Hindi naman ako siguro mamamatay kung babalewalain ko 'yong sinabi ni Aigel, hindi ba? Wala naman sigurong mawawala sa akin kung hindi ko lang iyon papansinin?
"Sana nga wala." Bulong ko sa aking sarili habang nag-iimpake ng mga gamit. Bukas na ang lipad namin patungong Cebu para sa shooting.
Bilang isang napakaganda at sikat na artista, likas na sa akin ang pagkakaroon ng maraming projects. Hindi man ako nakuha sa teleserye na iyon, nakuha ko namam ang lead role sa newest movie ng BigGap Company.
"E, miss paano na po 'yong audition niyo?" Nag-aalalang tanong ni Hersh.
"Mas importante 'to kaysa dun sa audition. Saka nagbigay naman na ako ng excuse letter, e so I don' t have anything to worry about." Iniabot ko na kay Hersh ang luggage bag ko at saka nagpunta sa kusina.
"Miss, kakain na naman po ba kayo?"
"I'm on a diet so don't worry. I'll get some slices of cucumber lang." Binuksan ko ang ref at saka kumuha sa chiller ng ilang slices ng pipino.
Ibinigay ko iyon kay Hersh at pinasunod ako sa kwarto ko.
Pagpasok ko roo'y agad akong humilata sa kama. Alam naman na niya ang gagawin niya dahil halos araw-araw namin 'tong ginagawa.
"Miss, nga pala. Hindi na kayo tutloy dun sa voice lesson niyo?"
"Naku hindi na. Hindi pa rin pala siya nagbabago saka bugbog na nga ako sa schedule ko tapos dadagdagan ko pa no'ng training ko?"
Biglang ang tumunog ang phone ko makalipas lamang ang ilang minuto. Hindi naman na ako gumalaw dahil siya na rin ang sumagot para sa akin.
"Hello? This is Hershey Barcarcel, Ms. Hera Micolah's personal assistant. What can I do for you?" Maligaya niyang bati sa kung sinuman ang nasa kabilang linya.
Call center agent lang ang peg?
"Ahh.. Sorry sobrang pormal pa ng pagpapakilala ko... Ahh.. Okay po.. AHAHAHAHAHAHAHAHA!!"
Kusa kong natanggal ang dalawang pipino sa mata ko dahil sa biglaan niyang pagtawa na iyon. Ano na naman bang problema? Parang kanina pormal na pormal pa siya, ah? Sino ba 'yong kausap niya at parang close na close sila?
" Hoy, sino 'yan?" Mabilis kong hinablot ang phone ko mula sa kanya at agad na isinalpak iyon sa tainga ko.
"Hello? Who' s this?" tanong ko sa kanya.
"Ey! Wadzap bro!"
What the–Siya ba talaga 'yong narinig ko?
"Ey?" Hindi ako sigurado sa isasagot ko dahil hindi ko pa nga sigurado kung sino siya.
"Ang bilis mo naman akong nakalimutan. Tsk. Tsk. Nakakaiyak naman. Huhu."
UH MAH GUDNAS! Si... Si Chubi ba 'to?
"Chubi? Bro?"
"Eyyy!! Akala ko talaga nakalimutan mo na ako. HAHAHAHA!!!"
Napatingin ako kay Hersh na ngayo' y namumula na sa sobrang tuwa. Tsk. Ang hina talaga niya pagdating kay Kuya Chubi.
"Bro! Siyempre hindi! Bakit ka ba tumawag?"
"Wala lang. Binigay kasi sa akin ni Shi-Shi 'yong number mo sa'kin no'ng isang gabi. Kaya tinry kong tawagan. Baka kasi prank na naman 'yon."
"Ano? Meet tayo?"
"Yon nga 'yong isa ko pang dahilan kung sakali mang' di 'to prank. AHAHAHA!!!"
Natawa na rin ako sa tawa niya. Jusme Kuya Chubi! Hindi talaga mawala ang tawa sa bawat salita niya. Basta kapag siya kausap mo, asahan mo na 'yong nakakabingi niyang tawa seryoso man ang pag-uusapan niyo o hindi.
"Oh san naman?"
"Dun ulit! Basta isama mo si Shi-Shi, ah! Yeah! AHAHAHA!"
"Tsk. Oo na oo na. Anong oras?"
"Mga por oklak!"
"Sus! Ang init no'n!"
"Pababa na araw no'n, bro! Ano ka ba?"
"Anong pababa? Mangingitim ako!"
"Ang arte naman ng brader ko, edi mag sunblock ka."
Oo nga noh?
"Oh kaya magbalot ng katawan."
Chssss...
"Oh sige na nga. Bye na bro."
"Bye brader! Basta, ah!"
"Oo isasama ko siya."
Ibinaba ko na ang phone at humigang muli.
"Miss, excited na ako!" Kinikilig niyang sambit.
"Landi mo gurl! Si Kuya Chubi lang 'yon!"
"Kahit na, miss. Ang cute cute niya kaya."
"Pff. Ang rupok rupok mo kahit kailan."
"Hindi naman, miss. Kay Kuya Chubi lang ako nagpapakarupok."
Natawa na kang ako sa sinabi niya.
Si Chubano Del Rosario, Chubi for short, ang pinakamatanda kong pinsan. Noong mga bata pa kami madalas ko 'yang napapaiyak dahil sa pangalan niya. Kaya ko nga ginawa 'yong nickname niya na 'yon para naman cumute kahit papaano. Basta' wag niya lang akong aawayin dahil tatawagin ko talaga siyang Bano.
"Crush na crush mo talaga si Chubano, noh?" Paninira ko sa momentum niya.
"Miss, 'wag niyo siyang tatawagin sa totoo niyang pangalan."
"Tch. Tamo! Pati ikaw na may gusto sa kanya e kinakahiya 'yong pangalan niya. AHAHAHA!!"
Napabusangot naman si Hersh dahil sa sinabi ko dahilan para mas lalo akong matawa.
–-
"Okay na siguro 'tong suot ko, noh?" Tanong ko habang nananalamin.
"Opo, miss. Bagay na bagay po."
"Let's go!"
Biniybit na niya ang aking bag at nauna nang pumasok sa sasakyan. Tulad noong nakaraan, hindi na ulit namin sinama si Richard dahil personal lakad namin 'to. May alam naman 'tong babaeng 'to sa driving kaya tiwala ako sa kanya.
"Excited na talaga ako, miss."
"Pfft. Oo na. Paulit-ulit?"
"Ahahahaha!! Miss naman oh!"
"Buksan mo nga 'yong radio."
Ginawa naman na niya ang sinabi ko habang suot ang nakakawindang niyang ngiti.
Hindi ka ba nangangawit? MAH GUDNAS! Ako nga pinsan ko siya pero hindi naman ako ganyan ka-oa ngumiti hindi tulad ng sa kanya. Jusme! Love is in the air!
"Hersh pakilakasan nga 'yong radyo." Utos kong muli na agad naman niyang sinunod.
Nang makarating na kami sa meeting place namin, mabilis kaming bumaba ng sasakyan dahil hindi na talaga makapaghintay itong kasama ko. Paea siyang ewan na hindi maalis ang ngiti sa labi. Gano'n na ba talaga kalakas ang dating ni Chubano sa kanya? Haaayyst. Kaloka!
"Bro!" Bati sa akin ni Kuya Chubi sabay yakap at niyakap ko rin naman siya pabalik.
Matagal-tagak na kaming hindi nagkita simula noong matapos ang Micolah Conference. Katabi ko kasi siya no'n sa upuan kaya marami kaming napagkwentuhan. Ang daldal nga niya, e kaso nga lang medyo wala ako sa mood noong mga oras na iyon dahil may dalaw ako no'n kaya si Hersh na ang nakipagkwentuhan sa kanya. Actually, kung gaano na ako katagal sa showbiz e ganoon na rin katagal ang pagkagusto ni Hersh kay Kuya Chubi. Hindi nga lang siya gusto nito dahil may girlfriend na ito.
"How's life?" Maligaya niyang tanong habang umiinom ng frappe.
"Nothing changed." Sagot ko "Boring pa rin. Hindi naman–"
"Boring ba talaga?" Pamumutol niya sa pagsasalita ko sabay evil smile.
Wait. What? Hindi ko gets 'yong smile niya na 'yan.
"Oo nga. Lalo na bukas. Bugbog na naman ako dahil mula Monday hanggang Friday, shooting namin' yon para sa new movie ko. Saturday and Sunday lang ang pahinga. Then back to shooting na naman. Minsan na nga lang ako maka-attend ng classes dahil sa super hectic ng schedule ko." Pagpapaliwanag ko.
Napasulyap ako kay Hersh na ngayon ay pulang-pula na.
"Ganyan talaga ang buhay artista, bro. Hindi mo pwedeng takasan ang schedule dahil isang maling galaw mo lang, may tendency na babagsak agad ang career mo." Sumubo siya ng unting cake saka tumingin kay Hersh at kinindatan ito.
Paasa ang ewan.
"Hm."
Iyon lang ang narinig ko kay Hersh dahil sa sobrang pagkakilig niya. E dahil sa hindi ko naman na mapigilan pa ang sarili ko, kinurot ko siya sa hita niya dahilan para magbago ang reaksyon ng mukha niya.
"Ouch." bulong nito pero wala na akong pakealam dun. Basta ang gusto ko lang, e pigilan niya ang sarili niya.
"Hindi pa rin talaga nagbabago 'yong cute mong mukha." Banat ni Bano kay Marupok dahilan para mas lalong mamula ang mukha nito.
"Talaga. Ikaw rin. Ang cute cute mo pa rin." Sagit naman nitong katabi ko habang nakangiti.
"Oh! Ako? HAHAHA! Siyempre hindi na ito magbabago, noh? I am always cute. *wink*"
Pakaplayboy talaga nito ni Bano. Eto naman si Marupok lalong nagiging marupok.
"Saan niyo gustong pumunta after this?" Tanong niya
"Parang 'di mo naman ako kilala." Nag-pout ako sabay pacute sa kanya.
Kahit mayaman ako, hobby kong magpalibre sa kanya. Utu-uto kasi siya. Kahit anong ituro ko bibilihin talaga niya kahit 'yong pinakamahal pa. Basta raw para sa akin, gagawin niya lahat. E no'ng sinabi kong manghuli siya ng ipis sa tabi, bigla siyang namutla kaya doon ko napagtanto na duwag pa rin pala siya.
"Sa Ayala ulit?"
Naningkit namna ang mga mata ki sa sinabi niya dahilan para matawa siya.
"Just kidding. HAHAHA!! Ikaw naman 'di ka majoke. HAHAHAHAHAHAHA!!!!" Halos mamula naman siya sa kakatawa niya. May pahawak-hawak oa siya sa tiyan niya.
Daming knows.
Naglalakad kami ngayon sa loob ng Monocco nang biglang may sumigaw nang "MAGNANAKAW!"
Agad naman kaming napalingon sa kyng sinuman ang sumigaw noon. Ale siya na medyo may edad na at parang may kaya namna siya. Mamahalin kasi 'yong bag niya. Pero hindi ko alam kung legit ba 'yon o hindi.
Napatingin naman ako sa tinuturo niyang magnanakaw na ngayo' y nasa kamay na no'ng mga guards. Hindi ko nga alam kung paano umabot sa ganoong sitwasyon samantalang fulk force ang security namin dito. How come na may nakapasok sa thief?
"Wait." Bulong ko sa kanila
Tinitigan kong mabuti ang mukha no'ng sinasbaing magnanakaw at laking gukat ko nang mapagtantong siya 'yong driver no'ng kotseng nakabanggaan namin noong nakaraan.
Napangisi ako nang makilala ko na siya.
"Kunwari pang nagmamalinis." Bulong ko sa sarili.
"Bakit, miss? Anong meron?"
"Tss. Nothing. Tara na. Sila nang bahala jan." Tumalikod na ako sa mga guards at saka pinagpatuloy ang paglalakad.
Nang marating na namin ang Entertainment Zone ay bigla na kaming dinumog ng sobrang daming tao and as usual, it's all because of me.
" Miss, papicture po!"
" Ang ganda mo talaga Hera!"
"Papicture po!"
Tuluy-tuloy lang naman kami s aoaglalakad habang nakasmile sa kanila. Pause ng unti kapag may nagpapapicture hanggang sa malampasan namin ang crowd.
"Miss, ang lakas talaga ng hatak niyo, noh?"
"Tss. 'Di ka pa nasanay."
"Yeah, bro!' wag masyadong magpakaboastbang!"
"Oo na brader!"
Nagpapaka-hari kasi siya sa pag-ta-taglish kaya naman pati 'yong boastful at mayabang ay napagsama na rin niya.
Pumasok kami sa MoonLip at doon na niya kami pinabayaan. Wala naman kasi siyang bibilhin dun e. Iba naman kasi ang lipstick brand na ginagamit ng girlfriend niya kaya wala siyang dahilan para bumili ng kahit na isang produkto mula rito.
"Miss, ilang shades na naman po ba bibilhin niyo?"
"7 shades lang." Tipid kong sagot at nagsimula nang mamili ng shades.
Scarlet, Crimson, Carmine, Cinnabar, Chocolate Cosmos, Claret, and Carnelian Moonlips lang ang napili ko. Saturday is Red Day kaya dapat puro shades ng red lang ang bilhin ko.
"This is it?" Tanong niya na para bang nabitin pa siya sa mga pinili ko.
"Yes. Why? Kulang pa ba 'yan? Gusto mo dagdagan natin?"
"Joke. Sobra-sobra na nga' to, e. Ge. Alis na kayo."
Wow! Kakaiba talaga kahit kailan si Bano.
"Padeliver na lang niyan sa kotse ah." Nginisihan ko siya bago nag-ayang lumabas.
"Grabe, miss. Ang galante talaga ni Kuya Chubi." Kinikilig niyang ani.
"Pfft."
Maya-maya lang, lumabas na siya na may dalang paper bag. Lumapit ito sa akin at ibinigay iyon sa akin. Dumukot naman siya sa bulsa niya ng isa pang paper bag at binigay iyon kay Hersh sabay kindat dahilan para mas lalong pumula ang mukha nito.
–-
Maaga akong gumising dahil ngayon na ang flight namin patunging Cebu.
"Miss, nakahanda na po 'yong sasakyan." Ani Hersh at nauna nang maglakad bitbit ang dalawa naming luggage bags.
Sinalubong naman ako ni Ralshé at saka nagpaalam.
"Bye, ate! I'll miss you!" She kissed me on my cheek then waved.
"Bye, Ralshé!"
Si mommy and daddy, as usual nauna na sa trabaho kaya hindi nila ako maihahatid sa airport. Sila na nga rin nagsabi na si Richard na lang ang maghahatid sa amin.
Naglakad na ako palabas ng bahay at saka pumasok sa sasakyan.
"Okay na po, Ms. Hera?" Tanong ni Richard.
"Game."
Pinaandar na niya ang sasakyan matapos kong sumagot. Tiningnan ko naman for the last time ang bahay namin at saka nagsalpak ng earphones. I'll miss you house. I'll miss you Micolah Gates. I'll miss you Manila, and lastly, I'll miss you family! Buti na lang at nakapagpaalam ako kay Relzé dahil kung hindi, baka magsisi ako sa bandang huli.
Malapit na kami sa destination namin kaya naman inihanda ko na ang aking sarili.
Maya-maya lang, nakarating na kami sa airport. Nauna nang bumaba si Hersh para maalalayan ako sa pagbaba ko. Maaga pa lang naman at medyo madilim pa kaya wala pang masyadong nakakapansin sa amin.
Pagpasok naman namin, una naming nakita ang mukha ni Motger Ailux kasama si Mr. Dale. Sinalubong nila kami ni Hersh. Si Mother Ailux, nakipagbeso-beso sa akin habang si Mr. Dale, tinitigan lang ako.
Mamayang 6:00 am na ang lipad namin kaya naman meron pa kaming isang oras ng paghahanda.
Sa cafeteria kami pumunta para magbreakfast.
"Order mo, miss?" Si Hersh.
"'yong lagi kong in-o-order."
"Okay. Kayo Mader?"
"Ramen." Sagot niya.
"Kayo, Mr. Wilkins?"
"No thanks, kakabreakfast ko lang."
"Oooookay!"
Mabilis na siyang naglakad patungo sa counter para pumila.
"Ready na ba ang acting skills mo?" Tanong sa akin ni Mother Ailux.
"Siyempre. Always ready kaya ako."
Napatingin naman ako kay Mr. Dale na hindi pa inaalis ang tingin sa akin simula nang makarating kami rito.
Anong problema nito?
"Na-review mo na ba 'yong script mo?"
"Naku, mother, hindi pa. Dumating kasi 'yong isa kong relative galing sa far far away tapos hayun, nakipagbonding muna ako. E biglang nagpatawag ng urgent meeting si lolo kaya nawalan na ako ng time para reviewin ang script ko." Pagpapaliwanag ko. "But don't worry, I have a sharp memory kaya sigurado ako na mabilis kong mamememorize 'yang script ko."
"Tsk. Tsk. Tsk. Hulaan ko, si Chubi cutie 'yong relative mo na dumating from far far away?"
"Naku, mother! Ang talino mo talaga." Papuri ko using my gay tone.
"Hayst, ang cute cute talaga niya noh–"
"Akin lang siya, mader."
Halos maoatalon namam ako sa gulat nang bigkang sumulpot si Hersh sa likuran namin dala-dala 'yong nga orders namin.
"Che!"
Natawa naman ako sa reaction ni Mother Ailux. Tsk. Gwapo talaga ni Bano kahit kailan.
Matapos naming magbreakfast tumayo na kami at inihanda na ang mga gamit namin. Pero hindi pa nga kami nakakarami nang lakad, e may bigla nang nagsalita sa speaker.
"Good morning everyone. Sorry to inform you but Airplane 643, flight to Argao, Cebu is cancelled due to engine problem. The next plane will arrive at 8:00 am Good morning everyone. Sorry to inform you but Airplane 643, flight to Argao, Cebu is cancelled due to engine problem. The next plane will arrive at 8:00 am . Thank you."
What the–
"Paano na 'to ngayon!?" Halos maghysterical na ako ngayon dito dahil sa announcement.
Nakakainis naman! Bakit naman natapat pa sa araw na' to 'yong pagkasira ng engine. Nakakainis naman! Pwede naman bukas na kang 'di ba? O kaya naman kahapon. O kaya no'ng isang araw pa dapat nasira' 'yan para sana naayos agad. 'wag lang sana ngayon. Grabe naman, oh! First day of shooting namin ngayon para sa new movie ko tapos bigoang cancelled ang flight!? WHAT THE HELL!!!
"Chill... May next flight pa, oh!" Ani Mother Ailux
"Pero kahit na. Bakit naman nasira pa 'yong engine?! Edi two hours pa tayong maghihintay dito!? Edi ma-la-late na tayo sa shooting!"
"Hindi naman sila magsisimula kung wala pa tayo, e." Sabat ni Mother Ailux.
"UGH! Orayt!"
Umupo na lamang ako sa bench at uminom ng tubig para naman mabawasan ang stress ko.
7:30 am.
Malapit na. 30 minutes na kang at makakalipad na kami patungong Cebu. Malapit ko nang makita ang Monastery–
~TININININININININ~~
"Hello? Mommy?"
"Where are you?"
"Sa airport nga."
"What airport?"
" National Airport. Why?"
"Chairman called a very important meeting. You need to come here. NOW."
"Puro naman kamalasan ang dumarating sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Noong una 'yong lead role ko na inagaw tapos ngayon, eto naman? Cancelled flight? Grabe naman! Nakakainis! Nakakainis talaga! Tapos si mommy tumawag pa dahil naglatawag ng emergency meeting si lolo. UGH!! Katapusan ko na ba 'to?"
Cinomfort naman ako ni Hersh at binigyan ng tubig na agad ko naman ininom dahil sa stress.
"Akala mo ba ikaw lang naiinis? Lahat ng nandito naiinis din, noh? Pati na rin ako." Babakla-baklang sabi ni Ailux.
Nakakahigh-blood naman!
"Wait. I'll call the BGC to tell them the problem." For the first time, nagsalita na rin si Mr. Dale.
Makalipas naman ang ilang minuto'y nakota namin siyang umiling.
"I already told them the problem and they said that they will postpone the shooting and move it on Thursday." Paliwanag niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko na ang sinabi niya.
"Bilisan mo ang pag-d-drive. Baka mahuli na naman tayo sa meeting."
"Yes, miss."
Nakakainis naman. Puro na lang talaga kamalasan yng dumarating sa buhay ko. Hindi na talaga ako natutuwa.
Pagdating namin sa bahay, agad akong umakyat sa second floor at dali-daling kumatok ng tatling beses sa pintuan ng office ni lolo. Isang lalaki naman ang nagbukas ng pinto at nagbigay daan sa pagpasok ko.
"Seat." Utos niya habang nakaturo sa isa sa mga upuan na nasa harap ng table niya.
Napatingin naman ako sa 'di kalayuan at nakita ang pamilya ni Relzé.
"Pinatawag kita *sabay turo sa akin* dahil gusto kong ipaalam sa iyo na postponed ang kasal."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.
"Wait. Bakit parang ako na lang' yong hindi nakakaalam? Saka 'di ba dapat pag-uusapan pa namin' yon ni Relzé? Bakit parang lumalabas na ako na lang dito 'yong walang alam?" Nagugulahan kong tanong.
"Sorry, Hera, but I asked you last day kung available ka ba no'ng araw na iyon pero ang sabi mo may mahalaga kayong pag-usapan ni Ms. Agacer." Paliwanag sa akin ni Relzé.
Bigla ko namang naalala 'yong araw na tinanong niya ako kung availble ako pero ang sabi ko, may meeting ako. Wala naman siyang nagawa kundi um-oo na lang dahil ang akala niya'y sobrang importante talaga ng pag-uusapan naming dalawa ni Ms. Agacer.
"Pero teka. Bakit postponed ang kasal?" Kunot-noo kong sambit.
"Because their company bank was bankrupted." Tipid na sagot ni lolo.
Napatingin naman ako sa kanila nang may pag-aalala.
"Na-hack ang company bank namin ng isang hindi kilalang hacker dahilan para mawala lahat ng pera namin doon. Ngayon, kaya namin sinabi ito sa inyo dahil mayroon kaming dalawang dahilan. Una, gusto naming ipaalam sa inyo na hindi muna tuloy ang kasal dahil kailangan naming magfocus sa company namin. Secondly, pinaalam namin sa inyo ang tungkol dito dahil gusto naming humingi ng tulong sa IT's niyo para mabawi ang pera ng kumpanya." Paliwanag ni Tito George, ang daddy ni Relzé.
Ibinaling ko naman ang aking paningin kay lolo na ngayo'y nakasandal na sa kanyang swivel chair.
"So, ano pong mangyayari?" Ako ulit.
"Tutulungan sila ng IT's natin para mabawi ang pera ng kumpanya nila. It takes a lot of time to do that kind of thing kaya mawawalan talaga sila ng atensyon sa kasal na gaganapin. Kaya ang secret wedding niyo na dapat ay sa October na'y ma-mo-move sa September next year."
"What!?" Napatayo ako sa sobrang gulat nang marinig ko ang 'next year.'.
Sobrang tagal naman ata. Para namang hindi ganoon kagagaling ang IT's namin para tumagal ng ganoon ang pagbawi sa pera nila.
"Hera. Sit down." Utos ni lolo na agad ko namang sinunod.
"As I told you earlier, it takes a lot of time to do that kind of thing. Hindi porket magagaling ang IT's natin e mababawi na lang ng gano'n-gano'n ang pera. No. What if sobrang taas ng security standards ng black hat hackers na 'yon? Talagang matatagalan sila."
Dapat pala hindi na lang ako nagdahilan nokng araw na tinanong niya kung may free time ako dahil sobrang importante pala ng pag-uusapan namin. Ako na lang tuloy sa lahat ng nandito ang wala pang nalalaman tungkol sa nangyari. Kung pumayag ako edi sana advanced na agad ang nalalaman ko.
"Sige. 'yon lang naman. You may now go." Utos ni lolo at tumingin kay Relzé. "Together with you."
Tumango siya at sinamahan akong lumabas.
"Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo." I felt sincerity in his voice.
"Ako naman may kasalanan, e." Sagot ko.
Nagtungo kami sa balcony at saka pinanood ang magandang tanawin sa labas.
"Relzé." Panimula ko habang nilalanghap ang sariwang hangin.
"Yes, bebe?"
"No'ng nagpunta kayo ng States, wala ka bang nakitang..." Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang tanong ko.
"What?"
"Uhm–Nakita..." Hindi ko magawang ipagpatuloy ang sasabihin ko. Oo malaki ang tiwala ko sa kanya. Pero wala akong tiwala sa mga babaeng nakasalamuha niya.
"Anong nakita?"
Tumingin ako sa kanya ng saglit ngunit mabilis din namang iniwas ang tingin.
"Nakita. Gano'n. Nakita. Basta alam mo na 'yong tinutukoy ko."
Narinig ko naman siyang tumawa. Anong problema? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"AHAHAHAHA!!! Ano ba namang tanong 'yan?" Halos mamula na siya sa kakatawa niya.
"I' m serious." Hanggang ngayon, naka-poker face pa rin ako.
Unti-unti namang napawi ang ngiti sa kanyang labi at saka ibinigay ang buong atensyon sa akin.
"Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko, 'di ba? Kaya hindi mo na dapat tinanong 'yan." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka ako tiningnan ng diretso sa mata. "I love you."
"I love you more."
Niyakap niya ako kaya naman mas lalo kong naramdaman na totoo ang mga sinasabi niya. Totoong mahal talaga niya ako.
–-
"Miss, paano na ngayon 'yan? Excited pa naman akong pumunta ng Cebu." Nanghihinayang niyang sambit.
Nandito kaming muli sa cafeteria habang inaantay ang pagtunog ng bell.
"E wala tayong magagawa. Nangyari na e." Sagot ko. "Kapag ang tadhana ang kumilos, wala na tayong magagawa pa."
"Buti naman..."
"Saying something?"
"Naku, miss wala po."
"May sinasabi ka, e. Ano 'yon?"
"Wala nga po talaga."
Ibinalik ko na ang paningin ko sa librong binabasa ko nang maisip na kahit anong pilit ko naman sa kanya e hindi niya rin naman sa akin sasabihin 'yong bagay na sinabi niya kanina. Alam kong nay binulong siya, hindi niya lang gustong malaman ko kaya hindi ko na siya pipilitin pa.
Maya-maya lang, tumunog na rin ang bell kaya naman tumayo na kami at naglakad papuntang classroom. Ngunit nang makaupo na kami sa mid-row e may napansin akong hawak ko. Isang papel? Isang lukot na papel? At paano naman napunta sa kamay ko ang bagay na ito? Akin itong binuksan at nagulat nang mabasa ang laman.
'The End Is Near..
Bellona Empire...'
Hindi naman nakasulat sa bloody style ang isang ito pero may kakaiba akong naramdaman nang mabasa ito. Oo. Marami na akong natanggap na death threats pero iba ang isang 'to. Kahit simple lang ang pagkakasulat dito' y kakaiba para sa akin ang dating nito. 'The end is near' lang naman ang nakasulat dito tapos black ballpen pa ang ginamit pero mas nakakakilabot ang dating nito kumpara sa ibang bloody letters na natanggap ko.
"Miss, bakit po? Ano 'yan–"
"Hanapin mo 'yong Bellona Empire." Utos ko na ikinabigla niya.
"Po?"
"Sabi ko, hanapin mo 'yong Bellona Empire."
"B-bakit po–"
~~KRING!!! KRING!!! ~~
Sa isang iglap lang ay nagkaroon na ng stampede. Maraming nagpa-panic dahil sa biglaang pagtunog ng fire button. Halos nagkakagulo na ang lahat.
"Tara na miss!" Hinatak-hatak ako ni Hersh palabas ng room at saka nakipagsabayan sa agos ng mga tao.
Ngunit doon na lamang ako nagulat dahil sa pagmulat ko ng aking mga mata'y nasa isang tahimik na lugar na ako.
Paano iyon nangyari?
Isang pamilyar na lalaki ang naanig kong nakatayo sa aking harapan habang tinatakpan ang aking bibig.
Aigel....
"Nice one! AHAHAHAHAHAHAHA!!!" dinilaan niya ang kanyang lower lip na para bang may masamang binabalak.
Pinilit ko na lamang ipikit ang aking mga mata nang unti-unti na niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Wala na akong magagawa. Ito na ang katapusan ko. Eto na.
PLUG!
Muli kong binuksan ang aking mga mata at doon na lamang ako nagukat sa nakita. Nakabulagta na siya ngayon sa lupa.
"Dapat hindi kayo nagpaloko sa false alarm na 'yon." Wika ng isang tinig na para bang wala lang sa kanya ang lahat ng nangyayari.
"S-Sky..." Mahina kong sambit
Paano niya nalaman na nandito ako? Paano niya nalaman na dinukot ako? Sumigaw ba ako? Narinig niya ba ang sigaw ko? O baka naman sinusundan niya ako?
"Tsk. Tsk. Nakalimutan mo na ba lahat ng natutunan mo? Tsk." Paulit-ulit pa siyang nag-tsk-tsk na para bang may tinuro siya sa akin na kinalimutan ko.
"Uh–Anong sinasabi–"
"Go." Aniya habang inaayos ang bridge ng salamin niya.
"W-what?"
"I said go. Ako na bahala dito."
Dahan-dahan naman akong napaatras at nang umawang na ang pinto'y kumaripas na ako ng takbo.
"Hersh!"
Hindi pa rin natatapos ang stampede. Marami pa rin ang nagtatakbuhan. Pero nasa'n na nga ba si Hersh?
"MISS!!"
Napalingon ako sa bandang kaliwa at laking tuwa ko nang makita siya. Tumakbo siya papalapit sa akin at chineck ako kung may galos ba ako o pasa pero wala naman siyang nakita.
"Miss sorry. Hindi kita nahawakan ng mabuti. Akala ko talaga nakidnap ka na naman, e." Halos maiyak naman na siya sa sobrang pag-aalala.
"Okay lang ako." Sambit ko. "Ikaw?"
"Naku, miss. Strong kaya ako."
Bahagya naman akong natawa sa sagot niyang iyon.
I'm very lucky to have you, Hersh.
"Miss may nakita akong shorcut palabas." Sabi niya sabay turo sa likuran namin. "Tara na po!"
Muli niya akong hinatak hanggang sa marating namin ang pinakalikod ng school. Eto na ba 'yong shortcut?
"Paano tayo makakalabas dito?" tanong ko at nagpalinga-linga.
"Uh–miss, ano... Iikot pa tayo papunta dun sa entrance."
"Ano!? E ang layo pa no'n! Akala ko ba shortcut?"
"Kaya nga po. Shortcut para makalayo sa maraming tao."
"What!? Akala ko naman brilliant 'yang ide'yang naisip mo!?"
"Kaya nga miss. At least hindi tayo nakipagbakbakan sa mga tao dun 'di ba–"
"HERSH!"
"E, miss. Malapit lang 'yong lalakarin natin."
"Kakasabi mo lang kanina na malayo 'yong lalakarin natin."
"Ih–hee. Nagkamali lang po ako sa nasabi ko kanina."
Napairap na lang ako sa hangin. Sana naman huwag na niyang dagdagan 'yong inis ko dahil sa na-cancel na flight.
Mga ilang minuto rin kaming naglakad bago namin narating ang entrance ng Ceres kung saan nakapark ang kotse ni Richard.
"Ms. Hera, kumusta po kayo? Balita ko nagkaroon po ng stampede." Gaya ni Hersh, chineck niya rin ako kung may galos ba ako o pasa.
"Okay lang ako. Tara. Alis na tayo." Nauna na akong pumasok sa kotse at agad na isinandal ang ulo sa backrest hanggang sa makatulog.
Paggising ko'y nasa kama ko na ako. Paano ako nakarating dito? Sleepwalking?
"Ate."
Napatingin ako sa pinto kung saan ngayon nakatayo si Ralshé. Lumapit siya sa akin habang may dalang juice at ibinigay ito sa akin.
"Galit na galit sina mommy and daddy nang marinig nila ang balita. Sobra silang nag-alala sa'yo. Pumunta na nga sila sa Ceres para kausapin si Ms. Agacer, e."
"Gano'n ba?" Iyon lang ang naisagot ko dahil medyo nahihilo pa ako.
"Buti naman at wala kang nakuhang galos dahil kung hindi, baka umabot pa sa korte ang nangyari."
Uminom ako ng unting juice bago buksan ang tv.
Sanamalaman na kung sino ang may gawa nang magbayad na kung sino man siya.