bc

N. E. R. D. (Tagalog)

book_age16+
92
FOLLOW
1K
READ
revenge
bitch
brave
confident
CEO
princess
mafia
nerd
campus
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

This story is about a girl na pangit, flat ang harap at likod, laitera, pandak at kulot na kulot ang buhok.

Pandak, maitim, kulot equals Arginine Levounne Vieira.

Lahay ng yan ay ang saktong depinasyon ni Arginine, kaya simula pagkabata ay puros lait na ang natatanggap ng dalaga, lahat na din ata ng engkanto ay natawag na sa kanya.

Pero kung kumakandidata sa kapangitan ng mukha at katawan, kumakandidata din ang pagiging sobrang maldita nito kaya walang tatalo sa Miss Intergalactic Alien kung meron man.

Kaya naman kahit lait ang inaabot ng dalaga sa ibang tao ay lait din ang ginaganti niya sa mga ito.

But things began to confused her when she discovered that she is a princess and a prince like her.

"Bakit pangit lang ba ang may karapatang manglait?"

chap-preview
Free preview
Chapter 1.
Nine pov: Kanina pa kami dito sa library ni Lauryl dahil tinatapos namin yung iniwan na activity ng isa naming teacher kanina. "Totoo ba?" mahinang bulong ko kay Lauryl galing sa kabilang dulo ng mesa. Square kasi ang mesa dito sa library at magkaharapan kaming dalawa, samantalang nakakalat naman sa harapan naming pareho yung mga libro na gagamitin namin. "Anong totoo?" tanong niya din sa akin ng mahina. Napangiti naman kaming pareho kasi mukha kaming mga tanga, pero kailangan kasi nasa library kami kundi magagalit yung single na librarian at maban pa kami. "Babalik na daw yung kontrabida?" tanong ko, na ang ibig sabihin ay ang ate niya na si Cetyl. Tumingin muna siya sa akin ng matagal at nalungkot bago marahang tumango at binalik sa aklat ang pokus. Alam kong ayaw sa kanya ni queen at kahit ako nagtataka kong anong galit ang meron siya para sa kapatid para ibully at ipahiya sa buong school. Hindi ko alam kong saan pinaglihi ng nanay nila sa sama ng ugali. "Kelan daw?" "Hindi ko pa alam, pero yun kasi yung isa sa hiling ni lolo." malungkot niyang sagot. "Sana magbago na yang mahadera mong ate, naku! Kapag pinahiya ka pa niya ulit, makakalaban niya na talaga ako." sabi ko na halatang naiinis. Tumingin naman sa akin si Lauryl at ngumisi. "Para kang tanga, eh idol mo nga yung ate ko. Kasi sabi mo pangit lang yung ugali niya pero maganda siya, matalino, mayaman, pangmodel ang katawan at higit sa lahat may dibdib... hindi kagaya mo." tumatawang sagot niya sa akin. Tinakpan ko naman agad yung flat kung dibdib, kahit wala namang maitago. " Grabe friend, masakit naman yun kailangan bang isama yung dibdib hah?" ganti kong sagot. " Totoo naman kasi FRIEND, flat naman talaga. " asar niya sa akin, sabay diin pa sa pagtawag ko sa kanya. Ngumisi lang siya bago tumingin na sa libro. Kaya naging tahimik ang mga sumunod na minuto. Nakaraang taon ko lang naging kaibigan si Lauryl, dumating siya ng mga panahon na nagmomove-on ako kay Jason, parehas din kaming nerd este siya lang pala kasi ako yung pangit na nerd. Naging kaibigan ko siya dahil sa isang group activity sa klase namin at dahil marami kaming pagkakaparehas kaya nag click kami. Aaminin ko gusto ko talaga yung ate niya kahit bully, para kasi sa akin isa siya sa mapalad na taong gising ng mga panahon na namimigay ng grasya yung diyos tapos maraming drum pa na dala, samantalang ako yun nanaginip hinahabol daw ako ng aso. Minsan talaga na papatanong na ako kay bro kung bakit, pero sabi nga ni mama "confidence is everything" kaya nga lagi akong nag-iipon ng confidence pero lagi ding nauubos kapag uuwi ako sa probinsya lalo na dito sa school napaka mapanlait kasi yung mga people. Ang daming froglets, na feeling nila magiging princess sila paghinalikan sila prince eh, putok na putok yung mga make-up tinalo pa yung nakipag jumbagan sa mga bakla. May kaya ang pamilya namin kahit dalawa lang kami ni mama, kaya walang nanglalait sa akin na hindi ako belong dito dahil nagbabayad ng malaking pera si mama para sa tuition ko every year, pangit lang ako pero hindi naman kami dukha. Alam kong puro drama lang ako maliban sa lait, walang matututunan sa akin pero syempre pagbinato ka ng bato, batuhin mo din ng hallow blocks...tingnan natin kong hindi mahospital yan. Pagkatapos namin ay niyaya kuna si Lauryl sa canteen ng school. Pero minsan talaga may mga gulo na lalapitan ka at aabangan pa. "Look who do we have here! An ugly nerd creature and an ugly nerd, perfect tandem." Sabi ni Yvonne ng maharang kami malapit sa pintuan ng canteen, kasama ang mga froglets squad. Nang-iinis na naman ang mga mahaderang, ichusera, alfombra na to. "Look do we have here blah, bablah, bablah!" gaya ko sa sinabi niya ng may arte at maliit na boses. "Tss, Pwede ba pangit ako pero may utak ako, si Lauryl... nerd pero may utak din, eh kahit ipagsama-sama pa yang mga utak niyo kasama na yang mga froglets mo Yvonne, sigurado ako kahit magpustahan tayo mas matalino pa kami." balik kong lait kanya. Kala mo hah, ikaw lang. "Kahit na, never naman kayong magiging kasing ganda namin. Walang silbi yang utak mo kung pangit ka, like duhh! " sabat ng isa sa mga froglets ni Yvonne na hindi ko kilala. "Ganun ba." sagot ko naman habang tinutupi yung manggas ng blouse ko. "Nine, tama na. Tara na gutom na ako." pigil sa akin ni Lauryl sabay hawak pa sa braso. Tahimik lang si Lauryl, dahil hindi siya mahilig makipag-away kaya ako ang gumagawa sa aming dalawa. Alam niya rin kasing na iinis na ako dahil kanina pa ako gutom pero dahil sa mga mahaderang, ichusera, alfombra na to kailangan maghintay ng alaga kong lion. "Wait lang Lauryl, sandali lang ito sigurado naman ako na gawa lang yang mga mukha nila." "Anong ginagawa mo, ang pangit mo na nga basagulera ka pa, so ewww!" sabi ng isa pang froglet. "Alam niyo, sawa na ako sa kakasabi niyo ng pangit at nerd kami, siguradong matagal pa itong sagutan natin kaya sapakan na... ano?" and tried punching infront of Yvonne, and my fist stop just inches away from her nose that everyone know is made of. "Oh my God, oh my God!" Yvonne's hysterical screams while I just rolled my eyes and pull Lauryl away from them and enter the canteen. "Bat mo ba pinatulan, ayan tuloy parang may The Scream sa labas?" painosenteng tanong sa akin ni Lauryl habang nakangiti ng nakakaasar. Yes, nerd at pangit na nerd kami ni Lauryl pero hindi naman kami papalait lang, tsaka tama ng tampulan kami ng lait noong last years. Lumalaban na talaga ako simula ng pumasok kami this year at matagal-tagal na ngayon dahil february na. "Tuwa ka naman, tsaka kung hindi ko papatulan yung who do we have here, your so ewww, yuckk... kawawa tayo sa mga yun. Tatahimik-tahimik ka lang kasi nilalait ka na nga. Tsaka pangit din naman sila, pangit yung bibig daming sinasabing walang kwentang bagay, tapos ang OA pa eh hindi naman talaga na suntok yung ilong niya pero kung makasigaw tinalo pa yung ginigilitang biik." litanya ko habang naghahanap kami ng upuan dahil tapos na kaming kumuha ng pagkain. "Kahit na, diba sabi wag patulan yung mga taong walang kwenta kasi pag pinatulan sila, mas mababa ka pa sa kanila. " pangaral niya pa. Umupo muna kami at inayos ko muna ang mga gamit ko bago ko siya sinagot. "Pero kasi friend, hindi nila malalaman na wala silang utak kong walang magsasabi, minsan kailangan mo ding pumantay sa standard nila para malaman nila na hindi na sila nakakatuwa." sagot ko sa kanya dahil magkaharapan kaming dalawa. "Tsaka isa pa, nagfefeeling lang naman yang mga yan kasi wala yung ate mo-s***h- si miss kontrabida-s***h- yung devil queen kaya feeling nila sila yung reyna, lalo na yang si Yvonne, buti pa nga yung ate mo may class mangbully samantalang sila waley lang."dagdag ko pa na parang walang nangyari. "Asus, ang sabihin mo fan ka talaga ni ate." asar naman sa akin ni Lauryl ng naka ngisi kaya inirapan ko lang siya. "Anyway change topic, baka mamaya magpakita pa sila. "sabi ko at nagsimula ng kumain. "Speaking of magpapakita, mukhang masyado tayong natagalan sa library."biglang sabi ni Lauryl kaya naman napaangat ako ng tingin sa kanya at pinakita niya naman yung relo niya. "Last five minutes." Ah s**t! Bakit ba ako nakipag-away kanina. Ngumiti na lang ako sa kanya ng alanganin at nagtaas ng balikat ng marealize ko kung ano ang minemean niya sa five minutes. Dadating na ang mga feeling gwapo na monkeys, well hindi naman lahat si Euon lang at maganda na froglets. Gosh! Why did I forgot. "Is this a cursed?"tanong ko kay Lauryl na parang nalugi sa lotto samantalang natatawa naman siya sa akin. Exactly 12 kasi pumupunta dito ang mga queens at kings kuno ng campus, na obvious na ang leader ay si Yvonne ng queens kasama ng mga froglets niya samantalang leader naman ng kings ay si Aiken,pero ang ate talaga ni Lauryl yung queen dati kaso may nangyari lang,at hindi ko alam kong ano yun. Hanggang ngayon ay hindi pa din nachichika ni Lauryl sa akin tungkol jan. Anyway papadating na sila, I have to brace my self for the impact. "Hello, good morning ma'am sir. 3 minutes na lang ang natitira bago magsimula ang kaguluhan kung maaari sana, ang hindi sasama mangyari lamang po na hawakan ng maigi ang taenga at takpan para hindi masira ang eardrums." sabi ko habang nagdedemonstrate sa harap ni Lauryl samantalang puros tawa naman ang gaga. "Tawa lang Ryl walang ambag?" panunuya ko dito. Minsan talaga nahahabaan ako sa pangalan niya kaya pina-iiksihan ko. "Yung pagtawa ko, ambag yun noh."sabi niya ng makabawi ng tawa. "Okey na ba ako sis, fabulous na ba me?" "Oo sis, ako? Magkakagusto na ba sa akin si Euon?" "Oo sis, were so pretty talaga." kinikilig na usapan ng dalawang babae nasa likod namin. Duh Euon, gwapo? Saan banda? Napa-irap na lang ako. Tapos naging mas maingay pa yung buong canteen dahil ilang segundo na lang ay papasok na ang kings at queens. "Oh! Bat umirap ka, narinig lang pangalan ni Euon kinilig ka kaagad?" asar sa akin ni Lauryl habang nakangiti kaya naman inirapan ko din siya pa balik. "Anong kinikilig, baka naiinis sobrang ingay kasi." tanggi ko. " Ah, Okey sabi mo eh." sagot niya habang nakangiti na parang nang-uuyam, kaya naman na inis ako. "Oo nga." pilit ko pa. "Oo nga." ulit niya din at lalo pang ngumiti ng malapad. Bwesit na babae to, kung di lang kita kaibigan. Ewan lang. May mga kaibigan talaga tayo minsan na waley magjoke pero ang lakas mang-asar, sarap itakwil. Kaya naman mas nainis ako ng mas umingay ang canteen kaya sabay kaming tumingin ni Lauryl sa pintuan ng canteen ng pumasok sila. " Waahhh, oh my gosh nalaglag ata panty ko." " Omg! Ang gwapo ni papa Aiken." "Para sa aken ka lang Aiken." "Ang hot ni Euon!" "Sobrang pogi ni Brio." Kanina pa ako irap ng irap, sumasakit na yung ulo ko, paano ba naman kasi tumingin pa sila Aiken dito, at mukhang dito nila balak kumain banda sa amin dahil papalapit na sila. "Tara na." yaya ko kay Lauryl habang inaayos ang mga gamit ko. "Sandali lang." pigil sa akin ni Lauryl habang kumakain pa din at mukhang walang balak na tapusin ang pagkain niya dahil nakangisi lang siya sa akin habang sumusubo ng dahan-dahan. Maya-maya lang ay tumawa na siya ng marahan na parang may nakakatawa. Nabaliw na si friend. "Tara na!" yaya ko ulit sa kanya pero wala talagang balak umalis ang gaga. "Yow mga friends." biglang sabi ni Brio ng makalapit sa amin sabay akbay agad sa akin. "Pwedeng makisalo, wala na kasing libreng mesa?" tanong naman ni Aiken gamit ang malamig na boses. Tatanggi sana ako pero mukhang may ibang balak ang babaita kong kaibigan. "Sure, why not? Marami namang libreng upuan." sagot ni Lauryl habang nakangiti ng malapad at kagat ang kutsara. Umirap lang ako sa kanya ng tumingin siya sa akin bago kay Euon. Wala naman akong nagawa kundi ang umupo ulit. Humanda ka talagang babae ka. "Aiken, Hon why are we sitting here?" maarteng tanong ni Yvonne. Edi lumayas kayo. "Wala ng upuan, and I'm so hungry." pinal na sagot ni Aiken bago umupo sa unahan ng mesa. "This is the mesa of the ugliest people on earth." sabi ng isang froglet at pinunasan pa yung mesa at upuan ng tissue dahil sila ang extension ng kings, inshort buntot. Samantalang tumahimik naman kami. Nasa kaliwa ni Aiken si Yvonne, tapos froglet, then another froglet, then Lauryl, then froglet, then Euon, then me, then Brio yan ang setting arrangement namin at pabilog ang mesa. Spell awkward. Malawak ang canteen dahil dito kumakain and mga junior at senior high nagkakapunuan lang minsan lalo na sa ganitong oras dahil sa mga queen at kings samantalang may sariling canteen naman ang college students ng school. Tahimik ang buong canteen at puro bulong ang maririnig dahil hindi laging nangyayari ang ganito, tsaka ex-boyfriend ng dating queen si Aiken s***h ate ni Lauryl kaya mas awkward kay Lauryl at Aiken tapos nandito pa yung ghoster, though walang nakaka-alam na niligawan niya ako last year at noong start ng pasukan this year naging kami sa text pero nawala din agad ng magbakasyon ng december dahil hindi na siya nagrereply at sumasagot sa mga tawag ko. Nagmulto lang ang lintik. "So ms.ghost fighter kumusta kana?" tanong sa akin ni Brio ng makabawi. "Ms. Ghost fighter?" tanong ko ng may pagtataka. "Oo, Ms. Ghost fighter meet Mr. Ghoster." turo niya sa akin at sumunod kay Euon bago tumawa kasama ni Lauryl. Habang inis na inis naman ako, at tahimik naman si Aiken at Euon. Kapag talaga kasama si Brio nawawala yung ugali ni Lauryl na mahiyain at tahimik, nagbabago din siya bilang mapang-asar. "Ang nang-iwan." turo ni Brio kay Euon samantalang wala namang paki ang isa. "Ang iniwan."turo naman sa akin ni Brio kaya tinampal ko ang kamay niya. "Ano ba, kumain kana lang jan."saway ko sa kanya samantalang tumatawa naman sila Yvonne, Lauryl and froglets squad. "Pero may catch mga kaibigan."dagdag si Brio na hindi pa talaga tumitigil. Sarap manapok. "Si ms.ghost fighter kahit iniwan ni mr. ghoster, hindi nasaktan at never din umiyak." asar pa lalo ni Brio. Inis na inis na ako at alam kong namumula na ako sa inis kahit na maitim ako, alam ko naman na pikunin ako kaya pag ako napikon pupukpukin ko talaga itong lalaki na nasa tabi ko aka Brio. "Eat...your ears are getting red. Halatang pikon kana." biglang singit ng lalaki na nasa kabilang tabi ko at nilipat ang plato, kutsara at tubig sa harap kaya naman napatulala ako sandali. Huh? Anyari? Tinitingnan ko lang siya habang inaayos yung dala niyang mga pagkain para sa akin. "Wag mo akong titigan, baka mainlove ako sayo lalo." dugtong niya pa kaya wala sa oras ay nag-angat bigla yung isang kilay ko. Samantalang kilig na kilig naman ang mga squatters na nanunood at nakataas naman ang kilay ni Yvonne ft. froglets sila lang ang hindi natutuwa kasama na ako doon. "I don't need to eat, at wala akong paki-alam kong mainlove ka sa akin." matipid kong sagot sa kanya na may kasamang pagmamaldita. Tss, pafall ganyan ka din dati, akala mo maloloko mo ako ulit. Puros pa sweet na text tapos sa huli ghosting. "Comeback! Comeback! Comeback!" bulong ni Brio at Lauryl, sapat para marinig namin at may kasama pangmahinang p****k sa mesa. Mga ulaga. "Ligawan na kasi ulit kung mahal pa." komento ni Brio na halatang nagpaparinig sa amin ni Euon. No way, hindi ko ulit gagawing tanga yung sarili ko. Tama na yung dalawang beses sa mga maling tao. Lakas lang makagago. "Bakit naging kami ba?" "Hintay ka lang Brio malapit na." sagot ni Euon kay Brio ng nakangiti na parang may balak gawin at nag-apir pa ang dalawa sa harap ko. Wala namang problema basta hindi ako kasali sa kalokuhan nila. "Tama na yan Euon baka mamaya mafall si miss pangit walang sumalo sa kanya." panunuya ni Yvonne sa akin. "I will never fall for him. Tara na nga Lauryl." pinal kung sagot tapos yaya ko kay Lauryl ng bigla akong tumayo, mukha namang tapos na siyang kumain. "Oo, bakit ayaw mo ba? Time." sabi ko sabay turo ng relo ko at umalis na sa mesa samantalang nakasunod naman si Lauryl. " Bye ms. ghost fighter, bye friend." pahabol ni Brio ng pasigaw. "Alam mo ikaw, bully ka din. Tandem talaga kayo ni Brio pagmagkasama kayo, nawawala yung pagiging mahiyain mo. Hindi ko alam kong matutuwa ako o maiinis." away ko kay Lauryl ng makalabas kami at naglalakad pa balik ng classroom. "Anong bully dun?" tanong niya sakin na punong-puno ng pagkainosente ang mukha. "Wow, inosente tayo friend. Kainis eh." "Kainis eh." gaya niya sa sinabi ko pero mas pabebe. "Yan ba yung naiinis, baka naman kinikilig, ngiting-ngiti friend oh." turo niya pa sa ngiti ko kaya naman bigla akong nagseryoso at nauna na sa kanya habang umiinit naman ang pisngi ko kaya napahawak ako ng wala sa oras. "Comeback na kasi friend, mahal muna pa naman." pahabol niya. Samantalang nakasunod naman siya sakin habang tumatawa. "Mabilaukan ka sana." mahinang bulong ko. "Ano?" tanong niya sa akin habang humahabol. "Ewan sayo." sagot ko pabalik at dumiretso na papasok. "Bitter." We spend our whole afternoon listening on lectures and lesson with a bit of quiz and recitation, that is why when the bell rings stated that all the class ended for this day i immediately went out of the room and say goodbye to Lauryl because she needs to do something while i directly go home. Ng makarating ako sa bahay ay wala pa si mama, wala din kaming katulong dahil marunong naman akong magluto mag-isa kaya okey lang kahit iwanan ako ni mama dahil sa mga business travel niya. Driver, on-call labandera, gardener at taga-linis ng bahay na thrice a week lang kong pumunta dito sa bahay. Samantalang nagcocommute naman ako papunta at pauwi minsan ay sumasabay ako kay Lauryl dahil may sundo siya. Pagpasok sa gate ay may malawak na garden at pagpasok ng bahay mabubungaran ang hagdan para sa second floor, sa kaliwang bahagi ng bahay ay visitors lounge, samantalang kapantay naman ng pintuan ay isa pang pintuan para sa kusina at sa likod ng bahay ang pool. The whole house is made of woods that are fully furnished to make it shiny. Pag-akyat ko sa hagdan ay nakita ko ang mga pictures ko at ni mama, when she is a bit younger. She's waiving at the people while wearing a beautiful smile and a crown. My mother was a queen of binibining pilipinas before and featured on a lot of magazines and television as one of the most beautiful woman in the country in her time. Kaya madami ang nagtatanong kong anak talaga ako ni mama dahil sobrang layo ng itsura naming dalawa maliban sa mata, parehas kasi kaming asul ang mata. But my mother said that I look exactly like my father and for her, he is the most handsome man. Kaya nga nga isa ako sa tagasulong ng "Love is blind" na quote kasi ako yung isa sa proweba. Walang picture si papa kaya wala akong alam kong ano ang mukha niya pero dalhil magkamukha daw kami sabi ni mama, parang naiimagine ko na din. Dumiretso na akong umakyat at pumunta sa kwarto ko para mag-ayos at gumawa ng mga assignments.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.8K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.7K
bc

NINONG III

read
364.8K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook