Amat-Amat naman akong nagmulat ng maramdaman na tahimik ang paligid, tinitingnan kong maigi si Euon.
Parang gusto kong tumawa sa itsura niya, tulala lang siya habang nakatingin sakin.
Pinanlakihan ko siya ng mata sabay tabingi ng ulo ko.
Ano na?
Napangisi naman ako.
1
2
3
4
5
6---
"Tama ba yung rinig ko?" halata pa din sa mukha niya ang pagkagulat at hindi makapaniwala.
Sarap sabihin "Itzzz a prankkk!!!"
Sasapakin siguro ako ng lalaking to.
Tumango naman ako sa tanong niya.
"Sigurado ka?"
"Oo naman ,bakit gusto mo ba bawiin ko nalang?"nanunuya kong tanong sa kanya pero parang wala ata siyang pakialam dahil todo ngiti na ang loko.
"Hindi!hindi!"
"Bakit wala kabang tiwala sa mukha mo?"patuloy kong asar sa kanya samantalang nagkamot lang siya ng batok.
Para siyang batang nahuling kumukuha ng pagkain sa mesa.
"Hindi naman,pero syempre---
basta ang gulo."
"Pero tayo na ,wala nang balikan."
"Oo naman basta wala ding sisihan,hahaha."biro ko.
Alam kong hindi nakakatawa pero gusto ko lang talaga siyang takutin hindi naman ibig sabihin ay gusto ko siya pabebe na.
Gusto ko din kasing malaman kong matatanggap niya ang pagiging half baliw ko minsan.
"Oh anong meron,kayo na?"
Napalingon naman ako sa nagsalita .
"Kanina pa kayo?"mabilis kong tanong.
"Bago lang,hinahanap kasi namin tong lalaki na to,iniwan kami kanina ang bilis natapos yung quiz, eh dati naman siya yung pinakahuli nangungopya pa nga sakin.Kani---
Mabilis naman kaming napatingin kay Euon ng tumayo ito at hinawakan ang braso ni Brio na parang pinipigilan.
"Bat di mo pinatapos si Brio?"tanong ni Jennna.
"Kaya nga ,may tinatago ka sa kaibigan namin noh,aba ang lakas naman ng loob mong manligaw."halata sa boses ni Haira ang inis.
Sabay-sabay silang dumating lahat pero hindi ko napansin dahil masyado akong nakatutok kay Euon.
Napakamot nalang ako ang ulo ko sabay iling,napatingin din ako kay Euon napatawa na lang ako sa parehas naming reaksyon.
"Oh bat tumatawa kayong dalawa,magkaaminan nga tayo dito. Kayo nang dalawa noh?"
Natameme nalang ako sa tanong ni Haira.
"Tara na."yaya ni Euon sa mga kasama.
"Sandali, sagutin niyo muna yung tanong ni Haira. Teka nasaan ba yung bestfriend ko."sabi ni Brio sabay hanap sa paligid kay Lauryl.
"Wala siya dito umalis ,may lakad ata sila ng kapatid mo."
"Hindi wag niyong nililihis yung usapan."hindi paawat na sabi ni Jenna.
"Tara na,gutom na ako."hila ni Euon kay Brio.
"Hindi, dito lang muna tayo napagod kami ni Brio na hanapin ka." napatingin na lang ako kay Aiken ng umupo ito.
"Tama yan bro napagod tayo maglakad." sabay upo din ni Brio sa tabi nito at hawak sa balikat nito.
"Sus hindi niyo lang sabihin, makikichismis lang talaga kayo." sabay upo din ni Jenna at umupo na sila ng lahat.
Hindi ko alam kong iiling ako o kakamot ng ulo.
"Okey, so kayo na nga?" patanong na sabi ni Alex.
Tumingin muna ako kay Euon bago yumuko at lumunok.
Bakit ba ako nandito sa hotseat!
"Tara na Aiken, Brio. Libre ko kayo." mabilis namang tumayo si Brio pagkasabi ni Euon ng libre.
"Hindi mo naman sinabi tol, Tara Aiken hindi na ako pagod."
"Tara, ako din." sabay na tayo ng dalawang lalaki.
Sabay-sabay naman kaming napapoker face nila Jenna.
Ang gagwapo, ang tatalino, ang yayaman pero mga mukhang LIBRE.
Tumalikod na sila at naglakad na kaya nagkibit-balikat nalang ako at tumingin kay April.
"Una na kami BABE!"
Mabilis akong napalingon sa sinabi ni Euon pero nakatalikod pa din ito, para akong masusuka sa kaba, ayaw kong tingnan sila Jenna.
Wow! I DID Not expect that!
Huminga ako ng malalim bago tumingnan sa kanila, nakataas ang kilay nilang lima, na may halong pang-aakusa at tanong.
"Confirm."
"Yeah."
Sabay-sabay na tango nila kahit hindi pa ako nagsasalita.
"Anong confirm?"
"Anong meron?" tanong ni Lauryl na nagtataka.
Tumingin sila ng lahat sakin kaya napatingin din sakin si Lauryl, nilakihan niya pa ako ng mata.
Napatigil lang kami ng tumunog ang bell.
Hoooo, safe.
"Hala, di pa tayo kumakain."
"Bilisan niyo."
Binilisan namin ang pagkain kaya kahit halos masuka na kami sa kanin ay wala kaming paki-alam, bawal malate.
"Sabihin mo sakin kong ano yun." sabi ni Lauryl bago kami pumasok, kaya tiningnan lang ako ni Rea bago nagkibit-balikat.
Kanina natutuwa pa ako, ngayon mukhang bumabalik yung karma sa ginawa ko kay Euon ah.
Ang bilis naman ng ganti,nu bayan.
We start the class at hanggang matapos ay wala akong maintindihan dahil tuwing tumitingin ako kila Jenna ay panay ang ngiti nila sakin, mga mukhang may babalakin.
Samantalang masama naman ang tingin sakin ni Lauryl.
Nagligpit na ako ng gamit ko dahil tapos na ang klase ng biglang nilapit ni Lauryl ang mukha niya sakin.
"Ano yun? Anong meron?"
"Saan ba?"
"Kanina kapa tinitingnan nila Alex." tiningnan ko naman siya, hindi niya paba gets.
"Ano na yan Lauryl? Hindi mo paba gets sila na ni Euon." matabang na sabi ni Dara.
Akala ko pa naman wala na tong babaeng to.
"Totoo?"
"Syempre totoo, malandi yang pangit na yan eh."singit ni Dara.
Tumango naman ako bilang sagot.
"See!" singit niya pa, pero hindi naman siya pinansin ni Lauryl.
"Kelan pa?" excited na sabi ni Lauryl.
"Ka--
"Kanina sa manggahan. Napakacheap talaga."
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ulit ni Dara. Kaya napairap nalang ako.
"Paano?"
"Syempre dahil malandi siya, si----
"Ano ba? Ikaw ba si ARGININE LEVOUNNE VIEIRA hah? Pangit kana din ngayon? " inis na sabi ni Lauryl na nagpatawa sakin.
"NOOO, of course not. I will never be her, ayoko ko kayang maging super duper ugliest being like katulad niya. So yuckky." diring-diri nitong sabi.
Napaismid na lang ako sa panglalait niya.
"So redundant po ikaw, you alam that ba?"maarte ko ding sabi. Inirapan niya lang ako sabay talikod na kasama ng mga froglets.
Nakahinga naman ako ng maluwag bago tumingin kay Lauryl. Napalunok lang ako dahil sa masama niyang tingin.
Galit kaya to?
"Okey ka lang?" nag-aalangan kong tanong.
"BAKIT DI MO SINABING KAYO NA!!!!"
malakas na sabi nito.
"WAHHHH, CONGRATSSSS MAY PUMATOL SAYO!!!!" halos mapantig ang tenga ko sa lakas ng boses niya kaya mabilis ko itong tinakpan.
Lord baka naman po megaphone talaga si Lauryl sa ast life niya. Pumapayag na po akong bawiin niyo siya, hindi po sasama ang loob ko.
"No bayan Ryl, sakit sa tenga. Ikaw lang yung kilala kong nerd na tahimik pero ang ingay din at the same time." reklamo ni Alex.
"Ayaw niyo nun, unique ako. Diba Nine?" nakangiti nitong sabi sabay tingin sakin.
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
Lord kunin niyo na po talaga siya, desidido na po ako.
"Oh nandyan na pala yung BOYFRIEND mo." sabay kalabit sakin ni Rea.
Tumingin naman ako sa pintuan at nakitang nakatayo si Euon at Brio.
"Asan si Aiken?" tanong ni April ng malapit na kami sa pintuan.
"Ayun hinahabol pa din yung pinakawalan niya."
Nagtinginan naman kami ni Lauryl.
Si Queen.
"Tara na?" Yaya ni Euon kaya tumango na ako para maka-uwi na kami.
Nasa huli kaming dalawa dahil nasa unahan silang lahat at nag-uusap. Tahimik naman kaming dalawa ni Euon at parehas na nakikiramdam.
Kakaiba pala sa pakiramdam kapag kayo na, hindi ko to naisip kanina dahil natutuwa ako sa reaksyon niya.
"Gusto mo ihatid kita?" halatang nag-aalangan niya tanong.
"Sige." sabay tahimik naming dalawa.
Ang awkward.
Natawa nalang ako ng makitang nakatingin silang lahat sa aming dalawa.
"Bakit?" tanong ko.
"Walang himala." nagbibiro kong sabi.
"Meron." mabilis na sagot ni Brio.
"Yang katabi mo ang himala, nak ng nahihiya. Wow bago yan ah." dagdag pa nito.
Napatawa na lang ako at tumingin kay Euon samantalang nakatingin naman ito ng masama kay Brio.
Kanina pa talaga siya nilalaglag ng lalaki kaya mas natatawa nalang ako.
Ganito ba talaga pag nagkaboyfriend ilalaglag ka ng mga kaibigan mo? Buti na lang wala pa nag-iingay si Lauryl kundi tudas din ako sa microphone na nasa unahan.
"Dito ka lang?" tanong sakin ni Euon galing sa loob ng sasakyan.
Nakatayo naman ako sa gilid ng kalsada, hindi kasi ako nagpahatid sa harap mismo ng bahay ni Lolo. Gusto kong tumambay muna sa park ng subdivision.
"Oo, may dadaanan pa kasi ako. Next time nalang siguro." tumango naman siya at upo ng maayos.
"Una na ako, bye babe." sabay ngiti ng napakatamis.
"Bye."
Hinatid ko pa ito ng tingin bago pumasok sa village.
"Magandang hapon po ma'am, ang ganda po ng ngiti natin ah." bati ng guard sakin.
"Magandang hapon din po kuya,wala po to." sagot ko at nagtuloy na maglakad papasok.
Nakangiti lang ako sa buong oras na naglalakad ako, ewan ba siguro ngayon lang nagsink in sa utak ko na kami na ni Euon.
Babe!
Para akong tanga na naghahum habang naglalakad, may pa talon-talon pa akong nalalaman. Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko ang park.
Walang tao, siguro dahil palubog na ang araw. Umupo ako sa swing at dinuyan ang sarili ko ng marahan.
Pakiramdam ko sobrang ganda ng hapon, ang tahimik pero sobra akong masaya.
Napalingon ako sa tabing swing ng marinig itong tumunog.
"Do you live here?" tanong sakin ng babae at umupo sa swing.
Tiningnan ko naman siya ng mabuti dahil madilim na, buti na lang at may ilaw na nakapalibot sa park kaya hindi ito sobrang madilim kaya nakikita ko pa din siya.
"Opo."
"Lagi kaba dito sa Park?"
"Minsan po."
"By the way, I'm Alessandra I live just on the 3rd block. Ikaw?"
"Nine po, sa 10th block po ako nakatira."
"Ganun ba."
"Parehas pala kayo ng uniform ng anak ko, she's a grade 10 student."
"Ah ganun po ba."
Maganda siya at halatang mayaman talaga, mukha ding mabait. Bat kaya siya nandito?
"How about you?"
"Grade 10 na din po." hindi ako maingay masyado na tao at hindi din ako pala kausap sa mga estranghero.
"Wow that's nice, maybe she's your classmate. Here name is Daraen." nakangiti niya sabi samantalang nagulat naman ako.
Siya pala ang mama ni Dara, eh bat parang magkaiba sila ng ugali. Angel yung nanay niya samantalang yung anak pamangkin ata ni satanas.
"Ahh, Opo kaklase ko siya."
"Mom, what are you doing here?Tsaka bakit niyo kasama yang looser na yan."
Napalingon ako sa likod ng marinig ang boses ni Dara.
"Anak why did you say that? Nagpapahingin lang ako. Say sorry to her." napakalambing nitong sabi sa anak.
Hindi mapaghahalataan na galit ito at pinagsasabihan si Dara dahil sa malumanay nitong boses.
Tumalikod naman si Dara at nagmarcha ng umalis.
"Pasensya kana sa anak ko, she's just a bit brat sometimes." hingi nito ng tawad.
Parang gusto ko pang sumagot na hindi lang po sometimes at bit yung pagiging b***h ng anak niyo, sagad po yan sa buto kong manglait.
Pero hindi ko ginawa, masyadong maamo ng mama ni Dara para magsabi ako ng masama tungkol sa anak nito.
"Maauna na ako, pasensya kana talaga." ngiti lang ang sinagot ko dito dahil mabilis na itong tumalikod pa habulin si Dara.
Bumuntong hininga naman ako at patuloy na dinuyan ang sarili ko. Napatigil nalang ako ng maramdaman na may nagmamasid sakin sa paligid.
Mabilis akong tumayo at naglakad ng mabilis. Delikado ako ngayon, lumiko ako sa isang iskinita para mabilis na makarating sa bahay ni Lolo.
Huling liko nalang sana ng maramdaman ako ang isang malamig na kutsilyo sa may leeg ko.
Mabilis siya.
Hindi ko maaninag ng husto ang mukha niya dahil nakacap ito ng itim at nasa madilim kami na parte.
"Tsk, ano ba yan ikaw ang papalit na boss ng mafia pero mahina ka naman." sabi nito.
Lalaki ito at masyadong malamig ang boses, member kaya siya ng mafia.
Tinatagan ko ang boses ko bago nagsalita. Kinakabahan ako, hindi pa ako magaling makipaglaban kaya siguradong madali lang sa lalaki na despatsahin ako ngayon din.
"Sino ka?Anong kailangan mo sakin?"
"Wala naman, gusto ko lang malaman kong sino ang tagapagmana. Pero mukhang hindi kuna kailangan pangmagmatyag dahil isang pitik lang kahit sino kaya kang patayin." sabi nito sabay layo ng kutsilyo at hindi kuna siya naramdaman.
Panay lingon sa paligid ang ginawa ko pero kahit saan ay hindi ko siya makita.
Para siyang bola na mabilis lang pumutok at humalo na sa hangin.
Mabilis akong pumasok sa gate ng bahay, parang hinahabol ng mga kabayo ang takbo ng dibdib ko sa sobrang kaba.
Hindi maalis sa isip ko na muntik na akong mamatay.
Napatigil lang ako sa harap ng pintuan dahil sa box na nakalapag sa semento. Pinulot ko ito at mabilis na pumasok. Sumilip pa ako sa kurtina para lang tingnan kong nasa paligid pa ang lalaki.
Walang tao.
Napatingin ako sa box na initsa ko sa sofa pagkapasok ko.
Amat-amat akong lapit dito.
Hindi kaya Bomba to? Or patay na hayop.
Natakot na ako sa nangyari kahapon.
Hinawakan ko ito at inalog,masyadong magaan pero walang umaalog sa loob.
Baka walang laman.
Dahan-dahan kong binuksan ang laman nito. Napalitan ng tuwa ang kabang nararamdaman ko. Chocolate ang laman ng box at may sulat sa loob.
Hindi ko alam pero pamilya sakin ang lalagyan ng box, pati ang design ng chocolate.
Sigurado akong galing kay Euon ang box na to. Parang ayaw ko pang sirain ang tape na nakabalot dito pero gusto ko talagang mabasa ang laman ng sulat.
Kaya sa huli, pinunit ko pa din.
Dear 9,
Hindi pala ako nagpakilala nakaraan, congratulations on your relationship. Chocolates that is made by your mother. I'm sorry your DEAD mother.
IM ALWAYS WATCHING. ^_^
H
Bigla kong binitawan ang hawak kong box ng sulat. Lumayo ako dito dahil sa biglang pangangatod ng tuhod at kalamnam ko.
Sino ba siya? Anong kailangan niya sa akin? Bakit alam niyang kami na ni Euon?
Anong gusto niyan mangyari sakin?