bc

Hacienderos #1: Noah Boromeo

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
heir/heiress
bxg
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Anak ng magsasaka, ngunit may angking galing sa paggawa ng alak si Noah Boromeo. Nais niyang makapasok sa Destileria ng mga Dela Torre na pag aari ni Arturo Dela Torre. Ang Destileria ay isa sa tatlong naglalakihang mga pagawaan ng alak sa buong Pilipinas. Si Noah at ang kanyang mga magulang ay naninirahan sa lupain ng mga Dela Torre at gustung-gusto niyang makaahon sila sa kanilang buhay.Ngunit sa pagpasok niya sa Destileria ay nakilala niya ang napakagandang dilag at heredera na si Sienna Aurora “Ara” Andrada na magpapatibok ng kanyang puso. Si Ara ay anak ng mga Andrada na nagmamay-ari ng mga planta ng sugar cane o pagawaan ng asukal. Sa kasamaang palad, si Ara ay nakatadhanang ipakasal sa tapagpagmana ni Arturo Dela Torre na si Andre upang mas mapalakas ang koneksyon ng mga Dela Torre at Andrada at manguna ang kanilang pangalan sa industriya sa Pilipinas. Ngunit paano na lamang kung magsimula ang lihim na ugnayan nila Noah at Ara at magtuluy-tuloy ang mapusok nilang pagkikita sa Destileria? Isang hamak na magsasaka at isang heredera. Paano malalampasan ng dalawa ang mga pagsubok na kanilang haharapin sa ngalan ng pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
“Noah, magpahinga ka naman, anak. Nag-aalala na ako sa iyo,” wika ng ina ni Noah na si Wilma habang naghuhugas ng paa sa poso sa gilid ng kanilang barung-barong na bahay. Tirik ang araw sa hapon habang gumagawa ng alak mula sa binurong kanin si Noah. Ito ang kanyang proyekto na nais ipakilala sa Destileria ng mga Dela Torre. “Hindi ko kayang magpahinga, Nay, kung ito ang mag-aahon sa atin sa hirap,” wika naman ni Noah sa kanyang butihing ina. “Gusto ko kayong mabigyan ng maayos na buhay. Gusto ko na kayong magpahinga mula sa pagsasaka. Gusto kong makabawi sa inyo ni tatay.” “Anak,” sambit ng ina. Matapos siyang maghugas ng paa ay nilapitan niya ang kanyang nag-iisa at minamahal na anak. “Masaya na ako na dumating ka sa buhay namin ng tatay Romeo mo. Sapat na sa akin na kasama ka namin. Wala akong ibang hiling kung hindi ang maging maayos ka at tumanda kang responsable sa iyong buhay.” Tinigil ni Noah ang kanyang ginagawa at humarap sa kanyang nanay na may ngiti sa kanyang napakagwapong mukha. “Nay, may pangarap ako para sa atin nila tatay. Gusto ko rin na maging matagumpay ako sa buhay para mabigyan ko kayo ng magandang buhay at para na rin mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang babaeng mapapangasawa ko at magiging anak ko,” paliwanag ni Noah. “Girlfriend nga wala ka, eh,” singit ni Kisses na kapwa nila magsasaka. Sumulpot na lamang siya sa kung saan. Nagawi ang tingin nila Noah at Wilma sa kanya. Halatang galing si Kisses sa palayan dahil sa suot niya. “Ikaw talaga, Kisses. Palagi mo na lang akong ino-okray,” saad ni Noah. “Bakit kasi hindi na lang akong ang jowain mo, Noah. Ang ganda-ganda ko kaya!” wika ng makulit na si Kisses. “Nagsasabon ka pa ba ng kojic, Kisses?” tanong ni Wilma. “Itigil mo na, hija. Tingnan mo hindi natalab kasi nasusunog tayo sa init ng araw sa palayan. Sayang ang perang pinangbibili mo.” May halo pang pag-iling si Wilma. “Manang Wilma naman, eh,” maktol ni Kisses. “Maganda ka Kisses. Mas bagay sa iyo ang morena,” ngiti ni Wilma sa makulit na si Kisses. “Kisses, humanap ka na lang ng ibang magugustuhan. Masyado ka pang bata para sa kuya Noah mo. Bente-otso na yan. Ikaw ay nag-aaral pa sa kolehiyo,” gatong ng bagong dating na si tatay Romeo. Tila katatapos lamang ng lahat sa palayan at nagsisipag-uwian na sa kani-kanilang mga bahay. “Eh, ano naman po, Manong Romeo? Wala naman po sa edad pag nagmamahal, eh. Vocal lang po talaga ako kapag gusto ko ang tao. At si Noah iyon!” ani Kisses. Umiling na lamang si Romeo sa paliwanag ng batang dalaga. Nakangiti naman si Wilma sa kanya habang si Noah naman ay tila wala na lang magawa sa kakulitan ni Kisses. “Umuwi ka na sa inyo, Kisses. Baka hinahanap ka na ng mama mo. Alam mo naman iyon, baka bungangaan ka na naman,” paalala ni Wilma. “Siyang tunay, Manang Wilma,” umiiling na wika ni Kisses. “Sige po, mauna na ako. Bye-bye, Noah!” Tumango si Noah kay Kisses at ngumiti. Nag-blow pa ng kiss si Kisses kay Noah bago siya umalis. “Nay, huwag po kayong mag-alala. Parang nakababatang kapatid ko na po iyang si Kisses,” ani Noah habang pinapanood sa paglakad palayo si Kisses. “Alam ko, anak. Ikaw pa nga ang nagbabantay sa kanya noong sanggol pa lamang siya at iniiwan siya sa atin ng mama niya,” sang-ayon ni Wilma. “Oh, siya. Tapusin mo na iyang ginagawa mo at nang makakain na tayo ng maagang hapunan.” Sinunod ni Noah ang sinabi ng kanyang ina. At nang sumapit ang gabi ay sinundo siya ng isa sa kanyang mga kasamahan sa palayan. “Manong Romeo, si Noah?” Sumilip sa nakabukas na pinto si Miguel. “Noah, anak. Nandito si Miguel,” tawag ni Romeo habang nakaupo siya sa gilid ng lamesa at kumakain ng nilagang mani habang nanonood sa kanilang lumang TV. Lumabas naman si Noah sa kanyang maliit na kwarto. Galing ito sa pagligo dahil nagpupunas pa siya ng buhok. “Brad, sabay na tayong pumunta doon sa tambayan,” ani Miguel. Alam na ni Noah ang dahilan ng pagsundo ni Miguel sa kanya. Iinom sila doon sa tambayan nila sa gilid ng malawak na palayan. Open area kasi ito at presko. Sumama si Noah kay Miguel at nang makarating ay nagsisimula na sa kasiyahan ang iba pa. “Uy, Noah! Buti sumama ka! May darating na mga chiks mamaya! Baka may matipuhan ka!” sambit ni Tolits nang mapansin niyang papalapit sina Noah at Miguel. “Pass ako diyan, brad,” ani Noah nang makaupo sa tapat ni Tolits. “Hindi na kailangan ni Noah niyan dahil mismong mga chiks ang lumalapit sa kanya,” ani Miguel. Napakamatipuno kasi ni Noah na akala mo ay anak ng mayaman. Nasa genes na niya ang kinis ng kanyang balat kahit na moreno siya. Matangkad at napakaganda ng hulma ng kanyang pangagatawan. Marahil ay dahil na rin sa pagbubuhat ng mga mabibigat na sako ng bigas araw-araw. Maganda rin ang tubo ng kanyang buhok. Lalo siyang napapansin kapag hinihubad niya ang kanyang pang-itaas dahil sa pawis. Para bang modelo siya sa isang magazine kaya maraming mga kababaihan sa hacienda Dela Torre ang nahuhumaling sa kanya. “Akalain mong nakapagkakamalian pa siyang parte ng pamilya ng mga Dela Torre kapag naghahatid siya ng mga sako ng bigas sa mansyon nila Don Arturo!” dagdag pa ng isa nilang kasama na umiinom. “Totoo ba yon, pre?” ani Miguel. “Marami bang magaganda doon sa mansyon? Magkwento ka naman!” “Hindi ako nakakapasok sa mismong loob ng mansyon ng mga Dela Torre,” wika ni Noah habang nagbubukas siya ng isang bote ng alak na galing sa Destileria. “Hanggang doon lang sa likod ng mansyon ang access naming mga taga-deliver ng bigas. Halos mga katulong ang nakikita ko doon.” “Magaganda ba ang mga katulong nila? May nakausap ka ba?” excited na tanong ni Tolits. “Sabik na sabik na magkaroon ng nobya, ah,” ani Miguel kay Tolits. “Pre, anong petsa na. Hindi na tayo mga bata. Gusto ko nang magkaroon ng katuwang sa buhay,” paliwanag ni Tolits. “Pero may nakita akong magandang babae nung nakaraan,” ani Noah habang nakatitig sa baso niya na may lamang alak at yelo. Nabaling ang tingin ni Miguel at Tolits sa kanya. “Bisita siya ng mga Dela Torre. Nadinig ko yung mga katulong. Parang Andromeda yata ang apelyido,” dagdag pa ni Noah. “Ah! Mga Andrada!” wika ni Tolits. “Nakita ko na ang pamilya nila noong nakaraang buwan. Namasyal sila sa palayan. Nakita ko na iyong babaeng sinasabi mo, Noah! Ay talagang napakagandang babae! Ano nga ang pangalan niya? Ah! Si Ara!” “Ara?” ani Noah. “Oo, pre! Heredera iyon ng mga Andrada,” dagdag pa ni Tolits. “Anong ginagawa nila sa lupain ng mga Dela Torre?” kunot-noong tanong ni Noah. “Iyon ang hindi ko alam,” sagot ni Tolits. “Ang dinig ko, mananatili yata dito sa lupain ng mga Dela Torre si Ara para pag-aralan ang paggawa ng alak sa Destileria.” “Iba talaga ang mga mayayaman, ano?” wika ni Miguel. “Madali lamang sa kanila ang lahat samantalang tayong mga mahihirap, kailangan nating kumayod para may maihapag na pagkain sa mesa.” Hindi na masyadong nakikinig sa kwentuhan si Noah dahil tanging si Ara lamang ang nasa isip niya. Hindi niya mawari kung bakit nagkakaroon siya ng kuryosidad sa dalaga. Dahil ba sa madali lang sa kanya ang makapasok sa Destileria dahil isa siyang Andrada? O dahil may iba pang dahilan na hindi maipaliwanag ni Noah?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
742.3K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.7M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
975.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
356.9K
bc

Not just, the Beta

read
347.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook