Chapter 14 ELIE Agad namang dumating ang mga paramedics kaya nadala namin si John sa ospital bago pa mahuli ang lahat. Agad siyang binigyan ng gamot ng mga nurses kasama ang naka-duty na doctor. Mabuti na lang din at konti lang ang nainom nito kanina kaya hindi siya napuruhan. Ang problema nga lang ngayon ay hindi pa ito nagigising kaya pina-transfer ko na din ito sa isang kwarto at nag-request na din ako ng mga bantay sa labas. Hindi ko na rin siya iniwan kahit labag sa loob ko dahil mas magiging problema kapag binalikan ito lalo na at wala itong malay. Natigil ang pagi-isip ko nang tumunog ang cellphone ko. “Hello?” I answered the call. [How is he?] Tanong ni Apollo sa kabilang linya. “Wala pa siyang malay pero sabi ng doctor kanina, okay naman ang mga ginawang test. Hintayin na l

