Chapter 6

1222 Words
Chapter 6 ELIE “Totoo nga, girl. I just saw him with a woman an hour ago. Ang laki nga ng ngiti niya at mukhang hindi depressed. Baka naman kasi nag-iinarte lang ang Sir Apollo mo ha?” Tumawa ako at napailing habang nakasandal sa sofa ni Cassy. Kanina ko pa sinasabi at ipinipilit na totoo ang nakita ko kaso parang gusto pa niyang masira ang pagkakaibigan naming dahil ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi ko. Tinignan niya ako at sinamaan lang ng tingin. “Namumuro ka na, Elie ha. Hindi ka na nga nagpasalamat sa pag-listas niya sa’yo, ganyan pa sasabihin mo. Epekto ba iyan ng mga sugat mo?” Nakataas na kilay nitong tanong kaya umingos lang ako at umiling. “Bakit ko naman siya sisiraan kung wala akong nakita? Pakialam ko nga sa buhay niya.” Umirap ako at kinuha ang isang canned beer sa center table. Binuksan ko ito at uminom nang mapansin kong hindi na nagsalita si Cassy. Palagi talaga kaming nagsasagutan at titigil lang kami kapag may isang tatahimik. I faced her and she’s just staring at me. I made a face to annoy her but she just sighed heavily. “What if destiny ang nagdala sa’yo dito, Elie?” She asked seriously. Napatawa naman ako at hinawakan ang noo niya at baka siya’y may sinat. “Hoy gaga anong pinagsasabi mo?” Tumatawa kong tanong pero tinapik niya lang ang mga kamay ko at tinignan ako. “Alam na alam ko naman na kung may kinahaharapan kang sitwasyon, iniintindi mo iyong isang bahagi ng kwento kaysa sa sarili mo. Now I just realized you’re being selfish towards him. Nang hindi mo alam ang rason niya…what if God really wants you to meet him in order to heal him? Kasi baka kailangan ka niya. Kailangan niya ang isang babaeng katulad mo? He’s all support before. What if----” “Hoy Cassandra Maraya! Tigil-tigilan mo na nga ang panonood ng mga drama! Kinikilabutan ako sa’yo.” Hinaplos ko ang braso ko at umayos ng upo. “Hinding-hindi kami magkakasundo ni Apollo ano. Buti nga sa kanya ang daming taong nagmamahal sa kanya ngayon. All he needs to do is to fight and be brave enough to go on.” I shook my head and sighed. Umiling lang si Cassy at binuksan ang isang beer. “Buhay nga niya iyong dating girlfriend niya. Maybe it looks so easy but for him, it feels like he needs to get out of that dark place every day. Hindi naman natin ramdam ang sakit at bigat sa dibdib niya. Wala tayong alam doon.” She explained but I just laugh again. “Buhay ko din naman si papa…” I whispered then looked at her. “Pero lumaban ako kasi buhay pa ako. Tumayo ulit ako kasi alam kung masasaktan siya kapag sumuko ako.” I added and smiled at her. Tumigil lang ito at tinitigan ako. Napuno ng awa ang mga tingin niya sa’akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Elie…” Tawag nito pero ngumiti lang ako at huminga ng malalim. “Siguro nga mas matapang lang ako. Kasi bata pa lang ako, pinakita na sa’akin ng mundo kung gaano ito kalupit at kasakit, ano?” I chuckled then took our beers. Raised it and smiled brightly. “You deserve the kind of love that never quits and the love that you keep giving to the whole wide world, Elie. And I’m deeply praying for that.” She said then hugged me tight. “Thanks for being my friend, Cass.” ----------------------- Bumalik ako sa ospital pagkatapos ng tatlong araw para ipacheck up ang sugat ko. Hindi ko na inabala si Cassy at mag-isa ng pumunta dito. Nakisakay rin ako sa shuttle bus ng resort at planong magcommute na lang para makapag-ikot ikot na rin. Palabas na ako ng elevator nang may mahagip ang mga mata ko na palabas din sa isang kwarto. Agad akong napahinto at napatingin sa kanya. Ginulo niya ang kanyang buhok na parang problemado masyado. Then he stopped when he saw me. Sinamaan niya lang ako ng tingin at ipagpapatuloy na sana ang paglalakad nang tawagin ko ito. “You can laugh at me now.” Seryosong sabi niya pero hindi ako liningon. Napatingin ulit ako sa kwarto kung saan siya nanggaling at ibinalik ang tingin rito. I tried to say something but I can’t compose any words. Narinig ko ulit ang paghinga niya ng malalim at napailing. “Are you okay?” Sa huli ay may nasabi na rin ako. “You just saw me coming out from that psychologist’s room and you asked me if I’m okay?” He chuckled. “I’m sorry…” Bigla ko na lang nasabi pero hindi ko naman alam kung para saan. Basta sa nakita ko kasi ngayon, parang naramdaman ko iyong bigat na dinadala niya simula nang mamatayan ito. Binalingan niya ako at laking gulat ko na lang nang bigla siyang humakbang papunta sa’akin sabay hawak sa magkabilang balikat ko. Tinitigan niya ng maigi ang mga mata ko at wala akong ibang nagawa kundi umiwas. Tumawa ulit siya ng pagak at binitawan ako. Agad namang kumunot ang noo ko at tinignan ulit ito. “Normal lang ang mahirapan…” I said softly. Siya naman ang sumunod na kumunot ang noo. Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit. “Normal lang na masaktan ka pa sa tuwing naaalala mo sila. Normal lang na umiyak, dahil mahal mo nga sila. You can feel that pain but you have to go on too.” Sabi ko sa kanya pero parang nagalit ito sa mga lumabas sa labi ko. “What do you know?” Asik nito. Tumingin ako sa mga mata nito kahit ang talim na ng mga titig niya. “You have to let them in peace too. Paano sila makakapagpahinga kung nakikita ka nilang ganyan?” I asked him again. “Shut up. You don’t know anything.” Ramdam kong nagsisimula na naman siyang magalit sa’akin dahil humigpit ang hawak niya sa balikat ko. “Oo, wala akong alam pero nakikita ko ang suportang ibinibigay ng pamilya mo sa’yo. Ramdam ko ang pang-unawa galing sa kanila at pagmamahal. Nasasaktan din sila dahil sa nangyari.” Dagdag ko at sa bawat salitang binibigkas ko, parang hukay ito na pwede akong malaglag dahil sa pangingialam ko ngayon. “You don’t know every single thing.” Ulit nito pero mas may diin. Umiling ako. “Tulungan mo din kasi ang sarili mo. Hindi mo naman siya kakalimutan. She’s forever a part of you but you have to live your life too. Hindi ka namin pinipilit na tumayo, sinasabi lang namin na gumalaw ka kung saan ka huminto. Sa tingin ko, matagal nang hiling ng pamilya mo na makita kang humakbang. Give them peace. They deserve it.” I told him and left. Hindi ko na pinansin ang mga matatalim na titig nito at tumalikod na. “It’s dark.” Rinig kong sabi nito nang hindi pa ako malayo. I stopped but didn’t look back. “It’s dark and I think I can’t find my way out. I want to heal, but I can’t seem to find my starting point, Eliana.” Napalunok ako pagkarinig ko ng pangalan ko at agad ko itong liningon pero mas nauna na itong humakbang paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD