Episode 3

1578 Words
Neña Pov "ayan baby Ysay mabango ka na ulit" kakatapos Lang ni neña mapaliguan si Ysay."Ruben asaan na ang gatas ni baby Ysay.?" tanong niya sa asawa niya "sandali Lang mahal, heto na" nakangiting lumapit siya sa asawa at inabot ang dede ng bata. "Naku Ruben ang swerte natin dahil binigyan tayo ng pagkakataon para maging magulang halos mag iisang taon narin ng matagpuan natin si Ysay sa truck natin sino kaya ng mga magulang nito at bakit siya inabandona" masayang may pagtataka na tanong niya sa asawa niya. "oo nga mahal, sobrang swerte natin sa baby Ysay natin mula ng dumating siya lumakas ang ani at gumanda ang pananim natin" masayang sagot niya. "mahal, paano nalang kung sa Kaling may maghanap sa kaniya? " nag aalalang tanong niya kay ruben. "mahal Hindi malayong mangyari yun kaso nga Lang andito na tayo sa probensya natin ang layo ng maynila mahal" sagot nito kay neña. "pero mahal paa-" naputol ang sasabihin ni neña sa asawa ng nagsalita ito. "ssshhh, mahal pinagkaloob siya ng panginoon sa atin, biroin mo bisperas ng pasko natin siya natagpuan baka siya na ang hulog ng langit para sa atin para magtunay at buo na tayong pamilya" masayang sabi nito."baka siya na din ang daan para magkaroon tayo ng anak mahal baka ito na ang pagkakataon natin papalakihin natin siya na mabait at may takot sa diyos Hindi din natin kailangan itago ang kanyang nakaraan mahal" masuyong sabi nito kay neña. "mahal saan mo pala itinago ang mga alahas ni Ysay para paglaki niya ibibigay natin sa kanya yun baka galing sa magulang niya yun mukha kasing tunay mahal eh" malambing na tanong sa kanyang asawa. "nandoon sa baol kasama ng mahahalagang papeles natin mahal para paglaki niya may maibigay tayo sa kanya at oo mahal tunay ang mga iyon at may naka ukit Pa na lettra E.R.S.A mahal" paliwanag nito kay neña. na nanlalaki ang mga Mata dahil sa di makapaniwalang sa kanyang narinig. Mabilis ang mga taong nakalipas at 7 yrs old na si Ysay o Ysabel Sarmiento na ipinangalan sa kanya ng kanyang tatay at nanay.Nabiyayaan na din ang magasawa ng kambal na anak parehas na lalaki si Rowe at Rony na 2yrs old na din. " nay, nay" sigaw ni Ysay habang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ng nanay at ng kambal may bitbit itong papel na iwinawagayaw niya. "oh, anak bakit? parang kang nawawala sa kakasigaw mo may humahabol ba sayo tignan mo pawis na pawis ka na" salubong niyo kay Ysay na humahangos dahil sa kakatakbo hingal na hingal at basang basa ng pawes ang buong katawan ng bata. " eh, nay sobrang saya ko po dahil mataas ang score na nakuha ko sa exam one mistake Lang po ako sa English at Science tapos po na perfect ko po ang math at Filipino ang saya saya" nagtatatalon na paliwanag niya sa kanyang ina at nakitalon at palakpak din ang kambal. "ay, naku anak ang galing galing mo talaga. naku naku dapat masabihan ko ang tatay mo para makabili ng pansit sa town bahang nagdidiskarga ang mga tauhan natin." masayang bati nito sa anak at pinaghahalikan ito ng my pang gigigil. Bakasyon nanaman at abala ang mag asawa sa kanilang pananim kasama ang kambal at si Ysay sa kanilang kubo kung saan nandoon sila tumutuloy pag manananghalian sila kahit mataas ang araw di nila alintana dahil malamig naman ang simoy ng hangin makakapal din ang kanilang suot na jacket lalo na nag kambal at si Ysay siya ang nag aalalaga sa kambal habang abala sa pag aabuno ang kanilang mga magulang. "Ysay, bukas magsisimba tayo ng kapatid mo sa Cathedral at mamamasyal tayo sa Burnhampark gusto mo ba yun anak? " masayang paalala ng kanyang ina sa kanya. "yehey. .."sigaw sabay palakpak ni Ysay. "nay excited na po ako. sasama po ba ang tatay sa atin? "masayang tanong niya sa ina. "anak baka Hindi makasama ang tatay mo kasi magbabagsak sila ng gulay sa town nun wala kasi ang tiyo Bert mo kaya walang hahalili sa kanya para sa pagsisingil" paliwanag nito kay Ysay. "ganun po ba nay okay Lang po naiintindihan ko po namimiss ko na kasi ang tatay Hindi na po kasi siya nakakasama sa pamamasyal natin" malungkot na sagot niya sa kanyang ina. "sige na anak, magbihis ka na at matutulog na tayo para maaga tayong makapaghanda bukas sa lakad natin ng mga kapatid mo bago matulog magdasal ka muna okay" mahabang paalala ng kanya ina. Maaga silang gumayak para sa kanilang lakad dahil first mass ang gusto nilang maabutang mesa sa cathedral. "Peace be with you nay at kambal" sabay mano at halik sa kanyang ina at kapatid. "anak anong gusto nyong pagkain para may kainin tayo sa park" tanong ng kanyang ina. "inay kahit ano nalang po diyan excited na po akong mabike" masayang sabi niya sa kanyang ina at niyaya na ang kanyang mga kapatid na maupo muna sa gilid habang nabili ang kanyang ina ng makakain nila. "kambal gusto nyo bang sumakay ng bike huh, isasakay ko kayo masaya doon" masaya ng sabi sa kambal na humahagikgik din sa tuwa na akala mo ay naiintindihan na ang kanyang mga sinasabi sa mga ito. Habang nagbibike si Ysay sakay ang kanyang humahagikgik na mga kapatid my napansin siyang isang batang lalaki na kasing edad Lang niya na nakasimangot na nakikipagtalo sa isang babae na may edad ng 30's bumaba siya sa pagmamaneho at tinawag ang kanyang ina. "inay kayo na po muna ang magbike para sa kambal pagod na po kasi ako eh" sabi nya sa kanyang ina na naglalagay ng bempo sa kanya likod dahil pinagpawisan sa kakabike na akala mo ay walang sawa. "oh sige anak maupo ka muna diyan ako na muna bahala sa kapatid mo" masayang sabi ng kanyang ina at nilapitan ang bike na kinaroroonan ng kanyang mga kapatid. Bigla namang tumakbo si Ysay at sumisigaw na hinabol ang batang lalaki na tatawid sa gitna ng kalsada kung saan maraming nagbabike at kita niya na masasagasaan siya ng paparating na bike kaya mabilis ya itong dinamba at sabay silang tumilapon at nagkagalos halos magsigawan naman ang mga tao sa sasaksihan nila. "anak, anak ko“sigaw ng kanyang ina at mabilis na tumakbo papalapit sa dalawang bata. "naku JM, diyos ko may sugat ka" naaalalang sabi ni yaya zeny sa alaga. "naku tatawagan ko si mang Joe pupunta tayo ng hospital baka nabalian ka anak wag ka gumalaw" nagpapanik na nag dial sa cellphone. "hello manong Joe, magmadali ka puntahan mo kami sa park may nangyari kay JM malalagot ako kay Ma'am nito kailangan natin dalhin sa hospital ang mga bata" nanginginig na sabi ng yaya zeny kay mang Joe. Agad na dumating si mang Joe sa park para sunduin ang magyaya at dahil sa hospital ang señoreto nila na c JM at ang dalawa pang bata na si Ysay at si Gerald. "hello mahal, tapos na ba kayo sa pagdiskarga ang prinsesa mo kasi nadisgrasya kailangan madala sa hospital sumunod ka nalang sa BGH mahal"nag aalalang balita niya sa kanyang asawa. "sige mahal papunta na ako" mabilis na ibinaba ang tawag at nagmadaling pumunta ng hospital si ruben. Nasa hospital na ang kanyang mag iina habang nangdumating siyang humahangos "anak ko, ano bang nangyari Neña? "tanong sa kanya ng asawa. "mahal ang anak mo na ang tanongin mo dahil di ko naman halos nakita ang pangyayari dahil binabantayan ko ang kambal " sabi ni neña kay ruben na wala ng pag aalala sa nangyari kay Ysay."naku mahal pagsabihan mo Yang prinsesa natin na wag laging mapaka superhero."natatawang dagdag Pa nito. "naku anak ano ba ang nagyari ha? ikwento mo kay tatay, may masakit ba sayo may mga galos ka sa siko at tuhod mo" nag-aalalang tanong nito kay Ysay. "tatay wag na po kayo mag-alala malayo po Yan sa bituka" sabay hagikhik na sabi nito sa ama. Habang kwenikwento ni Ysay ang buong pangyayari ay may lumapit sa kanilang babae at tinatanong kung anong pangalan ni Ysay. Maganda,maputi, sexy parang artista. "Ma-ma'am siya po yung bata na sinasabi ko sa inyo na nagligtas kay señoreto" nanginginig si yaya zeny sa sobrang takot dahil napabayaan nya ang kanyang alaga. "magandang araw po ma'am" sabay na bati ng mag asawa kay Señora Angela Montemayor "magandang araw din ho" balik bati nito. "gusto ko Lang po sanang magpasalamat sa anak po ninyo sa pagligtas sa anak ko. Maraming salamat ija, Anong pangalan mo" malambing na pasasalamat nito. "ako po si Ysay" pakilala niya sa ina ni JM. "ah, wag niyo po alalahanin yun okay Lang po yun at masaya ako na Hindi po masyadong nasaktan ang anak niyo" malambing na dugtong nito. "Salamat at konting galos Lang ang natamo niyo, wag na kayong mag alala sa bills kami na ang bahala, mamaya pupunta dito ang anak ko para mmakapagpasalamat sayo ija" malambing na sabi ni señora. "salamat po ma'am"sabi ng mag asawa. "hello my name is JM, thank you for saving me." nakangiting pagpapakilala ni jm kay ysay. "Here " lahad ng palad ni jm na may breclet. " isuot mo ito palagi gift ko na to para sayo dahil niligtas mo ako next summer sana magkita tayo ulit sa park babalik na kasi kami ng America bukas ee" isinuot nito sa kamay ni Ysay ang breclet tyka na siya nagpaalam na aalis. "thank you JM hihintayin kita sa summer ingat kayo ng mommy mo babye" paalala sabay kaway kay JM.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD