Chapter 5
ELIE
Agad kong binigyan ng sipa ang lalaking may hawak ng kutsilyo kanina. Natilgilan naman ito at bumaling sa’akin saka nagkunot-noo.
“Sino ka?” He asked me. Napatingin ito sa paligid at tumawa ng pagak ng makitang hindi pa siya nakakakuha ng atensyon ng ibang tao. He eyed me from head to toe and smiled wider. “Ang dapat sa’yo, hindi nangingialam ng problema ng may problema.” Panenermon pa nito sa’akin kaya ngumisi lang ako sa kanya pero ngumisi din siya dahil sa ginawa ko.
Tinignan ko ang babae na nakaupo sa gitna ng mga nakapark na sasakyan at tinanguan ito para masisenyas na lumayo na siya rito. She stood up and run as fast as she could. Ginulo naman ng lalaking kaharap ko ang buhok nito at sumigaw kasabay ng pagatake nito sa’akin. Naiwasan ko ang unang pag-atake niya at sinipa ko ulit ito sa tiyan.
He moved backwards and cursed then titled his head. He glared at me then smirked.
“Matapang ka ah?” He said and tried to attack me again.
Iniwasan ko ulit ito at sinipa ang paa nito para maitumba. Napansin kong may sugat ito doon kaya napahiyaw ito sa sakit kaya hindi na ako nagsayang ng oras at sinipa ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo. I tried holding him but before I could do so, may naramdaman na akong naitusok sa may gilid ng tiyan ko. Bumaba ang tingin ko dito at hindi nakaligtas ang pagtawa ng lalaking kaharap ko.
“f**k!” Napatingin rin ako sa may harap kong saan nakatayo si Apollo at galit ang awra nito. Mabilis na tumayo ang lalaki pero agad din itong nahuli ni Apollo at ng mga guards na ngayon lang dumating.
I breathe in and out to calm myself. Mahapdi na ang sugat ko kaya sinubukan kong tumayo pero narinig ko na naman ang malakas na mura ni Apollo. I tried walking towards him but I just made one step before everything went black.
-------------
“Kahit kailan ka talagang babae ka, nasa paa iyang utak mo.” Unang sermon ni Cassy pagpasok nito sa kwarto kung saan ako na-confine. Sinimangutan ko ito pero tinaasan niya lang ako ng kilay. “Aba, may gana ka pang um-attitude ngayon girl?” Sarkastikong tanong niya pa pero narinig ko lang ang tawa ng dalawang kasama namin dito.
“Sermon agad, Tita Cassy? Naligtas nga niya ang babae kanina. Napuruhan nga lang.” Pagdedepensa naman sa’akin ni Shane sabay tingin sa may tiyan kong may bandage.
“Kaya nga.” Cassy pointed out. “Kapag ito kasi, sumabak sa giyera, nawawala ang utak. Mamamatay na nga lang, hindi pa nag-iisip.” Iling nito at humalukipkip.
Tinignan ko lang ito pero napangiti rin. “Sus, concerned ka lang e.” I teased then flashed my sweetest smile. “Okay ako, Cassy. I’m still alive and kicking. Daplis lang ito.” I told her.
Lumapit ito sa’akin at mahinang pinisil ang sugat ko kaya napahiyaw pa rin ako dahil kakatahi lang nila.
“Ah, daplis lang pala.” She laughed a bit. “Ba’t ang liit ng sugat? Sana pinuruhan ka pa.” Dagdag nito saka ako pasimpleng binatukan. “Gagang ito, nakuha mo pang ngumiti sa lagay na iyan ha? Paano na lang kung namatay ka kanina, Eliana Marie? Katumbas ba ng sweldo mo ang buhay mo?!” Bulyaw niya.
Natahimik kami saglit pero nang makita ko ang mga luha nito sa gilid ng mga mata niya ay yinakap ko na lang siya.
“I’m okay. Masama akong damo.”
She just slapped my arms again. “Maaatake ako sa puso nang dahil sa’yo. Pinag-alala mo na naman ako dahil sa katigasan ng ulo mo.” She said.
“Pinigilan nga ni Uncle Apollo pero tumuloy pa din siya, Tita Cassy.” Pambubuking ni Nathania kaya sinamaan ulit ako ng tingin ni Cassy.
She’s about to say something again when the door opened and brought Apollo in. Biglang natahimik ang paligid at walang gustong magsalita. Ni hindi ko rin alam kung anong unang sasabihin ko gayong siya ang nagligtas sa’akin kanina.
“Salamat sa pagligtas sa kanya, Sir Apollo.” Basag ni Cassy sa katahimikan pero tumango lang ito at sinulyapan ako. I gulped and looked away.
Pero bakit? Tanong ko sa sarili ko.
“I already paid the bill. Pwede na daw siyang umuwi pero kailangan ding bumalik after few days para macheck ang sugat.” Bilin nito sa kasama ko kaya tumango lang ulit si Cassy at nagpasalamat. I took the sticky note on my side table and raised it on the air.
“Account number mo para mabayaran ko ang nagastos.” I said and cleared my throat. “Hindi ko gusto ang may utang sa’yo. I’ll pay it as soon as possible.” I explained.
Tinignan lang ako at binalingan ang dalawang pamangkin. “Let’s go.” Utos nito kaya wala akong ibang nagawa kundi panoorin na lang silang umalis.
“Pera ba talaga ulit, Eliana Marie? Ni hindi ka nga nagpasalamat kay Sir Apollo.” Dismayadong second wave ng sermon ni Cassy sa’akin nang dalawa na lang kami sa kwarto.
Tinignan ko lang ito saglit saka bumuga ng hangin. “Ewan ko sa kanya.”
“Ano na naman kasi ang nangyari ha? Idadaan ka lang sa may sakayan, nagkaroon na naman ng gulo? Lahat na lang ba ng pupuntahan mo? Paano na lang kung---“
“Someone needs my help, Cassy. Alangan namang pabayaan ko iyon. And yeah, I may be thankful that he’s there but he’s still rude. Kaya ko ang sarili ko at---“
“Oo nga, kaya mo nga. Kaya ka ngayon nasa ospital dahil magaling ka.” Sabat niya ulit at umiling. “Sa mga ganitong oras talaga, hinihiling ko na may asawa ka o jowa man lang para pagsabihan ka. Para maisip mo ang ibang tao sa paligid mo sa gitna ng panganib sa buhay mo.” Seryosong sabi nito sa’akin.
Hindi ko siya sinagot at tinginan lang. Huminga ako ng malalim at piniling manahimik na lang.
-------
Nakauwi na ako sa bahay ni Cassy kaninang umaga at kasalukuyan kong kausap ang boss ko sa facefine. Galit ito nang malaman niyang may nagawa na naman ako kahapon.
“Kapag nasa bakasyon ka, Elie. Baka gusto mong subukan ang mag-relax. Akala ko nakapag-isip isip ka na this time kaya wala akong naririnig mula sa’yo.” Sabi nito kaya napasimangot ako.
“Kailangan nga ng tulong, boss.” I reasoned but he just laughed at me.
“Sabagay, si Eliana Marie ka. Hindi ikaw iyon kapag hindi mo tinulungan at mas lalong hindi ikaw iyon kung wala kang gulong nagawa.” Tumawa ulit siya kaya mas lalo akong napasimangot.
“Sabihin mo na nga ang gusto mong sabihin. Kailangan kong mag-relax.” I told him.
Tumawa lang ulit siya at umiling-iling sa inaasal ko ngayon. He’s been my professor ever since I started working. Nai-transfer nga lang siya sa mas mataas na posisyon kaya madalang na lang kami mag-usap lalo na kapag marami kaming kasong inaasikaso.
“You can come to work now, Elie. Just be careful with your actions next time. Hindi ako nandito para ipagtanggol ka palagi. You know, I’ll retire soon.” He reminded so I just looked at him seriously.
Oo nga, one of these days alam kong gusto na din nitong mag-relax kasama ang kanyang pamilya at iwan ang trabahong nakagisnan.
“Ayoko pang bumalik.” I sighed heavily. Napatingin ako sa labas kung saan tanaw ko ang dagat mula dito sa balkonahe. “Okay lang ba na sulitin ko ang bakasyon ko ngayon?” I asked then smiled a bit.
Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi iyan ngayon. I wanted to go to work already. But for now, I just wanted to relax a bit.
Tumango ito at huminga ng malalim. “I don’t know where exactly you are but I guess you found a paradise and wanted to chill and take a break.” Ngumiti siya sa’akin. “Oh siya, sulitin mo nga iyan dahil minsan lang tayo mapayagang magbakasyon ng matagal. Just call me when you get back so we can have lunch with my son, okay?” He teasingly said but I just shook my head and chuckled.
“Sabi na nga e.” I told him. Tumawa lang ito saka nagpaalam na rin.
Nanatili ako sa balkonahe para lumanghap ng sariwang hangin. Madaming tao ngayon sa paligid at pati na din sa restaurant ni Cassy. Kitang-kita ko din hanggang dito ang kasiyahan ng ibang tao sa isang bahagi ng resort.
Lively. Iyan ang unang salitang masasabi ko tungkol sa resort na ito. Para kang nasa ibang bahagi ng mundo. The more you watch other people with their things, the more you’ll fall in love with this place. Mula sa malinis na paligid at preskong hangin, hanggang sa mabait na mga empleyado at masayang mga tao---wait.
Masaya? Nakangiti?
I rub my eyes and look at the guy that caught my attention a while ago.
Kusang tumaas ang kilay ko nang mapagtanto ko kung sino ito.
Ah, akala ko ba depressed ito? Bakit nandito siya at napakalawak ng ngiti nito? I looked at the girl he’s talking with.
Sexy.
Matangkad.
Maputi.
Mahaba ang buhok.
Hindi din nakaligtas sa’akin ang pagyakap ng babae sa kanya at ito namang si kuya, yumakap din pabalik.
Ah, akala ko ba hindi pa siya nakakapag move on? Hanep a.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa at kukuhanan sana sila ng litrato nang bigla itong tumingin sa gawi ko.
“Oops.” I blinked and bit my lower lip.
Tinignan niya lang ako ng masama at humakbang na paalis.