Chapter 13 Elie Dahil hindi ako makakalma ay nagpunta na lang ako sa isang coffee shop para mag-order ng iinumin namin para sa meeting mamaya. Bumili na din ako ng mga pwede naming pagkain para naman may rason ako pagbalik ko sa office. Aaminin kong hindi ko alam kung paano ko haharapin si Apollo mamaya dahil maski ako ay nabigla sa ginawa niya at mas lalo akong nabibigla kung iisipin kong ako mismo ay rumesponde sa halik nito. Bakit, Eliana Marie? I asked myself again then sighed. “So? Nabigla nga ako. Anong big deal doon? As if we have someone we’re cheating on.” I answered to my own question. “That was just a kiss. Nothing more, nothing serious.” I reminded myself as if I am defending myself to someone else’s. I shook off that thought and just ordered our drinks. Walo kami sa off

