AIGEL
Nagising na lamang ako sa sobrang lamig ng paligid. Well, hindi na ako nagtataka kung bakit.
Nakangisi akong dumilat at nakita siyang nakatayo sa 'di kalayuan habang naglalaro ng laruan niyang umiikot.
"Eyyy!" bati ko.
Napatingin naman siya sa akin kumaway.
"Ano na naman bang pakulo 'to?" tanong ko.
Natagalan bago siya nagsalita. "Bakit mo ginawa 'yong bagay na 'yon?"
"May problema?"
"Maraming nasaktan dahil sa kagagawan mo." Hanggang ngayon, wala pa rin siyang emosyon.
"Hoy, Robot. Hindi ko gustong may masaktan sa kanila. Ang gusto ko lang mapasa'kin siya. Alam mo naman na matagal ko na siyang gusto' di ba? Dapat matagal na rin siyang napasa'kin. Kung hindi lang umepal 'yong bugok na 'yon edi sana masaya na kami ngayon." Paliwanag ko pero gaya ng nakasanayan, inayos niya lang ang bridge ng salamin niya bago tumingin sa akin.
"Are you done?"
ANAK NG TUPA! Sa dinami-dami ng sinabi ko are you done lang ang isasagot niya sa' kin?!
"Well, I don't care." Aniya.
"WHAT THE HELL, bro!? Tatano'ng-tano'ngin mo 'ko tapos ang isasagot mo sa' kin. I don't care!? Pakawalan mo na nga ako!"
"What did you say?"
"Pakawalan mo na 'ko! BUNGOL!"
"And why would I do that?"
Napamura ako sa sinabi niya.
"Hanggang ngayon, slow ka pa rin ba? Alam mo naman' di ba kung bakit ako bumalik sa Ceres!? Bumalik ako dun para bawiin si Hera!"
"And why didn't you ask me for help?"
"Ano? Ako hihingi ng tulong sa'yo? Huh! Para sa'n pa? E baka mamaya unahan mo lang ako sa kanya, e."
Napangisi naman siya sa sinabi ko.
"I already have a fiancé so, I don't have any interest in her." Sagot nito.
"Tch. Hindi mo nga siya pinapansin tapos mahal mo?"
"Attention doesn't matter in love."
"Pfft. Dami mo pang dada! So? Ano? Kailan mo 'ko papakawalan, ha?"
Itinaas naman niya ang dalawang paa sa mesa at pinagkrus ang mga ito.
"Uhm––" Tumingala siya na para bang tamad na tamad. "I don' t know."
"WHAT THE HELL! PAKAWALAN MO NA 'KO!!!"
Nginisihan niya lang ako bago nagbilang ng isa, dalawa, tatlo sa daliri.
"Anong pakulo 'yan?"
"Three."
"Anong three?"
Tumayo naman siya at akmang lalabas na nang lumingon muli siya. "After three weeks you' ll be free."
WHAT THE HELL!
HERA
"Miss." Pagtawag niya sa akin.
"Yes?"
"Miss, 'yong pinasearch niyo po sa akin." Panimula nito. "'yong Bellona Empire."
Ibinigay ko naman ang buo kong atensyon sa kanya nang marinig ko ang 'Bellona Empire'.
"And what about that?"
"E kasi po––" pinakita niya sa akin ang phone niya kung saan nakalagay sa search box ang pinapahanap ko. "Wala po akong nakitang gano'n."
"What!? Pinaasa mo 'ko!"
"S-sorry miss. Baka hindi siya famous."
"Imposible."
"Baka, miss organisation lang 'yon na gusto kayong takutin."
"Pero kahit na organisation lang yon, dapat may makikita ka pa rin kahit papaano."
Sa 'di kalayua'y nakita kong iniluwa ng pinto ang isang estudyanteng biniyayaan ng napakagandang height at may suot na napakalaking salamin sa mata.
In short si nerd.
Umupo siya sa pinakadulong bahagi ng row at saka inilapag ang mga gamit niya sa gilid niya. Transford bag, Transford shoes, and Transford socks. WHAT THE HECK!? Human TF is that you?
"Okay. Human TF na tawag ko sa'yo." Bulong ko sa sarili habang nagsusulat ng notes.
Huh! Akala mo ba nakalimutan ko na 'yong ginawa mo sa'kin? No. No. No. No way!
"SKY!"
Huminto siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at inihagis sa kanya ang lukot na papel kung saan nakalagay ang threat. Sinalo niya naman ito bago pa mahulog sa sahig at saka binasa. Nang matapos niyang basahi'y tumungin lang siya sa akin.
"Ikaw may gawa niyan noh?!"
May lakas ako ng loob na magsisigaw dahil kaming tatlo na lang naman ang tao rito sa corridor.
"Miss, nakakahiya." Bulong sa akin ni Hersh.
Nagkibit-balikat lang naman siya at inihagis pabalik sa akin ang papel saka tumalikod at akmang aalis na sana nang habulin ko siya at iharap sa akin. Muli kong pinakita sa kanya ang papel at halos isungalngal na sa kanya ito.
"Kapag tinatanong kita, sumagot ka!" Sigaw ko.
Napatingin naman siya kay Hersh habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Maya-maya pa'y bigla na niya akong isinandal sa pader at saka kinuha ang papel sa akin. Ipinakita rin naman niya ang nakasulat doon. Bigla namang nangatog ang mga tuhod ko nang gawin niya iyon.
"See this?" Pinadausdos niya ang papel sa leeg ko pababa sa collar ko at saka ipinasok sa damit ko. "I don't know anything about this so don't accuse me of doing something like this."
Dahan-dahan siyang umatras at saka naglakad palayo. Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang kaba bago inilabas ang papel na ipinasok niya sa aking damit. Kinurumos ko ito at saka itinapon sa malayo.
" AAAAAAAAAAAAHHHHH!!!! NAKAKAINIS KA TALAGA NEEEEERD!!!"
Sa 'di kalayua'y nakita kong tumatakbo papalapit si Hersh ng may dalang tubig.
"Sa'n ka ba nagpupupunta!?"
"S-sorry miss, may nakalimutan lang po ako sa room." Utal niyang sagot.
Hinablot ko naman ang tybig at saka iyon nilaklak.
Hindi ko siya mapapatawad. NEVER!
"Miss, kanina pa po naghihintay si Richard sa labas."
Inihagis ko sa kanya ang bote ng tubig na waoa nang laman at naglakad na palabas. Pagdating ko sa parking lot, mabilis kong binuksan ang kotse. Hindi ko na siya hinintay na gawin 'yon. Ang bagal-bagal kasi niyang kumilos, e. Hindi kaaya-aya.
Pagdating namin sa bahay, agad akong humilata sa kama.
"Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong ginawa mo sa' kin, Nerd. Hindi. Kahit-kailan." Muli kong nilaklak 'yong kapeng nasa mesa ko bago muling tumingin ng matalim sa kawalan. "Pagbabayaran mo 'to."
–––
Pag-uwi namin sa bahay, agad kong tinawag si Hersh.
"Yes why?" Anito
"Are you familiar with the Bellona Empire?" Panimula ko.
"Bellona Empire? Sounds exotic." Sabi niya sabay dutdot sa cellphone niya.
"Please. I need your help." Hinanap ko 'yong papel na sinuksok ni sky sa damit ko pero laking inis ko nang maalalang tinapon ko na pala iyon dahil sa sobrang galit ko sa bulag na 'yon.
"Ga'no ba ka'mportante 'yon at parang hindi ka talaga mapakali jan?" Panay dutdot pa rin siya sa phone niya.
"It's very important. So, get all your devices and get the information I need." Ibinaba ko ang cellphone niya at tiningnan siya sa mata. Ayaw naman niyang nakikita akong galit dahil wala talaga kahit isa sa kanila ang kaya akong pakalmahin kahit si Relzé pa.
" Ooooooookay." Dapat niyang sabi sabay tayo.
Sana naman matulungan talaga ako no'ng gray hat hacker na 'yon.
–––
"ATE! ATE!"
Napabalikwas ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.
"Tsk. Bakit ka ba nanggigising!?" Medyo ngongo pa ako dahil kakagising ko lang. Tumingin naman ako sa oras at nakitang 5 pa lang ng umaga.
"Shems! Ang aga pa. Ano bang problema mo?"
Masaya niyang ipinakita sa akin ang isang white folder. Kinuha ko naman iyon at binuksan at laking tuwa ko sa nakita.
'BELLONA EMPIRE'
|
|
|¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬|
-Constructed (July 24, 1876)
-Constructed by (Thryphine Cenorio)
Naghanap pa ako ng iba pang words pero nabigo ako. Isinara ko na ang folder at tiningnan siya ng nanlulumo.
"This is it?" Tamad kong tanong
"Yes pansit!" Proud pa niyang sagot.
"Tsk. Hay naku. I expected na matami kang makukuhang information."
"Ano ba 'yan. Tinulungan ka na nga, e. Mag-thank you ka na lang." Aniya pa sabay pout.
"Oh edi thank you."
"At least may nalaman ka nang kahit unting history about dun sa university na' yon."
"Wait––what? University? You mean––school siya?" Uutal-utal kong tanong. Parang ang hirao kasing panowalaan, e.
Huminga naman siya ng malalim bago ako sagutin. "Sorry hindi ko nasama jan 'yong information na 'yon. Inantok na kasi ako, e. Ikaw naman kasi, e. Gabing-gabi mo na sa'kin iyan pinagawa. E sino ba namang hindi matutulog dun? Pero 'wag kang mag-alala. Hayaan mong ako na lang ang magkwento sayo ng ibang detalyeng nakalap ko."
Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sobrang pagkagulat. Gano'n na ba siya kagaling pagdating sa hacking? Paano niya nalaman ang ibang impormasyon samantalang si Hersh, e wala man lang naibigay sa akin kahit ano?
Lumaput siya ng bahagya sa akin na oara bang exclusive talaga ang pagkukwentuhan namin.
"Ano na?"
Binibitin naman ako nito, e.
Lumapit pa siya sa akin at saka ibinuka ang bibig.
"IT'S A PRAAAAAAAAAAAAAANK!!!"
Tinulak ko naman siya sa sobrang pagkainis ko.
"Leche ka talaga! Pinaasa mo 'ko!"
Halos mamula naman siya sa kakatawa nang magoyo niya na naman ako.
"AHAHAHA!!! E bakit ka naman kasi umasa!? AHAHAHAHAHA!!"
Muli ko siyang inihampas sa kaliwa niyang braso dahil sa galit ko.
"ARAY!" Kahit nasasaktan, todo pa rin siya sa kakatawa.
"Maubusan ka sana ng hininga. Nanggising ka pa." Tumayo na ako at inayos na ang higaan bagi nagtungo sa cr upang maligo.
Ibang klase talaga 'yon! Ang aga-aga nang-gu-good time. Akala ba niya na maganda 'yong ginawa niya? Hindi kaya. Nasobrahan naman ata siya sa pag-I-idolize kay Mona kaya pati ako nadadamay na rin sa mga kalokohan niya. Try kaya niyang ganyanin si lolo. Tingnan ko kung anong mangyayari sa kanya.
Agad akong naglabas ng libro habang naghihintay ng lecturer. Na-move nga pala 'yong audition next week dahil sa dami ng inaayos na facilities. Wala kasing puso 'yong may pakana no'ng false alarm, e. Sobrang dami kayang nadamay dahil sa kagagawan no'ng kung sino man iyon.
"Calling the attention of students from all departments, please proceed to the conference hall. Again, calling the attention of students from all departments, please proceed to the conference hall."
Agad inayos ni Hersh ang aming dadalhin sa conference hall. Nauna naman na akong tumayo at sumunod na rin naman siya.
" My gosh. Nakita ko na naman si lods."
"Wala talaga siyang kupas."
"Sana makatabi ko siya."
Pfft. Imbes na mag-usap kung para saan ang conference e nag-usap patungkol sa akin. Tsk.
Pagdating namin sa hall, mabilis akong umakyat patungo sa pinakadulong upuan sa may taas. Malamig kasi dito dahil nandito ang lahat ng mga aircon na nagbibigay ng hangin sa buong hall.
"Ano kayang pag-uusapan natin dit——" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad nagsisulputan ang mga estudyante sa aming tagiliran.
Lahat sila'y nag-uunahan upang marating ang upuang nasa aking tabi. Parang mas delikado pa ata 'tong stampede na 'to.
" Ako dito!"
" Tabi!"
"Mga hayop! Paunahin niyo 'ko!"
"Miss, parang delikado na 'yong buhay niyo rito. Alis na kaya tayo?" Bulong niya
"Hindi na tayo makakaalis pa rito dahil nacorner na tayo." Bulong ko pabalik.
"AKO ANG NAGWAGI! MGA ENGOT!"
Napailing na lamang ako nang biglang sumulpot sa aking tagiliran ang isang lalaking hindi gano'n kagwapuhan.
"Ang lakas naman ng boses nito." Bulong ko sa loob-loob ko.
Parang laging nakikipagbakbakan.
Maya-maya lang, dumating na si Ms. Agacer dala ang isang brown long folder. Ano kayang meron diyan? 'Wag niyong sabihing ngayon na 'yong audition!?
"Good morning everyone, we have called you all because we are going to have a very important meeting about the false alarm that has happened these past few days." Panimula nito. "It all happened on July 4, one o'clock in the afternoon. All of you are busy in doing your own businesses. Some of you are writing, doing their projects and other kinds of stuff when suddenly, a student wearing a big glasses pushed the button that caused the stampede. All of the students panicked. Many of them are hurt. And some of them were taken to the hospital and are in critical condition."
Student with a big glasses? Marami namang gano'n dito hindi ba?
"Some of the students were asked about the incident and one of them is Mr. John Trycone, the Student Council President." Tumingin siya sa harapan, sa may bandang kaliwa at sinenyasan ang isang estudyante na magtungo sa harap. "Mr. Tyrone, can you please tell them what you've witnessed?"
Tumayo mula sa kinauupuan niya si Trycone at saka naglakad paakyat sa stage. Tumayo naman siya tapat ng mic at ipinatong ang dala niyang folder sa podium.
"Ang nangyaring insidente noong nakaraang araw ay talagang pinagplanuhan." Ramdam ko ang kaba sa kaniyang pananalita
"Bago mangyari iyon, napadaan ako sa corridor 2 kung saan nakalagay ang Fire button na ginamit upang magkagulo ang mga tao." Binuklat niya ang kanyang folder. "Mag-a-ala una na noon nang may makita akong estudyanteng lumapit sa Fire button. Sobrang bilis ng pangyayari. The next thing I saw, nagtatakbuhan na ang lahat ng mga tao. Napindot na pala ang fire button at wala na rin siya. Nakatakbo na siya nang mabilis."
Huminto siya para uminom ng tubig. Hindi ko alam pero ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya pamilyar. Hindi ko nga alam na may Student Council pala at president. Basta ang alam ko lang, kinakabahan siya ngayon at isa pa, may mga statements siya na hindi kapani-paniwala.
"I looked the School book to search for the man and there I saw his name." Muli siyang uminom ng tubig. Seriously? Is he the Student Council President? "He's none other than––" Nahinto siya sa pagsasalita at inilibot ang kanyang mata na para bang may hinahanap at nang matagpuan na niya kung sino man iyon, muli niyang itinuon ang paningin sa lahat at saka muling nagsalita.
"Mr. Sky Del Valle."
Halos hindi ako makapaniwala sa narinig. Si Sky ba talaga ang may kagagawan ng lahat ng iyon? Parang ang hirap naman atang paniwalaan 'yon. Ang isang tahimik na tao? Makakayang gumawa ng isang hindi kaaya-ayang bagay? Para saan? Anong dahilan? Bakit niya ginawa iyon kung sakali mang siya talaga ang may kasalanan?
Bumaba na si Trycone sa stage at bumalik an sa upuan niya. Umakyat naman si Ms. Agacer at inangkin muli ang atensiyon namin.
"Thank you Mr. Trycone for your statement." Anito na para bang emcee at si Trycone ang guest. "Now, the meeting ends. You may now go back to your classrooms."
Lahat na sila nagsitayuan at isa-isa nang nagsilabasan sa conference hall. Habang ako, si Hersh at ang lalaking katabi ko'y nandito pa rin. Hindi ko rin kasi alam kung anong gagawin ko. Maniniwala ba ako o hindi.
"Miss, naniniwala ba kayo sa statement no'ng Trycone na ''yon?" Nagpout siya sabay inom ng gatas niya.
I shook my head.
"Hindi ko alam." Ang tanging sagot ko.
"YOOOOOOWWW!!!"
Bigla kaming napatingin sa entrance ng cafeteria dahil sa ingay na nagmumula rito. Isang grupo ng nga kalalakihan ang nagsipasukan dito at iisa lamang ang direksyon ng mga mata nila. Sinundan ko naman ang tingin nila at laking pagtataka ko nang tumapat ito sa table kung saan nakaupo si Sky.
Cinorner nila ang table nito at nagbigay daan sa leader-leader-an nila.
"Eyow! Ulap!"
Agad nilang naagaw ang atensiyon ng mga estudyanteng nandito at kasama na ako roon.
"Siya kaya si Sky? May salamin e." Buling no'ng isa sa kasama niya.
"Baka siya nga 'yan. Pero mukhang inosente, e." Sagot naman no'ng isa.
Napansin kong may kinuha 'yong leader nila sa bulsa niya at isa iyong ballpen. Tinanggal niya ang takip nito at sinimulang sulatan ang daliri ni Sky.
WHAT THE HELL IS HE DOING!?
"Ang ganda no'ng drawing, oh!" Sigaw nito at ibinalibag ang kamay nito sa noo ni Sky.
Hindi ko naman na napigilan pa ang sarili ko at napatayo na ako. Maglalakad na sana ako nang bigla akong oigilan ni Hersh.
"Miss, hayaan niyo na siya." Anito
"But they're bullying him!" Sagot ko.
"Kaya na niya miss ang sarili niya. 'Wag na tayong makigulo pa."
Dahan-dahan na akong umupo. No choice ako kundi panuorin na lang kung ano ang susunod na mangyayari. May point nga naman si Hersh. Bakit pa ako makikigulo kung problema naman ng iba ang aayusin ko?
"Ano, ulap? Lumaban ka!"
Maraming estudyante ang naglabas ng camera at saka nagsimulang magvideo.
"Wala ka palang laban, e!" Binatukan niya si Sky dahilan para magtawanan ang lahat ng mga kasamahan niya.
Sky bakit hindi ka lumalaban?! Bakit hindi mo pinapakita sa kanila 'yong totoong ikaw!?
"Yow! Ulap! Duwag ka pala! AHAHAHAHAHA!"
Naiinis na ako. Wala naman sa kanila ginagawa 'yong tao.
Muli niyang sinulatan ang kamay ni Sky at ibinato itong muli sa kanya. Pero hindi pa doon nagtatapos ang show dahil kinuha niya ang inumin ni Sky at saka ito ibinuhos sa kanya. This time, hindi na talaga ako nakapagpigil pa at pinuntahan na sila.
"Stop it!" Bulyaw ko.
Ayoko sa lahat ang mga nambubully. Ayokong nakakakita ng inaapi. Kahit naman ganito ako may puso pa rin ako.
"Oh, ang Santa!" Humarap siya sa akin at saka ngumisi.
"Stop it." Dinig kong bulong ni Sky pero hindi ako nagpatinag, bagkus ay kinuha ang baso na pinaglagyan ng inumin at saka ibinuhos sa mukha no'ng leader-leader-an nila ang natira.
Panay mura naman siya habang pinupunasa'n niya ang mukha niya and the next thing I saw, he's now holding my left wrist.
"Wag na 'wag kang aasta ng ganyan, ah. Hindi mo 'ko kilala."
"Seduce him." Dinig kong aniya.
What!? S-E-D-U-C-E ba kamo?
"Ano? May sinasabi ka, ha?" Ibinaling niya agad ang paningin kay Sky.
"STOP!" Tinulak ko siya nang akmang susuntukin na niya si Sky pero agad niya akong nahawakan ng sobrang higpit.
"Wag——" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil mabilis siyang nahawakan ni Sky sa kanan niyang braso.
"DON'T. HURT. HER."
Agad na nanghina ang lalaki dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Sky. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas niya pero ang alam ko lang, galit na siya.
"B-bitawan mo 'ko." Walang lakas niyang utos.
"And why would I?" Ang kaninang galit at ma-awtoridad na tono ng kanyang boses ay bumalik na sa cold at mapang-asar na tono.
"P-pakawalan mo na 'ko."
Kinakabahan na ako dahil sa intense ng eksena rito. Dapat ko na bang tawagan si Ms. Agacer?
"Poor little man." Sambit niya habang umiiling-iling pa.
"P-please."
For the first time, nakita kong tumawa si Sky. At nagawa niya pang tumawa?
"Good." Anito bago unti-unting bitawan ang braso ng leader nila.
Mabilis na nagsitakbuhan ang grupo nila matapos bitawan ni Sky ang pino'no nila.
Mga takot.
"Paging Sky Del Valle. Sky Del Valle to the office please."
"S-Sky.." Iyon lamang ang tangi kong nasabi bago siya unti-unting naglakad palayo sa akin.
Agad akong nilapitan ni Hersh at saka chineck kung may galos ba ako o wala. Fortunately, wala naman akong nakuhang pasa mula doon sa pagkakahawak sa akin no'ng leader ng grupo na wala namang kwenta.
"Tara na, miss." Anyaya niya at naglakad na kami pabalik sa room.
Habang naglalakad, hindi maiiwasan na mapadaan kami sa mga rooms kung saan ang lahat ay nakasilip sa kani-kanilang bintana. Tinitingnan ako siyempre. Ang ibang estudyante naman na nasa cafeteria, hindi pa rin ako tinatantanan. Panay pa rin ang sunod nila sa akin. Kahit na makarating na kami ni Hersh sa room namin, hindi pa rin sila nagpapatinag. Sinundan pa rin nila ako ng tingin hanggang sa makaupo na ako sa na dulong part ng mid-row.
Paupo na sana ako nang isang bagay ang bigla kong napansin. Wala na ang mga gamit ni Sky.
"Miss, bakit?"
"W-wala." Umupo na ako at hindi na pinansin ang mga taong nasa paligid ko. Hindi na rin muna ako nagrecite dahil wala ako sa mood.
Pag-uwi namin sa bahay, dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng sarili kong kape. Matapos noon, tiningnan ko ang Google at nakita ang isang video na maraming views.
'Hera Micolah fought with the leader of Gozz to defend her schoolmate.
#NoToBullying
#HeraIsTheBest
#RespectHera'
Agad nitong naagaw ang atensyon ko. Ang bilis namang kumalat ng balita.
Maya-maya pa'y biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang screen.
'Mr. Dale Calling'
Agad ko itong sinagot.
"Hello?"
"Hera, my dear." Anito dahilan para mapairap ako.
Sa lahat ba naman ng pwede niyang itawag sa akin, Hera ng dear pa talaga? Huh! Ibang klase talaga!
"What?" I'm impatient so I don't wanna wait.
"I have a good news for you." Pambibitin nito.
"I will count three seconds and then
hung up if you will not tell me the reason why you contacted me." I said
"Oh sorry dear——"
"And can you please stop calling me dear?!" My voice began to rise
"Oh sorry. Well, Hera, I have a good news for you. The BigGap Company will arrive here in Manila tomorrow and they are hoping to see us at the Pavilion Grills Manila."
Umaliwalas naman ang mukha ko sa narinig.
"Ow! You mean, we'll not go anymore to Cebu?" Paninigurado ko.
"Yes. And don't worry because I already submitted your schedule to your Dean." Sagot niya.
"Ooohhh! What time raw tayo tomorrow?"
"Morning. 7 am." Maikli nitong sagot.
"Oh- okay. Bye." I said then I hung up.
Buti naman at sila na ang nag-adjust. Pagod na pagod na akong nag-a-adjust. Palagi na kang akong nag-a-adjust. Siguro its time for them to feel the pain. Char!
Agad kong tinawagan si Hersh matapos ng napakagandang announcement na iyon.
"Miss?"
"Get ready for tomorrow." Aniko
"B-bakit po miss? May meeting?"
"Tomorrow, 7 am at Pavilion Grills."
Ibinaba ko ang phone ko at nagtungo na sa kwarto. Kakauwi niya lang kasi nang sakto namang napatawag si Mr. Dale kaya hayun, tinawagan ko siya. Ayoko siyang i-chat dahil hindi ako sure kung ma-se-seen niya ba or re-reply-an niya. I prefer calls than chats.
Humiga na ako sa aking kama at sinimulang ipikit ang aking mga mata.
Naglalakad ako dala ang aking nga bagahe patungo sa isang napakalaki at malapalasyong lugar. Napakaganda ng labas nito. Sana sa loob ganoon din.
Binilisan ko na ang paglalakad dahil hindi na ako makapaghintay pang makita ang loob.
"What a very beautiful place ." Aniko sa isip.
Pagpasok ko sa gate, mas lalong luminaw sa akin ang buong lugar. Am I in the Royal World?
Binuhat kong mag-isa ang mga bagahe ko dahil wala namang tao rito sa kabas kaya walang tutulong sa akin. Nakangiti kong pinasok ang palasyo dahil sa sobrang ganda nito. Ngayon lang ako sa buong buhay ko nakarating sa ganito kagandang lugar.
Pagtapak ko sa loob ay namangha ako sa entrance pa lang nito. Pagpasok ko'y bumungad agad sa akin ang isang napakalaking bilog na red carpet na may tatak na pinagkrus na espada at cresset sa gitna. Nasa paligid naman nito ang dalawang naglalakihang mga hagdan at nasa pinakataas nito ang isang dambuhalang Spectra Crystal Chandelier.
Magsisimula na sana akong maglakad nang may biglang tumawag sa akin dahilan para lingunin ko ng direksyon nito. Pero paglingon ko, wala naman ako nakita——
"YOHOO!"
BLAG!
Napabalikwas ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog dahil sa sama ng aking panaginip.
Dali-dali akong tumayo sa kama at binuksan ang ref. Kinuha ko ang isang bote ng tubig na nasa bandang cooler at saka iyon inilaklak. Tumingin naman ako sa oras matapos ko itong ubusin.
3:30 am pa lang.
Ipinatong ko ang bote sa mesa bago umupo sa kama. Matapos noon, kinuha ko ang phone ko at saka tinawagan si Hersh. Kahit ganito ang oras, kailangan pa rin niyang sagutin ito. Hindi siya pwedeng magtulog-mantika kung ayaw niyang malagot ang buhay niya.
"Mmmmmissss?" And after one century, sumagot na siya.
"Pumunta ka rito. Now na." Diretso kong sambit
"P-po?" Tanong nito
"Ang sabi ko, pumunta ka rito." Pag-uulit ko at saka ibinaba ang phone.
Muli akong tumayo sa kama at saka nag-inat. Siguro oras ko na nga para gumising. At para naman may magawa ako kahit papaano, naglinis na kang ako ng kwarto ko. Sigurado akong tulog pa lahat ng maids na naka-assign sa kwarto ko kaya naman hindi ko na muna sila gagambalain. Si Hersh na lang muna.
Makalipas ang ilang oras, may biglang kumatok sa pintuan. Binitawan ko muna ang walis para magtungi sa pinto at sumilip sa peephole nito.
Sa wakas Hersh nandito ka na.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at saka pinapasok.
"Miss, anong problema niyo?" Inaantok niyang sabi
Umupo ako sa sofa at saka isinandal ang ulo ko rito.
"Naniniwala ka ba sa dream hackers?"
"'yong pogi, miss?" Singit nito
"Hindi. 'yong mga dream manipulators!" Pagtatama ko rito
"Ah, 'yong lucid dreamers?" Paninigurado niya.
"Oo. Basta." Tipid kong ani
"Uhm——Opo." Sagot niya "Bakit, miss? Gusto mo maging gano'n?"
"Hindi. May kilala kang gano'n?"
"Uhm—— wala, miss. Bakit ba? Turuan na lang kitang——"
"DREAM CATCHERS!" Pamumutol ko sa sinasabi niya.
"Huh?"
"'yon pala 'yong correct term. Dream catchers."
"Uh——gusto niyo pong bumili no'n?"
This time, ibinigay ko na ang buing atensyon ko sa kanya.
"Let's go."
Nandito kami ngayon sa tapat ng 'DreamCatchers PhotoCinema' para bumili ng dream catcher but unfortunately, it's closed. Mag-fi-five pa lang kaya naman siguradong sarado pa ito.
"Miss paano na po 'yan ngayon?"
"Bahala na." Aniko "Di ka kasi nag-iisip."
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Miss? Bakit po ako?"
"E kasi alam mo naman na sarafo pa ang lahat ng gindahan dito tapos hindi mo man lang ako pinigilan. Alam mo naman na kakagising ko kang 'di ba? Edi wala pa sa huwisyo ang utak ko." Mataray kong ani bago naglakad pabalik sa kotse.
"Ako na miss, mag-d-drive?"
"Aba malamang. Alangan naman ako. E ikaw 'yong nasa driver's seat di ba?"
Napayuko na lang siya sa sagot ko. Pero maya-maya lang, muli siyang tumungin sa akin.
"E miss, kung ipabukas niyo na kang 'yan——"
"Di na kailangan."
Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang. Habang nasa byahe kami, mayroon akong nabasa sa 'di kalayuan.
'Angel' s Dream
Want to buy all kinds of Dream Catchers? '
"Stop."
"Po?"
"I said stop. Ihinto mo 'yong kotse."
Agad niyang tinapakan ang brake para tumigil ang sasakyan. Nagmamadali naman akong bumaba at saka siya pinasunod. Mabilis akong naglakad patungo sa haraoan ng glass door no'ng store.
' Open 24/7'
Inangat ko nang muli ang aking tingin sa pangalan no'ng shop matapos kong basahin ang nasa ibabang bahagi nito. Tinulak naman ni Hersh ang pinto bago kami pumasok.
"Ang lamig naman dito, miss." Aniya habang nakahawak sa dalawang braso niya.
"Ano kayang magandang design?" Tanong ko sa sarili habang hindi tumitigil sa pagtingin-tingin ng iba't ibang klase ng mga dream catchers.
"Feeling ko, miss mas maganda kung pipiliin niyo 'yong favorite niyong kulay." Suhestiyon niya habang nakataas oa ang kanang hintuturo.
Hindi na ako nagsalita pa at nagtungo na sa 'Red Shelf' kung saan nakasabit ang mga pulang dream catchers.
"It's time to pick." Aniko at nagsimula nang mamili.
Siguro aabutin kami ng ala-sais dito sa pagpili pa lang.
———
"Ang ganda miss ng napili niyo, ah." Puri niya sa binili ko.
Pinagmasdan ko naman ito. Maganda nga. Isa itong red boho dreamcatcher. Eleganteng tingnan at masarap sa mata.
"Miss, magbibihis na kang po ba kayo tapos aalis na? Hihintayin ko na lang kayo."
"Hindi."
"Po?"
"Sabi ko hindi."
"Pero mag-se-seven na po, ah."
"Magpapalate ako."
"Paanong magpapalate, miss? E 'di ba nga po may meeting kayo ng BigGap mamayang seven?"
Nanlaki naman ang mga mata ko. Oo nga, noh. Bakit ko ba nakalimutan ''yon?
"Oh bilis! Tara na!"
Nang makarating kami sa bahay, agad kong inayos ang mga gamit ko bago naligo. Tiningnan kong muli ang orasan at nakitang 6:45 na. Grabe! Gano'n na ba talaga ako kabagal mamili? O baka naman mabagal lang talaga si Hersh magpatakbo ng sasakyan.
Habang naghihintay ng oras, biglang pumasok sa isipan ko si Sky. Sikat na siya ngayon sa school dahil sa ginawa niya, este sa bintang sa kanya. Alam kong hindi siya ang may gawa noon kundi si Aigel. Alam ko sa sarili ko na malinis siyang tao. Hindi niya kayang gumawa ng ganoong kasamang bagay. Wala nga siyang pakealam sa mundo tapos gagawa pa siya ng ganoon? Talaga namang hindi kapani-paniwala. Dahil lang ba may malaki siyang eye glasses e siya na agad 'yon? Marami namang nerd sa university na ito, e. Hindi lang naman siya ang may sariling mundo, ah. Marami ring iba. Kaya sigurado ako na setup ang lahat. Na-setup siya. Sinetup siya ni Aigel.
"Miss."
Muntik na akong mapatalin sa tawag na iyon.
"Nanggugulat ka naman, e!" Bulyaw ko kay Hersh.
"E, miss kanina pa po kasi ako dito. Hindi niyo ata namalayan na pumasok ako sa kwarto niyo. Wala kasing sumasagot sa katok ko, e." Paliwanag niya
"E kahit na. Dapat naghintay ka pa rin." Irita kong sabi bago tumayo.
Binitbit na niya ang bag ko at umalis na kami. Tulog pa si Ralshé at umalis naman na sina mommy at daddy kaya wala na akong pagpapaalaman. Si lolo naman, bumalik na sa States, tapos na kasi 'yong bakasyon niya rito, e kaya back to work na siya.
Nakarating na kami sa Pavillion nang saktong matapos na ang music. Bumaba naman na ako at sumunod na rin si Hersh. Wala kami ngayong body guards dahil hindi pa naman ganoon karami ang mga tao dahil umaga pa lang. Siguradong tulog pa ang mga iyon.
Umakyat na ako sa second floor at inassist naman kami no'ng isa sa mga crews sa pagpunta sa isang room. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto at pumasok na kami. Same atmosphere. Golden lights, giant chandelier and long table. Wala pa ring pinagbago.
Naglakad na ako patungo sa vacant seat pero bago iyon, nakipagbeso muna ako sa mga taga-BigGap at pati na rin kay Mother Ailux.
"Good morning, Hera." Bati sa akin ni Fiuzah, ang secretary ng kumpanya.
Ngumiti lang naman ako dito at saka uminom ng tubig.
"Well, nandito na rin naman ako, pwede na ba nating simulan 'yong meeting?" Sambit ko.
"Wait. Hindi pa tayo kumpleto." Tugon ni Fiuzah.
"Ah——wait. Sino ba 'yong ka-love team ko? Hindi kasi ako sanay na hindi ka-partner si Relzé, e. Sino ba siya?"
"Oh, nandiyan na pala siya." Ani Direk habang nakaturo sa bandang kaliwa.
Nilingon ko naman siya at laking gulat ko sa nakita.
"Caizer..."
Seriously? Siya 'yong.. Ka-love team ko?