Chapter 12 Elie “Pakibili na lang din itong mga gamot at kailangan niyang bumalik dito para sa follow up check-up niya.” Bilin sa akin ng nurse at ibinigay ang rineseta ng doctor kanina. Buti na lang at hindi napuruhan si Apollo. Sa balikat siya tinamaan pero nawalan siya ng malay dahil sa inihampas na tubo ni John. Hinahanap pa din namin ang may-ari ng kotseng sumabog at naireport na ang nangyari sa opisina namin. Pinaghahanap na ng mga kasama namin si John at ang nakasulat na lugar sa papel. Nagpasalmat ako sa nurse at inalalayan si Apollo na tumayo. “Sabi ni boss, ipahinga mo daw muna.” Bilin ko sa kanya pero umiling ito. “How can I possibly do that when I---“ Naputol ang sinasabi nito nang biglang nagsipasukan ang mga kapatid nito. Agad siyang yinakap ni Nadine at nabigla si Ma’a

