pagkawala ni itay at ate" mahabang paliwanag nito sa mga Antonio. at iniabot nito ang larawan ng kanyang anak na nakangiti sa kuha ng picture. "Daddy saan tayo maguumpisa nito 16yrs ago ng mawala si Elisha mahahanap Pa ba natin siya?buhay Pa kaya siya? " umiiyak na tanong ni Raymond sa kanyang ama na ngayon ay lumuluha din. makalipas ang isang linggo nagpasya ang pamilya Antonio na mag out of town muna sa Baguio para magpalamig at mabisita na din nila ang bahay bakasyonan nila sna nakabase sa Aurora Hills matagal na ding hindi nakapasyal ang pamilya dito naisip nilang makakabuti ito para kay Donya Elisabeth para mabawasan ang kanyang depresyon at mangungulila sa anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD