Chapter 1
RESET SERIES: BUENACERA
CHAPTER 1: BEAUTIFUL LOVE
“Wow! You look so pretty in that dress Danica, ang sexy mo pa, sigurado ako kapag sinuot mo iyan sa party pagkakaguluhan ka ng lahat.” Sambit ni Kaila habang nakatingin ito sa akin. Nagsusukat kami sa LO’El boutique, isa sa sikat na clothing store sa bansa. Sabay kaming nagtatawanan at excited na pumili ng mga isusuot sa party.
Aattend kasi kami ng party para employees ng Hermosa Group na pinagtatrabahuan ko. Ngumiti ako nang masilayan ang itsura sa salamin, suot ang isang itim na dress na hanggang sakong, hapit ito sa akin dahilan para mas lalong maemphasize ang hugis ng katawan ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda ako, maputi, balingkinitan ang katawan at makinis ang balat.
Minana ko raw ang mala-porcelana kong balat sa aking ama na isang British-American. Nagtatrabaho noon sa isang club sa Olongapo ang nanay ko nang magkakilala sila ng tatay ko na isa noong U.S Navy, naging maayos naman ang relasyon nila hanggang sa magbuntis si mama at pinanganak ako. Dalawang taon daw ako noon nang umalis ang tatay ko at kinakailangang bumalik sa America dahil sa trabaho nito. Simula noon ay wala na kaming naging balita pa tungkol sa kanya.
Muling nag-asawa si mama at nagkaroon ng pamilya, maayos naman ang pakikitungo ng step-father ko, siya na ang tumayong ama ko. Minahal niya ako na parang tunay niyang anak. Nagkaroon ako ng isang kapatid na babae, pagkatapos kong mag- highschool ay lumipat kami dito sa Maynila para makapag aral ako ng kolehiyo. Sakto naman at nalipat si papa ng trabaho dito sa Maynila. Simple lang ang pamumuhay namin, nagpapasalamat ako kay mama at papa, dahil hindi nila kami pinabayaan at kahit papaano ay nabibigay nila ang mga pangangailangan naming magkapatid. But I want more than that.
Ayoko ng simpleng buhay lang, bata palang ako ay mataas na ang ambisyon ko sa buhay. Gusto kong yumaman, gusto kong maranasan ang maging mayaman at makuha ang lahat ng gusto ko kahit kailan ko man gustuhin. Nagpursige akong mag-aral noong college, ginamit ko ang talino ko para makapasok sa isang mamahaling eskwelahan. At nagbunga nga ang paghihirap at pagtatyaga ko, nagtapos akong c*m Laude sa University at mabilis akong natanggap sa isang malaking kumpanya. Ang Hermosa Group of Companies, di nagtagal ay napromote ako bilang senior manager. Mabilis ang naging pag-angat ko, naibili ko ng bahay sila mama sa isang subdivision at nakabili ako ng sarili kong condo malapit sa kumpanya, nakapagpundar rin ako ng sarili kong sasakyan. And I want more.
I don’t want to be an employee all my life. I want something more. Pumupunta ako sa mga lugar kung saan pumupunta ang mga pinakamayayamang tao sa bansa. Mall, gym, golf club, museums clubs, spa at hotel. Lahat ng iyan ay pinupuntahan ko, umaasang may isang mayamang lalaki ang makakapansin sa akin. Tama kayo, naghahanap ako ng mayamang lalaki na handa akong pakasalan. At hindi lang basta mayaman. Yung talagang may sinasabe sa lipunan. Have a stabilized wealth, yung may pangalan like Ridge Hudson Buenacera.
“We should take a look at the other dresses.” Tugon ko kay Kaila, pero bago pa ako humarap dito ay lumapit ito sa akin saka bumulong.
“Oh my God, Danica, si Sir Ridge. Mukhang kanina ka pa niya tinititigan.” Bulong nito, nagpanggap akong walang alam at inosente itong nilingon. Bigla namang nagiwas ng tingin sa akin si Sir Ridge at saka binaling ang tingin sa mga coats na nasa harap nito. Alam kong pupunta dito si Sir Ridge dahil nakita ko ang schedule nito nang pasimple kong binuksan ang email ng sekretarya nito. Maya-maya lang ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot sa kung saan ang mama nitong si Mrs. Leonore Hermosa. Ang chairman ng Hermosa Group. Nakangiti ito sa anak habang suot nito ang sinukat na dress na halos magkasingtulad ng disenyo sa suot ko.
“Ha? Nandito rin si Mrs. Leonore? I don’t think na maganda ang ideya mo na dito tayo mamili ng damit, Danica.” Muling sambit ni Kaila, pero hindi ko ito pinakinggan at nanatiling nakatingin sa mag-ina. Muling binaling ni Sir Ridge ang tingin sa akin, bahagya akong ngumiti rito at tumango. Sa pagkakataong iyon ay tiningnan din ako ni Mrs. Leonore saka ako nito pinangunutan ng noo na para bang hindi ito natutuwang makita ako. Tumalikod na ako saka hinarap ang staff na nag-aassist sa amin.
“Gusto kong makita yung ibang dresses ninyo.” Sambit ko rito.
“Okay po ma’am.” Nakangiting tugon nito saka minuwestra ang kamay papasok sa loob ng dressing area. Muli kong nilingon si Sir Ridge na noon ay nakatingin parin pala sa akin.
Pagpasok ko sa dressing room ay pumili ako ng ibang damit, habang nagsusukat naman si Kaila sa loob. Habang abala ako ay napansin ko ang paglapit ng isang babae sa akin habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.
“I didn’t know na pinapapasok narin pala ang mga low class sa boutique na ito.” Sambit nito sa kasunod niya na staff. Hindi ko ito pinansin saka muling pinagpatuloy ang pagpili ng mga damit. Hindi malaman ng mga staff na naroon ang magiging reaksyon nila. Kinuha ko ang isang beige na gown saka ito inangat at humarap sa staff.
“I’m sure you can’t afford that.” Muling sambit ni Mrs. Leonore, mariin akong pumikit saka humarap dito.
“Mrs. Leonore, I understand that you’re not pleasant to see me here. Pero customer din ako, at may Karapatan naman siguro akong mamili ng gusto kong bilhin, without you interfering me.” Tugon ko dito, umawang ang labi nito saka ngumisi.
“You’re just my employee, alam mo bang pwede kitang ipatanggal?” Aniya, taas noo ko itong tiningnan saka muling nagsalita.
“On what grounds, Mrs. Leonore? You can’t just fire someone without any valid reason. Pero sige, kung gusto niyong masira ang imahe ng kumpanya niyo. Do it.” Sambit ko dito, galit na galit nitong kinuyom ang kamao at hindi na nakapagsalita pa. Yumuko ako dito ng bahagya saka ngumiti.
“I’ll go ahead. Enjoy the rest of your day, Mrs. Leonore. Oh, and this dress is on 50% sale, I think I can pay this in cash.” Nakangiti kong sambit dito, saka tumalikod na at umalis, nalukot ang mukha nito at parang nandidiri habang nakatingin sa akin. Kibit-balikat akong dumeretso sa fitting room para isukat ang napili ko. Nangingiti rin sa akin ang staff na nag-aassist sa akin, tinaas ko ang dalawang kilay dito saka ngumiti bago tuluyang pumasok sa loob.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sunod-sunod na pagtaas-baba nito dahil sa nerbyos. Mas pinili kong umiwas nalang, siya parin ang boss ko at may-ari ng kumpanya. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pagiging matapobre nito, kaya hindi ko napipigilan minsan ang sarili ko. Paglabas ko ay dumeretso na kami ni Kaila sa cashier para magbayad.
“Are you okay? Bakit kasi sumagot ka pa? Sana iniwasan mo nalang, baka mamaya pag-initan ka nun sa office.” Bulong ni Kaila. Napakagat ako sa labi nang marealize ang ginawa ko. Tama si Kaila, dapat ay nagtimpi nalang ako.
“Ma’am, hindi niyo na po ba kukunin itong gown? Sayang naman po, bagay pa naman po sa inyo.” Sambit ng staff na nag-assist sa akin kanina habang hawak ang itim na gown na sinukat ko kanina. Ilang Segundo ko iyong tinitigan, may parte sa akin ang nanghihinayang totoong maganda ang damit na iyon, pero baka mauna pa akong masesante sa Hermosa bago ko mabayaran iyon ng hulugan. Ngumiti ako sa staff saka tinuro yung beige na gown na nilapag ko sa counter.
“Thank you, ito nalang ang kukunin ko.” Sambit ko dito, ngumiti naman ang staff saka binalot na yung dress, maganda rin naman ang huli kong pinili at mas mura kaysa doon sa sinukat ko kanina na parang pang-dalawang buwan ko nang sahod ang presyo. Umalis na kami ni Kaila pagkatapos. Hindi ko narin napansin pa sila Mrs. Leonore at Sir Ridge.