Chapter 4

1421 Words
Chapter 4 Elie's POV Sa tulong ng pamilya ni Apollo, nawala ang masamang hangin na nasa pagitan namin. Bago pa siya makapunta sa taas kanina ay bumaba na ang mga magulang nila para mayakap sila. It feels so awkward at first but they're really kind. Lalo na sa'akin na parang naki-gate crash lang. Kilala naman sila ni Cassy pero ako, ngayon pa lang. Dumating rin ang ibang mga kapatid nila na si Cristy at Nadie. Hindi tulad nang kay Ma'am Vea, they're quite fierce. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa nakikitang ngumiti si Nadie sa'akin gayong nakikipag-usap naman ito kay Cassy. But I guess what happened to Apollo's place might be one of her reasons. Anuman iyon, hindi ko pinagsisihan. "So what do you do in life, hija?" I came back to my senses when Ma'am Naveen asked me. I just smiled at her, "Detective po ako sa Manila. I came to visit Cassy and to take a break as well." Magalang na sagot ko kaya ngumiti lamang ito. Hindi din nakaligtas ang pagsulyap sa'akin ni Nadie. "Oh. That's nice. You can surely defend yourself." Tumango-tango si Cristy at nginitian ako. Hindi ko lang masabi kung sarkastiko ito. "That's an amazing yet risky job though. Hindi ka naman nahirapan?" Cristy's husband asked me. Umiling lang ako at ngumiti. Hindi ko alam na question and answer portion pala itong pakain nila. "Hindi naman po." I answered politely. "It's all worth it kapag naparusahan ang mga dapat mahuli." I explained. "Maganda ka pa naman pero pwede kang mamatay sa linya ng work mo." Biglang sabi ni Shane sa'akin na agad sinita ng kanyang ama. "Pasensya ka na sa batang iyan. Talagang walang preno." Tumatawang paumanhin naman ni Cristy para dito. "Totoo naman po." Sawsaw ni Cassy na akala mo hindi makabasag pinggan. "Paano matatakot iyan eh walang nakakasama sa buhay. Ako lang din kasi ang nakakatiis sa ugali niyang iyan." Sinamaan ko siya ng tingin sa pambubuko niya pero napatawa lang ang dalawang matanda. "Aba'y ganoon na ba kakomportable ang mga magulang mo hija at hinayaan ka nang mag-isang mabuhay?" Sir Fhax asked. Uminom muna ako ng tubig saka umiling. I smiled a bit then sighed. "Actually po, hindi ko po kilala ang Mama ko. She left when I was just 5 months old. Sinunog lahat ni Papa ang mga pictures niya so wala akong ideya kung anong itsura niya. Sinubukan ko din siyang hanapin kaso wala talaga akong makitang lead." I blinked after I said the last part and looked at them. Bigla kasi silang natahimik pero mas nabigla ako dahil nagawa kong sabihin sa lahat ang tungkol sa pamilya ko na hindi ko nagagawa sa iba. Kahit kay Cassy, kapag nagku-kwento ako ay naiiyak ako. Pero ngayon iba, parang ang daling lumabas sa bibig ko ang mga salita. Napakagat ko ang labi ko at hindi sinadyang tumingin sa gawi ni Apollo. Nakatingin lang ito sa'akin pero wala akong mabasa sa kanya. I bowed my head. "I'm sorry." I apologized. Mukhang nawalan pa sila ng gana dahil sa'akin. "Pang-MMK naman ang buhay mo, sis. Sa resort ka na lang muna kasama si Tita Cassy. Masaya naman doon." Shane pouted her lips. "I can't imagine my life without my Mommy and Dad." Nathania said and shook her head. "I'm sorry to hear that, Elie." Sabi naman ni Ma'am Vea sa'akin. "When God wants you to meet her one day, he'll probably make a way." Dagdag nito kaya tinanguan ko siya. "She's right, Elie. And your dad must be proud for raising you alone. May anak na siyang detective." Pagpapagaan naman ni Sir Fhax sa loob ko habang kumakain. "He is po." I told all of them and continued eating. Ang dami pa nilang mga tanong tungkol sa buhay ko hanggang sa matapos kami sa hapag. Pakiramdam ko tuloy, ipinasa ko ang istorya ng buong buhay ko para mapanood ng pamilya nina Sir Nathan. ------- "Pwede mo na akong idrop sa highway. I can just get a taxi---" "Of course." Napapikit ako at huminga ng malalim nang putulin ni Apollo ang sinasabi ko. Alas singko na ng hapon nang napagdesisyonan namin---nilang umuwi. Cassy got an urgent thing to do so she tags along with Sir Nathan's car and unfortunately, I am with Apollo. His dad asked him to drive me and I'm thanking these two ladies at the back seat for being with us at times like this. Nagmamadali kasi si Cassy kanina kaya mabilisang desisyon na lang. Ma'am Cristy and Nadine stayed there so I really got no choice. "Eh sabi ni Papa Pogi you should take her to the shop. Maggro-grocery pa tayo, Uncle. Might as well sumabay na din si Ate Elie." Kontra ni Shane kaya mabilis ko siyang liningon at ngumiti. "No that's okay. Mas convenient na rin iyon. I'm not your uncle's responsibility." I told them. "Buti alam mo." Rinig kong bulong nito kaya napailing na lang ako at sumandal sa upuan. Nag-usap naman ang dalawang kasama namin kaya inabala ko na lang din ang makinig. They're talking about their Aunt Nadie at first. "Oh, I remember Mommy got jealous with Auntie Nadie and Uncle Apollo before." Nathania laughed. "Akala niya talaga asawa ni Dad si Auntie at anak nila si Uncle Apollo." Dagdag nito saka tumawa ulit. Pasimple akong napatingin sa katabi ko pero nanatili itong blangko ang ekspresyon. "They also said that you got a crush with Tita Vea before, uncle. Totoo ba?" Shane ask him too. Sinulyapan lang sila ng Uncle nila at tumango. "She has a heart of gold." He simply answered. Tumango naman ang dalawa saka sumang-ayon. Natahimik sila saglit bago ako tinawag. "Nasisingit mo ba ang lovelife mo sa trabaho mo, sis?" Shane asked me so I turned my head to her. "Huh?" "Do you have a boyfriend?" Nathania asked instead. "Kailangan ba?" I asked them but they left out a sigh and shook their head in unison. "Hay naku." Shane left out a sigh. "I think you also need one. Alam mo iyon? Iyong magiging pahinga mo sa nakakapagod na mundo." She tried to explained so I let out a small laugh. "Ah, yeah. I tried to have one. Pero naghiwalay kami." I shrugged then look at road we're taking. "Dahil din sa klase ng trabaho ko." I whispered then laugh softly. "Bakit naman? Eh pretty ka, astig pa nga." Nathania asked. "Siguro, may mga bagay talaga na minsan, sarili mo lang ang nakakaintindi na kahit ipaliwanag mo kung gaano mo iyon kagustong ilaban, hindi nila makukuha ang point mo." I smiled. "Like, I desperately want to be with that person but in order to save ourselves, we decided to part ways...for the better." "That's so deep. Mukhang one great love mo iyon." Nathania commented. Binalingan ko ulit siya. "Is he?" "Maybe." She smiled warmly. Ngumiti lang rin ako at bago ko pa ibalik ang mga tingin ko sa daan, hindi nakaligtas sa'akin ang pagsulyap ni Apollo. I felt awkward so I cleared my throat and leaned again on my chair. Anong emosyon na iyon? "Uncle, can we first go to the mall? May pinapabili kasi si Dria." Napatingin lang si Apollo sa mga pamangkin gamit ang rear view mirror at biglang nag-U turn. "You can get a cab there." Malamig na sabi nito sa'akin kaya wala na akong nagawa kundi tumango lang. Agad naman kaming nakahanap ng parking space. "Thanks." Labas sa ilong kong sabi nang makababa ako. Hindi niya ako pinansin at nagsimula lang na maglakad. "See you soon, sis." Paalam naman ng dalawa. I bid them goodbye but before I could make my step away from them, I heard a woman's voice asking for help. Agad akong tumingin sa paligid at agad rin akong tumakbo nang may makita akong isang lalaki na nakahawak ng kutsilyo. "Damn it." Mura ko at tatakbo na sana nang may biglang pumigil sa braso ko. "Ano...ba?" I whispered my last word seeing the mighty Apollo holding my arm. "Anong gagawin mo?" Tumawa ako at sinamaan siya ng tingin. "Tutulong, malamang. Ikaw, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "You can't go there. Nasa bakasyon ka, hindi ba?" Malamig at mababa nitong tanong. I raised my brow and shook his hand off. "So? Trabaho ko ang tulungan ang nangangailangan. Naka-uniform man ako o hindi." Inis na paliwanag ko at pupunta na sana sa lakaki nang magsalita ulit siya. "Fine. Bahala ka sa buhay mo." Sabi nito sa'akin at tinalikuran ulit ako. Tumawa ako ng pagak. "Hoy. Thank you sa concern a. Tangina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD